Rosi's POV"Magkano ang kailangan mo?"Natigilan kami ni Andres sa bumungad na tanong mula kay Sixto."Anong ibig mong sabihin?""Magkano ang kailangan mo para layuan si Rosi?"Napatayo kami nang dahil doon. Matagal silang nagkatitigan ni Andres bago ito tumawa nang pagak."Anong akala mo, lahat ng tao, nabibili ng pera?""Yes, so name your price. I can give you a million pesos. O mas higit pa.""Hindi nababayaran ng pera ang pag-ibig ko para kay Rosita!"Napangiti ako habang nakatingin kay Andres. Masaya akong malaman na totoo ang pagmamahal niya para sa akin, at mali ang mga tao sa isla na nagsasabing pera lang ang habol nito.Mula kay Andres, nabaling naman sa akin ang paningin ni Sixto. "Come here."Hinawakan ako ni Andres sa kamay, kumapit naman ako sa braso nito."Rosi," nagbabanta ang boses ni Sixto."Hindi ako natatakot sa iyo," matapang kong saad.Ang totoo'y takot na takot ako sa kaniya. May kung anong mayroon dito na hindi ko maipaliwanag. Sa tuwing napapatitig ako sa mukha
Rosi's POVNANGINGINIG ako sa takot habang kumukulog at kumikidlat nang malakas sa labas. I always hated the thunderstorms. Sa tuwing ganito kasi kasama ang panahon, wala akong kasama sa isla dahil busy sa trabaho si Papa.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at bumaling sa tabi ko. Wala pa si Sixto. Mabuti naman. Hindi na yata ito uuwi dahil alas-nueba na ng gabi. Pareho lang pala sila ni Papa na workaholic. Hindi ako mahihirapan tumakas kung ganoon.Suot ang ternong pajama, lumabas ako ng kuwarto at bumaba. Kailangan kong pag-aralan muna ang bahay habang wala pa si Sixto. Para madali akong makakilos sa araw ng pagtakas ko.Pinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng malaking sala. Kahit saan ako tumingin ay puro mamahalin ang mga gamit na nakikita ko. Halatang hindi lang basta maykaya ang lalaking iyon."Ma'am, gusto n'yong ipaghanda ko kayo ng hapunan?" tanong ng boses sa likuran ko.Nang lumingon ako ay bumungad sa akin ang may isang katabaan na babae na may ilang puting buhok sa ulo. Umili
Rosi's POVPABALIKWAS akong bumangon nang magbalik ang malay ko. Bumungad sa akin si Sixto na hawak ang kamay ko habang nakaupo sa tabi ng kama. Nasa loob na ulit ako ng kuwarto niya."Rosi, you're awake! Are you okay?"Binawi ko ang kamay kong hawak niya at inirapan siya."Bakit mo ginawa iyon? Muntik ka nang masagasaan kanina!"Natigilan ako nang magtaas ito ng boses. Halata ang pag-aalala sa boses at buong mukha niya, pero hindi ko iyon ma-appreciate. Mas lalo lang akong nainis."Pakawalan mo na lang kasi ako!"Huminga ito nang malalim bago tumayo. Nagpabalik-balik siya ng lakad sa tabi ng kama."Gusto mong tumakas para bumalik sa kaniya?" Bigla itong tumigil at mataman na tumingin sa akin. "Then I have no choice.""A-anong ibig mong sabihin?""Baka ipahamak mo pa ang sarili mo sa susunod. Hangga't hindi mo binabago iyang ugali mo, dito ka lang sa kuwarto."Natigilan ako sa narinig. Lumabas siya ng kuwarto kaya mabilis akong sumunod, pero ganoon na lang ang gulat ko nang hindi ko n
Rosi's POV"What do you want for breakfast? May niluto si Manang Selba pero kung ayaw mo, I can cook whatever you want."Lumapit sa akin si Sixto at nanunuyong humawak sa likod ko. Malambing at maagap ang boses nito. Siguro kung ibang babae lang ang pinakasalan niya, baka masaya siya ngayon.Sa paglipas ng mga araw, napagtanto ko na hindi mahirap magustuhan si Sixto. Malambing ito, maalaga at binibigay ang lahat ng gusto ko. It's just that, he's not who I want. May ibang laman ang puso ko."Rosi, please give me a chance. This marriage won't work if you keep doing this.""Huwag mo akong ikulong."Nagpakawala ito ng malalim na hangin. "Pinapangalagaan lang kita. Baka tumakas ka na naman at mapahamak ka.""Hindi na." Binalingan ko siya ng tingin. "Hindi na ako tatakas."Matagal niya akong pinagmasdan bago pumikit. "Okay."Tumayo ito saka lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon para sa akin."Just promise me, you won't escape."Matagal akong tumingin sa nakabukas na pinto bago tumango. Lumab
Rosi's POVTUMAYO ako nang tuwid nang magpaalam ito sa bata at pinatay ang tawag. Natigilan siya nang bumungad ako sa kaniya sa paglingon niya."May anak ka na pala."Agad na sumilay ang banayad na ngiti sa labi nito. "Yeah, his name is Seven. He's a very bright kid."Umikot ang mga mata ko sa narinig mula rito. "So, may asawa ka na?""Oo, ikaw.""Bago ako!""Hiwalay na kami."Nagbuga ako ng malalim na hangin, naiinis ako dito. Hindi ba alam ni Papa na kasal na ito dati? Bakit naman sa dinami-rami ng lalaki, doon pa sa hiwalay at may anak na niya ako ipinakasal?Kunsabagay, mayaman ito. Business partners ang mga ama namin. Malamang, hindi inisip ni Papa ang kapakanan ko."You're gonna like him. Masiyahin iyon at—""Pinakasalan mo ba ako para gawing nanay ng anak mo?" Nagkrus ako ng mga braso sa dibdib."Rosi.""Well, I'm sorry, Mr. Santiban. Ayaw kong maging nanay lang ng kung sino. Hindi ko matatanggap ang batang iyan, lalo ka na!"Inirapan ko ito bago mabilis na tumalikod. Halos tak
Rosi's POVNARINIG kong pumarada ang sasakyan sa labas. Nagmadali ako sa pagbaba ng hagdan para salubungin sa pagbalik nito si Sixto. Alam kong siya ang bagong dating dahil tumawag ito kanina na uuwi na.Sa pagbukas pa lang ng pinto, bumungad na sa akin ang maaliwalas na mukha nito habang nakangiti. Pero isang malakas na sampal ang sinalubong ko rito na ikinalaho ng ngiti niya."Sinungaling ka! Liar! Liar!"Pinagsusuntok ko siya sa dibdib hanggang sa mabitiwan niya ang dala niyang mga gamit."Hindi na ako dapat nagtiwala sa iyo! Sinungaling ka!"Hinuli nito ang dalawa kong kamay at mahigpit na hinawakan. "Rosi, ano bang problema!""Ikaw! Ikaw ang problema ko! Wala kang isang salita!""Hindi kita maintindihan!""Bakit mo pinakulong si Andres!"Natigilan ito sa tanong ko. Lalong naningkit ang mga mata ko sa galit."Nag-usap na tayo! Sinabi ko nang hindi ako tatakas basta't lulubayan mo si Andes! Pero ipinakulong mo pa siya!"Hindi na ito sumagot pa at tinanggap na lang ang lahat ng mga
Rosi's POVNAPATAYO ako sa gulat at patakbong lumapit sa bintana. Mabilis ko itong binuksan at tinulungan siyang makapasok."Andres!"I hugged him immediately. Mahigpit na yakap ang sinalubong ko rito kasabay nang pagbagsak ng mga luha ko."Oh my God! I can't believe this is happening!" Kumalas ako ng yakap sa kaniya at naluluha siyang tiningnan. "Akala ko, hindi na kita makikita ulit."He cupped my face and kissed me on the forehead. "Akala ko rin, hindi na tayo magkikita, Rosi! Miss na miss kita! Mabaliw-baliw ako kakaisip sa iyo."Muli ko siyang niyakap, pero hindi nagtagal ay kusa siyang kumalas at tiningnan ang kabuuan ko."Bakit ang laki ng ipinayat mo? Sinasaktan ka ba ng lalaking iyon? Ginugutom ka niya?"Mabilis akong umiling. "No, inaalagaan nila ako dito. Binibigay niya ang lahat ng kailangan ko."Tumalim bigla ang mga mata niya sa narinig. "Kung totoo iyan, hindi ka dapat nagmumukhang pinahirapan ngayon. Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin? Hindi ka ganito noong ako p
Rosi's POV"Hayop ka!"Napatili ako nang sugurin ni Sixto si Andres at inilayo sa akin."Sixto!""You son of a bitch! Anong ginawa mo sa asawa ko!"Malakas na bumagsak si Andres sa sahig. Sinugod ito ni Sixto at pinagsusuntok nang malakas at paulit-ulit.Agad kong pinulupot ang kumot sa hubad kong katawan at lumapit sa kanila. "Tama na! Tumigil na kayo!"Sinusubukang lumaban ni Andres, pero wala itong nagawa sa lakas ni Sixto. Matangkad lang si Andres at batak sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay ang katawan nito. Pero kung ikukumpara kay Sixto ay wala siyang laban.Mabilis ko silang nilapitan sa takot na baka mapatay ni Sixto si Andres. "Tama na! Huwag mo siyang saktan!"Buong lakas kong hinila si Sixto para mailayo ito kay Andres, pero nagmistulan akong walang silbi dahil wala man lang epekto rito ang paghila ko.Nahintakutan ako nang makita ang dugo sa mukha ni Andres. "Tama na! Sixto, parang awa mo na!"I screamed and started slapping him on the face just to stop him. Lahat na gina
Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif
Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur
Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit
Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri
Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s
Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.
Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is
Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a
Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev