Home / Romance / My Ugly Husband is a Billionaire / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of My Ugly Husband is a Billionaire : Chapter 71 - Chapter 80

181 Chapters

Chapter 71

Sixto's POV"Tiana!" Mabilis na inilayo ni Papa si Mama mula kay Rosi.Agad ko naman nilapitan ang mga ito at humarang sa pagitan nila. Hawak ni Rosi ang pisnging nasampal ni Mama habang walang tigil ito sa paghikbi."Ma! Ano ba ito? What's happening here?""This woman right here just broke my 1 million-worth of jar! Sinabi ko nang huwag nang hahawak sa mga gamit dito, hindi pa rin ako sinunod!""Gusto ko lang naman pong makatulong—""Makatulong?! Look what you did! Nabasag mo ang jar ko!""Tiana, it's just a jar. Let it go!"Inis na hinarap ni Mama si Papa dahil sa sinabi nito. "No, Tres! Hindi lang ito basta jar! Milyon ang halaga nito at regalo pa sa atin nina Uno at Isa sa second wedding natin!""I'm sorry, ma'am. Babayaran ko na lang po.""Ayon! Babayaran! Ganyan talaga ang mindset ng pamilya mo, no? Lahat, nadadaan sa bayad. Lahat, nadadaan sa pera! Maliban sa halaga nito, may sentimental value ito sa amin na hinding-hindi mo mababayaran, Rosita!""Ma'am, hindi ko naman po sinas
last updateLast Updated : 2023-12-21
Read more

Chapter 72

Rosi's POVNASA malaking living room ako at kasalukuyang nag-aayos ng curtains sa malaking bintana. Hanggang ngayon, laman pa rin ng isip ko ang mga sinabi ni Sixto kahapon.Hindi ako makapaniwala sa pinagdaan ng buong pamilya ni Tito Tres. Halos lahat sila, pinagtangkaan ang buhay. Hindi lang sila kundi pati ang mga asawa't anak nila na maliliit pa lang noon, dinamay. At si Sixto, kaya siya napalayo sa kanila dahil dinukot ito at tinapon ng babaeng gusto rin siyang patayin.Natigil ako sa ginagawa at napaisip. Ang mismong babaeng iyon ang dahilan kung bakit namatay si Nanay. All this time, buong akala ko, sina Tres at Tiana Santiban ang may kasalanan kung bakit nawalan ako ng isang ina. Hindi pala."Rosi?"Nagising ako sa malalim na pag-iisip dahil sa boses na tumawag sa akin. Natigilan ako nang mapagsino ito."Ma'am!"Napansin kong medyo nahihiya itong lumapit sa akin, pero banayad siyang nakangiti kaya agad na nabawasan ang takot sa dibdib ko."Nag-agahan ka na?"Umiling ako sabay
last updateLast Updated : 2023-12-21
Read more

Chapter 73

Rosi's POVHAWAK ko ang kamay ni Sixto habang nasa loob kami ng isang restaurant at naghihintay ng pagkaing in-order namin. Kapansin-pansin ang pagtahimik nito matapos kong sabihin ang mga bagay na iyon kanina.Hindi ko tuloy mapigilang hindi mag-overthink. Hindi kasi ito sumagot o sumang-ayon, basta na lang itong nanahimik na parang sinasabing ayaw niyang mabuo ang pamilya namin.O, baka... ayaw lang talaga nito sa akin."Are you okay? Natahimik ka."Ngayon lang ito kumibo uli kaya agad akong ngumiti nang malapad. "W-wala lang.""By the way, this restaurant belongs to my Tito Dos. Masarap ang mga pagkain dito.""Tito Dos?" Napangiti ako nang mapagtanto ang pangalan ng ama at mga tito nito. "Ang galing ng mga pangalan nila, no? Konektado.""Yeah.""Nandito ba ang Tito Dos mo?"He shook his head. "Wala sila ni Tita Yuji. Nasa ibang bansa sila ngayon, nagbabakasyon for their anniversary.""A-ang sweet naman."Kami kaya ni Sixto? Kailan kami magiging katulad ng parents at mga tito niya?
last updateLast Updated : 2023-12-23
Read more

Chapter 74

Rosi's POVNAGISING ako dahil sa maliliit na halik na ibinibigay sa akin ni Sixto. Natatawa akong nagmulat ng mga mata. Ang guwapo nitong mukha ang bumungad sa akin."Pagod ka pa rin? You've been sleeping for hours now.""Sorry. Anong oras na ba?""It's almost night."Napasinghap ako sa narinig. "Maggagabi na? Hala! Naghihintay sa atin si Seven!"Ngumiti ito bago ako hinila patayo. Sabay kaming naligo sandali bago nagbihis. Dumaan din kami sa bakeshop para bumili ng cake para kay Seven, pagkatapos ay umuwi na rin agad kami.Pinulupot ko ang kamay sa braso nito habang nasa gitna kami ng byahe. Hinilig ko pa ang ulo ko sa balikat niya. "Thank you for giving me another chance, Sixto. Babawi ako!"Ngumiti lang ito habang nasa daan pa rin ang tingin. Hindi man lang ako sinagot o nilingon. Hindi ko na inintindi iyon at tumingin na lang din sa labas. Pagdating namin sa mansion, nagtaka ako nang hindi nito diniretso sa garahe ang kotse niya."May kailangan pa akong puntahan. Mauna ka nang pum
last updateLast Updated : 2023-12-23
Read more

Chapter 75

Rosi's POVNAGDESISYON kami ni Sixto na matulog na lang sa iisang kuwarto. Kaya naman lumipat agad ako sa silid niya. At syempre, dahil magkasama na kami sa iisang kuwarto, unlimited ang lambingan namin.Two times a day lang naman kami kung mag-sex. Isa sa gabi at isa sa umaga. Minsan nga, nali-late pa itong pumasok sa trabaho dahil nakakailang rounds kami sa loob ng shower.I've never been this happy my whole life. Pakiramdam ko, nasa heaven ako araw-araw. May cute at healthy akong baby, may asawa ako na sobrang lambing at galante. Tuwing uuwi ay may dala itong pasalubong para sa amin ni Seven. At higit sa lahat, may pamilya kaming mahal ako.Natuloy rin ang grocery namin ni Tita Tiana, sinama pa namin si Sixto. Mas naging close pa kami ngayon. Madalas ay sa kitchen ang bonding namin. Tinuturuan niya akong magluto at mag-bake, katulad ngayon."Palalamigin na muna natin ito, ha? Mamaya sa dinner, puwede na natin itong kainin."Nakangiting pinasok ni Tita Tiana ang cake na kaming dalaw
last updateLast Updated : 2023-12-24
Read more

Chapter 76

Rosi's POVSA NAKALIPAS na ilang linggo, naging maayos ang pagsasama namin ni Sixto. Kaya kahit papaano ay hindi na naging ganoon kasakit para sa akin ang naging desisyon ko.Masaya kami at payapa. Iyon lang, minsan napapansin kong napapadalas ang pagtatalo nina Sixto at Tito Tres. Hindi ko naman siya matanong tungkol dito. Nahihiya ako at isa pa, iniiwasan kong magalit siya.Maya't maya pa rin pumapasok sa isip ko sina Inay. Kung kumusta na sila, maayos ba ang lagay nila, nasa kulungan pa rin ba sina Itay? Hinihintay ko lang na humupa ang galit ni Sixto. Pakikiusapan ko ulit it. Baka kasi lumambot uli ang puso niya sa paglipas ng panahon."Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas."Kasalukuyan akong nasa malaking living room kasama si Seven at ang yaya nito. Naglalaro kami ng plane at kotse-kotsehan nang dumating ang isang katulong."Sa akin?""Opo. Papapasukin ko po ba?"Nagdalawang-isip ako sa gagawin. Baka may magsabi kay Sixto ng tungkol dito, magalit na naman sa akin. Pero hind
last updateLast Updated : 2023-12-24
Read more

Chapter 77

Rosi's POV"Pasok ka na sa work?"Mabilis akong humabol kay Sixto nang makitang paalis na ito."Yeah.""M-mag-iingat ka?""Okay.""I love you... " naibulong ko na lang sa hangin dahil hindi na ito umabot sa pandinig ni Sixto. Pinagmasdan ko ito habang palabas na ng malaking pintuan ng mansion. Nagkasya na lang ako sa paghatid sa kaniya ng tingin hanggang sa makalayo ang kotseng sinasakyan niya.Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. Hindi ko maintindihan, naging malamig na naman sa akin si Sixto at parang iniiwasan pa ako nito.Ilang araw na hindi niya ako masyadong kinikibo, lagi pa siyang pagod kaya pag-uwi galing sa trabaho, natutulog agad. Minsan naman naglalambing ako sa kaniya, pero nagdadahilan pa ito na busy sa trabaho kaya wala itong gana.Pumasok ako sa kusina at inako ang paghuhugas ng mga plato para maging busy ako. Ayaw kong isipin ang nangyayari sa amin ni Sixto.Bakit ba pakiramdam ko, wala na itong feelings para sa akin?"Rosi, bakit ikaw ang naghuhugas? Nasaan
last updateLast Updated : 2023-12-26
Read more

Chapter 78

Rosi's POV"Rosi—""I'm sorry, mukhang nakakaistorbo ako!"Mabilis akong lumabas ng pintuan ng office at patakbong pumunta sa elevator. Hanggang sa makaalis ako ng company nito, hindi man lang ako hinabol ni Sixto.Buong araw akong nagkulong sa kuwarto at umiyak. Ni hindi ko kayang makita si Seven dahil mas masasaktan lang ako, lalo pa't baka hindi ko matupad ang pangako ko rito na magiging isang masaya at kompletong pamilya kami.Hindi ako makapaniwala sa mga nakita. Ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na may iba pang babae sa buhay ni Sixto. Masakit na nga sa akin iyong sa kanila ni Candy kahit hindi totoo na may relasyon sila, and then now, maaabutan ko siyang may ibang kahalikan sa office niya?Nagtalukbong ako ng kumot at muling umiyak habang nakabaon ang mukha sa unan.***"Rosi." Agad akong nilapitan ni Sixto nang makauwi ito.Hindi ko siya pinansin, ni hindi ko ito nilingon. Hindi na nga niya ako hinabol nang mag-walkout ako kanina, hindi pa ito umuwi agad. Lalong nanikip ang d
last updateLast Updated : 2023-12-26
Read more

Chapter 79

Rosi's POVNAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ang pagdami ng malamig na hangin sa aking balat. Sa pagmulat ko ng mga mata, unang bumungad sa akin ang kulay asul at marahas na paghampas ng dagat.Pabalikwas akong bumangon. "Nasaan ako?" naitanong ko sa sarili ko.Napahawak ako sa aking ulo nang maalala ang nangyari kanina. Nadukot ako! Mabilis akong bumangon, saka ko napagtanto na nasa ibabaw ako ng malambot na kama na nasa front bow deck ng isang motor yacht.Oh my God! Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko at hindi maganda lahat. Bakit nasa yate ako? Saan ito papunta? Ibebenta ba ako sa mga sindikado at kukunin ang mga laman-loob ko?Pero ang lahat ng pag-aalala at takot sa dibdib ko, mabilis na nabura nang makita ang nakangiting mukha ni Sixto habang papalapit sa akin. May dala itong mga baso ng orange juice sa dalawang kamay."Sixto? I-ikaw ang nagpadukot sa akin?"His smile widen and then gave me a soft kiss on the cheek. "Natakot ba kita?"Mabilis na nag-init ang gilid ng mga
last updateLast Updated : 2023-12-27
Read more

Chapter 80

Rosi's POVINGAT na ingat ako sa pagsasalita sa takot na baka may masabi akong ayaw niya. Baka magalit na naman, masira pa ang vacation namin.Napansin kong natahimik na naman si Sixto na parang malalim ang iniisip. Mukhang malaki nga talaga ang problema sa kompanya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito."Sixto?"Bumuntonghininga ito at ngumiti. "Huwag mo nang isipin iyon. Let me handle it."Matagal ko siyang pinagmasdan. Tumango na lang din ako kaysa masira pa ang mood niya. Mas pipiliin ko na lang na walang nalalaman."First time ko itong mapalayo nang ganito sa anak natin, Sixto. Hindi ako sanay. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Paano kung malingap ang yaya niya at may mangyaring aksidente? Malikot pa naman iyon.""Mama won't let that happen, baby. And besides, dalawang araw lang tayo rito. Hayaan mo, babalik tayo at isasama na natin si Seven."Napangiti ako nang malapad sa sinabi niya.Dalawang araw lang nga kami rito at wala kaming ibang ginawa sa first day namin kundi sulitin a
last updateLast Updated : 2023-12-27
Read more
PREV
1
...
678910
...
19
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status