"Aba! Ang tapang ng gunggong na'to ah." galit na sambit ng isa sa mga kasama ni Melchor.Hindi na ito napigilan pa ni Melchor nang agad na sinugod nito si Luke. Paamba palang ito ng suntok nang agad na tumayo si Luke at mabilis na pumunta sa may gilid nito. Hinawakan niya ang batok nito at gamit ang isang paa ay pinatid ito. Iniikot niya pa ito sa direksyon ng mini table at malakas na inihampas ang ulo nito roon. Lumikha ng nabasag na ingay ang mini table na gawa sa salamin na ikinagulat nila.Lahat sila ay natahimik nang makita ang walang malay na duguang mukha ng tauhan ni Melchor. Nasindak pa ang iba sa kanila dahil sa bilis ng pangyayari. Lalo na sina Tiffany at Cassandra."Ang... bilis niya." naiusal na lamang ni Melchor. Maging sina Andrie ay hindi rin makapaniwala sa bilis ni Luke. Pare-parehong may tigagal na mga ekpresyon sa mukha ang mga ito.Makalipas ang ilang segundo, nang magbalik sa diwa, pinandilatan ni Melchor si Luke at pasigaw na inutusan ang kanyang mga tauhan upan
Sa puntong iyon, napalingon silang lahat sa may pintuan nang sunod-sunod na nagsipasukan mula rito sina Theodore at ang BPG. May seryosong ekspresyon lang sa mukha ang mga ito."Dad!" natutuwang bulalas ni Tiffany nang makita si Theodore. Napayakap pa ito rito. Nahimasmasan ito nang husto.Niyakap din pabalik ni Theodore si Tiffany. Pero sa likod niyon ay hindi pag-aalala kung hindi ay pag-kainis at galit. Kakapatawad lang sa kanya ni Luke noong linggo, pero heto na naman siya ngayon nang dahil kay Tiffany."Mabuti naman at walang masamang nangyari sa'yo." sambit niya rito."Muntik na Dad. But thank God you're here." sambit ni Tiffany habang may halong pag-aalalang nakangiti at nagpatuloy. "I was worried na baka saktan niya rin kami pagkatapos niyang talunin ang mga miyembro ng Undying Society. Look what he had done to my friends." turo nito kina Ryan at Jojo. "Nagsama ba kayo ng pulis?"Malamig lang na ngumiti si Theodore habang nanlalaban sa kalooban niya ang kagustuhang saktan ang
Nakakuyom ang kamaong malamig na nakatitig si Luke kay Tiffany. Gusto niyang pisikal na saktan ito. Pero maya-maya lang, nakita niyang sinampal ni Theodore ito. Maliban sa kanya at mga BPG members, nagulat ang iba pang naroon sa ginawang iyon ni Theodore.Natigagal nang husto si Tiffany. Ito ang unang beses na nasampal siya ng kanyang ama, at sa harap pa ng maraming tao."D-dad..." tanging naiusal lang nito. Malikot ang mata nitong tiningnan si Theodore. Bakit niya ginawa iyon?"Did I raise you to bully people? Especially Kina! She's so kind to you, and you know that, kahit na masama ang pakikitungo mo sa kanya. Naisipan mo pa siyang saktan ngayon?"Kahit na hindi sigurado si Theodore kung nagawa ngang saktan ni Tiffany si Kina, walang dahilan si Alona upang magsinungaling sa kanya. Bukod pa rito ay naghalo-halo na ang rason ni Theodore kung bakit niya nagawang sampalin si Tiffany. Isa na rito ang pangambang si Luke ang manakit dito.Noong oras na sinabi niya kay Lance na kinansela ni
"Babe." Naputol ang malalim na pag-iisip ni Andrie nang muling hilahin ni Sasha ang kanyang braso. "Bakit ang lalim ng iniisip mo? Nag-aalala ka ba sa bago nating utusan?"Ngumiti si Andrie. "No, babe. Nakita mo naman kung gaano siya kahusay, hindi ba? Malamang na kakausapin lang siya ni Mr. Theodore at probably ay baka balaan lang sa pananakit niya kina Ryan.""Hindi. Sa tingin ko ay paparusahan siya ng Blazing Phoenix Gang dahil sa ginawa niya kina Cleo." biglang ani ni Jonas na kanina pang nananahimik.Kanina pa siya nag-aalala para kay Luke simula nang dumating sina Malcov. Naisip niyang baka nandito sila upang dakipin si Luke. At nang si Cleo na mismo ang nagsabi niyon ay mas lalo pa siyang nag-alala."Oh? You mean ang sinabi n'ong isang BPG member kanina?" tanong ni Sasha.Bahagyang tumango si Jonas. "It's not just that. Nandoon ako mismo nang mangyari ang pakikipaglaban niya sa grupo nina Cleo. He beat them so easily as he did to those Undying Society members!"Gulat na nagkati
"Sinubukan ko na siyang kontakin at tawagan nang ilang beses. Pero hindi siya sumasagot." Tiningnan ni Theodore si Luke nang may pagkabahala. "Narinig ko mula sa kanya na... may gusto rin daw kayo kay Kina, Mr. Cruise. Hindi ko sinasabing naniniwala ako, pero—""Totoo iyon. Totoong may gusto nga ako kay Kina." putol ni Luke sa sinasabi ni Theodore. Nagitla naman si Theodore sa sinabing iyon ni Luke.Totoo nga bang iyon din ang dahilan kung bakit ipinahinto nito ang kasal nina Lance at Kina?"Pero hindi ibig sabihin n'on ay iyon ang naging rason ko kung bakit kita inutusang ikansela ang magiging kasal nila kung iyon ang iniisip mo at ni Lance." agad na sambit ni Luke nang mapansin ang pagtataka sa mukha ni Theodore. "Si Kina lang ang inaalala ko." dagdag pa niya.Nagpakawala ng buntong hininga si Theodore. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Kahit papaano ay malinaw sa kanya na ang motibo lang talaga ni Luke ay dahil sa inaalala nito ang pakiramdam ni Kina ukol sa sapilitang kasa
Napasampal sa mukha si Malcov na sinundan ng pag-iling-iling. Hindi magandang ideya na dinala niya rito ang tatlo. Hindi kilala ni Malcov ang tatlo at lalong hindi niya napansin ang mga ito kanina sa La Fernandia University. Matapos ang insidente ng pagkakaroon ng espiya sa kanilang gang ay naisip niyang baka espiya ang tatlo. Gusto niya lang kumpirmahin kay Luke kung kilala ba nito ang mga ito. "Mr. Cruise, anong plano mong gawin sa kanila?" tanong ni Malcov. Napakamot nalang sa kilay si Luke. "Pauwiin mo na sila." sambit lang niya. Naaalibadbaran siya sa presensya ng mga ito. Iniisip niyang kaya bumait lang si Andrie sa kanya ay dahil sa nalaman nitong siya ang tagapagmana ng pamilya Cruise. "Salamat Luke. I'll promise na hindi namin ipagkakalat ang koneksyon mo sa Blazing Phoenix Gang." natutuwang sambit ni Andrie. Masayang tumango-tango naman sina Jonas. Inaakala nilang kaya nirerespeto na ngayon ni Malcov si Luke ay dahil sa husay nito sa martial arts. Pero para kay Andrie ay
"Fine, just kick him out of here. Baka naliligaw lang ang lalaking 'yan." Dahil sa good mood na ulit si Dominica nang banggitin ni Caroline ang tungkol sa pagpunta ni Mr. Martinez, o Noah Martinez sa eksaktong pangalan, papalagpasin niya ang ginawang pag-trespass ni Luke sa kanilang bakuran. "Nandito po ako upang makausap si Lord Javier." seryosong wika lang ni Luke. Natigilan ang mga ito. "Baliw lang ba ang lalaking 'to o ano?" natatawang sambit ng isang security personnel nang marinig ang sinabi ni Luke. "Umalis ka na ngayon din habang nasa magandang mood pa si Lady Dominica. O baka gusto mong kaladkarin ka pa namin palabas ng gate?" Hindi ito naniniwalang naparito si Luke upang makipag-usap kay Javier. Wala sa sinuman sa kanila ang naniniwala. Sa pagkakaalam nila ay mga importanteng tao lang ang pumupunta rito upang kausapin nang personal si Javier. Syempre, hindi mukhang importante si Luke para sa kanila base iyon sa napaka-ordinaryo niyang pananamit. Idagdag pang gusot-gusot di
Bumaba mula sa passenger seat ang walang iba kung hindi ay kanina pa nilang hinihintay na si Noah. Sa kabila ng edad nitong nasa kalagitnaan na ng singkwenta, makikita pa rin ang maalindog nitong dating lalo na sa suot nitong kulay abuhing single breasted suit. Kaya naman ay kahit may asawa na si Caroline at katabi pa nito mismo, hindi nito maiwasang humanga sa karismang taglay ni Noah at mapatitig dito nang husto habang nakanganga.Mas lalo pa itong napanganga na halos tumulo na ang laway nang bumaba sa driver's seat ang isa pang napakagwapong binata. Matangkad ito at maputi. Bagay na bagay rin dito ang napakalinis nitong gupit na short quiff cut. Lalo na sa malaperpektong hugis nitong mukha at napakatangos na ilong.Anak ito ni Noah. Oliver ang pangalan nito.Katulad ni Darwin ay nagkakainteres din ito kay Kina. Ito rin ang nakiusap sa kanyang ama na kung maaari ay sila ang makipagkolaborasyon sa pamilya Alanis upang mapalapit ito kay Kina.Agad namang pumayag si Noah sa kahilingang
Umihip ang malamig na hangin at tangay niyon ang pinaghalong amoy ng tuyong dahon at pabango ni Kina. Nilingon niya si Kina na nakatitig lang sa kanya, tila pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Silence means yes," sambit ni Kina pagkalipas ng ilang saglit na pananahimik ni Luke. Nabasa na nito sa mata ni Luke ang kasagutan sa kanyang tanong. "That night after you saved me from the members of the Blazing Phoenix Gang, nakita ko kung gaano ka kakampante na kaya mo silang talunin sa kabila ng kapangyarihang meron sila sa underground society. Gusto kitang pigilan nang oras na iyon dahil ayokong may mangyaring masama sa lalaking nagligtas sa'kin noong gabing iyon." Ngumiti ito, muling pinagmasdan ang napakakalmadong lawa. "Pero may parte sa isip ko noong nagsasabing magtiwala lang ako sa'yo." Saglit na huminto ito at nagpakawala ng mababaw na buntong-hininga. "Ang mas ikinabigla ko pa ay nang makita ko kayong malapit ni Mr. Malcov sa isa't-isa. Batid kong pagpapanggap lang ang mga sinabi niya
Dali-daling pinulot ni Luke ang chess board at ipinatong iyon sa mini table. Nagtaka si Bernard sa inasta ni Luke."Pakilagay nalang niyan dito at pakiayos na rin." pautos na sambit ni Luke kay Bernard na nauna nang pulutin ang mga piyesa.Mas lalong nagulumihanan si Bernard. 'Does Mr. Cruise wants to play chess right now?'Inayos ni Luke at Bernard ang pagkakalagay ng bawat piyesa ayon sa tamang parisukat na lagayan nito sa chess board. Nasa tapat niya ang itim at nasa tapat naman ni Bernard ang puti."T-Titira na ba ako Mr. Cruise?" nakakunot ang noong tanong ni Bernard."Hindi." tugon lang ni Luke pagkatapos ay may bahagyang ngiti sa labing pinagmasdan ang chess board. Partikular niyang pinagmasdan ang walong pawns na nakahilera sa kabilang dako ng board. 'Ang walong puting kalbo...' sambit niya sa isip. Pinagsalikop niya ang kanyang palad sa ilalim ng kanyang baba at ginamit iyon upang panukod sa kanyang ulo.Naunawaan na rin ni Luke sa wakas na ang kahulugan ng walong puting kalb
Tila bumagal ang takbo ng oras para kay Lance nang puntong matanggap niya ang sipa ni Luke. Unti-unti siyang umangat at tumilapon papalayo sa kinatatayuan ni Luke. Blangko ang kanyang isip habang nakatingin sa madilim na kalangitan na pinupuno ng bituin.Napaka-aliwalas ng kalangitan, hindi kakikitaan ng anumang ulap. Kasing linaw niyon ang isiping totoong higit na mas malakas si Luke kaysa sa kanya. Sa kabila ng natamong kalakasan mula sa drogang itinurok lang sa kanyang katawan ay kulang pa iyon upang mapantayan niya ang husay na mayroon si Luke. Makailang ulit din niyang binigkas sa kanyang isip ang katagang 'I'm still weak' bago siya tuluyang bumagsak nang pitong metrong layo mula kay Luke.Isang kamay ang sumalo kay Lance. "P-P'One," naisambit lang nito nang makita kung kaninong kamay iyon. Ang lalaki iyong kasama nito."Magpahinga ka muna, ako nang bahala sa lalaking 'to." sambit nito sa kampanteng tono habang ubod ang ngiting pinagmamasdan si Luke.Napahawak sa dibdib si Lance
Mabilis na binawi ni Lance ang kanyang paa mula sa pagkahawak ni Luke. Sinundan agad nito iyon ng isa pang sipa at suntok gamit ang kanang kamay.Inilagan ni Luke ang sipa ni Lance at kinontra-atake niya ang suntok nito ng left hook. Dahil sa bilis niyon ay hindi iyon nagawang dipensahan ni Lance o hindi man lang nito nagawang umilag. Tinamaan ito ni Luke sa baba nito kaya napayuko ito sa kanan nito. Pero hindi man lang nito ininda iyon.Sinubukang bawiin ni Lance ang postura nito pero hindi iyon hinayaan ni Luke. Mabilis siyang gumamit ng back kick at tinamaan niyon ang gitnang tadyang ni Lance kaya napaatras ito. Kahit na nasa masamang postura ay hindi natumba si Lance na nagawang maitukod ang kaliwang paa sa likuran. Galit na nag-angat kaagad ito ng tingin. Pero namilog ang mata nito nang makitang wala na sa unahan nito si Luke.'Side-jump technique huh?' gumuhit ang ngisi sa labi ni Lance. Napaghandaan na niya ang pamamaraan na ito ni Luke. Alam niya kung saan susulpot si Luke ka
"Hindi ko gustong labanan ka, Lance. Kung galit ka sa'kin dahil sa pangingialam ko sa relasyon niyo ni Kina, hahayaan lang kitang magalit sa'kin. 'Wag kang aasang hihingi ako ng paumanhin dahil sa naging desisyon ko." seryosong wika ni Luke. Kahit na ramdam niyang nag-uumapaw ang enerhiya ni Lance sa kagustuhan nitong kalabanin siya ay alam niyang kayang-kaya niya itong talunin.Sa unang pagkakataon ay natawa si Lance. "Sino bang may sabing kailangan ko ng paghingi mo ng paumanhin? 'Wag mo sabihing naduduwag ka lang na kalabanin ako?" panunudyo nito. "Nakikita mo na ba ang diperensya ng husay nating dalawa? Nakikita mo bang mas mahusay ako kaysa sa'yo?"Nailing-iling si Luke. Batid niyang sinabi lang iyon ni Lance upang patulan niya ito. O baka sadyang unti-unti na itong nawawala sa katinuan. "Umuwi ka nalang sa inyo. Mas makabubuti sa'yo kung magpapakita ka na sa'yong ama."Sa oras na ito ay marahil alalang-alala na si Theodore. Ipinangako niya ritong hindi niya sasaktan si Lance sak
Nakita ni Luke ang seryoso habang nakapamulsang si Lance, marahang naglalakad papalapit sa kanya. Napansin niyang may nagbago sa pangangatawan nito kumpara noong huli niyang kita rito. Parang mas naging matipuno ang pangangatawan nito.Tulad ng naging hula ni Theodore ay makikipagkita nga ito sa kanya, gayon din ang kanyang inaasahan. Malamang ay kokomprontahin siya nito tungkol sa nakansela nitong kasal."Anong nangyari sa'yo? Nag-aalala na nang husto si Theodore sa kalagayan mo." wika niya.Kahit papaano ay hindi maiwasan ni Luke na isiping siya ang dahilan kung bakit ito umalis sa bahay nito. Kung may masamang mangyari kay Lance dahil sa sama ng loob nito sa kanya ay parang kasalanan niya na rin."Mahirap bang sagutin ang tanong ko upang sagutin din ng tanong?" seryosong sambit ni Lance.Napakunot ang noo ni Luke dahil sa sinabi nito at tono ng pananalita nito. Hindi agad siya umimik sa halip ay nagtatakang pinagmasdan niya ang kakaibang katauhan nito. Hindi lang pisikal na kaanyua
Mag-aalas diyes na ng gabi nang matapos sina Luke. Si Alona lang ang pinakamatagal matapos kumain na para bang gustong ubusin ang laman ng kanyang card. Kung hindi pa nila ito pinilit na umuwi ay parang gusto na nitong doon tumira sa restaurant na iyon hangga't hindi nito nauubos ang halos sampung bilyong dolyar na laman ng SVIP card ni Luke.Nakapamulsang naglalakad si Luke, habang nasa likuran ng tatlong babae. Panay pang-aalo sina Jackielyn at Kina kay Alona na may bitbit pang bote ng champagne. Pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong nila."Jusko ang mga kabataan talaga ngayon, ang hihilig nang maglasing." wika ng aleng kanilang nakasalubong sa kasama nito.Nagsalubong ang kilay ni Alona nang marinig iyon. "Hoy manang! Sinong bata ang tinutukoy mo?" sigaw nito na aktong susugurin pa ang ale. Agad namang hinawakan ni Jackielyn at Kina ang magkabila nitong braso upang pigilan ito.Dahil sa takot ng ale at kasama nito ay binilisan ng mga ito ang kanilang paglakad.Natatawang na
Isang maitim na lalaki pa ang bumaba mula roon. Kalbo ito at malaki ang pangangatawan. May ilang peklat din ito sa kaliwang braso na parang nagsisilbing gantimpala nito sa naging karanasan nito sa isang mabangis na labanan. Makikita sa pangangatawan nito kung gaano ito kabatak sa pakikipaglaban."May gusto lang akong itanong sa'yo." wika ni Lance kay Darwin sa malamig na boses. "Come with us."Napakunot ang noo ni Darwin. "Ano 'yon? Pwede mo namang itanong ngayon. Abala ako kaya hindi—""I'm not asking, I'm ordering you." putol ni Lance sa sinasabi ni Darwin.Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Darwin. "Anong sinabi mo?" galit at hindi makapaniwalang sambit nito. "Who the fuck are you para utusan ako? Hindi porket nakapasok na ang pamilya niyo sa upper class ay tingin mo magka-level na tayo. Tandaan mong nasa ilalim pa rin kayo at kumpara sa pamilya namin ay langgam lang ang pamilya niyo."Nanatiling kalmado si Lance sa kabila ng ginawang pagsigaw at pangmamaliit ni Darwin sa kanya. Bah
Napansin ni Luke na huminto rin sa paglalakad si Kina. "Marami akong gustong itanong sa'yo, Luke. Meet me tomorrow evening, sa likod ng paaralan." sambit nito bago muling nagpatuloy sa paglakad.Ang malamyos nitong boses ay parang naiwan pa sa kinaroroonan ni Luke kasabay ng nakakaakit nitong amoy ng pabango. Ilang segundo pang hindi nakakilos si Luke, ramdam niya ang bawat kabog ng kanyang dibdib sa tahimik na pasilyong iyon.Sumunod siya sa kwarto kung saan pumasok sina Kina. Saglit pang nahinto ang manager sa kanyang harapan nang makasalubong niya itong papalabas ng kwarto. Hindi ito umimik sa halip ay saglit lang siya nitong tiningnan bago tuluyang lumabas."Here, Luke." pag-aya ni Jackielyn sa kanyang maupo sa sopa, sa tabi nito.Binigyan lang ito ni Luke ng tipid na ngiti bago naupo roon. Nasa katapat na sopa sa harap niya mismo nakaupo si Kina habang si Alona naman ang katabi nito, nakahalukipkip at nakabusangot."Hindi ko alam na iyon pala ang apelyido mo." nakangiting wika ni