Rosi's POVMARIIN kong kinuyom ang mga kamay ko habang nakatingin sa mukha ni Suzana na mukhang clown dahil sa kapal ng makeup."Ano? Hindi ka tatawag ng pulis? Ako ang tatawag!"Mabilis nitong pinulupot ang mga kamay sa braso ni Sixto at parang naiinis at natatakot. "Honey! Pigilan mo siya! Nababaliw na ang babaeng iyan!""Ako pa ang nababaliw? E, halata namang ikaw ang may tiriring sa atin dalawa!""What did you say?! T-tiriring!"Pumagitna na sa amin si Sixto at hinarap nito si Suzana. Mataman niya itong tinitigan."Bakit mo ito ginawa?"Umirap lang si Suzana at hindi nagsalita. Uminit lalo ang ulo ko sa nakikitang reaksyon nito."Suzana, answer me!"Kamuntikan na itong mapatalon sa taas ng boses ni Sixto. Hindi pa kasi magsalita ang demonyita!"Lumabas din ang totoo!""What do you mean?""Akala n'yo ba, tanga ako? Na hindi ko napapansin ang mga tinginan ninyo? Ang mga usapan n'yo! At kahit ang katulong na iyon, tinatawag siyang ma'am!" Tumawa ito bigla bago bumaling sa akin. "Umam
Rosi's POVINIWAN ko muna sa kuwarto si Seven dahil mahimbing pa rin ang tulog nito. Magluluto sana ako ng breakfast nito kaya bumaba ako sa kitchen, pero natigilan ako nang maabutan doon si Suzana."Anong ginagawa mo rito?"Umarko agad ang mga kilay niya. "Why? Am I not allowed in my own house now?""Hindi naman. Nasanay lang ako na araw-araw kang umaalis.""Well, hindi ngayon." Nilapag nito ang baso ng juice na hawak niya at saka tumayo para humarap sa akin. "I decided to stay home starting today. Kasi malay ko ba, baka umuuwi si Sixto dito nang hindi ko nalalaman. At baka may umaahas na sa kaniya."Ilang ulit akong napalunok. Umagang-umaga, ito ang bubungad sa akin. Hindi ko alam kung maiinis ako o makokonsensya, e. Ako ang legal na asawa, pero ngayon, ako ang tinatawag na kabit at ahas.Huminga ako nang malalim. Gusto kong hilahin ang buhok nito at ilampaso ang pagmumukha niya sa sahig, pero nagpigil ako.Tinalikuran ko na lang ito at piniling bumalik sa kuwarto para walang gulo.
Rosi's POVTULALA ako nang makabalik sa bahay. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman kay Tita Tuwad. Magagawa ni Hanz iyon? Diyos ko. Anong pumasok sa isip niya at ginawa niya iyon?"Ew! Why are you here?!"Natigilan ako sa paglalakad nang lumabas mula sa kitchen si Criza at nakakrus ang mga braso sa dibdib nang lumapit sa amin.Sinubukan kong ngumiti dito. "Hi, Criza."Sa halip na ngumiti rin, sumimangot ito habang nakatingala. "Why are you still here?! Dapat, hindi na lang kayo umuwi para we are happy family na! Walang time sa amin si Daddy Sixto dahil sa baby na iyan! He's so ugly naman! And I heard, you're his mommy? Ew! Pareho kayong poor!"Huminga ako nang malalim sa narinig. Naha-highblood na nga ako sa nanay, pati anak, pinapainit din ang ulo ko!"Criza, masamang magsalita nang ganyan. Ang bata-bata mo pa, kung ano na ang pinagsasabi mo.""How dare you talk to my daughter that way!" Mabilis na bumaba ng hagdan si Suzana. Mistulan itong dragon habang papalapit sa amin.Speaking
Rosi's POV"Ang guwapo talaga ni Seven, ma'am! Kamukhang-kamukha nina Sir Tres at Sixto."Napangiti ako sa sinabi ni Manang Selba. Tinapunan ko ito ng tingin at nagpasalamat bago ipinagpatuloy ang pagpapakain kay Seven."Tingnan mo naman, ma'am, oh! Parang mestizo. Mamula-mula ang pisngi!"Natawa na ako sa pagkakataong iyon. Tuwang-tuwa kasi ako na napupuri ang baby Seven ko."Ikaw talaga, manang. Kotang-kota na ang anak ko sa mga papuri n'yo.""Totoo naman kasi, ma'am! Sigurado ako, paglaki niyan, napakaguwapong bata!""Ang mahalaga po sa akin, lumaki siyang matalino, may takot sa Diyos at may pagmamahal sa kapuwa. Katulad po ni Sixto—""Manang, paalisin mo ang mga sampid na iyan! Kakain kami ng anak ko."Biglang dumating si Suzana at sinira na naman ang mood. Ipinanganak yata itong babae na ito para manira ng araw ng tao."Suzana, puwede ba? Kumakain lang kami ng anak ko. Hindi ka ba napapagod makipag-away? Magpahinga ka naman.""I will never get tired of fighting with you! Alis!"N
Rosi's POV"Anong nangyari sa mukha mo?"Umiwas ako ng tingin kay Sixto at pilit kinukubli ang mukha kong puno ng pasa. "W-wala.""Anong wala? May pasa ka sa mukha!" Sandali itong natigilan. "Did Suzana hurt you again?""Huwag mo na akong isipin." Idinaan ko na lang sa ngiti at binalewala ang pagtatanong niya. Lumapit ako sa kama para maupo.Nakatulog na si Seven matapos nitong kumain ng maraming prutas kanina. Nakaubos din ito ng dalawang baso ng pineapple juice kaya ang laki ng tiyan nito.Tumabi sa akin si Sixto at pilit akong pinahaharap sa kaniya. Ilang minuto nitong pinagmasdan ang mukha ko."I'm sorry."Ngumiti ako at umiling. "Hindi mo naman kasalanan ito."Tiningnan niya ako na puno ng awa ang mukha. Ako ang pumili na manatili, kaya ano man ang mangyari, ako ang mananagot. Maya-maya ay natigilan ako sa ginawa ni Sixto."Sixto, ano ka ba?" Natawa ako nang dampian niya ng halik ang mga pasa sa pisngi at gilid ng labi ko."Saan pa masakit?""Si Suzana, baka abutan niya tayo.""N
Rosi's POVINIWAN ko sandali si Seven nang makitang tulog pa rin ito sa kuwarto. Nag-text na lang ako kay Manang Selba na umuwi agad dahil walang kasama ang anak ko.Nagmadali ako sa pagpunta sa bangko at nag-withdraw ng pera. Pagkatapos ay tinawagan ko si Tita Tuwad para magpasama sa kaniya. Sinabi ko na dito ang lahat, at kulang na lang ay batukan niya ako sa inis."Jusko ko ka, ha? Jusko ka! Bakit pumayag ka sa ganoong set-up? Tanga ka ba?""Tita naman, samahan mo na lang ako. Kailangan kong makabili ng original bag ng babaeng mukhang sugpo na iyon! Kung hindi, ipapakulong ako nina Suzana!""E, kamo, designer's bag iyon? Ibig sabihin, mahal! May dala ka bang pera diyan?"Binuksan ko ang bag ko at ipinakita sa kaniya ang isang milyon na w-in-ithdraw ko."Oh, bakit sobra yata ito? Akala ko ba, one hundred thousand pesos lang iyon?"Napakagat-labi ako habang nakatingin sa kaniya. At mukhang naunawaan naman niya ang ibig kong sabihin. Sandali itong may tinawagan. Kaibigan niyang bugaw
Rosi's POVMAY matamis na ngiti sa mga labi ko habang kinukuskos ang likod ng pan fryer at nang-aakit na nakatingin kay Sixto. Dahil sa suot kong labas cleavage, labas tiyan, at labas legs, hindi tuloy ito makakain nang mabuti.Patuloy ako sa pagsasabon habang namumungay ang mga mata at nakatingin sa kaniya. Sinasadya ko pang pabagalin ang galaw ko at pasimpleng inuusli ang puwetan ko para lang maakit ito.Gusto kong matawa nang makitang hindi na nag-uulam si Sixto at kanin na lang ang kinakain habang nakatingin sa aking legs.Marahas na ibinaba ni Suzana ang kutsara nito at nagdadabog na tumayo. "May I remind you to never look at someone else's property!"Tumigil ako sa ginagawa at hinarap siya. "Hindi naman ako tumitingin sa pag-aari ng iba. Nakatingin ako sa pag-aari ko."Hindi napigilan ni Sixto ang mapangiti nang dahil sa narinig. Nang makita iyon ni Suzana ay halos pumutok na ang mukha nito sa galit. She was as red as a tomato."Mukhang tapos ka nang kumain, Sixto! Halika na!"A
Rosi's POVPAKIRAMDAM ko ay gumapang ang kilabot sa mga braso ko dahil sa sinabi ni Sixto. Hindi galing sa kaniya ang mga rosas na natatanggap ko? Kung hindi, kanino ito galing?Napatingin ako sa rosas na hawak ko at hindi mapigilang hindi mahulog sa malalim na pag-iisip. Galing kaya ito kay Suzana? Is this a prank?"Si Hanz! I'm sure it's from him! Sabi mo, may kasamang laruan na airplane? I'm sure it's Hanz! Damn it!"Mabilis na lumabas si Sixto kaya sinundan ko siya. Sa kusina kami napunta, kay Manang Selba. Kinausap niya ito at sinubukang paaminin."May pinapapasok ba kayo habang wala kami? Or did you go inside my study room?""Wala po, sir. Kapag wala kayo, nasa kusina lang po ako. Naghahanda ng pagkain.""Hindi ikaw ang nag-iiwan ng mga rosas?" "R-rosas po? Hindi, sir!"Medyo naawa ako kay Manang Selba dahil halatang natatakot na ito sa mga pagtatanong ni Sixto. I tried to stop him, pero ayaw niyang makinig."Damn it, Rosi! Hindi siya makakapasok kung walang nagpapapasok sa kan
Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif
Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur
Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit
Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri
Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s
Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.
Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is
Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a
Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev