Makikita ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Javier. Hindi ito makapaniwala nang husto sa mga nalaman mula kay Luke tungkol sa tunay nitong pagkakakilanlan. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang tunay na sagot tungkol sa kakaibang pagkatao ni Luke.Sa kabilang banda naman ay hindi rin inaasahan ni Luke na magiging ganito kagulat si Javier. Ang akala niya ay may ideya na ito sa tunay niyang pagkakakilanlan."Hindi ko pa naririnig ang tungkol sa pamilya mo. Kung gano'n sila kamakapangyarihan at kaimpluwensya, bakit hindi ko alam ang tungkol sa kanila?" patanong na sambit nito habang nababalot ng pagtataka ang mukha.Umabot na siya sa edad niyang ito pero hindi niya pa rin alam ang tungkol sa eksistensya ng pamilya Cruise. Maging si Duncan ay hindi niya rin kilala."Nasa batas sa upper class na hindi pwedeng malaman ng mga nasa lower class at middle class na pamilya ang tungkol sa pamilya namin." may pagtataka rin sa mukhang tugon ni Luke. Marami pa siyang hindi nauunawaan patungkol sa saril
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong niya.Tumayo si Javier at marahang naglakad patungo sa nakabukas na pinto ng balkonahe at tumanaw sa labas mula roon. "Kung hindi mo ipapaalam sa kanila ang tungkol sa tunay mong pagkakakilanlan ay malamang na hindi ka rin naman nila tanggapin dahil sa aakalain nilang wala kang estado sa buhay. Kahit na si Kina."Mas lalong nagulumihanan si Luke. "Ibig sabihin po ba ay bumabase lang din si Ki—""Hindi iyon ang ibig kong sabihin." agad na putol ni Javier sa kanya. "Katulad nga ng sinabi ko, sinusunod lang ni Kina kung anong iniutos ng kanyang puso. She will reject you no matter what kung hindi ka rin tanggap ng pamilya niya."Napatitig sa kawalan si Luke. Nauunawaan niya na ang ibig sabihin ni Javier. Kahit man na manalo siya sa puso ni Kina ay hindi pa rin siya ang pipiliin nito dahil sa isa lang siyang mahirap. Walang paraan upang maisalba niya ang pabagsak na kumpanya nina Javier. Natural lang na mas matimbang sa puso ni Kina ang pamilya nito
"Who is this man?" tanong ni Noah nang makalapit sa mga ito. Sa unang impresyon ni Noah kay Luke ay isa itong tauhan ng pamilya Alanis. Hardinero siguro? Base iyon sa medyong maruming kasuotan ni Luke.Sa cellphone lang nagkausap si Noah at si Luke. Syempre, hindi pa niya alam kung anong tunay na itsura ni Luke."This man stole a card." Umismid si Caroline. "At isang SVIP Light Metrobank card pa! Akalain mo nga naman." tugon nito kay Noah. Parehas na nagulat si Noah at Oliver sa kanilang narinig.Pinanliitan ng tingin ni Dominica si Luke. "Hah! You poor bastard! Plano mo ba kaming idamay sa kalokohan mo? Nagnakaw ka ng isang SVIP card at tumakas, nagtago rito sa mansyon namin?" hinuha nitong sambit habang tinitingnan ang hindi kaaya-aayang dating ni Luke. Agad namang sinang-ayunan iyon ng mga security personnel."Posasan niyo siya. Tatawag ako ng pulis." sambit ng head ng security."Kaya pala nagmamadali ito kanina, may ninakaw pala ang lalaking ito." naiiling na wika ni Caroline. "Si
'Anong ginagawa ni Mr. Martinez? Bakit siya lumuhod sa harapan ng magnanakaw na ito? Iniisip niya bang kay Luke ang SVIP card na iyon?' pare-parehas na katanungan sa isip ng mga ito. "Mr. Martinez, what are you doing? He's not what you think he is. He is a thief, not a martial artist gaya ng inakala ng magaling kong asawa." paglilinaw ni Dominica. Parehas na tiningnan pa nito nang masama si Luke at Javier. "Huwag kayong magpapauto sa kanya." dagdag pa nito. Iniisip ni Dominica na baka naniniwala rin si Noah na isang mahusay na martial artist si Luke o hindi kaya ay nabalitaan din nito ang tungkol sa nangyari noong nagkaroon ng selebrasyon dito sa kanilang mansyon. Na kung saan ay namangha ang lahat nang husto sa kung anong koneksyong meron si Luke. Katulad nalang halimbawa ng pagkakakilala nito kay Natalia na siyang pinakamakapangyarihan sa lahat ng bisita nila. Iyon marahil ang dahilan kung bakit nagawang lumuhod ngayon ni Noah sa harapan ni Luke. 'Hindi naman siguro gano'n katanga
Sinubukan ni Noah na bigyan ng babala si Oliver pero tila hindi siya nito pinansin na patuloy lang sa pakikipag-usap kina Dominica. "Sa tingin ko rin po ay totoong naloko lang ng lalaking 'yan si Lord Javier na isa siyang mahusay na martial artist." Sambit pa ni Oliver na ikinalaglag ng balikat ni Noah. Anong kalokohan ang sinasabi ni Oliver? Plano ba nitong galitin si Luke? "You think so? Pwede mo bang ipaliwanag sa'min kung bakit?" tanong ni Caroline. May malawak na ngiting lumapit si Oliver kay Luke at nagtanong. "Ilang taon ka na?" Hindi agad sumagot si Luke sa halip ay pinagmasdan niya muna ang may pagkahambog na mukha ni Oliver. "Bente." tipid niyang tugon dito. Humalakhak si Oliver. "Twenty? Pero kini-claim mo na isa kang mahusay na martial artist? That's absolutely ridiculous!" wika nito. "You have the audacity to deceive Lord Javier, huh?" Bukod kay Noah at Javier na parehong may magkasalubong na kilay, naintriga ang mga tao roon kung bakit nasabi ni Oliver na nagsisinu
Naguguluhang napatingin si Luke kay Javier. Hindi niya maintindihan kung bakit hahayaan lang siya nitong kalabanin si Oliver. Gusto ba nitong patunayan niya kina Dominica na hindi ito nagsisinungaling tungkol sa sinabi nitong isa siyang mahusay na martial artist? Nabasag ang katahimikang iyon nang humalakhak si Oliver. "Pasensya na kayo Lord Javier, hindi po ako bully. Baka mapasama lang si Mr. Cruise." mayabang na sambit nito. Napakunot ang noo nina Caroline sa itinawag ni Oliver kay Luke. "Tinawag niya rin bang Mr. Cruise ang lalaking 'yan?" takang bulong na tanong nito. Maging si Luke ay napaisip rin. Alam din ni Oliver ang kanyang tunay na pagkakakilanlan? Kung gayon, bakit mukhang sinusubukan siya nito? Gusto ba nitong alamin kung gaano siya kahusay sa martial arts? Kung iyon ang dahilan nito ng pang-iinsulto nito sa kanya, pagbibigyan niya ito. Mas lumawak pa ang pagngisi sa labi ni Javier. "Hindi mo kailangang alalahanin ang kaligtasan ni Mr. Cruise. Alalahanin mo ang saril
Natawa si Oliver. "Don't tell me hindi mo naiintindihan ang ibig kong sabihin?" tanong nito nang mapansin ang nagtatakang ekspresyon sa mukha ni Luke. "Come on. Just admit it. Ginagamit mo lang ang estado mo sa buhay upang kumbinsihin si Lord Javier, tama ba?"Lumamig ang ekspresyon ng mukha ni Luke. "Maniwala ka man o sa hindi, iyan ang pinakaayaw ko sa lahat."Tinawanan lang ang sinabi niyang iyon ni Oliver. "Hmm, That's bullshit."Ang pag-uusap nilang iyon ay ikinataka ng mga nanonood sa may beranda, sinusubukan nilang pakinggan iyon."Anong pinag-uusapan nila? Magtutuos ba sila o ano?" Inip na tanong ni Dominica. Hindi na ito makapaghintay pang magulpi ni Oliver si Luke."Chill lang kayo mom, baka ipinapaunawa lang ulit ni Oliver sa lalaking 'yan ang kahulugan ng salitang mahusay." nakaismid na sambit naman ni Caroline, humalukipkip ito.Ang kanina pa may pagtataka sa mukhang si Ferdinand ay tumabi kay Caroline. "Hindi mo ba napansin na parang natatakot si Mr. Martinez sa lalaking
Nagulat ang lahat nang makita si Bernard, maliban kay Luke. Ang tensyon sa labas ng mansyon na likha ng panandaliang pagtutunggali ni Luke at Oliver ay napalitan ng pagtataka dahil sa presensya ni Bernard."Mr. Bautista? Ano pong ginagawa niyo rito?" salubong na tanong ni Dominica, nasa likuran nito si Caroline habang may malawak na ngiti.Si Bernard, na may malawak na ngiti sa mukha nang makita si Luke, ay tipid lang na ngumiti nang bumaling kina Dominica. Katabi nito ang isang magandang babae na mas pinaganda pa ng simple nitong make-up na tumatakip sa namumulang pisngi nito, habang tila kumikinang ang matang nakatitig kay Luke. Si Pauline iyon."I'm here dahil nabalitaan ko kay Mr. Martinez na natagpuan niyo raw ang SVIP card ni Mr. Timothy Cruise," tugon ni Bernard, kaakibat ng maawtoridad nitong personalidad ang maawtoridad din nitong boses.Napakunot ang noo nina Dominica na napabaling ang tingin sa nagugulumihanan ding si Noah. Wala rin itong ideya sa kung anong ibig sabihin ni