Home / Romance / My Ugly Husband is a Billionaire / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of My Ugly Husband is a Billionaire : Chapter 61 - Chapter 70

181 Chapters

Chapter 61

Rosi's POV"Hanz, ang anak ko!""Hindi ako papayag na isama mo si Seven! Anak ko rin siya! Legal ko siyang inampon kaya may karapatan ako sa kaniya!" Dinuro-duro ako ni Hanz, kulang na lang ay lapitan niya ako para saktan.Masama ko siyang tiningnan. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kaniya. "Hindi ako aalis nang hindi kasama ang anak ko!""Hindi ka aalis? Puwes, magdudusa ka!"Napasinghap ako nang bigla ako nitong nilapitan at malakas na sinampal."Hanz!" sigaw ni Inay at akmang lalapitan ako."Huwag kayong makialam dito, mga palamunin ko lang kayo!""Sumusobra ka na, Hanz! Bakit mo kami pinagsasalitaan nang ganyan!""Ikaw na gagong traydor ka! Baka akala mo, hindi ko alam ang ginagawa mo sa likuran ko! May kasulatan tayong pinirmahan, Lito! Anytime, puwede kitang ipakulong!""Lito, anong ibig niyang sabihin!""Sige! Sabihin mo sa asawa mo ang lahat!"Hindi nakasagot si Itay, at sa halip, pinigilan nito si Inay na makialam o tulungan man lang ako.Umiiyak na ako sa puntong ito dahil na
last updateLast Updated : 2023-12-14
Read more

Chapter 62

Rosi's POVTAHIMIK ang buong mansion matapos palayasin ni Sixto si Hanz. Tiningala ko ito at nakitang nakatingin ito sa akin. Nawalan ako ng lakas para tumayo, o kahit kausapin man lang ito. Hindi ko kaya.Matalim ang mga mata niya. Naroon ang galit. Makaraan ang ilang segundo, nilagpasan ako nito at umakyat siya ng hagdan. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang kinuha nito si Seven mula kay yaya.Niyakap niya nang mahigpit ang anak namin at hinagkan ito sa noo. Hindi ko napigilan ang mga luha ko habang pinagmamasdan sila. Just by staring at them, I know he'll be a good father to our son. Kitang-kita ang pagmamahal niya para sa anak namin.Muli itong bumaba at nanatili sa harap ko habang nakatingin lang sa akin. Pinilit kong tumayo."Sixto... "Hindi niya ako binigyan ng pansin. Mula sa akin, nilingon nito ang mga magulang ko. Agad na ngumiti si Itay habang masama naman ang tingin ni Inay kay Sixto."Kayo," panimula ni Sixto na ikinatigil ko dahil sa tono ng boses niya. "Lumayas na ri
last updateLast Updated : 2023-12-15
Read more

Chapter 63

Rosi's POV PINALIGPIT ni Sixto ang lahat ng gamit namin ni Seven. Binayaran niya ang mga katulong at pinaalis. Kinandado ang buong mansion. At noong araw ring iyon, isasama niya kami papunta sa Maynila, at doon na kami titira."Rosita!""Inay?" Mabilis akong tumakbo palapit sa mga magulang ko nang makita sila sa labas ng gate."Anong nangyayari? Saan kayo pupunta? Saan niya kayo dadalhin ng apo ko!""I-inay, sasama na po kami kay Sixto sa Manila. Doon kami titira sa kanila.""Ano?!" Hindi maipinta ang mukha nito."E, sandali lang, Rosi, paano naman kami ng inay mo?" napatingin ako kay Itay sa tanong nito.Lalo akong naluha. Hindi ko sila kayang iwan sa lagay na ito, pero kung magrereklamo ako ay siguradong hindi ko na makakasama ang anak ko."Rosi, let's go," narinig ko ang malalim at malamig na boses ni Sixto.Umiiyak akong lumingon dito. Matalim pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa amin."Sixto, paano naman kami! Hindi mo puwedeng gawin ito sa amin!" reklamo ni Itay."Hoy, pang
last updateLast Updated : 2023-12-15
Read more

Chapter 64

Rosi's POVPINANONOOD ko mula sa malayo ang pamilya ni Sixto. Masayang nag-aagahan ang mga ito kasama ang anak kong si Seven na abalang sinusubuan ni Tiana Santiban.Nang makita na maayos ang lagay ng anak ko ay nagbawi na ako ng tingin at ibinalik ang aking atensyon sa pagpupunas ng mga larawan na naka-display sa malawak na living room.Ilang linggo na ang lumilipas mula nang tumira kami rito. Sa ilang linggo na iyon, hindi ko nakakausap o nayayakap man lang ang anak ko. Pinagkakait ito sa akin ni Sixto. Sa tuwing sinusubukan kong lapitan si Seven, kulang na lang ay magwala si Sixto sa galit.Sa loob din ng ilang linggo, pinaramdam sa akin ng mga tao sa bahay na ito na hindi ako welcome rito. Kaya nagdesisyon akong tumulong sa paglilinis ng paligid, para may silbi naman ako at hindi ako palayasin ng ina ni Sixto."Ma'am Rosi, kumain na ho kayo sa kusina. Kami na po rito." Nilapitan ako ng isang katulong at pilit kinukuha ang basahan sa aking kamay."Ay, hindi na ho, manang. Ayos lang
last updateLast Updated : 2023-12-15
Read more

Chapter 65

Rosi's POVMATAPOS tumulong sa gawaing bahay, pagsapit ng hapon at habang hinihintay na lumubog ang araw, nanatili ako sa malawak na backyard ng mansion.Malaki at malawak, maraming tanim na bulaklak at may malaking pool sa gilid habang ang tennis at basketball courts ay makikita sa hindi kalayuan. Masarap ang simoy ng hangin dito. Para lang akong nasa probinsya kaya nakawawala ng problema.Ilang oras pa ang dumaan, nagkulay kahel na ang langit. Nakarinig na rin ako ng busina ng sasakyan. Nakarating na kanina sina Sir Tres at ang kambal kaya sigurado ako na si Sixto ang bagong dating ngayon.Mabilis akong tumakbo para salubungin sana ito. Gusto kong mawala ang galit niya sa akin para hayaan na ako nitong makasama ang anak ko. Pero bigla akong natigilan sa nakitang babaeng kasama niya ngayon at kausap sa gilid ng kotse. Ang girlfriend niya—si Candy.May kung anong kirot ang naramdaman ko sa aking puso nang makitang nakangiti sila sa isa't isa."Sir, you don't have to worry about that.
last updateLast Updated : 2023-12-16
Read more

Chapter 66

Rosi's POVNAPASINGHAP ako nang maramdaman ang pagpisil ng isang kamay sa pang-upo ko. Hindi ko na kailangan lingunin para malaman kung sino ito. Isa pa, his expensive perfume was all over the surroundings. Amoy na amoy ko ang mamahalin at masarap nitong pabango."Sixto, naghahanda ako ng breakfast."Napapikit na lang ako sa gulat nang yakapin na niya ako mula sa likuran. "Bakit umalis ka agad kaninang madaling-araw? Hinanap kita."Kagat-labi akong nagpigil ng sarili. Paano, halos manayo ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa tainga ko.Mabilis kong nilapag ang mga plato sa lamesa sa takot na baka mabitiwan ko ang mga ito. Kumalas ako sa yakap ni Sixto at nilingon siya."Ayaw kong mapuyat ka. May trabaho ka pa, di ba?""It's Sunday. Wala akong pasok."Nakagat ko ang labi ko. "Oo nga pala... "Natawa siya bago ako hinila sa baywang. Kakaiba na naman ang mga titig at hawak nito. May init sa mga iyon na naghahatid sa akin ng nagliliyab na pakiramdam.
last updateLast Updated : 2023-12-18
Read more

Chapter 67

Rosi's POVPABALIK na ako sa baba ng mansion para tumulong sa gawaing bahay, nang hindi sinasadyang mapadaan ako sa library na nasa second floor. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya nilapitan ko ito at akmang isasara, pero natigil ako nang marinig ang dalawang boses sa loob."Tiana, bakit mo naman pinapakitaan ng ganoon si Rosi? She's still your son's wife.""Nakalimutan mo na ba ang ginawa nila, Tres? Pinahirapan nila ang anak ko! Muntik na siyang mamatay nang hindi pa natin nakikita!""Hon, ang importante, kasama na natin si Sixto. Nandito na siya sa atin at may apo pa tayo.""No, Tres! Sa tuwing nakikita ko ang mukha ng babaeng iyon, umiinit ang ulo ko! I can't accept her in this family! Hindi ko siya matatanggap para sa anak natin!""Tiana, love, alam natin pareho na walang magandang idudulot ang paghihiganti. Pinagdaanan na natin ito noon. Please, tanggapin mo na si Rosi. Mahal siya ni Sixto."Nasilip kong umiwas si Tita Tiana habang may luha sa galit nitong mga mata. Ilang beses
last updateLast Updated : 2023-12-18
Read more

Chapter 68

Rosi's POVNAALIMPUNGATAN akong nakadagan ang braso ni Sixto sa akin habang mahimbing itong natutulog. Kapwa kami hubo't hubad mula sa tatlong rounds ng pagtatalik kanina.Nilingon ko ito at nakita ang mukha niyang payapang nahihimbing. Sinubukan kong tanggalin ang braso niya sa akin. Balak ko kasing puntahan si Seven para tingnan, pero habang inaangat ang braso nito ay muli nitong pinulupot iyon sa akin."Ang bigat naman... "Sa pangalawang subok ko, ganoon pa rin ang nangyari. Lalo lang humigpit ang yakap nito sa akin. Bumuntonghininga ako at hinayaan na lang. Hihintayin ko na lang siguro siyang magising."Saan ka pupunta?" ang namamaos na boses ni Sixto ang gumulat sa akin.Napasinghap ako at kulang na lang ay mapatalon habang nakahiga. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ito. Nakapikit pa rin siya at malalim pa rin ang paghinga."Tinakot mo ako.""Tatakas ka?" He opened his other eye while smiling at me."Ano? Hindi! Balak ko lang puntahan si Seven."Tuluyan na siyang nagmulat ng
last updateLast Updated : 2023-12-19
Read more

Chapter 69

Sixto's POVNAKAUPO ako sa single sofa sa tabi ng nakabukas na valcony sa loob ng kuwarto ko. Gabi na at tahimik na rin ang buong mansion. I'm holding a glass of whiskey on my hand.Buong araw, nagmakaawa at umiyak sa paanan ko si Rosi. Kung ano-ano ang pinangako nitong gagawin para sa akin, hayaan ko lang siyang tulungan ang kapatid niya.Muli akong uminom ng alak. Wala naman talaga sa plano kong idamay si Gio kahit sabihin pang galit ako sa kaniya, pero alam kong masasaktan sina Roberta at Lito kaya pinakulong ko ang anak nila."What should I do?" bulong ko sa sarili ko habang nakamasahe ang kamay ko sa aking sintido.Maya-maya pa, biglang tumunog ang spare cellphone ko at bumungad sa akin ang isang pamilyar na pangalan. Si Jan."Sixto!"Nagsalubong na agad ang kilay ko sa tono ng boses nito sa kabilang linya. "Bakit?""Nawawala sa paningin namin si Hanz!"Bigla akong napatayo sa narinig. "Anong nawawala? Anong ibig mong sabihin!""Katulad ng utos mo, sinundan namin siya at sinigura
last updateLast Updated : 2023-12-19
Read more

Chapter 70

Sixto's POV"Sixto."Natigilan ako sa harap ng pinto nang marinig ang boses ni Rosi. Nang lingunin ko ito ay nagmamadali siyang lumapit sa akin."Hindi ka ba mag-aagahan? Masarap ang luto ni Tita Tiana."Bumuntonghininga ako habang nakatitig sa mukha niya. Papa caught my attention as he was walking to the dining room, nakatingin ito sa akin at seryoso ang mukha."Kailangan ko nang umalis, Rosi. Marami pa akong gagawin."Paalis na ako nang pigilan uli ako nito sa kamay. My brows immediately furrowed in annoyance, pero mabilis na naglaho ang inis na nararamdaman ko nang tumingkayad siya at hinalikan ako sa pisngi."Mag-iingat ka, ha? Uwi ka nang maaga para makapaglaro tayo nina Seven."She sweetly smiled at me while waving her hand. Pagkatapos ay patakbo rin itong bumalik sa kitchen. Naiwan akong nakatulala nang ilang minuto bago nakabalik sa reyalidad.Dahil sa ginawa nito ay mabilis na naglaho ang inis na naramdaman ko mula sa nagdaang gabing pag-uusap namin ni Papa. Nakangiti na ako
last updateLast Updated : 2023-12-20
Read more
PREV
1
...
56789
...
19
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status