Share

KABANATA 70: Life's Threat

EZEKIEL was left in a state of panic while still holding the hand of Serena as she was being delivered to the emergency room.

“S-Serena, please hold on… wake up, please!” hindi niya namamalayan ang mga maiinit na likidong nagsisipagbagsakan mula sa kaniyang mga mata pababa sa kaniyang pisngi.

Pilit niyang kinakausap ang kaniyang asawa, kahit pa wala na itong malay ngayon. Nananatiling nakapikit ang mga mata nito habang nakahiga sa gumugulong na kama. Pulang likido ang patuloy na umaagas sa kabuuan ng mukha nito, ganoon din sa katawan nito.

Habang napagmamasdan iyon ay kumakawala ang hikbi mula sa kaniyang lalamunan. Sumisikip nang sumisikip ang kaniyang dibdib at hirap na hirap na siyang makahinga. Ang kaniyang sikmura ay bumabaliktad, labis na nagpapahina sa kaniyang katawan.

“Sir, hanggang dito na lang po kayo, kami na ang bahala.” saad ng isang babaeng nurse na pumigil sa kaniya papasok sa loob ng isang silid.

Natutuliro siyang kusang napahinto, pinapanood ang pagpasok ni Serena sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
P.P. Jing
Pasensya na po sa mga typos! Ieedit ko po sila once available na
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status