Share

Chapter 101 - Tease Them Back

"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ng staff? Magiging kumplikado ang sugat ni Jerold kapag hindi agad ito naisara?" seryosong patanong na wika ni Luke sa mga ito. Sabay-sabay na napalingon ang mga ito sa kanya.

'Hindi ba't ito 'yong lalaking pulubi sa Laurentshé Restaurant? Anong ginagawa nito rito?' nakakunot ang noong tanong ni Tiffany sa kanyang isip nang makilala si Luke.

May pag-aalalang mabilis na lumapit si Jerold kay Luke upang balaan siya. "Sila 'yong dalawang babaeng ikwinento ko sa'yo kanina." bulong nito. "Mag-ingat ka sa mga sasabihin mo sa kanila."

Hindi tumugon si Luke. Kilala niya na ang mga ito. At lalong sariwang-sariwa pa sa kanyang isip kung paano siya ininsulto ng mga ito sa Laurentshé. Sila itong dapat na mag-ingat sa anumang sasabihin nila sa kanya.

"Teka, parang namumukhaan kita..." sambit ng lalaking nakasuot ng leather jacket habang naniningkit ang matang nakatingin kay Luke pagkatapos ay napahawak pa sa baba.

"Siya 'yong mayabang na pulubing nanghamon kay kuy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Zaligma
yes po mamayang gabi
goodnovel comment avatar
Arnel Jimenez Padilla
madam writer baka puede kahit 3 chapter naman ang update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status