“Are you so happy with your friends that you're forgetting about me now?” bungad sa akin ni Ezekiel, pagkatungtong ko pa lang sa aming bagong kama.Hindi ko maiwasang matawa na nahiga sa ibabaw niya. “Anong kaartihan ‘yan, Ezekiel?”“What? Kasama mo sila simula umaga hanggang gabi. Your son and I need attention too.”“Hala siya!” napadamdam ako. “Araw-araw at gabi-gabi naman tayong magkasama sa kama. Arte. Oh sige, hubaran na kita.”Akma kong tatanggalin ang pang-itaas niyang pajama nang takpan niya iyon gamit ang dalawa niyang braso, nakalabi akong tinitingnan.“Oh, bakit?”“Katawan ko lang gusto mo sa ‘kin eh, hindi ako. This is off-limits tonight.”Natatawa akong napaawang ng labi. “Ang kapal! Ikaw na nga ‘tong pagsisilbihan ngayong gabi, ikaw pa aayaw.”Inismiran niya ako bago pinikit ang kaniyang mga mata. “Stop disturbing me now. Inaantok na ‘ko.”Abot-abot ang tainga akong pigil na pigil na matawa sa kaniya, habang hindi makapaniwala siyang pinagpanood na magpanggap na humihili
Kinaumagahan ay matitining na mga sigawan na ang mga bumungad sa akin. Kaya naman ang karga-karga kong si Duziell ay agad na napayakap sa leeg ko ng mahigpit.“Anong nangyayari dito?” Umalingawngaw ang galit ngunit mababa kong boses sa paligid na kinatigil nila. “Hindi ba't mahigpit kong pinag-uutos na bawal na bawal ang pag-aaway at pagbubulyawan dito sa loob?”Tinaliman ko ng mga masasamang titig sina Davina, Baby, at Eza. Kaagad namang nagsipaglapit sa gilid ko sina Haleanna at Freya. Lahat sila ay gutay-gutay ang mga buhok at lukot-lukot ang mga hunipormeng suot.“Serena, bakit gan'yan ang mga ugali ng tatlong babaeng ‘yan? Tama ba namang pagchismisan kayong mag-asawa mismo sa loob ng pamamahay ninyo? Kung ano-ano pang pinagsasabi! Pasensya na pero nakakainis kasi, ang sarap paghahambalusin ng mga mukha!” Alam ni Hal na may trauma sa mga malalakas na ingay si Duziell, kaya naman kahit mukha na siyang gigil na gigil na wari'y gustong bumulalas ay hinihinaan at binababaan parin niya
“Heto ah? Literal na nahulog ako sa kama nung bigla akong tinawagan ng bago nating makakasama ngayon sa interview with Mami Vic! Sa tagal-tagal ng panahon na nagpatong-patong na ang mga tampo ko sa kaniya—sa wakas! Sa wakas naisipan niya akong kumustuhan after three years! She is the star of CBN production and a veteran actress famous for her starring roles in many movies and teleseryes! Atin siyang salubungin ng isang masigabong palakpakan at hiyawan—Serena Laurel!!” Suot-suot ang isang kumikinang na puting dress na aabot sa aking tuhod, maayos na pagkakakulot ng aking buhok, at simple ngunit malinis na kolorete sa mukha, may matamis na ngiti akong lumabas mula sa backstage ng studio. Sumalubong sa akin ang malalakas na sigawan at palakpakan na siya naman talagang nakakabingi at masakit sa tainga. Subalit agad ko rin naman iyong kinatuwa. Iyon ang klase ng sigawan at palakpakan na matagal ko ring hindi narinig, aminado akong nakaka-miss ang pakiramdam na lumukob sa aking dibdib. T
“Aaah! Oh my god!” Napatayo siya at binalik ang sarili sa pagiging propesyunal. “Please, escort Mister Ezekiel De Silva on this stage to join us! Oh my god! I never expected this! Sana sinabi mo nang ma-prepare ko ang sarili ko at ang studio para sa maayos na treatment sa isang De Silva, Serena!” Napatawa ako. “It's alright, Mami Vic.” What can I say? Ezekiel De Silva is a respected man who must never disappoint. Even amid the issues, he should be served well. “OH.MY.GOD!!” napatakip ng mga labi si Mami Vic nang lumabas si Ezekiel mula sa backstage. Nakasuot lamang siya ng casual wear, a white polo and black trousers, but his accessories and overall looks are screaming wealthiest. Sa suot niyang relo, kwintas, singsing at sapatos, makikita mo na kaagad ang kinang ng mga ‘yon mula sa malayo. Subalit ang pinaka dahilan ng muling pagtitilian ng mga audience sa loob ng studio ay ang kaniyang perpektong itsura ngayon. Aakalain mong foreign artist and model siya, subalit isa pa lang b
“AAHH!!!” Panibagong vase na naman ang lumipad sa ere at nabasag sa pader, dahilan upang magkalat ang mga bubog nito sa paligid.“Raquel, calm down—”Kaagad na natabingi ang ulo ni Brantley nang malakas na tumama sa kaniyang pisngi ang palad ni Raquel, nang tangkain niya pa itong lapitan at pakalmahin dahil sa kanina pang pagwawala nito.“Shut up!! How am I supposed to calm the fuck down, huh?! Fuck it!! Fuck!! How can they already be made out? How did that happen? Serena isn't the type to forgive and surrender to him! Ezekiel isn't the type to lower his guard!! Why the fuck did this all happen before I could even make a move?!”Halos sabunutan ni Raquel ang sarili nitong buhok sa napakatinding galit at panggigigil na hindi malaman kung kanino o paano nito ibubuntong. Kaya naman nang tangkain ulit ni Brantley na pakalmahin ang babae ay muli siyang nakatanggap ng sampall na sundan pa ng mga hampas.“It's your fault! Kasalanan mong lahat dahil napakabagal mong kumilos! They already foun
“RAQUEL! Raquel, wake up! Gumising ka!”Nalulukot ang mukha na napamulat ng mga mata si Raquel sa malakas na pagyuyugyog ng kaniyang katawan.“What the heck is your problem, Ma?” Iritado siyang napaupo sa kama, takip-takip ng kumot ang kaniyang nakahubong dibdib, habang si Brantley ay mahimbing paring natutulog sa kaniyang tabi.“Dalian mo at magbihis ka! Nandito ngayon sina Ezekiel at Serena!” May halong taranta, takot at pag-aalala pa nitong saad.Tuluyang nagmulat ng husto ang kaninang aantok-antok na mga mata ni Raquel sa narinig. “ANO?! Nandito sila?!”“Oo! Pinapasok ko sila ngayon sa living room! Hinihintay ka na nila, ikaw ang sinadya!”Mabilis siyang pinanlamigan ng katawan. Dumagundong ang matinding kaba sa kaniyang dibdib. Kaagad na nablangko ang isipan niya ngunit mabilis ding nag-uunahan ang iba't-ibang senaryo sa kaniyang isipan.Bakit sila nandito? Mayroon na ba sila alam tungkol sa kaniya? Anong gagawin nilang dalawa sa knaiya?No! This can't end just like this! Matapos
“Is the food to your liking, SERENA?” Pagtatanong sa akin ni Tita Elizabeth.Hindi katulad noong huli ko siyang nakita, ngayon ay maganda ang pakikitungo niya sa akin na para bang walang nangyari noon. Subalit kahit na gano'n ay hindi parin siya isang magaling na artista para maitago ang tunay na nararamdaman sa awkward na ngiting iyon.“Yes, Tita, hindi naman po ako mapili sa pagkain, kaya ayos lang sa akin kahit anong i-serve niyo. Pasensya na rin at wala kaming pasabing pumunta rito ni Ezekiel.”“This is my father's mansion, so we're entitled to visit anytime we want, wife.” Si Ezekiel ang mabilis na nakatugon.“Gano'n ba?” tumaas ang sulok ng labi ko. “We're not being rude right now, at dito rin tayo nakikain?”“No worries. The money being paid for all these foods came from my father, which I inherited already.” Pagsasabi niya ng katotohanang batid naming hindi gugustuhing marinig ni Tita Elizebeth.Napapeke siya lalo ng tawa. “As long as you enjoyed the food, then it's fine. Kum
EZEKIEL was left in a state of panic while still holding the hand of Serena as she was being delivered to the emergency room.“S-Serena, please hold on… wake up, please!” hindi niya namamalayan ang mga maiinit na likidong nagsisipagbagsakan mula sa kaniyang mga mata pababa sa kaniyang pisngi.Pilit niyang kinakausap ang kaniyang asawa, kahit pa wala na itong malay ngayon. Nananatiling nakapikit ang mga mata nito habang nakahiga sa gumugulong na kama. Pulang likido ang patuloy na umaagas sa kabuuan ng mukha nito, ganoon din sa katawan nito.Habang napagmamasdan iyon ay kumakawala ang hikbi mula sa kaniyang lalamunan. Sumisikip nang sumisikip ang kaniyang dibdib at hirap na hirap na siyang makahinga. Ang kaniyang sikmura ay bumabaliktad, labis na nagpapahina sa kaniyang katawan.“Sir, hanggang dito na lang po kayo, kami na ang bahala.” saad ng isang babaeng nurse na pumigil sa kaniya papasok sa loob ng isang silid.Natutuliro siyang kusang napahinto, pinapanood ang pagpasok ni Serena sa
Binabati ko po ang lahat na umabot sa puntong ito! Maraming salamat po sa inyong lahat. Hindi ko po ito maipagpapatuloy at matatapos kung hindi dahil sa inyong mambabasa! Thank you ng marami 🫶🫶🫶 Kung isa po kayo sa naaliw at napasaya ng kwento nila Ezekiel at Serena, sana po ay huwag kayong mag-atubiling magbigay ng rate and comment nang maipabatid po sa akin ang naisin niyong sabihin, hihi. Good or bad reviews man, tatanggapin ko po as I am willing to learn more! ^o^ Hanggang sa muli. Kita po tayo sa susunod na kwento, paalam! Ezekiel and Serena are now signing off...
“Kumusta na si Ezekiel matapos himatayin?” nag-aalala ngunit natatawang tanong ni Serena pagkatapos niyang manganak.“Ayun, nagkaroon ng bukol sa noo.” napapailing pang tugon ni Panying. “Humihingi na ng yelo doon sa nurse. Hahaha!”Napahagalpak siya ng tawa. “Panying, hindi ko alam na hindi niya pala kakayanin sa loob, pero pinilit niyang maging emotional support. Siya pala dapat ang suportahan sa panganganak ko! Hahahaha!”“Sa totoo lang! Kung anong kinatapang pagdating sa ibang tao, siya namang kinahihina sa'yo. Nahimatay ‘yon dahil sa stress at takot nang makita kang nahihirapan sa pag-ire. Wala pang tulog dahil nenenerbyos sa pag-inda mo ng sakit. Kawawa rin naman.”Hindi nawala ang pagtawa ni Serena sa kabila ng pagod at panghihina dahil sa eksena ni Ezekiel. “Kawawa naman ang mahal ko.”“I'm fine!” bulalas ni Ezekiel pagkapasok sa silid ng hospital. Malalaki ang mga hakbang niya na lumapit kay Serena sa kama upang suriin ang lagay niya. “My wife, are you feeling okay?”“Pfft!”
Ang unang babaeng minahal ni Ezekiel ay walang iba kundi ang sarili niyang ina.He treated his mother with respect and honor. Napakabuti ni Eliza bilang isang ina sa kaniya at lahat ng alaala nilang magkasama ay talaga namang masasayang yugto ng pagkabata niya.Ito ang ilaw ng kanilang tahanan, kung kaya't nang mamatay ito ay siyang kinadilim ng kaniyang mundo.He sat there in the corner of his room, full of darkness, with no one to comfort him. No one was there but his own shadow.Nagluluksa siyang mag-isa, nagpapakalunod sa sariling mga luha, walang paglalagyan ang bigat ng kaniyang dibdib.At dahil siya ay lalaki, inaasahan ng kaniyang ama na hindi siya magpapakita ng kahit anong emosyon sa harapan ng mga tao. Doon niya nagsimulang itago at ikimkim ang tunay na mga nararamdaman sa likod ng malamig niyang mukha.Hindi rin nakatulong ang mga insultong naririnig niya patungkol kay Eliza mula sa sariling kamag-anakan, at ang napapabalitang bagong papalit niyang ina na si Elizabeth.He
“Ta-da! Napakaganda!”Tuwang-tuwa ang makeup artist ko na babae nang matapos siya sa pag-aayos sa akin.“This is a work of art! Tingnan mo beh ang sarili sa salamin!”HInid ko mapigilang mapangiti ng matamis. Nang humarap ako sa salaming pader ay ganoon na lang ang paghanga ko sa sarili.Suot-suot ang napakaganda at may tumataginting presyo ng puting wedding gown ay halos hindi ko mamukhaan ang sarili ko. Sa makeup ko, bagaman hindi nabura ang natural kong mukha ay ito namang mas lalong nagpatingkad sa magandang katangian ko.Ang paraan ng pagtibok ng aking puso ngayon ay puno ng kasiyahan. Hindi ko lubos maisip na talagang magpapakasal akong muli kay Ezekiel! At nakalipas lamang ang isang buwan magmula nang mag-propose siya ay heto na kami ngayon, naghahanda para sa araw na ito!Sa katunayan, noong una kaming kinasal ay hindi ganito ang pakiramdam ko. Marahil ay hindi ko pa siya kilala noon ay labis-labis din ang kalungkutan at panlulumo ko. Ilang beses pa ako noong pinipilit ngumiti
Nasa beach kami ni Ezekiel, pinapanood si Duziell na nakikipaglaro kina Halaenna, Freya, Panying at Danilo sa kalayuang dagat, kasama rin ang tatlong guwardiya na lihim lamang nagbabantay.Nagpapahinga kaming dalawa at nag-eenjoy sa mainit na araw. Ang buhangin sa pagitan ng aking mga daliri sa paa at ang malalim na kulay asul ng dagat ay nagbibigay ng kakaibang kasiyahan at kapayapaan sa aking puso.Ang sarap pala mag-bakasyon. Hindi ko na maalala ang huling pagkakataon na naranasan ko ‘to.“Wife, hindi ba meron kang palabas noon about sa Sirena?” may mga ngiting saad ni Ezekiel, tila'y may inaalala. “I remember dito kayo nag-shoot no'n.”“Ha?” natauhan ako. Muli ko tuloy nilibot ang paningin ko sa paligid. “Dito ba ‘yun? Hindi ko maalala, kasi fifteen pa lang ako nung gumanap akong isa sa mga Sirena.” hindi ko maiwasang magulat sa kaniya. “Mahal, ah? Ganiyan ka pala ka-fan sa ‘kin noon para pati ‘to malaman mo?”Tumawa siya ng marahan, may nagniningning na mga matang tumitig sa akin
“Be careful where you step, my wife!” Todo ang pag-alalay sa akin ni Ezekiel pagkababa namin ng saksakyan kagagaling lamang sa hospital.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. “Ezekiel, three weeks pa lang akong buntis. Wala pa ngang umbok ang tiyan ko.”“Still!” hindi parin nakakabawi ang mukha niya mula sa pamumutla. “W-We need to be extra careful, of course.”"Syempre kapag malaki-laki na ang tiyan ko, kailangan talagang doble ingat. Pero sabi naman ng doctor, healthy ako kaya sa simpleng paglalakad lang, hindi malalaglag ang baby natin, okay?” paglilinaw ko pa sa kaniya.Ngunit hindi nabawasan ang nerbyos at pangamba sa mukha niya. “I should buy everything a woman needs during pregnancy!”“Mahal,” pinisil ko ang pisngi niya. “Ikaw lang sa tabi ko ang kailangan ko sa pagbubuntis.”Natigilan siya. "Then I should stop working—”Tumingkayad ako upang hulihin ang labi niya. Siniilan ko siya ng matagal at malalim na halik. Bago muling bumitaw at ngumiti sa kaniya ng matamis.“Kailang
Maraming salamat po sa lahat ng mga nag-aabang sa natitirang mga kabatana sa kwento nila Ezekiel at Serena! Pasensya na dahil ngayon lang ang ako nakasulat matapos akong trangkasuhin >_
Ezekiel leaned back in his chair, his eyes fixed on his father's lawyer, Samson, waiting for his response. The old lawyer, Samson, had been his father's trusted legal advisor for many years. Sila ay nag-uusap tungkol sa huling habilin at testamento ng yumaong ama ni Ezekiel, na naglalaman ng susi sa paghahati ng malaking kayamanan ng pamilya.“As the rightful heir, I expect to inherit the majority of my father's wealth, as stated in the document. However, there is an additional matter I would like to address."The old man adjusted his glasses and nodded attentively. "Of course, Ezekiel. Mangyaring magpatuloy ka."He continued. "According to the will, my stepmother, Elizabeth, who has already passed away, is entitled to a portion of the inheritance. However, given what happened, I believe that those rights should now be transferred to me."Tumango-tango ang abogado, binibigyang-pansin ang kahilingan ni Ezekiel. "Nauunawaan ko ang iyong pananaw, Ezekiel. However, please let me review t
Ezekiel entered the underground basement. Malayo pa lang ay umaalingasaw na ang amoy ng dugo sa lugar na matagal na niyang nakasanayan, kung kaya't wala na iyong epekto sa kaniya.“Open the cell.” pag-uutos niya kay Ramil, at agad naman itong nakakilos.Nang bumukas ang selda ay saka niya tinungo ang papasok. Hindi pa roon mismo makikita ang dalawang taong inadya niya ngayon. Kinailangan pa niyang maglakad ng ilang metro bago sila matunton.Samantalang ang mga tao namang nakakulong sa mga gilid ng selda ay puno ng hinagpis at pagmamakaawa na pakawalan na sila.Those arrogant and brutal criminals are now acting like victims, always begging for his mercy whenever they see him.This is the side of him he never wished Serena would understand. Batid niyang alam na ni Serena ang tungkol sa organisasyong ito. Subalit ninanais niya paring panatilihin itong sekreto at ibaon na lamang sa hukay kasama ng mga tao sa loob.This is a place where you'll only encounter his brutality and mercilessness