Naging abala ang lahat ng tao sa mansyon sa ilalim ng tuntunin ko, na paminsan-minsan lang sininasaluhan ni Ezekiel. Halos sa lahat ng oras ay hinahayaan niya akong magpasiya at gawin ang gusto ko, at masaya pa siya sa ideyang iyon. At syempre, ako yata ang pinakamasaya. “Davina, dahil malaki naman ‘yang katawan mo, ba't ‘di mo buhatin ‘yang lumang sofa palabas ng mansyon? Huwag mong ideretso sa basurahan, dahil hindi naman sira-sira o madumi ‘yan. Baka may isa sa mga trabahante ang gustong kumuha niyan kaya i-display mo lang sa labas at alukin sila.” pagtiyak ko sa aking utos sa kaniya. Gano'n na lang kalukot ang ekspresyon sa mukha niya. “Ma'am Serena, trabaho ‘yan ng mga lalaki nating trabahante, ang magbuhat. Para saan pa't hinire sila ni sir Heskel kung aagawan ko lang din ng trabaho?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Eh gusto ko ikaw ang gumawa, eh. Pang-lalaki naman katawan mo, kaya kayang-kaya mo ‘yan!” Gusto kong matawa sa pagpangit ng ekspresyon niya sa mukha. Subalit ginalin
Huling Na-update : 2024-01-13 Magbasa pa