Pero anupaman ang naging desisyon niya ay parehas lang na maaapektuhan si Kina. Kung hinayaan niyang matuloy ang kasal nito ay hindi lang kalayaan ni Kina ang mawawala, sigurado siyang may iilan pa ring sakim na Young Masters ang magpupursiging agawin si Kina kay Lance. Mas lalala nga lang ang mangyayari ngayon lalo pa't buong mundo na ang nakakakilala kay Kina. Na pinalala pa nang husto ng naging plano nina Caroline at Dominica. Isang masama at makasariling plano na hindi niya napaghandaan. "Alam kong isa itong maling ideya. Pero wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang pumayag sa gusto nilang mangyari lalo pa't pumayag din naman si Kina sa gusto nila." Natigilan si Luke sa sinabing iyon ni Javier. Ano? "Hinayaan lang ni Kina na gawin iyon sa kanya ng kanyang ina at ni Lady Dominica?" gulat na tanong niya. "Sinabi ko na sa'yo kung gaano kabait ang apo kong iyon. Sa ganitong sitwasyon ay hindi niya tatanggihan ang anumang ipakiusap na gawin sa kanya ng kanyang ina makatulong la
Makikita ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Javier. Hindi ito makapaniwala nang husto sa mga nalaman mula kay Luke tungkol sa tunay nitong pagkakakilanlan. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang tunay na sagot tungkol sa kakaibang pagkatao ni Luke.Sa kabilang banda naman ay hindi rin inaasahan ni Luke na magiging ganito kagulat si Javier. Ang akala niya ay may ideya na ito sa tunay niyang pagkakakilanlan."Hindi ko pa naririnig ang tungkol sa pamilya mo. Kung gano'n sila kamakapangyarihan at kaimpluwensya, bakit hindi ko alam ang tungkol sa kanila?" patanong na sambit nito habang nababalot ng pagtataka ang mukha.Umabot na siya sa edad niyang ito pero hindi niya pa rin alam ang tungkol sa eksistensya ng pamilya Cruise. Maging si Duncan ay hindi niya rin kilala."Nasa batas sa upper class na hindi pwedeng malaman ng mga nasa lower class at middle class na pamilya ang tungkol sa pamilya namin." may pagtataka rin sa mukhang tugon ni Luke. Marami pa siyang hindi nauunawaan patungkol sa saril
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong niya.Tumayo si Javier at marahang naglakad patungo sa nakabukas na pinto ng balkonahe at tumanaw sa labas mula roon. "Kung hindi mo ipapaalam sa kanila ang tungkol sa tunay mong pagkakakilanlan ay malamang na hindi ka rin naman nila tanggapin dahil sa aakalain nilang wala kang estado sa buhay. Kahit na si Kina."Mas lalong nagulumihanan si Luke. "Ibig sabihin po ba ay bumabase lang din si Ki—""Hindi iyon ang ibig kong sabihin." agad na putol ni Javier sa kanya. "Katulad nga ng sinabi ko, sinusunod lang ni Kina kung anong iniutos ng kanyang puso. She will reject you no matter what kung hindi ka rin tanggap ng pamilya niya."Napatitig sa kawalan si Luke. Nauunawaan niya na ang ibig sabihin ni Javier. Kahit man na manalo siya sa puso ni Kina ay hindi pa rin siya ang pipiliin nito dahil sa isa lang siyang mahirap. Walang paraan upang maisalba niya ang pabagsak na kumpanya nina Javier. Natural lang na mas matimbang sa puso ni Kina ang pamilya nito
"Who is this man?" tanong ni Noah nang makalapit sa mga ito. Sa unang impresyon ni Noah kay Luke ay isa itong tauhan ng pamilya Alanis. Hardinero siguro? Base iyon sa medyong maruming kasuotan ni Luke.Sa cellphone lang nagkausap si Noah at si Luke. Syempre, hindi pa niya alam kung anong tunay na itsura ni Luke."This man stole a card." Umismid si Caroline. "At isang SVIP Light Metrobank card pa! Akalain mo nga naman." tugon nito kay Noah. Parehas na nagulat si Noah at Oliver sa kanilang narinig.Pinanliitan ng tingin ni Dominica si Luke. "Hah! You poor bastard! Plano mo ba kaming idamay sa kalokohan mo? Nagnakaw ka ng isang SVIP card at tumakas, nagtago rito sa mansyon namin?" hinuha nitong sambit habang tinitingnan ang hindi kaaya-aayang dating ni Luke. Agad namang sinang-ayunan iyon ng mga security personnel."Posasan niyo siya. Tatawag ako ng pulis." sambit ng head ng security."Kaya pala nagmamadali ito kanina, may ninakaw pala ang lalaking ito." naiiling na wika ni Caroline. "Si
'Anong ginagawa ni Mr. Martinez? Bakit siya lumuhod sa harapan ng magnanakaw na ito? Iniisip niya bang kay Luke ang SVIP card na iyon?' pare-parehas na katanungan sa isip ng mga ito. "Mr. Martinez, what are you doing? He's not what you think he is. He is a thief, not a martial artist gaya ng inakala ng magaling kong asawa." paglilinaw ni Dominica. Parehas na tiningnan pa nito nang masama si Luke at Javier. "Huwag kayong magpapauto sa kanya." dagdag pa nito. Iniisip ni Dominica na baka naniniwala rin si Noah na isang mahusay na martial artist si Luke o hindi kaya ay nabalitaan din nito ang tungkol sa nangyari noong nagkaroon ng selebrasyon dito sa kanilang mansyon. Na kung saan ay namangha ang lahat nang husto sa kung anong koneksyong meron si Luke. Katulad nalang halimbawa ng pagkakakilala nito kay Natalia na siyang pinakamakapangyarihan sa lahat ng bisita nila. Iyon marahil ang dahilan kung bakit nagawang lumuhod ngayon ni Noah sa harapan ni Luke. 'Hindi naman siguro gano'n katanga
Sinubukan ni Noah na bigyan ng babala si Oliver pero tila hindi siya nito pinansin na patuloy lang sa pakikipag-usap kina Dominica. "Sa tingin ko rin po ay totoong naloko lang ng lalaking 'yan si Lord Javier na isa siyang mahusay na martial artist." Sambit pa ni Oliver na ikinalaglag ng balikat ni Noah. Anong kalokohan ang sinasabi ni Oliver? Plano ba nitong galitin si Luke? "You think so? Pwede mo bang ipaliwanag sa'min kung bakit?" tanong ni Caroline. May malawak na ngiting lumapit si Oliver kay Luke at nagtanong. "Ilang taon ka na?" Hindi agad sumagot si Luke sa halip ay pinagmasdan niya muna ang may pagkahambog na mukha ni Oliver. "Bente." tipid niyang tugon dito. Humalakhak si Oliver. "Twenty? Pero kini-claim mo na isa kang mahusay na martial artist? That's absolutely ridiculous!" wika nito. "You have the audacity to deceive Lord Javier, huh?" Bukod kay Noah at Javier na parehong may magkasalubong na kilay, naintriga ang mga tao roon kung bakit nasabi ni Oliver na nagsisinu
Naguguluhang napatingin si Luke kay Javier. Hindi niya maintindihan kung bakit hahayaan lang siya nitong kalabanin si Oliver. Gusto ba nitong patunayan niya kina Dominica na hindi ito nagsisinungaling tungkol sa sinabi nitong isa siyang mahusay na martial artist? Nabasag ang katahimikang iyon nang humalakhak si Oliver. "Pasensya na kayo Lord Javier, hindi po ako bully. Baka mapasama lang si Mr. Cruise." mayabang na sambit nito. Napakunot ang noo nina Caroline sa itinawag ni Oliver kay Luke. "Tinawag niya rin bang Mr. Cruise ang lalaking 'yan?" takang bulong na tanong nito. Maging si Luke ay napaisip rin. Alam din ni Oliver ang kanyang tunay na pagkakakilanlan? Kung gayon, bakit mukhang sinusubukan siya nito? Gusto ba nitong alamin kung gaano siya kahusay sa martial arts? Kung iyon ang dahilan nito ng pang-iinsulto nito sa kanya, pagbibigyan niya ito. Mas lumawak pa ang pagngisi sa labi ni Javier. "Hindi mo kailangang alalahanin ang kaligtasan ni Mr. Cruise. Alalahanin mo ang saril
Natawa si Oliver. "Don't tell me hindi mo naiintindihan ang ibig kong sabihin?" tanong nito nang mapansin ang nagtatakang ekspresyon sa mukha ni Luke. "Come on. Just admit it. Ginagamit mo lang ang estado mo sa buhay upang kumbinsihin si Lord Javier, tama ba?"Lumamig ang ekspresyon ng mukha ni Luke. "Maniwala ka man o sa hindi, iyan ang pinakaayaw ko sa lahat."Tinawanan lang ang sinabi niyang iyon ni Oliver. "Hmm, That's bullshit."Ang pag-uusap nilang iyon ay ikinataka ng mga nanonood sa may beranda, sinusubukan nilang pakinggan iyon."Anong pinag-uusapan nila? Magtutuos ba sila o ano?" Inip na tanong ni Dominica. Hindi na ito makapaghintay pang magulpi ni Oliver si Luke."Chill lang kayo mom, baka ipinapaunawa lang ulit ni Oliver sa lalaking 'yan ang kahulugan ng salitang mahusay." nakaismid na sambit naman ni Caroline, humalukipkip ito.Ang kanina pa may pagtataka sa mukhang si Ferdinand ay tumabi kay Caroline. "Hindi mo ba napansin na parang natatakot si Mr. Martinez sa lalaking
Umihip ang malamig na hangin at tangay niyon ang pinaghalong amoy ng tuyong dahon at pabango ni Kina. Nilingon niya si Kina na nakatitig lang sa kanya, tila pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Silence means yes," sambit ni Kina pagkalipas ng ilang saglit na pananahimik ni Luke. Nabasa na nito sa mata ni Luke ang kasagutan sa kanyang tanong. "That night after you saved me from the members of the Blazing Phoenix Gang, nakita ko kung gaano ka kakampante na kaya mo silang talunin sa kabila ng kapangyarihang meron sila sa underground society. Gusto kitang pigilan nang oras na iyon dahil ayokong may mangyaring masama sa lalaking nagligtas sa'kin noong gabing iyon." Ngumiti ito, muling pinagmasdan ang napakakalmadong lawa. "Pero may parte sa isip ko noong nagsasabing magtiwala lang ako sa'yo." Saglit na huminto ito at nagpakawala ng mababaw na buntong-hininga. "Ang mas ikinabigla ko pa ay nang makita ko kayong malapit ni Mr. Malcov sa isa't-isa. Batid kong pagpapanggap lang ang mga sinabi niya
Dali-daling pinulot ni Luke ang chess board at ipinatong iyon sa mini table. Nagtaka si Bernard sa inasta ni Luke."Pakilagay nalang niyan dito at pakiayos na rin." pautos na sambit ni Luke kay Bernard na nauna nang pulutin ang mga piyesa.Mas lalong nagulumihanan si Bernard. 'Does Mr. Cruise wants to play chess right now?'Inayos ni Luke at Bernard ang pagkakalagay ng bawat piyesa ayon sa tamang parisukat na lagayan nito sa chess board. Nasa tapat niya ang itim at nasa tapat naman ni Bernard ang puti."T-Titira na ba ako Mr. Cruise?" nakakunot ang noong tanong ni Bernard."Hindi." tugon lang ni Luke pagkatapos ay may bahagyang ngiti sa labing pinagmasdan ang chess board. Partikular niyang pinagmasdan ang walong pawns na nakahilera sa kabilang dako ng board. 'Ang walong puting kalbo...' sambit niya sa isip. Pinagsalikop niya ang kanyang palad sa ilalim ng kanyang baba at ginamit iyon upang panukod sa kanyang ulo.Naunawaan na rin ni Luke sa wakas na ang kahulugan ng walong puting kalb
Tila bumagal ang takbo ng oras para kay Lance nang puntong matanggap niya ang sipa ni Luke. Unti-unti siyang umangat at tumilapon papalayo sa kinatatayuan ni Luke. Blangko ang kanyang isip habang nakatingin sa madilim na kalangitan na pinupuno ng bituin.Napaka-aliwalas ng kalangitan, hindi kakikitaan ng anumang ulap. Kasing linaw niyon ang isiping totoong higit na mas malakas si Luke kaysa sa kanya. Sa kabila ng natamong kalakasan mula sa drogang itinurok lang sa kanyang katawan ay kulang pa iyon upang mapantayan niya ang husay na mayroon si Luke. Makailang ulit din niyang binigkas sa kanyang isip ang katagang 'I'm still weak' bago siya tuluyang bumagsak nang pitong metrong layo mula kay Luke.Isang kamay ang sumalo kay Lance. "P-P'One," naisambit lang nito nang makita kung kaninong kamay iyon. Ang lalaki iyong kasama nito."Magpahinga ka muna, ako nang bahala sa lalaking 'to." sambit nito sa kampanteng tono habang ubod ang ngiting pinagmamasdan si Luke.Napahawak sa dibdib si Lance
Mabilis na binawi ni Lance ang kanyang paa mula sa pagkahawak ni Luke. Sinundan agad nito iyon ng isa pang sipa at suntok gamit ang kanang kamay.Inilagan ni Luke ang sipa ni Lance at kinontra-atake niya ang suntok nito ng left hook. Dahil sa bilis niyon ay hindi iyon nagawang dipensahan ni Lance o hindi man lang nito nagawang umilag. Tinamaan ito ni Luke sa baba nito kaya napayuko ito sa kanan nito. Pero hindi man lang nito ininda iyon.Sinubukang bawiin ni Lance ang postura nito pero hindi iyon hinayaan ni Luke. Mabilis siyang gumamit ng back kick at tinamaan niyon ang gitnang tadyang ni Lance kaya napaatras ito. Kahit na nasa masamang postura ay hindi natumba si Lance na nagawang maitukod ang kaliwang paa sa likuran. Galit na nag-angat kaagad ito ng tingin. Pero namilog ang mata nito nang makitang wala na sa unahan nito si Luke.'Side-jump technique huh?' gumuhit ang ngisi sa labi ni Lance. Napaghandaan na niya ang pamamaraan na ito ni Luke. Alam niya kung saan susulpot si Luke ka
"Hindi ko gustong labanan ka, Lance. Kung galit ka sa'kin dahil sa pangingialam ko sa relasyon niyo ni Kina, hahayaan lang kitang magalit sa'kin. 'Wag kang aasang hihingi ako ng paumanhin dahil sa naging desisyon ko." seryosong wika ni Luke. Kahit na ramdam niyang nag-uumapaw ang enerhiya ni Lance sa kagustuhan nitong kalabanin siya ay alam niyang kayang-kaya niya itong talunin.Sa unang pagkakataon ay natawa si Lance. "Sino bang may sabing kailangan ko ng paghingi mo ng paumanhin? 'Wag mo sabihing naduduwag ka lang na kalabanin ako?" panunudyo nito. "Nakikita mo na ba ang diperensya ng husay nating dalawa? Nakikita mo bang mas mahusay ako kaysa sa'yo?"Nailing-iling si Luke. Batid niyang sinabi lang iyon ni Lance upang patulan niya ito. O baka sadyang unti-unti na itong nawawala sa katinuan. "Umuwi ka nalang sa inyo. Mas makabubuti sa'yo kung magpapakita ka na sa'yong ama."Sa oras na ito ay marahil alalang-alala na si Theodore. Ipinangako niya ritong hindi niya sasaktan si Lance sak
Nakita ni Luke ang seryoso habang nakapamulsang si Lance, marahang naglalakad papalapit sa kanya. Napansin niyang may nagbago sa pangangatawan nito kumpara noong huli niyang kita rito. Parang mas naging matipuno ang pangangatawan nito.Tulad ng naging hula ni Theodore ay makikipagkita nga ito sa kanya, gayon din ang kanyang inaasahan. Malamang ay kokomprontahin siya nito tungkol sa nakansela nitong kasal."Anong nangyari sa'yo? Nag-aalala na nang husto si Theodore sa kalagayan mo." wika niya.Kahit papaano ay hindi maiwasan ni Luke na isiping siya ang dahilan kung bakit ito umalis sa bahay nito. Kung may masamang mangyari kay Lance dahil sa sama ng loob nito sa kanya ay parang kasalanan niya na rin."Mahirap bang sagutin ang tanong ko upang sagutin din ng tanong?" seryosong sambit ni Lance.Napakunot ang noo ni Luke dahil sa sinabi nito at tono ng pananalita nito. Hindi agad siya umimik sa halip ay nagtatakang pinagmasdan niya ang kakaibang katauhan nito. Hindi lang pisikal na kaanyua
Mag-aalas diyes na ng gabi nang matapos sina Luke. Si Alona lang ang pinakamatagal matapos kumain na para bang gustong ubusin ang laman ng kanyang card. Kung hindi pa nila ito pinilit na umuwi ay parang gusto na nitong doon tumira sa restaurant na iyon hangga't hindi nito nauubos ang halos sampung bilyong dolyar na laman ng SVIP card ni Luke.Nakapamulsang naglalakad si Luke, habang nasa likuran ng tatlong babae. Panay pang-aalo sina Jackielyn at Kina kay Alona na may bitbit pang bote ng champagne. Pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong nila."Jusko ang mga kabataan talaga ngayon, ang hihilig nang maglasing." wika ng aleng kanilang nakasalubong sa kasama nito.Nagsalubong ang kilay ni Alona nang marinig iyon. "Hoy manang! Sinong bata ang tinutukoy mo?" sigaw nito na aktong susugurin pa ang ale. Agad namang hinawakan ni Jackielyn at Kina ang magkabila nitong braso upang pigilan ito.Dahil sa takot ng ale at kasama nito ay binilisan ng mga ito ang kanilang paglakad.Natatawang na
Isang maitim na lalaki pa ang bumaba mula roon. Kalbo ito at malaki ang pangangatawan. May ilang peklat din ito sa kaliwang braso na parang nagsisilbing gantimpala nito sa naging karanasan nito sa isang mabangis na labanan. Makikita sa pangangatawan nito kung gaano ito kabatak sa pakikipaglaban."May gusto lang akong itanong sa'yo." wika ni Lance kay Darwin sa malamig na boses. "Come with us."Napakunot ang noo ni Darwin. "Ano 'yon? Pwede mo namang itanong ngayon. Abala ako kaya hindi—""I'm not asking, I'm ordering you." putol ni Lance sa sinasabi ni Darwin.Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Darwin. "Anong sinabi mo?" galit at hindi makapaniwalang sambit nito. "Who the fuck are you para utusan ako? Hindi porket nakapasok na ang pamilya niyo sa upper class ay tingin mo magka-level na tayo. Tandaan mong nasa ilalim pa rin kayo at kumpara sa pamilya namin ay langgam lang ang pamilya niyo."Nanatiling kalmado si Lance sa kabila ng ginawang pagsigaw at pangmamaliit ni Darwin sa kanya. Bah
Napansin ni Luke na huminto rin sa paglalakad si Kina. "Marami akong gustong itanong sa'yo, Luke. Meet me tomorrow evening, sa likod ng paaralan." sambit nito bago muling nagpatuloy sa paglakad.Ang malamyos nitong boses ay parang naiwan pa sa kinaroroonan ni Luke kasabay ng nakakaakit nitong amoy ng pabango. Ilang segundo pang hindi nakakilos si Luke, ramdam niya ang bawat kabog ng kanyang dibdib sa tahimik na pasilyong iyon.Sumunod siya sa kwarto kung saan pumasok sina Kina. Saglit pang nahinto ang manager sa kanyang harapan nang makasalubong niya itong papalabas ng kwarto. Hindi ito umimik sa halip ay saglit lang siya nitong tiningnan bago tuluyang lumabas."Here, Luke." pag-aya ni Jackielyn sa kanyang maupo sa sopa, sa tabi nito.Binigyan lang ito ni Luke ng tipid na ngiti bago naupo roon. Nasa katapat na sopa sa harap niya mismo nakaupo si Kina habang si Alona naman ang katabi nito, nakahalukipkip at nakabusangot."Hindi ko alam na iyon pala ang apelyido mo." nakangiting wika ni