Rosi's POVNAMALAGI ako sa garden habang nag-iisip. Hindi ko kayang manatili sa tabi ni Sixto na may ibang babae siyang kasama, pero mas hindi ko kakayaning mapalayo sa kaniya at sa anak namin.Alam kong katangahan nang maituturing, at mas makabubuti kung lumayo na lang ako kasama si Seven. Pero paano si Sixto? Nangako akong babawi ako sa kaniya. Na mamahalin ko siya at hindi susukuan.Matapos ng mahabang oras na pag-iisip, mabigat man sa loob ay nakapagdesisyon na ako. I want to be part of his life, and I will make sure that when he divorces that woman, I will be there.Sa dami ng pinagdaanan ko, makuha ko lang ang gusto ko, ngayon pa ba ako susuko?Tumayo na ako at bumalik sa kuwarto, pero wala sa loob si Sixto. Naisip ko si Seven. Nang puntahan ko ito ay naabutan ko roon si Sixto. Yakap at kausap ang anak namin."Rosi!" Mabilis itong tumayo nang makita ako."Paano ako kapag ikinasal ka na? Saan ako lulugar?"Ibinaba nito si Seven at agad na lumapit sa akin. "Just stay with me. Stay
Rosi's POVPAGDATING namin sa malawak na receiving area ng mansion, bumungad sa amin ni Tita Tiana ang babaeng nakasuot ng itim na dress na yumayakap sa kaakit-akit at makurba nitong katawan. Labas ang cleavage at kitang-kita rin ang mapuputi at makikinis nitong braso at mga binti."Hey, tita!" Malapad itong ngumiti at mabilis na lumapit kay Tita Tiana para makipagbeso rito. "I'm so glad to see you again, Tita Tiana! It's been years! How are you?"Ito ba ang babaeng pakakasalan ni Sixto? She looks so expensive. Ilang beses akong napalunok habang iniisip kung gaano kalaki ang pinagkaiba namin dalawa.Kung sa sexy lang ng katawan, may laban pa ako. Pero kung sa tangkad at ganda, hindi hamak na mas lamang ito sa akin.Kakaiba ang ganda ni Suzana. Sopistaka, elegante, halatang alta. Habang ako, gandang probinsyana lang.Hindi ko napigilang hindi manliit habang nakatingin dito. Wala akong laban sa kaniya. Oras na ikinasal na sila ni Sixto, may aasahan pa ba ako? Baka wala pang isang linggo
Rosi's POVUMIIYAK ako habang nakaharap sa mesa kung nasaan ang annulment papers namin ni Sixto. At dahil bukas na ang kasal nila, kailangan ko nang pirmahan ngayon ang mga ito para mas lalong mapabilis ang pagpapawalang bisa sa kasal namin."Baby... "Nag-angat ako ng paningin kay Sixto. Nasa loob kami ng living room habang naghihintay sa study sina Tito Tres at Tita Tiana."Bakit hindi mo na lang pekein ang kasal n'yo? Kaya n'yo naman gawin iyon, di ba? Mayaman ka. Magbayad kayo ng mga tao," panay hikbi ako habang sinasabi ang mga bagay na iyon.Kitang-kita ang awa sa mga mata ni Sixto habang nakatingin sa akin. Bumuntonghininga ito bago inabot ang kamay ko at mahigpit na hinawakan."Isang congressman si Robert. Kayang-kaya niyang malaman kung peke o totoo ang kasal namin. Puwede niya rin malaman kung kasal na ako o hindi pa. We need to do this."Pumikit na lang ako nang yakapin ako nito. Ang sakit na ng lalamunan ko sa paulit-ulit na pag-iyak. Dinaig ko pa ang namatayan ng mahal sa
Rosi's POVARAW ng kasal. Gusto kong matawa sa sarili ko. Habang ikinakasal sa ibang babae ang asawa ko, nandito ako. Ayos na ayos, nakasuot pa ng magandang gown, pero sa kasal naman ng taong mahal ko.I'm watching the person I love get married to somebody else. Gaano ba ako katanga at pumunta pa ako dito?"Welcome, loveds ones. We are gathered here today in the sight of God and these witnesses to join together Sixto and Suzana in holy matrimony."Nagsimula ang seremonya. Tanging ang boses ng pari ang maririnig sa isa sa pinakamalaking simbahan sa Manila.Mahigpit kong pinipigilan ang sarili ko na umiyak, pero kahit anong gawin ko, ayaw magpapigil ng mga luha ko sa pagpatak.Durog na durog ako habang pinapanood ang kasal ni Sixto. Parang pinipilipit ang puso ko ng malaking kamay. Naramdaman ko na lang ang palad ni Tita Tiana na humahagod sa likod ko. Sinusubukan akong patahanin."T-tita... "Napakapit ako sa kamay nitong inabot niya sa akin. Mahigpit niya akong hinawakan habang tuloy
Rosi's POVBUONG gabi ako umiyak habang tinitingnan isa-isa ang mga larawan nina Sixto at Suzana. Pakiramdam ko, may nakabaon na malaking punyal sa dibdib ko. Hindi ko alam ang nangyayari sa kanila ngayon, pero isipin pa lang na may ginagawa sila ni Suzana, para na akong mababaliw sa sakit.Kailangan kong makausap si Sixto. Gusto kong malaman ang totoo—kung talagang may nangyari sa kanila. Alam kong katangahan na lang ang magtanong pa ng ganitong bagay, pero gusto ko pa rin marinig mula sa bibig niya.Tawag ako nang tawag sa numero nito, pero hindi naman siya sumasagot. Chat din nang chat sa socmed account niya, kaso ganoon din. Wala rin reply. Ni hindi nito sini-seen ang messages ko.Buong araw ako hindi mapakali. Para akong mamamatay sa pag-iisip. Sa makalawa pa ang balik ni Sixto, dalawang araw pa ang bubunuin ko sa pag-o-overthink."Rosi?"Natigilan lang ako sa pag-iisip nang lumapit si Tita Tiana. Nasa garden ako kasama si Seven at yaya nito."Tita?""Ihahatid na namin kayo ni Se
Rosi's POV"Suzana, ako ang masusunod sa pamamahay na ito. Rosi will stay whether you like it or not."Tumiim ang bagang nito sa sinabi ni Sixto. Wala siyang nagawa kundi manahimik. Tinitigan naman ako nito nang masama na para bang ako ang sinisisi niya dahil hindi niya nakuha ang kaniyang gusto.Paalis na si Sixto nang pigilan niya ito. "Hindi mo ba siya hihintayin?""No, I'm busy.""Honey!""What!"Nabalot ng katahimikan ang paligid matapos ng biglang pagtaas ng mga boses nila. Nagtataka ako habang nakatingin sa mga ito. Sino bang tinutukoy ni Suzana? Si Congressman kaya?Maya-maya lang, nakarinig na kami ng doorbell sa gate. Agad na lumabas si Manang Selba para pagbuksan ito."Siya na siguro iyan," sabi ni Suzana at excited na humarap sa pinto.Akala ko, si Congressman ang tinutukoy ng mga ito, pero ilan sandali lang, bumalik si Manang Selba kasama ang isang batang babae. Sa palagay ko ay nasa apat na taon ang edad nito."Mommy!""My sugarplum!"Natigilan ako nang tumakbo ang batan
Rosi's POVNAGISING ako dahil sa cute na cute na tawa na naririnig ko. Pagmulat ko ng mga mata, bumungad sa akin si Seven habang naglalaro ito ng airplane toy na may kasamang pilot.Bumangon ako at nagtatakang tinitigan ang laruan nito. "Baby, where did you get that toy? At paano ka napunta rito?"May malaking crib sa tabi ng kama ko kung saan ko siya pinapatulog. Paano kaya ito napunta sa tabi ko? At ang laruan niya, ngayon ko lang ito nakita.Naagaw ang atensyon ko nang mapansin ang isang pulang rosas sa ibabaw ng side table. Pulang-pula iyon at napakaganda. Mabilis ko itong kinuha at inamoy."Mama! Plawer!"Hindi ko napigilan ang mapangiti nang malapad. "Anak, galing ba dito si Papa?"Tumawa lang ito at nagpatuloy sa paglalaro niya. Gusto kong maiyak sa isiping kay Sixto nga galing ang rosas at mga laruan. Lagi itong cold kapag kasama niya si Suzana. Kaya minsan, naiisip kong hindi na niya ako mahal."Dapat nagtiwala ako sa papa mo, baby. Mahal niya tayo."Nakangiti ko itong binuha
Rosi's POVMASAMA ang loob ko nang makauwi sa bahay kaya binuhos ko na lang ang atensyon ko sa pagtulong kay Manang Selba. Ito ang naglinis ng bahay at naglaba, ako naman ang nagluto ng hapunan."Ma'am, sigurado po kayong hindi n'yo kailangan ng tulong?""Hindi na ho. Malapit na rin naman akong matapos sa pagluluto. Gawin n'yo na lang ho ang kailangan n'yong gawin.""Wala na, ma'am. Tapos na kasi ako sa pagtutupi ng mga labahin. At saka, nalinis ko na rin ang kuwarto n'yo, maliban sa kuwarto nina Sir Sixto at Ma'am Suzana."Napatingin ako dito sa sinabi niya. "Bakit naman ho?""E, kasi ma'am, ayaw na ayaw ni Ma'am Suzana na pumasok ako sa kuwarto nila. Marami raw siyang alahas at mga gamit na mas mahal pa sa akin."Napailing na lang ako sa narinig. "Alam mo, matabil talaga ang dila niyang Suzana na iyan! Ang sarap tirisin!"Nanggigigil kong pinaghihiwa ang mga prutas at in-i-imagine na ito si Suzana."Nakikita mo ito, manang? Kapag ako, napuno diyan sa Suzana na iyan? Ganito ang gagaw
Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif
Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur
Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit
Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri
Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s
Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.
Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is
Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a
Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev