Home / Romance / My Ugly Husband is a Billionaire / Kabanata 111 - Kabanata 120

Lahat ng Kabanata ng My Ugly Husband is a Billionaire : Kabanata 111 - Kabanata 120

181 Kabanata

Chapter 111

Rosi's POVWALANG tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang umiiyak din si Seven sa mga bisig ko. Buhat-buhat ko ito at naglalakad sa gilid ng daan. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa naipong mga luha sa aking mga mata."Papa! Gusto ko... papa!""Anak, tahan na. Please, tahan na.""Mama, si Papa!"Bawat segundong lumilipas ay lalong lumalakas ang iyak niya. Sa panahon na nagkasama sila ni Sixto, alam kong labis na napalapit dito si Seven. Natutunang ituring na ama ni Seven si Sixto at ngayon ay magkakalayo na naman sila.Natigilan ako nang may bumusinang sasakyan sa harap namin. Tumigil ito at huminto mismo sa aming tabi."Rosi? Oh my God! Thank goodness you're alright!"Umibis ng sasakyan si Tita Tiana, pero nang makita nito ang hitsura namin ni Seven at pati ang maletang hila-hila ko, agad itong natigilan."What is this? Anong nangyari sa inyo? Bakit may dala kayong maleta? Where's Sixto?"Sunod-sunod ang naging tanong ni Tita Tiana, pero ni isa ay wala akong nasagot. Hindi ko ala
last updateHuling Na-update : 2024-01-24
Magbasa pa

Chapter 112

Rosi's POV"Kung hindi ba ako isang hamak na mangingisda lamang, matatanggap kaya ako ng iyong ama?"Masama ang panahon at madilim ang kalangitan, taliwas sa nararamdaman ko ngayon habang kasama si Andres. Nasa tuktok kami ng burol kung saan madalas kaming magkita nang palihim. Ito ang tagpuan namin."Andres, hindi tumitingin si Papa sa estado ng isang tao. Mas mahalaga pa rin ang nilalaman ng puso nito.""Rosi, alam naman natin ang totoo, na hindi ako gusto ng papa mo. Hindi mo na kailangan itago sa akin."Banayad akong ngumiti matapos hawakan ang kamay niya at bahagyang pinisil. Mahigit isang taon na kaming magkasintahan, pero hanggang ngayon ay hindi pa namin naipapaalam kay papa ang tungkol sa amin."Sino ba naman ako? Tagapagmana ka. May-ari kayo ng maraming lupa dito sa isla, may-ari ng resort, at marami kayong negosyo.""Huwag kang magsalita nang ganyan. Matatanggap niya rin tayo, Andres.""Kung ipinanganak lang sana akong mayaman, siguro ay hindi ka mahihiyang sabihin sa mga t
last updateHuling Na-update : 2024-01-25
Magbasa pa

Chapter 113

Rosi's POV"Sixto Santiban? Papa, ni hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy n'yo!""Si Sixto ang anak ng kasosyo ko sa negosyo. He is a smart man, Ginger, and I'm sure you will like him."***Napakagat-labi ako nang maalala ang napag-usapan namin ni Papa noong huling linggo. Hindi ako makapaniwala na matapos lang ang one week, ikakasal na ako sa anak ng kasosyo ni Papa sa trabaho."Ang alaga ko, ikakasal na. Napakaganda mo, hija." Banayad ang ngiti ni Yaya Simang.Nag-angat ako ng mukha sa salamin at pinagmasdan ang sarili kong repleksyon. I am wearing a light makeup that compliments my features. Hindi kasi ako pala-makeup dahil pinagbabawalan ako ni Papa. Bata pa raw ako para sa mga ganoong bagay, pero ngayon.Ngayon ang araw ng kasal ko sa taong nagngangalang Sixto Santiban. Gusto kong maiyak dahil ikakasal ako sa lalaking hindi ko man lang kilala o nakita kahit isang beses sa tanang-buhay ko."Hija, bakit malungkot ka?" Lumapit si Yaya Simang at hinawakan ako sa magkabilang braso.
last updateHuling Na-update : 2024-01-25
Magbasa pa

Chapter 114

Rosi's POV"Andres!"Tatakbo sana ako papunta rito, pero mahigpit na hinawakan ni Sixto Santiban ang kamay ko at mabilis akong hinila pabalik sa tabi niya.Natigilan ako nang makita ang mukha nito sa unang pagkakataon. Dahil sa pangalan niya, inaasahan ko na pangit, may edad at panot na lalaki ang pakakasalan ko. Pero taliwas ang hitsura nito sa lahat ng iyon.Malungkot itong nakatingin sa akin bago bumaling sa mga bisita. Nang sundan ko ang tinitingnan nito, nakita ko si Papa na tumatango sa kaniya. At pagkatapos ay sinenyasan nito ang mga tauhan namin."No, Papa! Andres!"I started screaming when papa's men dragged Andres outside the church. Sumisigaw ito at tinatawag ang pangalan ko, pero hindi ko siya magawang sundan dahil sa kamay na mahigpit na nakahawak sa akin."Bitiwan mo ako!"Sinubukan kong bawiin ang kamay kong hawak ni Sixto, pero marahas niya akong hinila kaya sumubsob ako sa malapad niyang dibdib."Huwag mo akong ipahiya," malamig na saad niya.Gumapang ang takot sa buo
last updateHuling Na-update : 2024-01-25
Magbasa pa

Chapter 115

Rosi's POV"Magkano ang kailangan mo?"Natigilan kami ni Andres sa bumungad na tanong mula kay Sixto."Anong ibig mong sabihin?""Magkano ang kailangan mo para layuan si Rosi?"Napatayo kami nang dahil doon. Matagal silang nagkatitigan ni Andres bago ito tumawa nang pagak."Anong akala mo, lahat ng tao, nabibili ng pera?""Yes, so name your price. I can give you a million pesos. O mas higit pa.""Hindi nababayaran ng pera ang pag-ibig ko para kay Rosita!"Napangiti ako habang nakatingin kay Andres. Masaya akong malaman na totoo ang pagmamahal niya para sa akin, at mali ang mga tao sa isla na nagsasabing pera lang ang habol nito.Mula kay Andres, nabaling naman sa akin ang paningin ni Sixto. "Come here."Hinawakan ako ni Andres sa kamay, kumapit naman ako sa braso nito."Rosi," nagbabanta ang boses ni Sixto."Hindi ako natatakot sa iyo," matapang kong saad.Ang totoo'y takot na takot ako sa kaniya. May kung anong mayroon dito na hindi ko maipaliwanag. Sa tuwing napapatitig ako sa mukha
last updateHuling Na-update : 2024-01-26
Magbasa pa

Chapter 116

Rosi's POVNANGINGINIG ako sa takot habang kumukulog at kumikidlat nang malakas sa labas. I always hated the thunderstorms. Sa tuwing ganito kasi kasama ang panahon, wala akong kasama sa isla dahil busy sa trabaho si Papa.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at bumaling sa tabi ko. Wala pa si Sixto. Mabuti naman. Hindi na yata ito uuwi dahil alas-nueba na ng gabi. Pareho lang pala sila ni Papa na workaholic. Hindi ako mahihirapan tumakas kung ganoon.Suot ang ternong pajama, lumabas ako ng kuwarto at bumaba. Kailangan kong pag-aralan muna ang bahay habang wala pa si Sixto. Para madali akong makakilos sa araw ng pagtakas ko.Pinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng malaking sala. Kahit saan ako tumingin ay puro mamahalin ang mga gamit na nakikita ko. Halatang hindi lang basta maykaya ang lalaking iyon."Ma'am, gusto n'yong ipaghanda ko kayo ng hapunan?" tanong ng boses sa likuran ko.Nang lumingon ako ay bumungad sa akin ang may isang katabaan na babae na may ilang puting buhok sa ulo. Umili
last updateHuling Na-update : 2024-01-26
Magbasa pa

Chapter 117

Rosi's POVPABALIKWAS akong bumangon nang magbalik ang malay ko. Bumungad sa akin si Sixto na hawak ang kamay ko habang nakaupo sa tabi ng kama. Nasa loob na ulit ako ng kuwarto niya."Rosi, you're awake! Are you okay?"Binawi ko ang kamay kong hawak niya at inirapan siya."Bakit mo ginawa iyon? Muntik ka nang masagasaan kanina!"Natigilan ako nang magtaas ito ng boses. Halata ang pag-aalala sa boses at buong mukha niya, pero hindi ko iyon ma-appreciate. Mas lalo lang akong nainis."Pakawalan mo na lang kasi ako!"Huminga ito nang malalim bago tumayo. Nagpabalik-balik siya ng lakad sa tabi ng kama."Gusto mong tumakas para bumalik sa kaniya?" Bigla itong tumigil at mataman na tumingin sa akin. "Then I have no choice.""A-anong ibig mong sabihin?""Baka ipahamak mo pa ang sarili mo sa susunod. Hangga't hindi mo binabago iyang ugali mo, dito ka lang sa kuwarto."Natigilan ako sa narinig. Lumabas siya ng kuwarto kaya mabilis akong sumunod, pero ganoon na lang ang gulat ko nang hindi ko n
last updateHuling Na-update : 2024-01-26
Magbasa pa

Chapter 118

Rosi's POV"What do you want for breakfast? May niluto si Manang Selba pero kung ayaw mo, I can cook whatever you want."Lumapit sa akin si Sixto at nanunuyong humawak sa likod ko. Malambing at maagap ang boses nito. Siguro kung ibang babae lang ang pinakasalan niya, baka masaya siya ngayon.Sa paglipas ng mga araw, napagtanto ko na hindi mahirap magustuhan si Sixto. Malambing ito, maalaga at binibigay ang lahat ng gusto ko. It's just that, he's not who I want. May ibang laman ang puso ko."Rosi, please give me a chance. This marriage won't work if you keep doing this.""Huwag mo akong ikulong."Nagpakawala ito ng malalim na hangin. "Pinapangalagaan lang kita. Baka tumakas ka na naman at mapahamak ka.""Hindi na." Binalingan ko siya ng tingin. "Hindi na ako tatakas."Matagal niya akong pinagmasdan bago pumikit. "Okay."Tumayo ito saka lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon para sa akin."Just promise me, you won't escape."Matagal akong tumingin sa nakabukas na pinto bago tumango. Lumab
last updateHuling Na-update : 2024-01-27
Magbasa pa

Chapter 119

Rosi's POVTUMAYO ako nang tuwid nang magpaalam ito sa bata at pinatay ang tawag. Natigilan siya nang bumungad ako sa kaniya sa paglingon niya."May anak ka na pala."Agad na sumilay ang banayad na ngiti sa labi nito. "Yeah, his name is Seven. He's a very bright kid."Umikot ang mga mata ko sa narinig mula rito. "So, may asawa ka na?""Oo, ikaw.""Bago ako!""Hiwalay na kami."Nagbuga ako ng malalim na hangin, naiinis ako dito. Hindi ba alam ni Papa na kasal na ito dati? Bakit naman sa dinami-rami ng lalaki, doon pa sa hiwalay at may anak na niya ako ipinakasal?Kunsabagay, mayaman ito. Business partners ang mga ama namin. Malamang, hindi inisip ni Papa ang kapakanan ko."You're gonna like him. Masiyahin iyon at—""Pinakasalan mo ba ako para gawing nanay ng anak mo?" Nagkrus ako ng mga braso sa dibdib."Rosi.""Well, I'm sorry, Mr. Santiban. Ayaw kong maging nanay lang ng kung sino. Hindi ko matatanggap ang batang iyan, lalo ka na!"Inirapan ko ito bago mabilis na tumalikod. Halos tak
last updateHuling Na-update : 2024-01-27
Magbasa pa

Chapter 120

Rosi's POVNARINIG kong pumarada ang sasakyan sa labas. Nagmadali ako sa pagbaba ng hagdan para salubungin sa pagbalik nito si Sixto. Alam kong siya ang bagong dating dahil tumawag ito kanina na uuwi na.Sa pagbukas pa lang ng pinto, bumungad na sa akin ang maaliwalas na mukha nito habang nakangiti. Pero isang malakas na sampal ang sinalubong ko rito na ikinalaho ng ngiti niya."Sinungaling ka! Liar! Liar!"Pinagsusuntok ko siya sa dibdib hanggang sa mabitiwan niya ang dala niyang mga gamit."Hindi na ako dapat nagtiwala sa iyo! Sinungaling ka!"Hinuli nito ang dalawa kong kamay at mahigpit na hinawakan. "Rosi, ano bang problema!""Ikaw! Ikaw ang problema ko! Wala kang isang salita!""Hindi kita maintindihan!""Bakit mo pinakulong si Andres!"Natigilan ito sa tanong ko. Lalong naningkit ang mga mata ko sa galit."Nag-usap na tayo! Sinabi ko nang hindi ako tatakas basta't lulubayan mo si Andes! Pero ipinakulong mo pa siya!"Hindi na ito sumagot pa at tinanggap na lang ang lahat ng mga
last updateHuling Na-update : 2024-01-27
Magbasa pa
PREV
1
...
1011121314
...
19
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status