All Chapters of A Trillionaire In Disguise: Chapter 91 - Chapter 100

147 Chapters

Chapter 91 - Meeting Grandpa

Lumapag ang helicopter na sinasakyan nina Luke sa helipad ng katabing gusali ng mismong palasyo. Napagdesisyunan niyang isama sina Leon at Malcov."Anong lugar 'to?" tanong ni Luke kay Sigmund."We called this place as Green Palace, Young Master." magalang na sagot ni Sigmund.Napatango-tango si Luke. Resonable naman kumbaga kung bakit nila tinawag ang lugar na ito na green palace. Hindi iyon dahil sa kulay berde ang mismong gusali na kung tawagin nila ay palasyo, kung hindi ay dahil sa napakaberdeng kapaligiran. Nagtataasang pine trees at patag na napakalawak na damuhan na kung tawagin ay zoysia ang halos sumasakop sa kabuuan ng lugar.Hindi maiwasan ni Malcov na mapawaang ang bibig. Minsan na nitong narinig ang tungkol sa lugar na ito pero hindi niya akalaing ganito pala dito kaganda kumpara sa sabi-sabing isa itong liblib lugar.Si Leon naman ay hindi na bago sa lugar. Kumpara sa kanila, nakailang balik na ito rito."Ito pala ang ikinwento sa'kin ni lolo noong maliit pa ako. Kung t
Read more

Chapter 92 - Luke's Conclusions

"Sa ngayon ay pinaiimbestigahan ko pa kung ano ang tunay na pagkakakilanlan at kung anong pakay ng organisasyong iyon sa ating pamilya. Ito ang unang pagkakataon na merong makapangyarihang pamilya ang kumalaban sa pamilya Cruise." seryosong sambit ni Duncan na sinudan ng malalim na pagbuntong hininga. Kasalukuyan silang nasa conference meeting room ng palasyo. Malawak ang kabuuan ng kwartong iyon at aapat lang silang naroon. Mula sa kanilang kinauupuan ay kitang-kita ang ganda ng tanawin sa labas sa pamamagitan ng mga salaming bintana. Gayunpaman, hindi nila nai-enjoy ang tanawing iyon dahil lahat sila ay seryosong nakatingin lang kay Duncan. Lalo na si Luke. "Isa rin po ba iyon sa rason kung bakit niyo ako pinatawag ngayon? Upang pag-usapan ang bagay na 'yan?" tanong nito. Marahang tumango si Duncan. "By the time you went to ENDX Corp, sa tingin ko ay mayroon silang tauhan na nakamasid sa'yo. Hindi nila maisasagawa agad ang malinis nilang planong pagdukot sa'yo sa restaurant ni Da
Read more

Chapter 93 - Spending Time With Grandpa

Katulad ni Leon ay makikita rin ang matinding pagtataka sa mukha ni Duncan. "That's really odd. Nakakapagtaka lang kung paano nagawa ng babaeng iyon na atakihin ang kanyang mga kalaban kung napakadilim ng buong restaurant. May sa pusa siguro ang babaeng iyon." sambit nito na sinundan ng mahinang pagtawa.Nagkatinginan si Malcov at Leon. May punto ang birong iyon ni Javier. Paano nagawa ng babaeng iyon na makita ang mga kalaban niya?"Perhaps she's from a very wealthy family, and probably an ally dahil sa iniligtas ka niya." muling sambit ni Duncan habang nakangiting nakatingin kay Luke."Ano naman po ang dahilan niyo 'lo kung bakit nasabi niyong nagmula siya sa napakayamang pamilya?" takang usisa ni Luke. Pero totoo naman talagang isang mayaman si Natalia."That's because of the mask she's wearing. Hindi lang basta sa ayaw ng babaeng iyon na ibunyag ang kanyang pagkakakilanlan kung bakit suot-suot niya ang maskarang iyon. Sa tingin ko ay marahil meron din itong night vision lenses upa
Read more

Chapter 94 - There Is A New Transferee

Kinusot muna ni Luke ang kanyang mata bago pagmasdan ang lalaki. Halos kasingtangkad niya lang ito at halos kasingkatawan. Sa unang tingin palang ay masasabi na ni Luke na nagmula ito sa mayamang pamilya dahil sa mga mamahalin nitong kasuotan. Aminado rin si Luke sa sarili na bagay rito ang istilo ng buhok nitong korean perm. Hindi nga lang tugma sa panlabas na katauhan nito ang nakikita ni Luke na pag-uugali nito. Bahagyang yumuko si Luke upang humingi ng paumanhin. Mas mainam na ang maging mapagkumbaba kaysa patulan niya ito. Isa pa ay inaantok pa talaga siya. Napatakip sa ilong ang lalaki. "Jeez! You reek of alcohol, dude!" Pagkasabi nito ay agad ding umalis ang lalaki. Sinundan pa ito ng tingin ni Luke pagkatapos ay napakunot ang kanyang noo. "Anong ginagawa n'on dito sa dormitoryo namin?" bulong na tanong ni Luke sa kanyang sarili nang mapagtantong galing iyon sa gusali ng kanilang dormitoryo. Hindi iyon ang tipong may bibisitahing kaibigan o ang tipong manunuluyan sa kanilang
Read more

Chapter 95 - Good News Seems Bad

Talaga nga namang nakuha pa nitong gayahin kung paano ang pagkakabigkas niya ng sinabi niyang iyon.Hindi agad siya nakasagot na seryosong pinagmasdan lang si Alona habang maya't-maya ang pagnguya."You're the one who's responsible for canceling Kina and Lance's wedding engagement, aren't you?" muling tanong nito sa kanya habang nakataas ang isang kilay.Napasimagot si Luke. Ano naman ngayon kung pinakansela niya ang kasal nina Kina? Kahit man na sabihin niya rito ang totoong rason ay mas paniniwalaan pa rin nito ang dahilan na may gusto siya kay Kina kaya niya iyon ginawa."Talaga? Kinansela ang kanilang kasal? Kailan pa? At bakit daw?" Pakunwaring nagulat si Luke sa ibinalita ni Alona. "Wala akong kinalaman doon. Wala sa ugali ko ang sumira ng relasyon ng iba." sambit pa nito pagkatapos ay muling sumubo.Mariing pinagmasdan lang ni Alona ang mukha ni Luke at inaalam kung nagsisinungaling lang ba ito. Pero dahil sa napakakaswal ng itsura ni Luke habang kumakain ay ipinagkibit balikat
Read more

Chapter 96 - Another Bullies

Parehas na nagtungo si Luke at Alona sa kani-kanilang mga klase. Dahil sa Business Management ang kurso ni Luke sa La Berania ay natural na iyon din ang ipinagpatuloy niyang kurso rito sa La Fernandia. Pero sa totoo lang ay hindi naman iyon talaga kailangan pang aralin ni Luke.Samantalang sa Bachelor of Design na kwarto naman si Alona kung nasaan ngayon si Kina. Isa rin sa rason kung bakit hindi na pinursige pa ni Luke na manipulahin ni Javier ang kurso niya makasama lang si Kina sa iisang classroom ay dahil nga sa kurso nitong patungkol sa pasyon. Kung saan ay wala namang kahilig-hilig si Luke.Isa pa ay magkatabi lang naman ang gusali ng kanilang pinapasukan kaya kung may mangyari man ay mabilis lang siyang makakaresponde sa kanila.Pagkapasok ni Luke sa kanyang classroom ay sa kanya agad nabaling ang atensyon ng ibang estudyante."Is he the new guy Professor Alvarez talking about?" tanong ng isang babaeng estudyante."Baka nga. He's kinda hot, but look at his clothes. Cheap as fuc
Read more

Chapter 97 - The Cruel Young Master

"Simula sa araw na ito, kami na ang magiging boss mo. Anumang iuutos namin sa'yo ay susundin mo. Maliwanag ba?" sambit ni Andrie kay Luke.Marahan lang na tinugon niya iyon ng pagtango."Maswerte ka na dahil sa ikaw ang napili naming tagapagsilbi namin. Naglipana ang bullies sa paaralang ito. Kami ang magiging proteksyon mo sakaling subukan ka nilang apihin." sambit naman ni Isaac. Iminimuwestra nito ang malalaki niyang bisig upang intimidahin si Luke. "Kapalit n'on ay katulad ng sinabi ni Andrie. Susundin mo lahat ng ipapagawa namin sa'yo."Palihim lang na napailing-iling si Jonas dahil sa sinabi ni Isaac. Para sa kanya, mukha lang tupa si Isaac na nakikipag-usap sa lobong nagbalat-kayong kauri nito. Kung tutuusin ay kayang-kaya ni Luke protektahan ang sarili nito kahit magtulong-tulong pa lahat ng mga bullies sa paaralang ito.Ilang saglit na pinagmasdan ni Luke si Isaac. Hindi na masama ang kundisyon nito kahit na hindi niya masyado maunawaan kung bakit nila ginagawa ang bagay na i
Read more

Chapter 98 - First Day, First Fight

Pagkatapos tulungan ni Luke makabangon si Jerold ay walang emosyong hinarap niya si Darwin habang nakakuyom ang kanyang kamao. Gustong-gusto niyang ipaghiganti si Jerold dahil sa ginawa nito."What are you staring at? Gusto mo rin bang makatikim ng tadyak?" singhal ni Darwin sa kanya. Saglit itong nahinto nang makilala ang mukha ni Luke. "You're that guy who bumped into me this morning! Mukha atang pinagtatagpo talaga tayo ng landas upang maturuan kita ng leksyon."Hindi umimik si Luke sa halip ay naglakad ito papalapit sa kinauupuan ni Darwin.'Baka ibig mong sabihin ay pinagtagpo talaga tayo ng landas upang ikaw ang maturuan ko ng leksyon?' sambit ni Luke sa kanyang isip.Napakaunot ang noo ng bawat estudyanteng naroon dahil tila sa galit na awra ni Luke. Sa kabila nito ay hindi naman sila nababahala para kay Darwin."Look at him. Mukha atang gusto niyang hamunin si Mr. Quinton." nakatawang sambit ng isa habang pinagmamasdan si Luke."As if naman ay kaya niyang kalabanin si Mr. Quin
Read more

Chapter 99 - Previous Servant

"That's not what I am trying to say, Mr. Quinton. Pero kung maulit pa ito sa hinaharap ay hindi ako magdadalawang isip na parusahan ka o ipatawag ang mga magulang mo." seryosong sambit ni Novelito.Gumuhit sa labi ni Darwin ang pag-ismid. "Tss. Iyon ay kung kaya mong gawin ang bagay na 'yon." sambit nito pagkatapos ay humalikipkip.Binigyan lang ito ni Novelito ng malamig na ngiti bago ibinaling kina Luke at Jerold ang tingin. "Mr. Cruise, pakisamahan mo na muna siya sa Clinic." pakiusap na utos nito kay Luke.Tinanguan lang ito ni Luke pagkatapos ay inakay si Jerold palabas ng classroom. Nakarinig pa siya ng mga pang-iinsulto ng ilang estudyante sa kanilang dalawa ni Jerold pero hindi niya pinansin ang mga iyon sa halip ay tinanaw niya si Novelito sa pamamagitan ng bintana na masinsinang kinakausap si Darwin.'Magiging ayos lang kaya ang propesor na iyon?' nag-aalalang tanong ni Luke sa kanyang isip. Base sa personalidad ni Darwin ay malabong makinig ito roon. Bukod pa rito ay baka n
Read more

Chapter 100 - At The Clinic

"Z-Zeo?"Maaaring ibang tao man ang tinutukoy ni Jerold pero bukod sa pangalan, ay ang Zeo lang na kilala niya ang may ganoong personalidad. Sigurado siyang ang Zeo na tinutukoy ni Jerold at ang Zeo na miyembro ng BPG ay iisa.Nanggaling pala iyon dito?"Siguro kung hindi lang siya nagpigil nang mga oras na iyon—""Malamang ay nagulpi niya ang dalawang nambubully, tama ba?" putol ni Luke sa sinasabi ni Jerold. Umiling-iling naman si Jerold."Malamang ay napaaga ang kamatayan niya." natatawang pagtatama nito. "Tinitigan niya nga lang nang masama ang dalawang babaeng iyon ay nagulpi na siya ng kasamahan ng mga ito. Lalo pa kaya kung sinaktan niya ang alinman sa dalawa?"May blangkong ekspresyon lang sa mukha na ibinulsa ni Luke ang kanyang mga kamay at napaisip. Alam niyang mahusay sa pakikipaglaban si Zeo. Sigurado siyang nagpigil lang ito sa kadahilanang ayaw nitong ibunyag sa lahat ang kakayahan nito.Hindi niya talaga maunawaan ang intensyon ni Zeo kung bakit nito itinatago ang kaka
Read more
PREV
1
...
89101112
...
15
DMCA.com Protection Status