Rosi's POVSA NAKALIPAS na ilang linggo, naging maayos ang pagsasama namin ni Sixto. Kaya kahit papaano ay hindi na naging ganoon kasakit para sa akin ang naging desisyon ko.Masaya kami at payapa. Iyon lang, minsan napapansin kong napapadalas ang pagtatalo nina Sixto at Tito Tres. Hindi ko naman siya matanong tungkol dito. Nahihiya ako at isa pa, iniiwasan kong magalit siya.Maya't maya pa rin pumapasok sa isip ko sina Inay. Kung kumusta na sila, maayos ba ang lagay nila, nasa kulungan pa rin ba sina Itay? Hinihintay ko lang na humupa ang galit ni Sixto. Pakikiusapan ko ulit it. Baka kasi lumambot uli ang puso niya sa paglipas ng panahon."Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas."Kasalukuyan akong nasa malaking living room kasama si Seven at ang yaya nito. Naglalaro kami ng plane at kotse-kotsehan nang dumating ang isang katulong."Sa akin?""Opo. Papapasukin ko po ba?"Nagdalawang-isip ako sa gagawin. Baka may magsabi kay Sixto ng tungkol dito, magalit na naman sa akin. Pero hind
Rosi's POV"Pasok ka na sa work?"Mabilis akong humabol kay Sixto nang makitang paalis na ito."Yeah.""M-mag-iingat ka?""Okay.""I love you... " naibulong ko na lang sa hangin dahil hindi na ito umabot sa pandinig ni Sixto. Pinagmasdan ko ito habang palabas na ng malaking pintuan ng mansion. Nagkasya na lang ako sa paghatid sa kaniya ng tingin hanggang sa makalayo ang kotseng sinasakyan niya.Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. Hindi ko maintindihan, naging malamig na naman sa akin si Sixto at parang iniiwasan pa ako nito.Ilang araw na hindi niya ako masyadong kinikibo, lagi pa siyang pagod kaya pag-uwi galing sa trabaho, natutulog agad. Minsan naman naglalambing ako sa kaniya, pero nagdadahilan pa ito na busy sa trabaho kaya wala itong gana.Pumasok ako sa kusina at inako ang paghuhugas ng mga plato para maging busy ako. Ayaw kong isipin ang nangyayari sa amin ni Sixto.Bakit ba pakiramdam ko, wala na itong feelings para sa akin?"Rosi, bakit ikaw ang naghuhugas? Nasaan
Rosi's POV"Rosi—""I'm sorry, mukhang nakakaistorbo ako!"Mabilis akong lumabas ng pintuan ng office at patakbong pumunta sa elevator. Hanggang sa makaalis ako ng company nito, hindi man lang ako hinabol ni Sixto.Buong araw akong nagkulong sa kuwarto at umiyak. Ni hindi ko kayang makita si Seven dahil mas masasaktan lang ako, lalo pa't baka hindi ko matupad ang pangako ko rito na magiging isang masaya at kompletong pamilya kami.Hindi ako makapaniwala sa mga nakita. Ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na may iba pang babae sa buhay ni Sixto. Masakit na nga sa akin iyong sa kanila ni Candy kahit hindi totoo na may relasyon sila, and then now, maaabutan ko siyang may ibang kahalikan sa office niya?Nagtalukbong ako ng kumot at muling umiyak habang nakabaon ang mukha sa unan.***"Rosi." Agad akong nilapitan ni Sixto nang makauwi ito.Hindi ko siya pinansin, ni hindi ko ito nilingon. Hindi na nga niya ako hinabol nang mag-walkout ako kanina, hindi pa ito umuwi agad. Lalong nanikip ang d
Rosi's POVNAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ang pagdami ng malamig na hangin sa aking balat. Sa pagmulat ko ng mga mata, unang bumungad sa akin ang kulay asul at marahas na paghampas ng dagat.Pabalikwas akong bumangon. "Nasaan ako?" naitanong ko sa sarili ko.Napahawak ako sa aking ulo nang maalala ang nangyari kanina. Nadukot ako! Mabilis akong bumangon, saka ko napagtanto na nasa ibabaw ako ng malambot na kama na nasa front bow deck ng isang motor yacht.Oh my God! Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko at hindi maganda lahat. Bakit nasa yate ako? Saan ito papunta? Ibebenta ba ako sa mga sindikado at kukunin ang mga laman-loob ko?Pero ang lahat ng pag-aalala at takot sa dibdib ko, mabilis na nabura nang makita ang nakangiting mukha ni Sixto habang papalapit sa akin. May dala itong mga baso ng orange juice sa dalawang kamay."Sixto? I-ikaw ang nagpadukot sa akin?"His smile widen and then gave me a soft kiss on the cheek. "Natakot ba kita?"Mabilis na nag-init ang gilid ng mga
Rosi's POVINGAT na ingat ako sa pagsasalita sa takot na baka may masabi akong ayaw niya. Baka magalit na naman, masira pa ang vacation namin.Napansin kong natahimik na naman si Sixto na parang malalim ang iniisip. Mukhang malaki nga talaga ang problema sa kompanya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito."Sixto?"Bumuntonghininga ito at ngumiti. "Huwag mo nang isipin iyon. Let me handle it."Matagal ko siyang pinagmasdan. Tumango na lang din ako kaysa masira pa ang mood niya. Mas pipiliin ko na lang na walang nalalaman."First time ko itong mapalayo nang ganito sa anak natin, Sixto. Hindi ako sanay. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Paano kung malingap ang yaya niya at may mangyaring aksidente? Malikot pa naman iyon.""Mama won't let that happen, baby. And besides, dalawang araw lang tayo rito. Hayaan mo, babalik tayo at isasama na natin si Seven."Napangiti ako nang malapad sa sinabi niya.Dalawang araw lang nga kami rito at wala kaming ibang ginawa sa first day namin kundi sulitin a
Rosi's POVNAPASINGHAP ako at napatigil sa paglalakad nang sa pagdating namin sa mansion, natanaw kong nakikipaglaro si Seven sa yaya nito. Patakbo niyang hinahabol ang kaniyang yaya sa may garden.Marunong nang maglakad si Seven, pero hindi pa ito eksperto sa pagtakbo dahil nasanay itong binubuhat at kinakarga palagi."Sixto, look! Ang baby natin, oh! Tumatakbo na!" Excited akong kumapit sa braso ni Sixto.He paused for a bit when he saw Seven, agad na binaha ng pag-aalala ang mukha nito pero nakangiti naman. Hindi ko tuloy mawari kung masaya ito sa nakikita o nag-aalala."Seven, just run slow!"Tumigil sa pagtakbo si Seven nang marinig ang boses ni Sixto, pero nang makita ako nito ay mabilis itong namula at nagsimulang umiyak."Mama! Mama!""Oh, no. He's crying na."Nilingon ko si Sixto para magpaalam sana na lalapitan ang anak namin, pero natigilan ako nang biglang dumating sina Tito Tres at Tita Tiana."Sixto, I want to talk to you," Tito Tres said. Seryoso ang mukha nito.Napatin
Rosi's POV"Nagbibiro ka ba?"Ito na lamang ang nasabi ko matapos mag-sink in sa akin ang gustong mangyari ni Sixto.Malungkot itong umiling matapos magbuga ng hangin. "Rosi, maghiwalay na tayo."Sunod-sunod sa pagpatak ang mga luha ko matapos ng sinabi niya. Parang may bombang biglang sumabog sa pandinig ko. Naging malabo ang lahat, ang paligid, ang mga sinabi nito. Wala akong maintindihan."Nagpapatawa ka? Hindi ito nakakatawa, Sixto!""Rosi, baby... ""Sandali!"Kumapit ako sa table habang pinipilit na tumayo. Pakiramdam ko kasi ay kinakapos ako ng hininga at parang mabubuwal ako.Bakit? Akala ko, okay na kami. Akala ko, maayos na ang lahat?"Rosi, sit down, please. Namumutla ka.""A-anong... anong ibig mong sabihin? Anong ibig nitong sabihin!"Hindi ko na napigilan ang magtaas ng boses. Gusto niya akong hiwalayan? So, tama nga ako. Hindi na niya ako mahal."Dinala mo ako dito, pinag-ayos, pinakain, tapos sa bandang huli, hihiwalayan mo lang pala ako?"Matagal niya akong tinitigan.
Chapter 83Rosi's POV"Anong ginagawa mo?"Sandali akong natigilan sa ginagawa nang marinig ang boses ni Sixto. Ilang segundo akong napapikit bago nagkaroon ng lakas ng loob na magpatuloy sa ginagawa."Bakit ka nag-iimpake!""Aalis na ako," maiksi kong tugon . Ni hindi ako nag-abalang lumingon sa kaniya.Ayaw kong hintayin ang araw na makita siyang ikinakasal sa iba bago pa ako umalis. Masasaktan lang ako."No! Hindi ka aalis!" Bigla ako nitong nilapitan at kinuha mula sa akin ang bag na pinaglalagyan ko ng mga inimpake kong damit."Pabayaan mo na ako, Sixto."Hindi siya nakinig sa akin. Sa halip, isa-isa niyang inilabas ang mga damit ko at ibinalik lahat sa closet."Hindi ka sabi aalis!"Nang pilitin kong kunin ang bag ko, inis nitong pinagtatapon ang mga gamit ko sa sahig."Ano pa bang gusto mo! Ginagawan na nga kita ng pabor, e! Aalis na ako!""You can't leave me! Dito ka lang, Rosi!"Ilang minuto akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong gagawin. Nakikita ko namang
Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif
Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur
Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit
Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri
Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s
Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.
Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is
Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a
Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev