"Kung gano'n maraming salamat, Lady Dominica, Lord Javier, we're leaving now. May importante pa kaming pupuntahan. Mr. Timothy Cruise would be delighted to learn about your good deed. Hintayin niyo nalang po ang perang darating sa account niyo." magiliw na sambit ni Bernard. Sa likod niyon ay ang pagtataka kung bakit naisipan ni Luke tulungan ang pamilya Alanis. "You're welcome, Mr. Bautista. Masaya po kaming nakatulong kami sa inyo lalo na kay Mr. Timothy." sambit ni Dominica, ang mukha nito ay punong-puno ng pagkasabik. Bago umalis ay palihim na ibinalik ni Bernard ang SVIP card kay Luke. Binigyan pa ni Bernard si Luke ng makahulugang tingin, ipinapahiwatig na kailangan nilang mag-usap. Marahan lang na tinanguan ito ni Luke bago balingan ng tingin si Pauline, na hanggang ngayon ay titig na titig pa rin sa kanya. Pasimple niya lang din itong nginitian. 'Ano kayang problema? Kumilos na naman ba ang organisasyong tinutukoy ni lolo?' hinuha niya. Base sa ekspresyon ng mukha ni Bernar
Magbasa pa