Rosi's POVDALAWANG-ARAW nang wala si Sixto. Ni wala itong paramdam, at walang text, walang tawag.Akala ko pa naman, gagawa ito ng paraan para makita si Seven pagkatapos ng mga nalaman niya. Patunay lang iyon na siya talaga si Sixto Hernandez, pero mukhang nagkamali na naman ako.Hindi siya si Sixto, at kung sakaling siya nga, wala siyang pakialam sa amin.Natigilan ako bigla nang halikan ako sa pisngi ni Hanz. "May kailangan akong puntahan. Baka buong araw akong wala.""Ah, s-sige. Mag-iingat ka."Tumango ito bago nilapitan si Seven at kinarga. Pinaghahalikan niya ito at nagpaalam din saka tuluyang umalis.Nang mawala si Hanz, dinala ko na si Seven sa kitchen para mag-agahan, natigilan ako nang makitang masama ang tingin sa akin nina Inay at Itay nang makapasok ako."May pupuntahan pa ako, Ling!" biglang paalam ni Itay at tumayo na ito para umalis, sakto nang makaupo ako.Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makalabas ng kitchen. "Inay, galit pa rin ba kayo sa akin?"Umismid si Ina
Last Updated : 2023-12-09 Read more