Hinubad ni Raquel lahat ng kaniyang kasuotan, maging ang mga alahas niya sa katawan. Pinakatitigan niya ang sariling ganda sa salamin ng banyo. Pinakapalan niya pa ng pulang lipstick ang mga labi at doon lamang nakuntento sa itsura. Sinuot niya ang puting bathrobe sakas lumabas doon at nagtungo sa king-size bed. She poured the bottle of red wine into the empty glass and drank it to arouse herself before Ezekiel even got into the room. Pinatay niya pa ang puting ilaw para itira lamang na nakabukas ang iilang mga dim lights. Naghalo ang liwanag at dilim sa kwarto at sasapat lamang iyon upang may makita siya kahit papaano. Ang importante ay maliwanag sa bandang kama kung saan siya mamaya ibabaon ni Ezekiel. Ilang minuto pa ang lumipas na hinintay niya sa loob si Ezekiel. At nang tumunog ang pintuan ng hotel bago iyon bumukas ay kaagad siyang nanabik. Sa dilim ay umiilaw ang kintab ng kasuotan ni Ezekiel ganundin ang suot-suot na ang maskara. “Ezekiel!” halos liparin niya ang pagitan
“Let go of me, you bastard!!” buong lakas na tinulak ni Raquel si Danilo.“Bakit? Mukha namang nasasarapan ka, hindi ba?”“Fuck you!!” Sinigawan niya ito at tuluyang nakalaya sa malalakas na bisig ng binata.Laking pasasalamat niya nang hinayaan siya nitong makaalis sa kama. Tumawa pa ito na para bang natutuwa talaga sa ginawa sa kaniya ngayon-ngayon lang kahit ano pang pagpupumiglas niya.“I'm going to sue you! Ipapakulong kita sa ginawa mo sa ‘kin, Danilo!! No, that's not enough! Ipapapatay kita!!” Kinuha niyang muli ang bathrobe upang takpan ang sarili niyang katawan, galit na galit at puno ng takot niya itong sinigawan, bago nagmamadaling lumabas ng hotel room na iyon.Gulong-gulo siyang hinihingal na tumakbo papasok sa kalapit na girl's restroom. Humarap siya sa malaking salamin at nakita kung gaano ka-miserable ang itsura niya ngayon.Nagkalat ang makapal niyang kolorete sa mukha, lalo na ang pula niyang lipstick sa labi na ngayon ay kalat-kalat na rin sa kaniyang pisngi at baba
Noon, pinag-isipan ko ito ng mabuti; kung mapapatawad ko ba si Raquel sa mga kasalanan na ginawa niya sa amin kung hihingi siya ng kapatawaran o hindi? Magagawa ko kaya siyang hayaan na lang, mabulok sa bilangguan at ituring iyong hustisya sa kabila ng lahat ng ginawa niya?Dahil alam ko sa sarili kong malambot ang puso ko, mabilis maimpluwensyahan, mabilis masuyo, at mabilis magbago. Sa tingin ko nga'y, kaya kong mapatawad si Raquel balang araw.Subalit noong harap-harapan kong makabuno ang kamatayan ay natawa na lang ako sa sarili ko. Noong nag-aagaw buhay na ako at nakakakita ng liwanag sa dilim, gusto kong insultuhin ang sarili ko sa isiping, kaya kong mapatawad ang hayop na babaeng ‘yon.Ilang beses niyang pinagtangkaan ang buhay ko. Kung sana nga ay hanggang sa kamatayan ko lang nagtatapos ang lahat ng problema eh, pero hindi! Maiiwan kong mag-isa ang anak at asawa ko. Paano na lang sila kapag nawala ako? Magiging maayos kaya sila? Magiging pamilya parin kaya sila? Ano na lang a
“And they lived happily ever after. The end…” nakahinga ng maluwag si Ezekiel nang sa wakas ay natapos niya ang pagbabasa ng pangatlong fairytale story.Sinilip niya ang mukha ni Duziell, at mas nakahinga pa siya ng maluwag nang sa wakas ay nakatulog na rin ito! Madugong pakikibaka ang patulugin ang anak nila.May nananabik siyang mga ngiti na bumaling kay Serena sa tabi nito. Ngunit unti-unti ring nawala ang ngiti niya nang makitang pati ito ay natutulog na.They plan to make love tonight! Kanina pa niya tinitiis na hindi ito hawakan dahil pareho silang na-busy kay Duziell.It's so unfair that she's peacefully sleeping now.“Serena,” tinawag niya ang asawa at kinalabit pa ito. “Psst, hey.”Nang hindi ito magmulat ng mga mata ay umalis siya sa tabi ni Duziell sa kama at tinawid ang kabilang side ng kama. Nahiga siya sa likuran ni Serena at saka ito patagilid na niyakap.“Wife, don't be like this. Wake up, please.” He slightly kissed her smooth shoulder, going to her neck. “You promise
Kinaumagahan ay sabay kaming nagising ni Ezekiel dahil sa pagtunton sa amin ng makulit na si Duziell. Kahit na pasilip pa lamang ang araw ay napilitan na kaming bumangon at gumayak para bumaba at mag-almusal. Sa hagdanan pa lamang ay naaamoy na namin kaagad ang masarap na pagkaing niluluto ni Freya, kaya mas naging excited si Duziell sa mga bisig ko.“I want waffles! Waffles, waffles, waffles!”“Yes, yes, you'll get waffles.” natatawa ko siyang kinarga nang mahigpit para hindi siya mahulog sa bisig ko.“Let me carry him.” alok sa akin ni Ezekiel.“Hindi na, kaya ko.” Bumigat na si Duziell dahil sa laki ng timbang niya ngayon dahil sa dami ng mga kinakain niya, kasama pa ang mga bitamina at mataas na kalidad ng gatas na binibili ni Ezekiel sa kaniya. Pero kahit papaano ay nabubuhat ko parin siya nang hindi masyado nangangalay.“He might fall. Careful not to—”“SERENA!”Sabay kaming tatlo na natigilan sa nakakabulabog na pag-alingawngaw ng sigaw na iyon sa loob ng sala. Sunod-sunod na
“Ezekiel? Tama lang ba ang naging desisyon ko?” nangangamba ko pang tanong sa aking asawa nang mapag-isa na kami sa kwarto matapos patulugin si Duziell.Pinulupot niya ang kaniyang mga braso sa aking baywang paharap sa katawan niya. “Yes?”Sinandal ko naman ang aking ulo sa kaniyang matigas na dibdib. “Hindi, kasi kahit marami siyang pagkukulang at kasalanan sa akin bilang mama ko, ina ko parin siya, eh. Iniisip ko, paano kaya kung may pagkakamali rin akong nagawa kay Duziell paglaki niya tapos hindi niya ako patawarin? Hindi ba masakit ‘yon?” nabahala ako. “T'saka kahit na may trust issues ako, nakikita ko naman ang sinseridad niya kanina. Nakita mo rin naman na sinubukan niya akong paglingkuran kanina, at ipinakilala niya pa ang sarili niya kay Duziell. ‘di ba?”“Yes,”“Pero kahit na gano’n, syempre ‘di ko muna talaga kaya pang ibigay ang buo kong tiwala sa kaniya. After all, she has an addiction to gambling. Sa tingin ko'y wala na talaga siyang pag-asa kung tangkain niyang manghing
EZEKIEL woke up when he felt Serena wasn’t on her side of the bed.Kinapa-kapa niya pa ang kama at nang makumpirma na wala nga ito, ay doon na siya napamulat ng mga mata saka napabangon.“Serena?” may pagkaantok siyang bumangon para puntahan ang banyo sa loob. Subalit wala roon ang asawa niya.Nang matingnan ang orasan ay nagtaka siya kung saan naman pupunta si Serena samantalang alas tres pa lang ng madaling araw.“Serena?” Kunot ang noo siyang lumabas sa kwarto para puntahan ang katabing kwarto ni Duziell. Paniguradong iniwan siya ni Serena sa kanilang kama para tabihan ang anak. “Sere—”Mabilis na nagising ang kaniyang diwa nang makitang bukas ang pintuan ng kwarto. Dali-dali siya roong pumasok. Ang bumungad sa kaniya ay ang magulong higaan ni Duziell, subalit wala roon ang anak niya kung saan huli pa nilang pinatulog ni Serena.“Where the heck did they go?” Nagmamadali siyang lumabas sa lugar at halos liparin pababa ang sala.Tamihik ang paligid, nakapatay ang mga ilaw, walang baka
“Don't worry, Mrs. Serena, nasa mabuting lagay ang anak niyo. Thankfully, the wound on his neck isn't deep. Kaya nga lang dahil sa laki ng pagkakatapyas sa balat niya ay mag-iiwan iyon ng peklat. I recommend an ointment to quicken the healing process. As for why he is still unconscious, it's because of the sedative he was forced to intake. But it's nothing to worry about; his breathing is perfectly fine, just like he's in a deep sleep.”Unti-unti nang kumakalma ang aking kalooban matapos iyong sabihin ng doctor na lalaki. Nakakahinga ako ng maluwag na bumaling kay Duziell na mahimbing paring natutulog, hindi alintana ang sugat niya ngayon.Ang panlalambot ng aking katawan dulot ng nangyari ay nananatili parin habang nalulumpo ako sa kinauupuan tabi ng kama ni Duziell.“Maraming salamat, Doc.” pasasalamat ko. Hindi rin biro ang gisingin ng madaling araw para gawin ang trabaho niya. Mabuti na lamang at halos tatlo hanggang lima lang ang pagitan ng mansyon sa bahay niya.“Walang anuman.
Binabati ko po ang lahat na umabot sa puntong ito! Maraming salamat po sa inyong lahat. Hindi ko po ito maipagpapatuloy at matatapos kung hindi dahil sa inyong mambabasa! Thank you ng marami 🫶🫶🫶 Kung isa po kayo sa naaliw at napasaya ng kwento nila Ezekiel at Serena, sana po ay huwag kayong mag-atubiling magbigay ng rate and comment nang maipabatid po sa akin ang naisin niyong sabihin, hihi. Good or bad reviews man, tatanggapin ko po as I am willing to learn more! ^o^ Hanggang sa muli. Kita po tayo sa susunod na kwento, paalam! Ezekiel and Serena are now signing off...
“Kumusta na si Ezekiel matapos himatayin?” nag-aalala ngunit natatawang tanong ni Serena pagkatapos niyang manganak.“Ayun, nagkaroon ng bukol sa noo.” napapailing pang tugon ni Panying. “Humihingi na ng yelo doon sa nurse. Hahaha!”Napahagalpak siya ng tawa. “Panying, hindi ko alam na hindi niya pala kakayanin sa loob, pero pinilit niyang maging emotional support. Siya pala dapat ang suportahan sa panganganak ko! Hahahaha!”“Sa totoo lang! Kung anong kinatapang pagdating sa ibang tao, siya namang kinahihina sa'yo. Nahimatay ‘yon dahil sa stress at takot nang makita kang nahihirapan sa pag-ire. Wala pang tulog dahil nenenerbyos sa pag-inda mo ng sakit. Kawawa rin naman.”Hindi nawala ang pagtawa ni Serena sa kabila ng pagod at panghihina dahil sa eksena ni Ezekiel. “Kawawa naman ang mahal ko.”“I'm fine!” bulalas ni Ezekiel pagkapasok sa silid ng hospital. Malalaki ang mga hakbang niya na lumapit kay Serena sa kama upang suriin ang lagay niya. “My wife, are you feeling okay?”“Pfft!”
Ang unang babaeng minahal ni Ezekiel ay walang iba kundi ang sarili niyang ina.He treated his mother with respect and honor. Napakabuti ni Eliza bilang isang ina sa kaniya at lahat ng alaala nilang magkasama ay talaga namang masasayang yugto ng pagkabata niya.Ito ang ilaw ng kanilang tahanan, kung kaya't nang mamatay ito ay siyang kinadilim ng kaniyang mundo.He sat there in the corner of his room, full of darkness, with no one to comfort him. No one was there but his own shadow.Nagluluksa siyang mag-isa, nagpapakalunod sa sariling mga luha, walang paglalagyan ang bigat ng kaniyang dibdib.At dahil siya ay lalaki, inaasahan ng kaniyang ama na hindi siya magpapakita ng kahit anong emosyon sa harapan ng mga tao. Doon niya nagsimulang itago at ikimkim ang tunay na mga nararamdaman sa likod ng malamig niyang mukha.Hindi rin nakatulong ang mga insultong naririnig niya patungkol kay Eliza mula sa sariling kamag-anakan, at ang napapabalitang bagong papalit niyang ina na si Elizabeth.He
“Ta-da! Napakaganda!”Tuwang-tuwa ang makeup artist ko na babae nang matapos siya sa pag-aayos sa akin.“This is a work of art! Tingnan mo beh ang sarili sa salamin!”HInid ko mapigilang mapangiti ng matamis. Nang humarap ako sa salaming pader ay ganoon na lang ang paghanga ko sa sarili.Suot-suot ang napakaganda at may tumataginting presyo ng puting wedding gown ay halos hindi ko mamukhaan ang sarili ko. Sa makeup ko, bagaman hindi nabura ang natural kong mukha ay ito namang mas lalong nagpatingkad sa magandang katangian ko.Ang paraan ng pagtibok ng aking puso ngayon ay puno ng kasiyahan. Hindi ko lubos maisip na talagang magpapakasal akong muli kay Ezekiel! At nakalipas lamang ang isang buwan magmula nang mag-propose siya ay heto na kami ngayon, naghahanda para sa araw na ito!Sa katunayan, noong una kaming kinasal ay hindi ganito ang pakiramdam ko. Marahil ay hindi ko pa siya kilala noon ay labis-labis din ang kalungkutan at panlulumo ko. Ilang beses pa ako noong pinipilit ngumiti
Nasa beach kami ni Ezekiel, pinapanood si Duziell na nakikipaglaro kina Halaenna, Freya, Panying at Danilo sa kalayuang dagat, kasama rin ang tatlong guwardiya na lihim lamang nagbabantay.Nagpapahinga kaming dalawa at nag-eenjoy sa mainit na araw. Ang buhangin sa pagitan ng aking mga daliri sa paa at ang malalim na kulay asul ng dagat ay nagbibigay ng kakaibang kasiyahan at kapayapaan sa aking puso.Ang sarap pala mag-bakasyon. Hindi ko na maalala ang huling pagkakataon na naranasan ko ‘to.“Wife, hindi ba meron kang palabas noon about sa Sirena?” may mga ngiting saad ni Ezekiel, tila'y may inaalala. “I remember dito kayo nag-shoot no'n.”“Ha?” natauhan ako. Muli ko tuloy nilibot ang paningin ko sa paligid. “Dito ba ‘yun? Hindi ko maalala, kasi fifteen pa lang ako nung gumanap akong isa sa mga Sirena.” hindi ko maiwasang magulat sa kaniya. “Mahal, ah? Ganiyan ka pala ka-fan sa ‘kin noon para pati ‘to malaman mo?”Tumawa siya ng marahan, may nagniningning na mga matang tumitig sa akin
“Be careful where you step, my wife!” Todo ang pag-alalay sa akin ni Ezekiel pagkababa namin ng saksakyan kagagaling lamang sa hospital.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. “Ezekiel, three weeks pa lang akong buntis. Wala pa ngang umbok ang tiyan ko.”“Still!” hindi parin nakakabawi ang mukha niya mula sa pamumutla. “W-We need to be extra careful, of course.”"Syempre kapag malaki-laki na ang tiyan ko, kailangan talagang doble ingat. Pero sabi naman ng doctor, healthy ako kaya sa simpleng paglalakad lang, hindi malalaglag ang baby natin, okay?” paglilinaw ko pa sa kaniya.Ngunit hindi nabawasan ang nerbyos at pangamba sa mukha niya. “I should buy everything a woman needs during pregnancy!”“Mahal,” pinisil ko ang pisngi niya. “Ikaw lang sa tabi ko ang kailangan ko sa pagbubuntis.”Natigilan siya. "Then I should stop working—”Tumingkayad ako upang hulihin ang labi niya. Siniilan ko siya ng matagal at malalim na halik. Bago muling bumitaw at ngumiti sa kaniya ng matamis.“Kailang
Maraming salamat po sa lahat ng mga nag-aabang sa natitirang mga kabatana sa kwento nila Ezekiel at Serena! Pasensya na dahil ngayon lang ang ako nakasulat matapos akong trangkasuhin >_
Ezekiel leaned back in his chair, his eyes fixed on his father's lawyer, Samson, waiting for his response. The old lawyer, Samson, had been his father's trusted legal advisor for many years. Sila ay nag-uusap tungkol sa huling habilin at testamento ng yumaong ama ni Ezekiel, na naglalaman ng susi sa paghahati ng malaking kayamanan ng pamilya.“As the rightful heir, I expect to inherit the majority of my father's wealth, as stated in the document. However, there is an additional matter I would like to address."The old man adjusted his glasses and nodded attentively. "Of course, Ezekiel. Mangyaring magpatuloy ka."He continued. "According to the will, my stepmother, Elizabeth, who has already passed away, is entitled to a portion of the inheritance. However, given what happened, I believe that those rights should now be transferred to me."Tumango-tango ang abogado, binibigyang-pansin ang kahilingan ni Ezekiel. "Nauunawaan ko ang iyong pananaw, Ezekiel. However, please let me review t
Ezekiel entered the underground basement. Malayo pa lang ay umaalingasaw na ang amoy ng dugo sa lugar na matagal na niyang nakasanayan, kung kaya't wala na iyong epekto sa kaniya.“Open the cell.” pag-uutos niya kay Ramil, at agad naman itong nakakilos.Nang bumukas ang selda ay saka niya tinungo ang papasok. Hindi pa roon mismo makikita ang dalawang taong inadya niya ngayon. Kinailangan pa niyang maglakad ng ilang metro bago sila matunton.Samantalang ang mga tao namang nakakulong sa mga gilid ng selda ay puno ng hinagpis at pagmamakaawa na pakawalan na sila.Those arrogant and brutal criminals are now acting like victims, always begging for his mercy whenever they see him.This is the side of him he never wished Serena would understand. Batid niyang alam na ni Serena ang tungkol sa organisasyong ito. Subalit ninanais niya paring panatilihin itong sekreto at ibaon na lamang sa hukay kasama ng mga tao sa loob.This is a place where you'll only encounter his brutality and mercilessness