Home / Romance / My Ugly Husband is a Billionaire / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of My Ugly Husband is a Billionaire : Chapter 91 - Chapter 100

181 Chapters

Chapter 91

Rosi's POVMASAMA ang loob ko nang makauwi sa bahay kaya binuhos ko na lang ang atensyon ko sa pagtulong kay Manang Selba. Ito ang naglinis ng bahay at naglaba, ako naman ang nagluto ng hapunan."Ma'am, sigurado po kayong hindi n'yo kailangan ng tulong?""Hindi na ho. Malapit na rin naman akong matapos sa pagluluto. Gawin n'yo na lang ho ang kailangan n'yong gawin.""Wala na, ma'am. Tapos na kasi ako sa pagtutupi ng mga labahin. At saka, nalinis ko na rin ang kuwarto n'yo, maliban sa kuwarto nina Sir Sixto at Ma'am Suzana."Napatingin ako dito sa sinabi niya. "Bakit naman ho?""E, kasi ma'am, ayaw na ayaw ni Ma'am Suzana na pumasok ako sa kuwarto nila. Marami raw siyang alahas at mga gamit na mas mahal pa sa akin."Napailing na lang ako sa narinig. "Alam mo, matabil talaga ang dila niyang Suzana na iyan! Ang sarap tirisin!"Nanggigigil kong pinaghihiwa ang mga prutas at in-i-imagine na ito si Suzana."Nakikita mo ito, manang? Kapag ako, napuno diyan sa Suzana na iyan? Ganito ang gagaw
last updateLast Updated : 2024-01-04
Read more

Chapter 92

Rosi's POV"Ibabalik na kita sa mansion."Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig. Matagal akong natulala roon habang nasa harap niya.Ibig sabihin ba, mas pinipili niyang makasama si Suzana kaysa sa akin? Ang inaasahan ko, gagawin niya ang lahat. Na kahit na sa iba na siya kasal, pipiliin niya pa rin ang makasama ako. Na gagawa siya ng paraan para hindi kami magkahiwalay. Mali pala ako.Sa kabila ng katotohanang iyon, hindi pa rin ako pumayag. Mariin ko itong inilingan. "Ayaw ko.""Rosi."Tumayo ako bigla at mabilis na umalis. Iniwan ko siyang mag-isa. Pinilit kong pigilan ang mga luha ko nang makarating sa kuwarto namin ni Seven. Nakita kong naglalaro ito sa loob ng malaki nitong crib.Lalong nanginig ang mga labi ko sa pagpipigil ng luha. Ayokong mapalayo sa anak ko. Kung palalayasin man ako ni Sixto, isasama ko si Seven.Hindi na ako kumain kahit nang dalhan ako ng hapunan ni Manang Selba. Ibinuhos ko na lang ang lahat ng lungkot na nararamdaman ko sa pag-iyak. Hinayaan kong malun
last updateLast Updated : 2024-01-05
Read more

Chapter 93

Rosi's POV"R-Rosi... "It felt like the whole world just stopped when I saw the blood. Sinubukan kong lumapit doon para kunin ang cellphone nitong naliligo na sa dugo, pero mabilis akong pinigilan ng mga pulis."Sir, hindi kayo puwedeng lumapit!""Sandali! Ang asawa ko! Gusto ko siyang makita! Nasaan ang asawa ko!""Hindi ho puwede! Dumistansya muna kayo!""Si Rosi! Sa asawa ko iyan! Ang asawa ko!"Unti-unting nagdilim ang paningin ko habang nakatingin sa cellphone at ambulansya. Bago pa ito maisara ng mga medics, nakita kong inaalalayan ng isang nurse at ilang pulis ang dalawang babae.Natigilan ako nang makita ang isa sa mga babae. "Rosi!"Tumigil ito sa paglalakad at tumingin sa akin. Ang takot na makikita sa mga mata niya ay mabilis na naglaho. "Sixto?"Bigla itong tumakbo papunta sa akin at niyakap ako. Matagal akong natulala habang nakayakap si Rosi sa akin at dinadama ko ang init ng katawan niya."Sixto!"Niyakap ko siya nang mahigpit. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya
last updateLast Updated : 2024-01-05
Read more

Chapter 94

Rosi's POVMAG-A-ALAS nuebe na ng gabi pero wala pa rin si Sixto. Kahit si Suzana ay hindi alam kung nasaan ito. Sinusubukan ko siyang tawagan mula pa kanina, kaso laging busy ang phone niya."Sino kayang kausap nito? Kanina pa ito, ah?"Bumuntonghininga ako bago binalingan si Seven na napagod na sa kakatalon sa kama, kaya ngayon ay panay hikab. Binuhat ko ito at pinahiga na sa kaniyang crib.Ang maganda naman dito kay Seven, hindi ito mahirap patulugin. Makaramdam lang nang kaunting antok, matapos pahigain ay makakatulog na agad.I kissed him on the forehead. "Goodnight, my prince."Bumalik ako sa kama at sinubukan pang hintayin si Sixto, pero hindi na rin kinaya ng talukap ng mga mata ko. Idagdag pa ang malakas na ulan sa labas. Bago ko pa namalayan, mahimbing na akong natutulog.Sa kalagitnaan ng gabi, naalimpungatan ako dahil sa bagay na gumagapang sa hita ko. Pagmulat ko ng mga mata, napasinghap ako nang makita si Sixto. Nasa mga hita ko ang kamay nito. Minamanyak ako habang tulo
last updateLast Updated : 2024-01-06
Read more

Chapter 95

Rosi's POV"You, thief! Bitch! Whore!" sigaw ni Suzana habang malakas akong sinasabunutan."Aray! Ano ba! Bitiwan mo ako!" Nagawa ko itong maitulak palayo nang hawakan ito ni Manang Selba para pigilan."Get your dirty hands off me, you old woman!" Tinulak nito si Manang Selba bago muling bumaling sa akin."Ano bang nagawa kong kasalanan sa iyo, Suzana!""Ma'am! Ma'am Suzana, you uneducated slut! At natatanong ka pa?! Nawawala ang bracelet ko! That's expensive, you shit! Mas mahal pa iyon sa buong pagkatao mo!" Muli itong sumugod at sinabunutan ako."Aray! Ano ba! Bakit ako ang pinagbibintangan mo! Wala akong kinalaman diyan!" Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya at itinulak siya palayo."Dahil inggit ka sa akin! Akala mo siguro, hindi ko napapansin? You're envious of me! Gusto mo iyong akin, sa iyo rin! Kaya hindi na ako magtataka kung ninakaw mo ang alahas ko!"Nakita nito ang pitcher ng tubig sa ibabaw ng kitchen island. Mabilis niya iyon kinuha at binuhos sa akin ang laman. D
last updateLast Updated : 2024-01-06
Read more

Chapter 96

Rosi's POVMARIIN kong kinuyom ang mga kamay ko habang nakatingin sa mukha ni Suzana na mukhang clown dahil sa kapal ng makeup."Ano? Hindi ka tatawag ng pulis? Ako ang tatawag!"Mabilis nitong pinulupot ang mga kamay sa braso ni Sixto at parang naiinis at natatakot. "Honey! Pigilan mo siya! Nababaliw na ang babaeng iyan!""Ako pa ang nababaliw? E, halata namang ikaw ang may tiriring sa atin dalawa!""What did you say?! T-tiriring!"Pumagitna na sa amin si Sixto at hinarap nito si Suzana. Mataman niya itong tinitigan."Bakit mo ito ginawa?"Umirap lang si Suzana at hindi nagsalita. Uminit lalo ang ulo ko sa nakikitang reaksyon nito."Suzana, answer me!"Kamuntikan na itong mapatalon sa taas ng boses ni Sixto. Hindi pa kasi magsalita ang demonyita!"Lumabas din ang totoo!""What do you mean?""Akala n'yo ba, tanga ako? Na hindi ko napapansin ang mga tinginan ninyo? Ang mga usapan n'yo! At kahit ang katulong na iyon, tinatawag siyang ma'am!" Tumawa ito bigla bago bumaling sa akin. "Umam
last updateLast Updated : 2024-01-07
Read more

Chapter 97

Rosi's POVINIWAN ko muna sa kuwarto si Seven dahil mahimbing pa rin ang tulog nito. Magluluto sana ako ng breakfast nito kaya bumaba ako sa kitchen, pero natigilan ako nang maabutan doon si Suzana."Anong ginagawa mo rito?"Umarko agad ang mga kilay niya. "Why? Am I not allowed in my own house now?""Hindi naman. Nasanay lang ako na araw-araw kang umaalis.""Well, hindi ngayon." Nilapag nito ang baso ng juice na hawak niya at saka tumayo para humarap sa akin. "I decided to stay home starting today. Kasi malay ko ba, baka umuuwi si Sixto dito nang hindi ko nalalaman. At baka may umaahas na sa kaniya."Ilang ulit akong napalunok. Umagang-umaga, ito ang bubungad sa akin. Hindi ko alam kung maiinis ako o makokonsensya, e. Ako ang legal na asawa, pero ngayon, ako ang tinatawag na kabit at ahas.Huminga ako nang malalim. Gusto kong hilahin ang buhok nito at ilampaso ang pagmumukha niya sa sahig, pero nagpigil ako.Tinalikuran ko na lang ito at piniling bumalik sa kuwarto para walang gulo.
last updateLast Updated : 2024-01-09
Read more

Chapter 98

Rosi's POVTULALA ako nang makabalik sa bahay. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman kay Tita Tuwad. Magagawa ni Hanz iyon? Diyos ko. Anong pumasok sa isip niya at ginawa niya iyon?"Ew! Why are you here?!"Natigilan ako sa paglalakad nang lumabas mula sa kitchen si Criza at nakakrus ang mga braso sa dibdib nang lumapit sa amin.Sinubukan kong ngumiti dito. "Hi, Criza."Sa halip na ngumiti rin, sumimangot ito habang nakatingala. "Why are you still here?! Dapat, hindi na lang kayo umuwi para we are happy family na! Walang time sa amin si Daddy Sixto dahil sa baby na iyan! He's so ugly naman! And I heard, you're his mommy? Ew! Pareho kayong poor!"Huminga ako nang malalim sa narinig. Naha-highblood na nga ako sa nanay, pati anak, pinapainit din ang ulo ko!"Criza, masamang magsalita nang ganyan. Ang bata-bata mo pa, kung ano na ang pinagsasabi mo.""How dare you talk to my daughter that way!" Mabilis na bumaba ng hagdan si Suzana. Mistulan itong dragon habang papalapit sa amin.Speaking
last updateLast Updated : 2024-01-09
Read more

Chapter 99

Rosi's POV"Ang guwapo talaga ni Seven, ma'am! Kamukhang-kamukha nina Sir Tres at Sixto."Napangiti ako sa sinabi ni Manang Selba. Tinapunan ko ito ng tingin at nagpasalamat bago ipinagpatuloy ang pagpapakain kay Seven."Tingnan mo naman, ma'am, oh! Parang mestizo. Mamula-mula ang pisngi!"Natawa na ako sa pagkakataong iyon. Tuwang-tuwa kasi ako na napupuri ang baby Seven ko."Ikaw talaga, manang. Kotang-kota na ang anak ko sa mga papuri n'yo.""Totoo naman kasi, ma'am! Sigurado ako, paglaki niyan, napakaguwapong bata!""Ang mahalaga po sa akin, lumaki siyang matalino, may takot sa Diyos at may pagmamahal sa kapuwa. Katulad po ni Sixto—""Manang, paalisin mo ang mga sampid na iyan! Kakain kami ng anak ko."Biglang dumating si Suzana at sinira na naman ang mood. Ipinanganak yata itong babae na ito para manira ng araw ng tao."Suzana, puwede ba? Kumakain lang kami ng anak ko. Hindi ka ba napapagod makipag-away? Magpahinga ka naman.""I will never get tired of fighting with you! Alis!"N
last updateLast Updated : 2024-01-10
Read more

Chapter 100

Rosi's POV"Anong nangyari sa mukha mo?"Umiwas ako ng tingin kay Sixto at pilit kinukubli ang mukha kong puno ng pasa. "W-wala.""Anong wala? May pasa ka sa mukha!" Sandali itong natigilan. "Did Suzana hurt you again?""Huwag mo na akong isipin." Idinaan ko na lang sa ngiti at binalewala ang pagtatanong niya. Lumapit ako sa kama para maupo.Nakatulog na si Seven matapos nitong kumain ng maraming prutas kanina. Nakaubos din ito ng dalawang baso ng pineapple juice kaya ang laki ng tiyan nito.Tumabi sa akin si Sixto at pilit akong pinahaharap sa kaniya. Ilang minuto nitong pinagmasdan ang mukha ko."I'm sorry."Ngumiti ako at umiling. "Hindi mo naman kasalanan ito."Tiningnan niya ako na puno ng awa ang mukha. Ako ang pumili na manatili, kaya ano man ang mangyari, ako ang mananagot. Maya-maya ay natigilan ako sa ginawa ni Sixto."Sixto, ano ka ba?" Natawa ako nang dampian niya ng halik ang mga pasa sa pisngi at gilid ng labi ko."Saan pa masakit?""Si Suzana, baka abutan niya tayo.""N
last updateLast Updated : 2024-01-10
Read more
PREV
1
...
89101112
...
19
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status