Napagmamasdan ngayon ni Brantley ang pagpatak ng kaniyang dugo sa maruming semento. Ganoon na lamang ang panginginig ng buo niyang katawan na nagpapaingay sa mga kadenang nakagapos sa kaniya. Ang mga binti niya’y kanina pa sumuko dahil sa mga armas na ipinaghahampas dito. Dahil nakagapos sa ere ang kaniyang mga braso ay hindi niya magawang bumagsak sa semento.The room was dark, with only one light hanging from the ceiling. Nakapalibot sa kaniya ay mga estrangherong lalaking puno ng armas. Sa harapan niya naman ay nakatayo ang kanilang itinuturing na pinuno."Let's do it all over again, Brantley. Because it seems like it doesn't hurt you at all. What a man of steel.” sarkastiko pang anas ni Ezekiel na siyang may pakana ngayon ng sinasapit niya.Sa hindi mabilang na pagkatataon ay malupit na humampas sa likod niya ang latigo ni Ezekiel. Kaagad na dumaloy ang kakaibang sakit sa buo niyang katawan! Napaliyad siya at dilat ang mga matang napatingala sa nag-iisang ilaw sa kisame!"Aaah!!!"
“Kuya!” Magandang ngiti ni Raquel ang bumungad kay Ezekiel pagkapasok niya pa lang ng mansyon.“What—” Napahinto siya sa paglalakad nang salubungin siya nito ng yakap na akala mo'y mayroong namamagitan sa kanila. Pumulupot agad ang mga braso nito sa kaniya na parang ahas.“Where have you been these days? Umasa ako na sasamahan mo ‘ko pero lagi ka naman palang umaalis!” umakto itong nagtatampo.Oh, please.Hinawi niya ang braso nito at pinalaya ang sarili. Mabilis siyang naglakad papasok sa loob dahilan upang magkandarapa itong humabol sa kaniya.“Are you mad at me? Bakit ‘di ka na namamansin?”“I'm not. I’m just tired of work.” pagbalelwala niya rito.“Then, you need rest na! But the thing is…”Napahinto siya sa paglalakad at ganoon din si Raquel. Nakita niya ang isang pamilyar na imahe na matagal na panahon niya ring hindi nakita at hindi hinahayaang makapasok dito sa loob ng teritoryo niya.“Sir De Silva!” may paggalang itong tumawag sa pangalan niya subalit agad-agad ding hinarang
Mabilis na nagdaan ang mga araw at linggo, at kasalukuyan nang ginaganap ang business party ng kanilang kumpanya.Ezekiel stood at the entrance of the grand ballroom. Ang kaniyang mga mata hanggang ilong ay nakatago sa isang makintab na kulay ng white diamond na masquerade mask. Kaagaw-agaw pansin ang pormal na puting suit na suot niya ngayon na may kinang pa dahil sa disenyo ng mga maliliit na diamond.Ang mga inimbitahang importanteng tao ay gano'n na lang din kagara at elegante ang mga kasuotan na nagniningning sa gabi sa loob ng magarbong hotel building.Dahil ang mukha ng bawat isa sa loob ng party ay nakatago sa loob ng maskara, kinakailangan niyang bulgar na ipakita ang yaman niya at kung sino siya sa pananamit pa lamang. Kaya naman tuwing binabati niya ang mga nagsisipagdatingang tao ay gano'n na lang kaganda ang trato sa kaniya at pagbibigay ng respeto.Sa loob ng lugar ay nakakasilaw na mga ilaw ang nakapalibot na sinasabayan pa mga eleganteng disenyo. Maririnig din ang pagt
Hinubad ni Raquel lahat ng kaniyang kasuotan, maging ang mga alahas niya sa katawan. Pinakatitigan niya ang sariling ganda sa salamin ng banyo. Pinakapalan niya pa ng pulang lipstick ang mga labi at doon lamang nakuntento sa itsura. Sinuot niya ang puting bathrobe sakas lumabas doon at nagtungo sa king-size bed. She poured the bottle of red wine into the empty glass and drank it to arouse herself before Ezekiel even got into the room. Pinatay niya pa ang puting ilaw para itira lamang na nakabukas ang iilang mga dim lights. Naghalo ang liwanag at dilim sa kwarto at sasapat lamang iyon upang may makita siya kahit papaano. Ang importante ay maliwanag sa bandang kama kung saan siya mamaya ibabaon ni Ezekiel. Ilang minuto pa ang lumipas na hinintay niya sa loob si Ezekiel. At nang tumunog ang pintuan ng hotel bago iyon bumukas ay kaagad siyang nanabik. Sa dilim ay umiilaw ang kintab ng kasuotan ni Ezekiel ganundin ang suot-suot na ang maskara. “Ezekiel!” halos liparin niya ang pagitan
“Let go of me, you bastard!!” buong lakas na tinulak ni Raquel si Danilo.“Bakit? Mukha namang nasasarapan ka, hindi ba?”“Fuck you!!” Sinigawan niya ito at tuluyang nakalaya sa malalakas na bisig ng binata.Laking pasasalamat niya nang hinayaan siya nitong makaalis sa kama. Tumawa pa ito na para bang natutuwa talaga sa ginawa sa kaniya ngayon-ngayon lang kahit ano pang pagpupumiglas niya.“I'm going to sue you! Ipapakulong kita sa ginawa mo sa ‘kin, Danilo!! No, that's not enough! Ipapapatay kita!!” Kinuha niyang muli ang bathrobe upang takpan ang sarili niyang katawan, galit na galit at puno ng takot niya itong sinigawan, bago nagmamadaling lumabas ng hotel room na iyon.Gulong-gulo siyang hinihingal na tumakbo papasok sa kalapit na girl's restroom. Humarap siya sa malaking salamin at nakita kung gaano ka-miserable ang itsura niya ngayon.Nagkalat ang makapal niyang kolorete sa mukha, lalo na ang pula niyang lipstick sa labi na ngayon ay kalat-kalat na rin sa kaniyang pisngi at baba
Noon, pinag-isipan ko ito ng mabuti; kung mapapatawad ko ba si Raquel sa mga kasalanan na ginawa niya sa amin kung hihingi siya ng kapatawaran o hindi? Magagawa ko kaya siyang hayaan na lang, mabulok sa bilangguan at ituring iyong hustisya sa kabila ng lahat ng ginawa niya?Dahil alam ko sa sarili kong malambot ang puso ko, mabilis maimpluwensyahan, mabilis masuyo, at mabilis magbago. Sa tingin ko nga'y, kaya kong mapatawad si Raquel balang araw.Subalit noong harap-harapan kong makabuno ang kamatayan ay natawa na lang ako sa sarili ko. Noong nag-aagaw buhay na ako at nakakakita ng liwanag sa dilim, gusto kong insultuhin ang sarili ko sa isiping, kaya kong mapatawad ang hayop na babaeng ‘yon.Ilang beses niyang pinagtangkaan ang buhay ko. Kung sana nga ay hanggang sa kamatayan ko lang nagtatapos ang lahat ng problema eh, pero hindi! Maiiwan kong mag-isa ang anak at asawa ko. Paano na lang sila kapag nawala ako? Magiging maayos kaya sila? Magiging pamilya parin kaya sila? Ano na lang a
“And they lived happily ever after. The end…” nakahinga ng maluwag si Ezekiel nang sa wakas ay natapos niya ang pagbabasa ng pangatlong fairytale story.Sinilip niya ang mukha ni Duziell, at mas nakahinga pa siya ng maluwag nang sa wakas ay nakatulog na rin ito! Madugong pakikibaka ang patulugin ang anak nila.May nananabik siyang mga ngiti na bumaling kay Serena sa tabi nito. Ngunit unti-unti ring nawala ang ngiti niya nang makitang pati ito ay natutulog na.They plan to make love tonight! Kanina pa niya tinitiis na hindi ito hawakan dahil pareho silang na-busy kay Duziell.It's so unfair that she's peacefully sleeping now.“Serena,” tinawag niya ang asawa at kinalabit pa ito. “Psst, hey.”Nang hindi ito magmulat ng mga mata ay umalis siya sa tabi ni Duziell sa kama at tinawid ang kabilang side ng kama. Nahiga siya sa likuran ni Serena at saka ito patagilid na niyakap.“Wife, don't be like this. Wake up, please.” He slightly kissed her smooth shoulder, going to her neck. “You promise
Kinaumagahan ay sabay kaming nagising ni Ezekiel dahil sa pagtunton sa amin ng makulit na si Duziell. Kahit na pasilip pa lamang ang araw ay napilitan na kaming bumangon at gumayak para bumaba at mag-almusal. Sa hagdanan pa lamang ay naaamoy na namin kaagad ang masarap na pagkaing niluluto ni Freya, kaya mas naging excited si Duziell sa mga bisig ko.“I want waffles! Waffles, waffles, waffles!”“Yes, yes, you'll get waffles.” natatawa ko siyang kinarga nang mahigpit para hindi siya mahulog sa bisig ko.“Let me carry him.” alok sa akin ni Ezekiel.“Hindi na, kaya ko.” Bumigat na si Duziell dahil sa laki ng timbang niya ngayon dahil sa dami ng mga kinakain niya, kasama pa ang mga bitamina at mataas na kalidad ng gatas na binibili ni Ezekiel sa kaniya. Pero kahit papaano ay nabubuhat ko parin siya nang hindi masyado nangangalay.“He might fall. Careful not to—”“SERENA!”Sabay kaming tatlo na natigilan sa nakakabulabog na pag-alingawngaw ng sigaw na iyon sa loob ng sala. Sunod-sunod na