Share

Chapter 117 - Difficult Choices

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong niya.

Tumayo si Javier at marahang naglakad patungo sa nakabukas na pinto ng balkonahe at tumanaw sa labas mula roon. "Kung hindi mo ipapaalam sa kanila ang tungkol sa tunay mong pagkakakilanlan ay malamang na hindi ka rin naman nila tanggapin dahil sa aakalain nilang wala kang estado sa buhay. Kahit na si Kina."

Mas lalong nagulumihanan si Luke. "Ibig sabihin po ba ay bumabase lang din si Ki—"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." agad na putol ni Javier sa kanya. "Katulad nga ng sinabi ko, sinusunod lang ni Kina kung anong iniutos ng kanyang puso. She will reject you no matter what kung hindi ka rin tanggap ng pamilya niya."

Napatitig sa kawalan si Luke. Nauunawaan niya na ang ibig sabihin ni Javier. Kahit man na manalo siya sa puso ni Kina ay hindi pa rin siya ang pipiliin nito dahil sa isa lang siyang mahirap. Walang paraan upang maisalba niya ang pabagsak na kumpanya nina Javier. Natural lang na mas matimbang sa puso ni Kina ang pamilya nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status