Kinaumagahan ay sabay kaming nagising ni Ezekiel dahil sa pagtunton sa amin ng makulit na si Duziell. Kahit na pasilip pa lamang ang araw ay napilitan na kaming bumangon at gumayak para bumaba at mag-almusal. Sa hagdanan pa lamang ay naaamoy na namin kaagad ang masarap na pagkaing niluluto ni Freya, kaya mas naging excited si Duziell sa mga bisig ko.“I want waffles! Waffles, waffles, waffles!”“Yes, yes, you'll get waffles.” natatawa ko siyang kinarga nang mahigpit para hindi siya mahulog sa bisig ko.“Let me carry him.” alok sa akin ni Ezekiel.“Hindi na, kaya ko.” Bumigat na si Duziell dahil sa laki ng timbang niya ngayon dahil sa dami ng mga kinakain niya, kasama pa ang mga bitamina at mataas na kalidad ng gatas na binibili ni Ezekiel sa kaniya. Pero kahit papaano ay nabubuhat ko parin siya nang hindi masyado nangangalay.“He might fall. Careful not to—”“SERENA!”Sabay kaming tatlo na natigilan sa nakakabulabog na pag-alingawngaw ng sigaw na iyon sa loob ng sala. Sunod-sunod na
“Ezekiel? Tama lang ba ang naging desisyon ko?” nangangamba ko pang tanong sa aking asawa nang mapag-isa na kami sa kwarto matapos patulugin si Duziell.Pinulupot niya ang kaniyang mga braso sa aking baywang paharap sa katawan niya. “Yes?”Sinandal ko naman ang aking ulo sa kaniyang matigas na dibdib. “Hindi, kasi kahit marami siyang pagkukulang at kasalanan sa akin bilang mama ko, ina ko parin siya, eh. Iniisip ko, paano kaya kung may pagkakamali rin akong nagawa kay Duziell paglaki niya tapos hindi niya ako patawarin? Hindi ba masakit ‘yon?” nabahala ako. “T'saka kahit na may trust issues ako, nakikita ko naman ang sinseridad niya kanina. Nakita mo rin naman na sinubukan niya akong paglingkuran kanina, at ipinakilala niya pa ang sarili niya kay Duziell. ‘di ba?”“Yes,”“Pero kahit na gano’n, syempre ‘di ko muna talaga kaya pang ibigay ang buo kong tiwala sa kaniya. After all, she has an addiction to gambling. Sa tingin ko'y wala na talaga siyang pag-asa kung tangkain niyang manghing
EZEKIEL woke up when he felt Serena wasn’t on her side of the bed.Kinapa-kapa niya pa ang kama at nang makumpirma na wala nga ito, ay doon na siya napamulat ng mga mata saka napabangon.“Serena?” may pagkaantok siyang bumangon para puntahan ang banyo sa loob. Subalit wala roon ang asawa niya.Nang matingnan ang orasan ay nagtaka siya kung saan naman pupunta si Serena samantalang alas tres pa lang ng madaling araw.“Serena?” Kunot ang noo siyang lumabas sa kwarto para puntahan ang katabing kwarto ni Duziell. Paniguradong iniwan siya ni Serena sa kanilang kama para tabihan ang anak. “Sere—”Mabilis na nagising ang kaniyang diwa nang makitang bukas ang pintuan ng kwarto. Dali-dali siya roong pumasok. Ang bumungad sa kaniya ay ang magulong higaan ni Duziell, subalit wala roon ang anak niya kung saan huli pa nilang pinatulog ni Serena.“Where the heck did they go?” Nagmamadali siyang lumabas sa lugar at halos liparin pababa ang sala.Tamihik ang paligid, nakapatay ang mga ilaw, walang baka
“Don't worry, Mrs. Serena, nasa mabuting lagay ang anak niyo. Thankfully, the wound on his neck isn't deep. Kaya nga lang dahil sa laki ng pagkakatapyas sa balat niya ay mag-iiwan iyon ng peklat. I recommend an ointment to quicken the healing process. As for why he is still unconscious, it's because of the sedative he was forced to intake. But it's nothing to worry about; his breathing is perfectly fine, just like he's in a deep sleep.”Unti-unti nang kumakalma ang aking kalooban matapos iyong sabihin ng doctor na lalaki. Nakakahinga ako ng maluwag na bumaling kay Duziell na mahimbing paring natutulog, hindi alintana ang sugat niya ngayon.Ang panlalambot ng aking katawan dulot ng nangyari ay nananatili parin habang nalulumpo ako sa kinauupuan tabi ng kama ni Duziell.“Maraming salamat, Doc.” pasasalamat ko. Hindi rin biro ang gisingin ng madaling araw para gawin ang trabaho niya. Mabuti na lamang at halos tatlo hanggang lima lang ang pagitan ng mansyon sa bahay niya.“Walang anuman.
Ezekiel entered the underground basement. Malayo pa lang ay umaalingasaw na ang amoy ng dugo sa lugar na matagal na niyang nakasanayan, kung kaya't wala na iyong epekto sa kaniya.“Open the cell.” pag-uutos niya kay Ramil, at agad naman itong nakakilos.Nang bumukas ang selda ay saka niya tinungo ang papasok. Hindi pa roon mismo makikita ang dalawang taong inadya niya ngayon. Kinailangan pa niyang maglakad ng ilang metro bago sila matunton.Samantalang ang mga tao namang nakakulong sa mga gilid ng selda ay puno ng hinagpis at pagmamakaawa na pakawalan na sila.Those arrogant and brutal criminals are now acting like victims, always begging for his mercy whenever they see him.This is the side of him he never wished Serena would understand. Batid niyang alam na ni Serena ang tungkol sa organisasyong ito. Subalit ninanais niya paring panatilihin itong sekreto at ibaon na lamang sa hukay kasama ng mga tao sa loob.This is a place where you'll only encounter his brutality and mercilessness
Ezekiel leaned back in his chair, his eyes fixed on his father's lawyer, Samson, waiting for his response. The old lawyer, Samson, had been his father's trusted legal advisor for many years. Sila ay nag-uusap tungkol sa huling habilin at testamento ng yumaong ama ni Ezekiel, na naglalaman ng susi sa paghahati ng malaking kayamanan ng pamilya.“As the rightful heir, I expect to inherit the majority of my father's wealth, as stated in the document. However, there is an additional matter I would like to address."The old man adjusted his glasses and nodded attentively. "Of course, Ezekiel. Mangyaring magpatuloy ka."He continued. "According to the will, my stepmother, Elizabeth, who has already passed away, is entitled to a portion of the inheritance. However, given what happened, I believe that those rights should now be transferred to me."Tumango-tango ang abogado, binibigyang-pansin ang kahilingan ni Ezekiel. "Nauunawaan ko ang iyong pananaw, Ezekiel. However, please let me review t
Maraming salamat po sa lahat ng mga nag-aabang sa natitirang mga kabatana sa kwento nila Ezekiel at Serena! Pasensya na dahil ngayon lang ang ako nakasulat matapos akong trangkasuhin >_
“Be careful where you step, my wife!” Todo ang pag-alalay sa akin ni Ezekiel pagkababa namin ng saksakyan kagagaling lamang sa hospital.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. “Ezekiel, three weeks pa lang akong buntis. Wala pa ngang umbok ang tiyan ko.”“Still!” hindi parin nakakabawi ang mukha niya mula sa pamumutla. “W-We need to be extra careful, of course.”"Syempre kapag malaki-laki na ang tiyan ko, kailangan talagang doble ingat. Pero sabi naman ng doctor, healthy ako kaya sa simpleng paglalakad lang, hindi malalaglag ang baby natin, okay?” paglilinaw ko pa sa kaniya.Ngunit hindi nabawasan ang nerbyos at pangamba sa mukha niya. “I should buy everything a woman needs during pregnancy!”“Mahal,” pinisil ko ang pisngi niya. “Ikaw lang sa tabi ko ang kailangan ko sa pagbubuntis.”Natigilan siya. "Then I should stop working—”Tumingkayad ako upang hulihin ang labi niya. Siniilan ko siya ng matagal at malalim na halik. Bago muling bumitaw at ngumiti sa kaniya ng matamis.“Kailang