"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ng staff? Magiging kumplikado ang sugat ni Jerold kapag hindi agad ito naisara?" seryosong patanong na wika ni Luke sa mga ito. Sabay-sabay na napalingon ang mga ito sa kanya.'Hindi ba't ito 'yong lalaking pulubi sa Laurentshé Restaurant? Anong ginagawa nito rito?' nakakunot ang noong tanong ni Tiffany sa kanyang isip nang makilala si Luke.May pag-aalalang mabilis na lumapit si Jerold kay Luke upang balaan siya. "Sila 'yong dalawang babaeng ikwinento ko sa'yo kanina." bulong nito. "Mag-ingat ka sa mga sasabihin mo sa kanila."Hindi tumugon si Luke. Kilala niya na ang mga ito. At lalong sariwang-sariwa pa sa kanyang isip kung paano siya ininsulto ng mga ito sa Laurentshé. Sila itong dapat na mag-ingat sa anumang sasabihin nila sa kanya."Teka, parang namumukhaan kita..." sambit ng lalaking nakasuot ng leather jacket habang naniningkit ang matang nakatingin kay Luke pagkatapos ay napahawak pa sa baba."Siya 'yong mayabang na pulubing nanghamon kay kuy
Sabay na napatingin sila kay Luke nang may-pag-aalala. Siguradong hindi magpipigil ang mga ito lalo pa't inasar ni Luke ang mga ito. Plano ba ni Luke magpakamatay?Humugot ng lakas ng loob si Jerold upang harangan ang dalawang lalaking nagbabadyang umatake kay Luke. "Pakiusap, tama nga ang inyong sinabing nauntog lang ang ulo ng kasama ko kaya wala siya ngayon sa sarili niyang katinuan. P-pagpasensyahan niyo na siya." kinakabahang wika ni Jerold habang nakadipa ang mga kamay.Saglit na natigilan si Luke dahil sa ginawa nito. Nauunawaan niyang gusto lang siyang iligtas nito kaya nito sinabi iyon."Begging for your lives huh?" nakaismid na sambit ng matangkad na lalaki. "Wala kaming pakialam kahit na baliw man ang kasama mong 'yan. Hindi namin papalampasin nalang ang pagiging arogante niyan. We will make sure to teach him a proper lesson para matuto siyang lumugar. Ituturo namin sa kanya kung paano ang tamang pagrespeto ng mga nasa itaas."Malamig na napangiti si Luke sa sinabing iyon n
"W-what had just happened?" tigagal na sambit ni Tiffany.Nanlalaki ang mga mata nitong nagpalipat-lipat sa dalawa nilang kasama ang kanyang tingin. Nawalan pa ng malay ang matangkad na lalaki samantalang namamaluktot naman sa sakit si Ryan habang hawak-hawak ang singit nito. Sa kabila ng iniindang sakit ay nagawa pa nitong bigyan si Luke ng masamang tingin.Sa loob lamang ng limang segundo na katulad ng sinabi ni Luke ay nagawa nga nitong talunin sina Ryan nang walang kahirap-hirap. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi ito kapani-paniwala para sa kanila.'Paanong ang katulad ng basurang ito ay napakahusay sa pakikipaglaban?' naitanong nalang ni Tiffany sa kanyang isip nang ibaling niya ang gulat niyang tingin kay Luke."T-totoo ba ang nasaksihan ko?" bulong na tanong sa sarili ni Cassandra habang nakatakip sa kanyang bibig ang kanyang mga nanginginig na kamay. Nasindak ito nang husto sa brutal na sinapit nina Ryan.Sina Jerold at ang babaeng staff naman ay parehas na may hindi rin ma
May takot sa matang lumapit si Cassandra kay Tiffany. "Are you being serious right now? Nakita mo kung anong kayang gawin ng lalaking 'yan. You can't stop him from leaving." sambit nito. Ngumisi lang si Tiffany. Hindi siya natatakot sa anumang gawin sa kanya ni Luke. Kapag may ginawa man ito sa kanya ay nalalagay lang na itinadhana na ni Luke ang sarili nitong kamatayan. Alam na alam niya kung paano magalit ang kanyang ama. Sabay na napatingin sina Jerold at ang staff kay Luke. Naghihintay ng kung anong balak nitong gawin. Ang pag-alis ngayon sa lugar na iyon ang pinakamagandang ideya hindi ba? Namilog nalang ang mata nila parehas nang maupo si Luke. Kalmadong ipinatong pa nito ang dalawa nitong paa sa kaharap nitong mini table. "Tamang-tama, gusto ko ring makita ngayon si Theodore." nakangising wika niya. "Pakituloy na ng paggamot kay Jerold. Magtiwala lang kayo, walang masamang mangyayari sa inyong dalawa." baling niya kina Jerold. Napansin niya ang pag-aalala sa mukha ng mga ito
"Ikaw?" gulat na bulalas nito nang makita si Luke. 'Siya ba ang may kagagawan nito sa mga kasamahan nina Tiffany?' tanong pa nito sa kanyang isip. Binati lamang ito ni Luke ng blangkong tingin.Hindi agad nakakilos si Isaac dahil sa pagkabigla. Lalo pa't alam niyang isang brown belter sa taekwondo si Ryan. Paano ito nangyari? Ibig bang sabihin nito ay mahusay sa pakikipaglaban ang baguhang ito?Binalingan ni Isaac ng nagtatakang tingin si Tiffany. "S-siya ba talaga ang may gawa nito kina Ryan?" hindi makapaniwalang tanong nito.Dahil dito ay sumama ang timpla ng mukha ni Tiffany. Bulag ba ito o sadyang syunga lang? May iba pa bang katabi ang itinuro niya?"Just do something! 'Wag ka nang magtanong pa." Kahit na si Tiffany na ang humingi ng pabor upang tulungan sila ni Isaac ay siya pa itong tila galit.Gayunpaman, hindi nagreklamo si Isaac sa kagustuhang magkaroon ng puntos kay Tiffany. Marahan lang itong tumango at kinuha ang kanyang cellphone."Anong ginagawa mo? Just beat that assh
Sa labas ng gate ng La Fernandia University, napahinto sa paglalakad ang ilang estudyante dahil sa sunod-sunod na pagparada ng mga motorsiklo sa tapat ng campus. Kalakip ng mga sticker ng bungo ng taong nakadikit sa mga motor ng mga ito ay pareparehas ding nakasuot ang mga ito ng maluluwag na itim na damit at may disenyo rin na bungo. Parang mga naka-uniporme ang mga ito kung titingnan."Hindi ba't mga miyembro sila ng Undying Society?" may pagkamanghang sambit ng isang estudyante. Sa parehong pagkakataon ay kinakabahan din ito."What are they doing here in our school?" takang tanong naman ng isa pa."Kilala niyo ba 'yong isang estudyante sa BSBM class? I heard miyembro daw iyon ng Undying Society.""Really? Kung gano'n ay baka nandito sila dahil sa kanya.""Tabi." malamig na sambit ng malaking mama sa mga estudyanteng nakaharang sa daanan. Balbasarado ito at may malaking pahabang peklat sa pisngi. Melchor ang pangalan nito, ang lider ng gang."Nandito na sila!" nagagalak na sigaw ni
"Aba! Ang tapang ng gunggong na'to ah." galit na sambit ng isa sa mga kasama ni Melchor.Hindi na ito napigilan pa ni Melchor nang agad na sinugod nito si Luke. Paamba palang ito ng suntok nang agad na tumayo si Luke at mabilis na pumunta sa may gilid nito. Hinawakan niya ang batok nito at gamit ang isang paa ay pinatid ito. Iniikot niya pa ito sa direksyon ng mini table at malakas na inihampas ang ulo nito roon. Lumikha ng nabasag na ingay ang mini table na gawa sa salamin na ikinagulat nila.Lahat sila ay natahimik nang makita ang walang malay na duguang mukha ng tauhan ni Melchor. Nasindak pa ang iba sa kanila dahil sa bilis ng pangyayari. Lalo na sina Tiffany at Cassandra."Ang... bilis niya." naiusal na lamang ni Melchor. Maging sina Andrie ay hindi rin makapaniwala sa bilis ni Luke. Pare-parehong may tigagal na mga ekpresyon sa mukha ang mga ito.Makalipas ang ilang segundo, nang magbalik sa diwa, pinandilatan ni Melchor si Luke at pasigaw na inutusan ang kanyang mga tauhan upan
Sa puntong iyon, napalingon silang lahat sa may pintuan nang sunod-sunod na nagsipasukan mula rito sina Theodore at ang BPG. May seryosong ekspresyon lang sa mukha ang mga ito."Dad!" natutuwang bulalas ni Tiffany nang makita si Theodore. Napayakap pa ito rito. Nahimasmasan ito nang husto.Niyakap din pabalik ni Theodore si Tiffany. Pero sa likod niyon ay hindi pag-aalala kung hindi ay pag-kainis at galit. Kakapatawad lang sa kanya ni Luke noong linggo, pero heto na naman siya ngayon nang dahil kay Tiffany."Mabuti naman at walang masamang nangyari sa'yo." sambit niya rito."Muntik na Dad. But thank God you're here." sambit ni Tiffany habang may halong pag-aalalang nakangiti at nagpatuloy. "I was worried na baka saktan niya rin kami pagkatapos niyang talunin ang mga miyembro ng Undying Society. Look what he had done to my friends." turo nito kina Ryan at Jojo. "Nagsama ba kayo ng pulis?"Malamig lang na ngumiti si Theodore habang nanlalaban sa kalooban niya ang kagustuhang saktan ang
Umihip ang malamig na hangin at tangay niyon ang pinaghalong amoy ng tuyong dahon at pabango ni Kina. Nilingon niya si Kina na nakatitig lang sa kanya, tila pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Silence means yes," sambit ni Kina pagkalipas ng ilang saglit na pananahimik ni Luke. Nabasa na nito sa mata ni Luke ang kasagutan sa kanyang tanong. "That night after you saved me from the members of the Blazing Phoenix Gang, nakita ko kung gaano ka kakampante na kaya mo silang talunin sa kabila ng kapangyarihang meron sila sa underground society. Gusto kitang pigilan nang oras na iyon dahil ayokong may mangyaring masama sa lalaking nagligtas sa'kin noong gabing iyon." Ngumiti ito, muling pinagmasdan ang napakakalmadong lawa. "Pero may parte sa isip ko noong nagsasabing magtiwala lang ako sa'yo." Saglit na huminto ito at nagpakawala ng mababaw na buntong-hininga. "Ang mas ikinabigla ko pa ay nang makita ko kayong malapit ni Mr. Malcov sa isa't-isa. Batid kong pagpapanggap lang ang mga sinabi niya
Dali-daling pinulot ni Luke ang chess board at ipinatong iyon sa mini table. Nagtaka si Bernard sa inasta ni Luke."Pakilagay nalang niyan dito at pakiayos na rin." pautos na sambit ni Luke kay Bernard na nauna nang pulutin ang mga piyesa.Mas lalong nagulumihanan si Bernard. 'Does Mr. Cruise wants to play chess right now?'Inayos ni Luke at Bernard ang pagkakalagay ng bawat piyesa ayon sa tamang parisukat na lagayan nito sa chess board. Nasa tapat niya ang itim at nasa tapat naman ni Bernard ang puti."T-Titira na ba ako Mr. Cruise?" nakakunot ang noong tanong ni Bernard."Hindi." tugon lang ni Luke pagkatapos ay may bahagyang ngiti sa labing pinagmasdan ang chess board. Partikular niyang pinagmasdan ang walong pawns na nakahilera sa kabilang dako ng board. 'Ang walong puting kalbo...' sambit niya sa isip. Pinagsalikop niya ang kanyang palad sa ilalim ng kanyang baba at ginamit iyon upang panukod sa kanyang ulo.Naunawaan na rin ni Luke sa wakas na ang kahulugan ng walong puting kalb
Tila bumagal ang takbo ng oras para kay Lance nang puntong matanggap niya ang sipa ni Luke. Unti-unti siyang umangat at tumilapon papalayo sa kinatatayuan ni Luke. Blangko ang kanyang isip habang nakatingin sa madilim na kalangitan na pinupuno ng bituin.Napaka-aliwalas ng kalangitan, hindi kakikitaan ng anumang ulap. Kasing linaw niyon ang isiping totoong higit na mas malakas si Luke kaysa sa kanya. Sa kabila ng natamong kalakasan mula sa drogang itinurok lang sa kanyang katawan ay kulang pa iyon upang mapantayan niya ang husay na mayroon si Luke. Makailang ulit din niyang binigkas sa kanyang isip ang katagang 'I'm still weak' bago siya tuluyang bumagsak nang pitong metrong layo mula kay Luke.Isang kamay ang sumalo kay Lance. "P-P'One," naisambit lang nito nang makita kung kaninong kamay iyon. Ang lalaki iyong kasama nito."Magpahinga ka muna, ako nang bahala sa lalaking 'to." sambit nito sa kampanteng tono habang ubod ang ngiting pinagmamasdan si Luke.Napahawak sa dibdib si Lance
Mabilis na binawi ni Lance ang kanyang paa mula sa pagkahawak ni Luke. Sinundan agad nito iyon ng isa pang sipa at suntok gamit ang kanang kamay.Inilagan ni Luke ang sipa ni Lance at kinontra-atake niya ang suntok nito ng left hook. Dahil sa bilis niyon ay hindi iyon nagawang dipensahan ni Lance o hindi man lang nito nagawang umilag. Tinamaan ito ni Luke sa baba nito kaya napayuko ito sa kanan nito. Pero hindi man lang nito ininda iyon.Sinubukang bawiin ni Lance ang postura nito pero hindi iyon hinayaan ni Luke. Mabilis siyang gumamit ng back kick at tinamaan niyon ang gitnang tadyang ni Lance kaya napaatras ito. Kahit na nasa masamang postura ay hindi natumba si Lance na nagawang maitukod ang kaliwang paa sa likuran. Galit na nag-angat kaagad ito ng tingin. Pero namilog ang mata nito nang makitang wala na sa unahan nito si Luke.'Side-jump technique huh?' gumuhit ang ngisi sa labi ni Lance. Napaghandaan na niya ang pamamaraan na ito ni Luke. Alam niya kung saan susulpot si Luke ka
"Hindi ko gustong labanan ka, Lance. Kung galit ka sa'kin dahil sa pangingialam ko sa relasyon niyo ni Kina, hahayaan lang kitang magalit sa'kin. 'Wag kang aasang hihingi ako ng paumanhin dahil sa naging desisyon ko." seryosong wika ni Luke. Kahit na ramdam niyang nag-uumapaw ang enerhiya ni Lance sa kagustuhan nitong kalabanin siya ay alam niyang kayang-kaya niya itong talunin.Sa unang pagkakataon ay natawa si Lance. "Sino bang may sabing kailangan ko ng paghingi mo ng paumanhin? 'Wag mo sabihing naduduwag ka lang na kalabanin ako?" panunudyo nito. "Nakikita mo na ba ang diperensya ng husay nating dalawa? Nakikita mo bang mas mahusay ako kaysa sa'yo?"Nailing-iling si Luke. Batid niyang sinabi lang iyon ni Lance upang patulan niya ito. O baka sadyang unti-unti na itong nawawala sa katinuan. "Umuwi ka nalang sa inyo. Mas makabubuti sa'yo kung magpapakita ka na sa'yong ama."Sa oras na ito ay marahil alalang-alala na si Theodore. Ipinangako niya ritong hindi niya sasaktan si Lance sak
Nakita ni Luke ang seryoso habang nakapamulsang si Lance, marahang naglalakad papalapit sa kanya. Napansin niyang may nagbago sa pangangatawan nito kumpara noong huli niyang kita rito. Parang mas naging matipuno ang pangangatawan nito.Tulad ng naging hula ni Theodore ay makikipagkita nga ito sa kanya, gayon din ang kanyang inaasahan. Malamang ay kokomprontahin siya nito tungkol sa nakansela nitong kasal."Anong nangyari sa'yo? Nag-aalala na nang husto si Theodore sa kalagayan mo." wika niya.Kahit papaano ay hindi maiwasan ni Luke na isiping siya ang dahilan kung bakit ito umalis sa bahay nito. Kung may masamang mangyari kay Lance dahil sa sama ng loob nito sa kanya ay parang kasalanan niya na rin."Mahirap bang sagutin ang tanong ko upang sagutin din ng tanong?" seryosong sambit ni Lance.Napakunot ang noo ni Luke dahil sa sinabi nito at tono ng pananalita nito. Hindi agad siya umimik sa halip ay nagtatakang pinagmasdan niya ang kakaibang katauhan nito. Hindi lang pisikal na kaanyua
Mag-aalas diyes na ng gabi nang matapos sina Luke. Si Alona lang ang pinakamatagal matapos kumain na para bang gustong ubusin ang laman ng kanyang card. Kung hindi pa nila ito pinilit na umuwi ay parang gusto na nitong doon tumira sa restaurant na iyon hangga't hindi nito nauubos ang halos sampung bilyong dolyar na laman ng SVIP card ni Luke.Nakapamulsang naglalakad si Luke, habang nasa likuran ng tatlong babae. Panay pang-aalo sina Jackielyn at Kina kay Alona na may bitbit pang bote ng champagne. Pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong nila."Jusko ang mga kabataan talaga ngayon, ang hihilig nang maglasing." wika ng aleng kanilang nakasalubong sa kasama nito.Nagsalubong ang kilay ni Alona nang marinig iyon. "Hoy manang! Sinong bata ang tinutukoy mo?" sigaw nito na aktong susugurin pa ang ale. Agad namang hinawakan ni Jackielyn at Kina ang magkabila nitong braso upang pigilan ito.Dahil sa takot ng ale at kasama nito ay binilisan ng mga ito ang kanilang paglakad.Natatawang na
Isang maitim na lalaki pa ang bumaba mula roon. Kalbo ito at malaki ang pangangatawan. May ilang peklat din ito sa kaliwang braso na parang nagsisilbing gantimpala nito sa naging karanasan nito sa isang mabangis na labanan. Makikita sa pangangatawan nito kung gaano ito kabatak sa pakikipaglaban."May gusto lang akong itanong sa'yo." wika ni Lance kay Darwin sa malamig na boses. "Come with us."Napakunot ang noo ni Darwin. "Ano 'yon? Pwede mo namang itanong ngayon. Abala ako kaya hindi—""I'm not asking, I'm ordering you." putol ni Lance sa sinasabi ni Darwin.Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Darwin. "Anong sinabi mo?" galit at hindi makapaniwalang sambit nito. "Who the fuck are you para utusan ako? Hindi porket nakapasok na ang pamilya niyo sa upper class ay tingin mo magka-level na tayo. Tandaan mong nasa ilalim pa rin kayo at kumpara sa pamilya namin ay langgam lang ang pamilya niyo."Nanatiling kalmado si Lance sa kabila ng ginawang pagsigaw at pangmamaliit ni Darwin sa kanya. Bah
Napansin ni Luke na huminto rin sa paglalakad si Kina. "Marami akong gustong itanong sa'yo, Luke. Meet me tomorrow evening, sa likod ng paaralan." sambit nito bago muling nagpatuloy sa paglakad.Ang malamyos nitong boses ay parang naiwan pa sa kinaroroonan ni Luke kasabay ng nakakaakit nitong amoy ng pabango. Ilang segundo pang hindi nakakilos si Luke, ramdam niya ang bawat kabog ng kanyang dibdib sa tahimik na pasilyong iyon.Sumunod siya sa kwarto kung saan pumasok sina Kina. Saglit pang nahinto ang manager sa kanyang harapan nang makasalubong niya itong papalabas ng kwarto. Hindi ito umimik sa halip ay saglit lang siya nitong tiningnan bago tuluyang lumabas."Here, Luke." pag-aya ni Jackielyn sa kanyang maupo sa sopa, sa tabi nito.Binigyan lang ito ni Luke ng tipid na ngiti bago naupo roon. Nasa katapat na sopa sa harap niya mismo nakaupo si Kina habang si Alona naman ang katabi nito, nakahalukipkip at nakabusangot."Hindi ko alam na iyon pala ang apelyido mo." nakangiting wika ni