Rosi's POV PINALIGPIT ni Sixto ang lahat ng gamit namin ni Seven. Binayaran niya ang mga katulong at pinaalis. Kinandado ang buong mansion. At noong araw ring iyon, isasama niya kami papunta sa Maynila, at doon na kami titira."Rosita!""Inay?" Mabilis akong tumakbo palapit sa mga magulang ko nang makita sila sa labas ng gate."Anong nangyayari? Saan kayo pupunta? Saan niya kayo dadalhin ng apo ko!""I-inay, sasama na po kami kay Sixto sa Manila. Doon kami titira sa kanila.""Ano?!" Hindi maipinta ang mukha nito."E, sandali lang, Rosi, paano naman kami ng inay mo?" napatingin ako kay Itay sa tanong nito.Lalo akong naluha. Hindi ko sila kayang iwan sa lagay na ito, pero kung magrereklamo ako ay siguradong hindi ko na makakasama ang anak ko."Rosi, let's go," narinig ko ang malalim at malamig na boses ni Sixto.Umiiyak akong lumingon dito. Matalim pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa amin."Sixto, paano naman kami! Hindi mo puwedeng gawin ito sa amin!" reklamo ni Itay."Hoy, pang
Rosi's POVPINANONOOD ko mula sa malayo ang pamilya ni Sixto. Masayang nag-aagahan ang mga ito kasama ang anak kong si Seven na abalang sinusubuan ni Tiana Santiban.Nang makita na maayos ang lagay ng anak ko ay nagbawi na ako ng tingin at ibinalik ang aking atensyon sa pagpupunas ng mga larawan na naka-display sa malawak na living room.Ilang linggo na ang lumilipas mula nang tumira kami rito. Sa ilang linggo na iyon, hindi ko nakakausap o nayayakap man lang ang anak ko. Pinagkakait ito sa akin ni Sixto. Sa tuwing sinusubukan kong lapitan si Seven, kulang na lang ay magwala si Sixto sa galit.Sa loob din ng ilang linggo, pinaramdam sa akin ng mga tao sa bahay na ito na hindi ako welcome rito. Kaya nagdesisyon akong tumulong sa paglilinis ng paligid, para may silbi naman ako at hindi ako palayasin ng ina ni Sixto."Ma'am Rosi, kumain na ho kayo sa kusina. Kami na po rito." Nilapitan ako ng isang katulong at pilit kinukuha ang basahan sa aking kamay."Ay, hindi na ho, manang. Ayos lang
Rosi's POVMATAPOS tumulong sa gawaing bahay, pagsapit ng hapon at habang hinihintay na lumubog ang araw, nanatili ako sa malawak na backyard ng mansion.Malaki at malawak, maraming tanim na bulaklak at may malaking pool sa gilid habang ang tennis at basketball courts ay makikita sa hindi kalayuan. Masarap ang simoy ng hangin dito. Para lang akong nasa probinsya kaya nakawawala ng problema.Ilang oras pa ang dumaan, nagkulay kahel na ang langit. Nakarinig na rin ako ng busina ng sasakyan. Nakarating na kanina sina Sir Tres at ang kambal kaya sigurado ako na si Sixto ang bagong dating ngayon.Mabilis akong tumakbo para salubungin sana ito. Gusto kong mawala ang galit niya sa akin para hayaan na ako nitong makasama ang anak ko. Pero bigla akong natigilan sa nakitang babaeng kasama niya ngayon at kausap sa gilid ng kotse. Ang girlfriend niya—si Candy.May kung anong kirot ang naramdaman ko sa aking puso nang makitang nakangiti sila sa isa't isa."Sir, you don't have to worry about that.
Rosi's POVNAPASINGHAP ako nang maramdaman ang pagpisil ng isang kamay sa pang-upo ko. Hindi ko na kailangan lingunin para malaman kung sino ito. Isa pa, his expensive perfume was all over the surroundings. Amoy na amoy ko ang mamahalin at masarap nitong pabango."Sixto, naghahanda ako ng breakfast."Napapikit na lang ako sa gulat nang yakapin na niya ako mula sa likuran. "Bakit umalis ka agad kaninang madaling-araw? Hinanap kita."Kagat-labi akong nagpigil ng sarili. Paano, halos manayo ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa tainga ko.Mabilis kong nilapag ang mga plato sa lamesa sa takot na baka mabitiwan ko ang mga ito. Kumalas ako sa yakap ni Sixto at nilingon siya."Ayaw kong mapuyat ka. May trabaho ka pa, di ba?""It's Sunday. Wala akong pasok."Nakagat ko ang labi ko. "Oo nga pala... "Natawa siya bago ako hinila sa baywang. Kakaiba na naman ang mga titig at hawak nito. May init sa mga iyon na naghahatid sa akin ng nagliliyab na pakiramdam.
Rosi's POVPABALIK na ako sa baba ng mansion para tumulong sa gawaing bahay, nang hindi sinasadyang mapadaan ako sa library na nasa second floor. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya nilapitan ko ito at akmang isasara, pero natigil ako nang marinig ang dalawang boses sa loob."Tiana, bakit mo naman pinapakitaan ng ganoon si Rosi? She's still your son's wife.""Nakalimutan mo na ba ang ginawa nila, Tres? Pinahirapan nila ang anak ko! Muntik na siyang mamatay nang hindi pa natin nakikita!""Hon, ang importante, kasama na natin si Sixto. Nandito na siya sa atin at may apo pa tayo.""No, Tres! Sa tuwing nakikita ko ang mukha ng babaeng iyon, umiinit ang ulo ko! I can't accept her in this family! Hindi ko siya matatanggap para sa anak natin!""Tiana, love, alam natin pareho na walang magandang idudulot ang paghihiganti. Pinagdaanan na natin ito noon. Please, tanggapin mo na si Rosi. Mahal siya ni Sixto."Nasilip kong umiwas si Tita Tiana habang may luha sa galit nitong mga mata. Ilang beses
Rosi's POVNAALIMPUNGATAN akong nakadagan ang braso ni Sixto sa akin habang mahimbing itong natutulog. Kapwa kami hubo't hubad mula sa tatlong rounds ng pagtatalik kanina.Nilingon ko ito at nakita ang mukha niyang payapang nahihimbing. Sinubukan kong tanggalin ang braso niya sa akin. Balak ko kasing puntahan si Seven para tingnan, pero habang inaangat ang braso nito ay muli nitong pinulupot iyon sa akin."Ang bigat naman... "Sa pangalawang subok ko, ganoon pa rin ang nangyari. Lalo lang humigpit ang yakap nito sa akin. Bumuntonghininga ako at hinayaan na lang. Hihintayin ko na lang siguro siyang magising."Saan ka pupunta?" ang namamaos na boses ni Sixto ang gumulat sa akin.Napasinghap ako at kulang na lang ay mapatalon habang nakahiga. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ito. Nakapikit pa rin siya at malalim pa rin ang paghinga."Tinakot mo ako.""Tatakas ka?" He opened his other eye while smiling at me."Ano? Hindi! Balak ko lang puntahan si Seven."Tuluyan na siyang nagmulat ng
Sixto's POVNAKAUPO ako sa single sofa sa tabi ng nakabukas na valcony sa loob ng kuwarto ko. Gabi na at tahimik na rin ang buong mansion. I'm holding a glass of whiskey on my hand.Buong araw, nagmakaawa at umiyak sa paanan ko si Rosi. Kung ano-ano ang pinangako nitong gagawin para sa akin, hayaan ko lang siyang tulungan ang kapatid niya.Muli akong uminom ng alak. Wala naman talaga sa plano kong idamay si Gio kahit sabihin pang galit ako sa kaniya, pero alam kong masasaktan sina Roberta at Lito kaya pinakulong ko ang anak nila."What should I do?" bulong ko sa sarili ko habang nakamasahe ang kamay ko sa aking sintido.Maya-maya pa, biglang tumunog ang spare cellphone ko at bumungad sa akin ang isang pamilyar na pangalan. Si Jan."Sixto!"Nagsalubong na agad ang kilay ko sa tono ng boses nito sa kabilang linya. "Bakit?""Nawawala sa paningin namin si Hanz!"Bigla akong napatayo sa narinig. "Anong nawawala? Anong ibig mong sabihin!""Katulad ng utos mo, sinundan namin siya at sinigura
Sixto's POV"Sixto."Natigilan ako sa harap ng pinto nang marinig ang boses ni Rosi. Nang lingunin ko ito ay nagmamadali siyang lumapit sa akin."Hindi ka ba mag-aagahan? Masarap ang luto ni Tita Tiana."Bumuntonghininga ako habang nakatitig sa mukha niya. Papa caught my attention as he was walking to the dining room, nakatingin ito sa akin at seryoso ang mukha."Kailangan ko nang umalis, Rosi. Marami pa akong gagawin."Paalis na ako nang pigilan uli ako nito sa kamay. My brows immediately furrowed in annoyance, pero mabilis na naglaho ang inis na nararamdaman ko nang tumingkayad siya at hinalikan ako sa pisngi."Mag-iingat ka, ha? Uwi ka nang maaga para makapaglaro tayo nina Seven."She sweetly smiled at me while waving her hand. Pagkatapos ay patakbo rin itong bumalik sa kitchen. Naiwan akong nakatulala nang ilang minuto bago nakabalik sa reyalidad.Dahil sa ginawa nito ay mabilis na naglaho ang inis na naramdaman ko mula sa nagdaang gabing pag-uusap namin ni Papa. Nakangiti na ako
Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif
Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur
Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit
Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri
Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s
Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.
Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is
Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a
Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev