Napasampal sa mukha si Malcov na sinundan ng pag-iling-iling. Hindi magandang ideya na dinala niya rito ang tatlo. Hindi kilala ni Malcov ang tatlo at lalong hindi niya napansin ang mga ito kanina sa La Fernandia University. Matapos ang insidente ng pagkakaroon ng espiya sa kanilang gang ay naisip niyang baka espiya ang tatlo. Gusto niya lang kumpirmahin kay Luke kung kilala ba nito ang mga ito. "Mr. Cruise, anong plano mong gawin sa kanila?" tanong ni Malcov. Napakamot nalang sa kilay si Luke. "Pauwiin mo na sila." sambit lang niya. Naaalibadbaran siya sa presensya ng mga ito. Iniisip niyang kaya bumait lang si Andrie sa kanya ay dahil sa nalaman nitong siya ang tagapagmana ng pamilya Cruise. "Salamat Luke. I'll promise na hindi namin ipagkakalat ang koneksyon mo sa Blazing Phoenix Gang." natutuwang sambit ni Andrie. Masayang tumango-tango naman sina Jonas. Inaakala nilang kaya nirerespeto na ngayon ni Malcov si Luke ay dahil sa husay nito sa martial arts. Pero para kay Andrie ay
"Fine, just kick him out of here. Baka naliligaw lang ang lalaking 'yan." Dahil sa good mood na ulit si Dominica nang banggitin ni Caroline ang tungkol sa pagpunta ni Mr. Martinez, o Noah Martinez sa eksaktong pangalan, papalagpasin niya ang ginawang pag-trespass ni Luke sa kanilang bakuran. "Nandito po ako upang makausap si Lord Javier." seryosong wika lang ni Luke. Natigilan ang mga ito. "Baliw lang ba ang lalaking 'to o ano?" natatawang sambit ng isang security personnel nang marinig ang sinabi ni Luke. "Umalis ka na ngayon din habang nasa magandang mood pa si Lady Dominica. O baka gusto mong kaladkarin ka pa namin palabas ng gate?" Hindi ito naniniwalang naparito si Luke upang makipag-usap kay Javier. Wala sa sinuman sa kanila ang naniniwala. Sa pagkakaalam nila ay mga importanteng tao lang ang pumupunta rito upang kausapin nang personal si Javier. Syempre, hindi mukhang importante si Luke para sa kanila base iyon sa napaka-ordinaryo niyang pananamit. Idagdag pang gusot-gusot di
Bumaba mula sa passenger seat ang walang iba kung hindi ay kanina pa nilang hinihintay na si Noah. Sa kabila ng edad nitong nasa kalagitnaan na ng singkwenta, makikita pa rin ang maalindog nitong dating lalo na sa suot nitong kulay abuhing single breasted suit. Kaya naman ay kahit may asawa na si Caroline at katabi pa nito mismo, hindi nito maiwasang humanga sa karismang taglay ni Noah at mapatitig dito nang husto habang nakanganga.Mas lalo pa itong napanganga na halos tumulo na ang laway nang bumaba sa driver's seat ang isa pang napakagwapong binata. Matangkad ito at maputi. Bagay na bagay rin dito ang napakalinis nitong gupit na short quiff cut. Lalo na sa malaperpektong hugis nitong mukha at napakatangos na ilong.Anak ito ni Noah. Oliver ang pangalan nito.Katulad ni Darwin ay nagkakainteres din ito kay Kina. Ito rin ang nakiusap sa kanyang ama na kung maaari ay sila ang makipagkolaborasyon sa pamilya Alanis upang mapalapit ito kay Kina.Agad namang pumayag si Noah sa kahilingang
Pero anupaman ang naging desisyon niya ay parehas lang na maaapektuhan si Kina. Kung hinayaan niyang matuloy ang kasal nito ay hindi lang kalayaan ni Kina ang mawawala, sigurado siyang may iilan pa ring sakim na Young Masters ang magpupursiging agawin si Kina kay Lance. Mas lalala nga lang ang mangyayari ngayon lalo pa't buong mundo na ang nakakakilala kay Kina. Na pinalala pa nang husto ng naging plano nina Caroline at Dominica. Isang masama at makasariling plano na hindi niya napaghandaan. "Alam kong isa itong maling ideya. Pero wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang pumayag sa gusto nilang mangyari lalo pa't pumayag din naman si Kina sa gusto nila." Natigilan si Luke sa sinabing iyon ni Javier. Ano? "Hinayaan lang ni Kina na gawin iyon sa kanya ng kanyang ina at ni Lady Dominica?" gulat na tanong niya. "Sinabi ko na sa'yo kung gaano kabait ang apo kong iyon. Sa ganitong sitwasyon ay hindi niya tatanggihan ang anumang ipakiusap na gawin sa kanya ng kanyang ina makatulong la
Makikita ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Javier. Hindi ito makapaniwala nang husto sa mga nalaman mula kay Luke tungkol sa tunay nitong pagkakakilanlan. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang tunay na sagot tungkol sa kakaibang pagkatao ni Luke.Sa kabilang banda naman ay hindi rin inaasahan ni Luke na magiging ganito kagulat si Javier. Ang akala niya ay may ideya na ito sa tunay niyang pagkakakilanlan."Hindi ko pa naririnig ang tungkol sa pamilya mo. Kung gano'n sila kamakapangyarihan at kaimpluwensya, bakit hindi ko alam ang tungkol sa kanila?" patanong na sambit nito habang nababalot ng pagtataka ang mukha.Umabot na siya sa edad niyang ito pero hindi niya pa rin alam ang tungkol sa eksistensya ng pamilya Cruise. Maging si Duncan ay hindi niya rin kilala."Nasa batas sa upper class na hindi pwedeng malaman ng mga nasa lower class at middle class na pamilya ang tungkol sa pamilya namin." may pagtataka rin sa mukhang tugon ni Luke. Marami pa siyang hindi nauunawaan patungkol sa saril
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong niya.Tumayo si Javier at marahang naglakad patungo sa nakabukas na pinto ng balkonahe at tumanaw sa labas mula roon. "Kung hindi mo ipapaalam sa kanila ang tungkol sa tunay mong pagkakakilanlan ay malamang na hindi ka rin naman nila tanggapin dahil sa aakalain nilang wala kang estado sa buhay. Kahit na si Kina."Mas lalong nagulumihanan si Luke. "Ibig sabihin po ba ay bumabase lang din si Ki—""Hindi iyon ang ibig kong sabihin." agad na putol ni Javier sa kanya. "Katulad nga ng sinabi ko, sinusunod lang ni Kina kung anong iniutos ng kanyang puso. She will reject you no matter what kung hindi ka rin tanggap ng pamilya niya."Napatitig sa kawalan si Luke. Nauunawaan niya na ang ibig sabihin ni Javier. Kahit man na manalo siya sa puso ni Kina ay hindi pa rin siya ang pipiliin nito dahil sa isa lang siyang mahirap. Walang paraan upang maisalba niya ang pabagsak na kumpanya nina Javier. Natural lang na mas matimbang sa puso ni Kina ang pamilya nito
"Who is this man?" tanong ni Noah nang makalapit sa mga ito. Sa unang impresyon ni Noah kay Luke ay isa itong tauhan ng pamilya Alanis. Hardinero siguro? Base iyon sa medyong maruming kasuotan ni Luke.Sa cellphone lang nagkausap si Noah at si Luke. Syempre, hindi pa niya alam kung anong tunay na itsura ni Luke."This man stole a card." Umismid si Caroline. "At isang SVIP Light Metrobank card pa! Akalain mo nga naman." tugon nito kay Noah. Parehas na nagulat si Noah at Oliver sa kanilang narinig.Pinanliitan ng tingin ni Dominica si Luke. "Hah! You poor bastard! Plano mo ba kaming idamay sa kalokohan mo? Nagnakaw ka ng isang SVIP card at tumakas, nagtago rito sa mansyon namin?" hinuha nitong sambit habang tinitingnan ang hindi kaaya-aayang dating ni Luke. Agad namang sinang-ayunan iyon ng mga security personnel."Posasan niyo siya. Tatawag ako ng pulis." sambit ng head ng security."Kaya pala nagmamadali ito kanina, may ninakaw pala ang lalaking ito." naiiling na wika ni Caroline. "Si
'Anong ginagawa ni Mr. Martinez? Bakit siya lumuhod sa harapan ng magnanakaw na ito? Iniisip niya bang kay Luke ang SVIP card na iyon?' pare-parehas na katanungan sa isip ng mga ito. "Mr. Martinez, what are you doing? He's not what you think he is. He is a thief, not a martial artist gaya ng inakala ng magaling kong asawa." paglilinaw ni Dominica. Parehas na tiningnan pa nito nang masama si Luke at Javier. "Huwag kayong magpapauto sa kanya." dagdag pa nito. Iniisip ni Dominica na baka naniniwala rin si Noah na isang mahusay na martial artist si Luke o hindi kaya ay nabalitaan din nito ang tungkol sa nangyari noong nagkaroon ng selebrasyon dito sa kanilang mansyon. Na kung saan ay namangha ang lahat nang husto sa kung anong koneksyong meron si Luke. Katulad nalang halimbawa ng pagkakakilala nito kay Natalia na siyang pinakamakapangyarihan sa lahat ng bisita nila. Iyon marahil ang dahilan kung bakit nagawang lumuhod ngayon ni Noah sa harapan ni Luke. 'Hindi naman siguro gano'n katanga