Rosi's POVINIWAN ko sandali si Seven nang makitang tulog pa rin ito sa kuwarto. Nag-text na lang ako kay Manang Selba na umuwi agad dahil walang kasama ang anak ko.Nagmadali ako sa pagpunta sa bangko at nag-withdraw ng pera. Pagkatapos ay tinawagan ko si Tita Tuwad para magpasama sa kaniya. Sinabi ko na dito ang lahat, at kulang na lang ay batukan niya ako sa inis."Jusko ko ka, ha? Jusko ka! Bakit pumayag ka sa ganoong set-up? Tanga ka ba?""Tita naman, samahan mo na lang ako. Kailangan kong makabili ng original bag ng babaeng mukhang sugpo na iyon! Kung hindi, ipapakulong ako nina Suzana!""E, kamo, designer's bag iyon? Ibig sabihin, mahal! May dala ka bang pera diyan?"Binuksan ko ang bag ko at ipinakita sa kaniya ang isang milyon na w-in-ithdraw ko."Oh, bakit sobra yata ito? Akala ko ba, one hundred thousand pesos lang iyon?"Napakagat-labi ako habang nakatingin sa kaniya. At mukhang naunawaan naman niya ang ibig kong sabihin. Sandali itong may tinawagan. Kaibigan niyang bugaw
Rosi's POVMAY matamis na ngiti sa mga labi ko habang kinukuskos ang likod ng pan fryer at nang-aakit na nakatingin kay Sixto. Dahil sa suot kong labas cleavage, labas tiyan, at labas legs, hindi tuloy ito makakain nang mabuti.Patuloy ako sa pagsasabon habang namumungay ang mga mata at nakatingin sa kaniya. Sinasadya ko pang pabagalin ang galaw ko at pasimpleng inuusli ang puwetan ko para lang maakit ito.Gusto kong matawa nang makitang hindi na nag-uulam si Sixto at kanin na lang ang kinakain habang nakatingin sa aking legs.Marahas na ibinaba ni Suzana ang kutsara nito at nagdadabog na tumayo. "May I remind you to never look at someone else's property!"Tumigil ako sa ginagawa at hinarap siya. "Hindi naman ako tumitingin sa pag-aari ng iba. Nakatingin ako sa pag-aari ko."Hindi napigilan ni Sixto ang mapangiti nang dahil sa narinig. Nang makita iyon ni Suzana ay halos pumutok na ang mukha nito sa galit. She was as red as a tomato."Mukhang tapos ka nang kumain, Sixto! Halika na!"A
Rosi's POVPAKIRAMDAM ko ay gumapang ang kilabot sa mga braso ko dahil sa sinabi ni Sixto. Hindi galing sa kaniya ang mga rosas na natatanggap ko? Kung hindi, kanino ito galing?Napatingin ako sa rosas na hawak ko at hindi mapigilang hindi mahulog sa malalim na pag-iisip. Galing kaya ito kay Suzana? Is this a prank?"Si Hanz! I'm sure it's from him! Sabi mo, may kasamang laruan na airplane? I'm sure it's Hanz! Damn it!"Mabilis na lumabas si Sixto kaya sinundan ko siya. Sa kusina kami napunta, kay Manang Selba. Kinausap niya ito at sinubukang paaminin."May pinapapasok ba kayo habang wala kami? Or did you go inside my study room?""Wala po, sir. Kapag wala kayo, nasa kusina lang po ako. Naghahanda ng pagkain.""Hindi ikaw ang nag-iiwan ng mga rosas?" "R-rosas po? Hindi, sir!"Medyo naawa ako kay Manang Selba dahil halatang natatakot na ito sa mga pagtatanong ni Sixto. I tried to stop him, pero ayaw niyang makinig."Damn it, Rosi! Hindi siya makakapasok kung walang nagpapapasok sa kan
Rosi's POVBUONG araw akong nagkulong sa kuwarto habang iniisip ang mga sinabi ni Suzana. Hindi magagawa sa akin ni Sixto ang bagay na iyon. Oo, kasal sila, pero ang buntisin ito? Nangako siyang hindi niya gagawin iyon sa akin.Ayaw kong maniwala pero gusto ko rin malaman kung anong totoong dahilan. Bakit hinahayaan pa rin ako ni Suzana na manatili dito kung wala silang usapan ni Sixto?Hindi ako mapakali kaya panay dial ako sa number nito, pero hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko."Gaano ba siya ka-busy para paulit-ulit na indahin ang mga calls ko!"Inis kong tinapon ang hawak kong cellphone. Bigla naman akong natigilan nang maalala ang problemang kinakaharap nila ngayon.Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha. Tinangay ni Hanz si Cali, ang isa sa mga kambal na kapatid ni Sixto. Na-guilty ako bigla dahil alam kong may kasalanan din ako sa nangyari. Ako ang nagdala kay Hanz sa buhay nila."Mama... "Natigilan ako sa pag-iisip at napatingin kay Seven. Nakatayo ito sa harap ng
Rosi's POV"Ahhhh!"Isang malakas na tili ang gumising sa akin kaya mabilis akong bumangon. Natigilan ako nang makita si Suzana sa bungad ng pinto, nakatingin sa akin at pulang-pula ang mukha. Bakas ang gulat at galit doon.Akala ko ay nananaginip pa rin ako, pero nang bumangon sa tabi ko si Sixto ay pati ako, nanlaki ang mga mata."Sixto?"Bumaba ang paningin ko sa mga katawan namin. Pareho kaming nakahubad at nababalot lang ng puting kumot."Mga walang hiya!" matinis na tili ni Suzana.Muli akong napatingin dito at natigilan nang makitang hawak niya ang kamay ni Seven. Shit! Dahil kay Sixto, nakalimutan ko nang naiwan ko pala si Seven sa garden."Bitch! Mga hayop! Mga manloloko!"Mabilis na binitiwan ni Suzana ang kamay ng anak ko at binalak akong sugurin, pero agad itong napigilan ni Sixto. He got up from the bed and stopped her while he was still naked.Pinulupot ko ang kumot sa katawan ko saka daling kinuha si Seven at inilayo sa kanila."Don't you dare touch her, Suzana!"Isang
Rosi's POVMATAPOS namin mamasyal buong maghapon, nang sumapit ang gabi ay saka pa lang namin napagdesisyunan na umuwi. Pagbukas pa lang ng pinto, bumungad na sa amin si Suzana.Natigilan ako nang makita ang ayos nito. Nakasuot siya ng silk gown na kulay ginto at naka-full blast ang makeup. Nakangiti itong lumapit sa amin. Naghanda na agad ako dahil baka sugurin na naman ako nito. Buhat-buhat ko pa naman si Seven na mahimbing na natutulog."Tomorrow is my daughter's birthday. I want to invite you," she said while looking at me.Nagtatakang tiningnan ko rin ito bago bumaling kay Sixto. May sapi yata ng mabuting kaluluwa ang katawan ni Suzana? Bakit parang kalmado at mabait itong magsalita ngayon?"Hindi ba sinabi ni Sixto?"Umiling ako sa kaniya na ikinangiti niya. "Well, I'm telling you now. You should come.""Ako?" nagtataka kong tanong.Ano kayang nakain nito at iniimbitahan ako sa birthday ng anak niya? Panis na talong?"I realized na hindi naman natin kailangan mag-agawan... kung
Rosi's POV"Rosi."Mabilis na dumistansya sa akin si Congressman Robert nang lapitan kami ni Sixto. Mataman ang mga titig ni Sixto dito na parang nagdududa, kaya alam kong nahalata niya ang nangyayari."Oh, hijo, my son-in-law. Ikaw pala! Nag-uusap lang kami nitong si Rosi, paalis na rin ako." Bago umalis ay nilingon pa ako nito at palihim na kinindatan. "I'll wait for you, hija."Sinundan ito ng tingin ni Sixto hanggang sa makalayo. Nang maiwan kaming dalawa ay agad niya akong nilapitan."Are you okay? You look pale." Nag-aalala niyang hinawakan ang pisngi ko, pero umiwas ako dahil sa dami ng tao sa paligid."Baka may makahalata sa atin," nag-aalala kong turan."Anong ginawa niya sa iyo? Tell me, did he do something to you?""Wala." Agad akong umiling. Gusto ko sanang sabihin dito pero iyong kaming dalawa na lang.Hayop na congressman na iyon. Anong akala niya sa akin? Bayarang babae? May dahilan talaga kung bakit hindi ko gusto ang hilatsa ng pagmumukha ng ama ni Suzana. Parehong-pa
Rosi's POVNAALIMPUNGATAN ako dahil sa malakas na amoy na pumupuno sa ilong ko. Ang puting kisame ang unang bumungad sa akin sa pagmulat ko ng mga mata. Sinubukan kong luminga sa paligid, saka ko lang napagtanto kung nasaan ako. Nasa hospital."Gising na ang pasyente! Bilisan mo, tawagin mo si Doktora!"Muli akong napapikit dahil sa pananakit ng ulo nang subukin kong tumayo. Maya-maya pa, narinig ko na ang pagpasok ng doctor kasama ang ilang nurse. Ch-in-eck ng mga ito ang lagay ko at vital signs."Mabuti po at gising na kayo. Mahigit dalawang araw din kayong walang malay."Napatigil ako sa narinig. Dalawang araw? Ganoon katagal akong tulog?"Ano pong nangyari sa akin, doktora?""Natagpuan kang lumulutang-lutang sa dagat, mabuti na lang dahil nadala ka agad sa hospital."Dahil sa sinabi nito, naalala ko na ang nangyari sa akin. Si Suzana, siya ang may gawa nito. Tinulak niya ako sa cruise ship, binalak niya akong patayin!Hindi ko napigilang hindi mapaluha. Muntikan na pala akong mama
Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif
Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur
Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit
Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri
Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s
Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.
Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is
Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a
Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev