Share

Chapter 107 - Fierce Fight At Clinic

"Aba! Ang tapang ng gunggong na'to ah." galit na sambit ng isa sa mga kasama ni Melchor.

Hindi na ito napigilan pa ni Melchor nang agad na sinugod nito si Luke. Paamba palang ito ng suntok nang agad na tumayo si Luke at mabilis na pumunta sa may gilid nito. Hinawakan niya ang batok nito at gamit ang isang paa ay pinatid ito. Iniikot niya pa ito sa direksyon ng mini table at malakas na inihampas ang ulo nito roon. Lumikha ng nabasag na ingay ang mini table na gawa sa salamin na ikinagulat nila.

Lahat sila ay natahimik nang makita ang walang malay na duguang mukha ng tauhan ni Melchor. Nasindak pa ang iba sa kanila dahil sa bilis ng pangyayari. Lalo na sina Tiffany at Cassandra.

"Ang... bilis niya." naiusal na lamang ni Melchor. Maging sina Andrie ay hindi rin makapaniwala sa bilis ni Luke. Pare-parehong may tigagal na mga ekpresyon sa mukha ang mga ito.

Makalipas ang ilang segundo, nang magbalik sa diwa, pinandilatan ni Melchor si Luke at pasigaw na inutusan ang kanyang mga tauhan upan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status