Lahat ng Kabanata ng A Trillionaire in Disguise: Kabanata 81 - Kabanata 86
86 Kabanata
Chapter 81 - Ruckus At The Cafeteria
"Nakita ko siyang kasama mo noong linggo sa dog farm. I was busy babysitting Bruno at that time. Kahit na malayo ay kita ko pa rin kung paano siya makipag-usap sa'yo Mr. Cruise. Ganun din siya kapag kinakausap niya si Zeo." sambit ni Joanna. Palundag-lundag pa ito habang naglalakad dahil nasa patag silang daanan."Alam ko ang ugali ni Alona. Imposible 'yang sinasabi mo." seryosong wika lang ni Luke.Malabong magkagusto sa kanya si Alona. Mas siga pa nga iyon kaysa sa ibang lalaking gang members ng BPG. Mukha pa nga atang babae ang gusto n'on at hindi lalaki."Uh-uh. Hindi mo alam ang totoong ugali ni Alona Mr. Cruise." mapanuksong sambit naman ni Joanna. "She carries a strength on the outside but a fragility on the inside. Palaban lang talagang babae si Alona, pero ang totoo ay napakalambot niya sa loob. Matagal ko na siyang kilala kaya mas alam ko ang ugali niya at kung anong kahulugan ng bawat kilos niya."Saglit na huminto ito at humarang sa harapan ni Luke kaya napahinto rin si Lu
Magbasa pa
Chapter 82 - Almost Offended
Napangisi si Dexter dahil sa tapang na ipinapakita ni Alona. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Ang nakaagaw lang ng kanyang atensyon dito ay ang pula nitong buhok."Who the fuck are you? How dare you beat my girlfriend? And how dare you call her a bitch?" galit na sigaw ni Dexter.Hindi maiwasang makaramdam ng kaba ng mga estudyanteng naroon para kay Alona. Humanga sila sa tapang nitong tulungan sina Kina. Pero sigurado silang hinding-hindi papalampasin ng pamilya Velasquez sa ginawa nito kay Tiffany. At mas lalong hindi rin papayag si Dexter na hindi ito maparusahan.Para sa kanila ay hindi ito ililigtas ng tapang nito kapag pinadampot na ito ni Mayor Derek at ipabilanggo.Hinawakan ni Kina si Alona sa braso at pinakiusapang humingi nalang ng patawad. Pero hindi ito pinansin ni Alona. Para sa kanya, ang turuan ang mga ito ng leksyon ang mas tamang gawin."Bakit, sino ka rin ba? Are you the ruler of this school?" sarkastikong tanong pabalik ni Alona. Dahil dito ay mas lalong
Magbasa pa
Chapter 83 - No Sign Of Richard's Shoe Print
Pagkatapos ng mahigit isang oras pa na paglalakad ay narating din nina Luke sa wakas ang lugar kung saan nawala ang pulang tuldok sa mapa sa kanilang mga tablet. Natagpuan din nila ang durog-durog na cellphone ni Richard.Sa lugar na ito mismo nanatili ang tuldok simula kahapon. Ang ipinagtataka ni Luke ay wala namang kabahay-bahay rito o anumang uri na pwedeng masilungan. Imposible ring makatulog sila rito sa gabi dahil paniguradong pagpi-fiesta-han sila ng mga lamok."Anong balita?" tanong ni Luke kay Leon na kakarating lang. Tumulong ito sa pagsisiyasat ng buong lugar."Negative. Walang senyales na may namalagi rito nang buong magdamag." tugon ni Leon.Hindi nagbago ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Luke simula pa kanina nang dumating sila rito. Muli niyang iginala ang kanyang paningin.Kahit na masukal ang kinaroroonan nila ngayon ay patag ang lugar na iyon. Wala siyang nakitang anumang kahina-hinala sa paligid. Parang normal na kasukalan lang iyon. Sa dami ng taong pumunta rit
Magbasa pa
Chapter 84 - Mr. Percentage Disagreed
"May potensyal siya. Bakit hindi siya ang ipalit mo kay Douglas?" suhestiyon na tanong ni Leon."Sinubukan ko na siyang alukan ng posisyong iyon. Pero tinanggihan niya lang." tugon ni Malcov. May pagkadismaya sa tono ng boses nito.Simula nang makilala ni Malcov si Zeo ay alam niya nang may tinatago itong kakayahan. Pero hinayaan niya lang ito sa gusto nitong gawin at wala siyang balak na punain iyon o ipaalam kahit na kaninuman. Ang importante ay nakumbinsi niya itong sumali sa kanilang gang pati na sa gang officials."You fool! How could you lie shamelessly to Mr. Cruise?" pasigaw na sambit ni Dylan kay Zeo. Gulat na napatingin sa kanya ang lahat ng naroon.Hindi matanggap ng orgulyo nito ang pagsang-ayon ni Luke kay Zeo. Dahil sa nalamangan siya ng panghuling miyembro ng kanilang gang official lalo pa't isa siyang high ranking.Kaya naman ay nakaisip si Dylan ng paraan upang pahiyain si Zeo."Mr. Cruise, kung hindi niyo pa alam ay ang lalaking 'yan ang panghuling miyembro ng aming
Magbasa pa
Chapter 85 - Sent Into The Trap
Hindi man nila maunawaan ang ibig sabihin ni Larry ay natahimik nalang ang mga ito."Upang mapatunayan ko sainyong totoo ang aking mga sinabi ay papasukin namin itong kweba. I will bring few people along with me. Ichicheck namin kung nandyan nga ba talaga sila sa loob o wala." pagpapatuloy ni Dylan. Hindi pa rin nawawala ang pagkahambog sa itsura nito. "Kapag may na-spot-an kaming miyembro ng Night Bandos sa loob ay ipapaalam ko kaagad sainyo gamit ang radyo at saka na kayo sumunod upang bumack-up sa'min. Pwede natin silang dakipin at gawing hostage kapalit ng kalayaan ni Richard." ani pa nito na may malawak na ngisi sa labi.Nakumbinsi ng kanyang sinabi ang ilang mga BPG members. Maganda ang naisip na plano ni Dylan. Sa ganitong paraan, mabilis lang nila mababawi si Richard nang walang kahirap-hirap.Pero para kay Malcov at ilang WDK members ay masamang ideya iyon lalo na kung tama nga sina Luke.Nagpakawala ng mababaw na buntong hininga si Luke.
Magbasa pa
Chapter 86 - Real Target
Dahil sa hindi inaasahan ni Luke ang ganitong plano ng Night Bandos ay nawalan rin ng silbi ang naging pagpupulong nila kahapon.Ang ipinagtataka ni Luke ay kung paano nalaman ng mga ito ang mga ikikilos nila? Paano nahulaan ng mga ito na matatagpuan nila ang kwebang iyon? Higit sa lahat ay bakit napakalinis ng naging plano ng mga ito?Kasalukuyan silang nakakubli hindi kalayuan sa may bunganga ng Mt. Makiling. Mamasa-masa pa rin ang lupa dahil sa naging malakas na pag-ulan kanina pero hindi nila alintana iyon habang lahat sila ay nakadapa at matiyagang naghihintay.Nasa mahigit isang daang WDK members at piling BPG officials lang ang isinama ni Luke. Ang iba ay nanatili sa may bukana ng kweba."Why are we here Mr. Cruise?" takang tanong ni Joanna na siyang katabi ni Luke sa kaliwa habang nasa kanan niya si Malcov. Nagtataka ito dahil wala naman sa kanilang plano ang pumunta rito."Just wait and see, Joanna." si malcov ang sumagot sa tanong na iyon ni Joanna. "Any moment now, the bomb
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status