Rosi's POV"Rosi."Mabilis na dumistansya sa akin si Congressman Robert nang lapitan kami ni Sixto. Mataman ang mga titig ni Sixto dito na parang nagdududa, kaya alam kong nahalata niya ang nangyayari."Oh, hijo, my son-in-law. Ikaw pala! Nag-uusap lang kami nitong si Rosi, paalis na rin ako." Bago umalis ay nilingon pa ako nito at palihim na kinindatan. "I'll wait for you, hija."Sinundan ito ng tingin ni Sixto hanggang sa makalayo. Nang maiwan kaming dalawa ay agad niya akong nilapitan."Are you okay? You look pale." Nag-aalala niyang hinawakan ang pisngi ko, pero umiwas ako dahil sa dami ng tao sa paligid."Baka may makahalata sa atin," nag-aalala kong turan."Anong ginawa niya sa iyo? Tell me, did he do something to you?""Wala." Agad akong umiling. Gusto ko sanang sabihin dito pero iyong kaming dalawa na lang.Hayop na congressman na iyon. Anong akala niya sa akin? Bayarang babae? May dahilan talaga kung bakit hindi ko gusto ang hilatsa ng pagmumukha ng ama ni Suzana. Parehong-pa
Rosi's POVNAALIMPUNGATAN ako dahil sa malakas na amoy na pumupuno sa ilong ko. Ang puting kisame ang unang bumungad sa akin sa pagmulat ko ng mga mata. Sinubukan kong luminga sa paligid, saka ko lang napagtanto kung nasaan ako. Nasa hospital."Gising na ang pasyente! Bilisan mo, tawagin mo si Doktora!"Muli akong napapikit dahil sa pananakit ng ulo nang subukin kong tumayo. Maya-maya pa, narinig ko na ang pagpasok ng doctor kasama ang ilang nurse. Ch-in-eck ng mga ito ang lagay ko at vital signs."Mabuti po at gising na kayo. Mahigit dalawang araw din kayong walang malay."Napatigil ako sa narinig. Dalawang araw? Ganoon katagal akong tulog?"Ano pong nangyari sa akin, doktora?""Natagpuan kang lumulutang-lutang sa dagat, mabuti na lang dahil nadala ka agad sa hospital."Dahil sa sinabi nito, naalala ko na ang nangyari sa akin. Si Suzana, siya ang may gawa nito. Tinulak niya ako sa cruise ship, binalak niya akong patayin!Hindi ko napigilang hindi mapaluha. Muntikan na pala akong mama
Rosi's POVAGAD kong binuhat si Seven at nagmadali sa pag-akyat sa hagdan. Hindi ako makakapayag na manatili rito ng isa pang gabi matapos ng ginawa sa akin ni Suzana. Nababaliw na ang babaeng iyon!Ayaw kong isangkalan ang kaligtasan ng anak ko sa kahibangan ko na mabubuo pa kami nina Sixto.Kung hindi ko na mabibigyan ng kompletong pamilya si Seven, mailigtas man lang ito ay gagawin ko. Kahit mahal ko pa si Sixto, nakahanda akong bitiwan siya. Ayaw ko na baka sa susunod ay madamay pa si Seven sa kabaliwan ng babaeng pinakasalan niya."Daddy, maniwala ka!"Natigilan ako sa tuktok ng hagdan nang marinig ang boses na iyon ni Suzana. Napansin kong parang nakikipagtalo ito kay Congressman Robert dahil may narinig akong bagay na nabasag. Sandali akong nag-isip. Sa huli, ibinaba ko si Seven mula sa mga braso ko."Mama?""Baby ko, mauna ka nang pumasok sa kuwarto, ha? Susunod si Mama."Inosente itong tumango sa akin bago mabilis na naglakad papunta sa silid namin. Durog na durog ang puso ko
Rosi's POVMATAGAL akong natigilan habang nakatingin sa mukha ni Sixto. Hindi ako makapaniwala na mas pipiliin niya ang manatili rito kaysa ang sumama sa amin ng anak niya."I'm sorry, Rosi. Ito ang matagal ko nang gustong gawin. I can't explain everything to you right now, but I need to stay. I need to do this."Naluluha akong tumango. "Siya ang pinipili mo.""No, Rosi.""Okay.""Rosi, ikaw ang mahal ko.""Kailangan ko nang mag-impake. Iwan mo muna akong mag-isa."May ilang segundo ako nitong tinitigan. Alam kong ayaw niyang umalis at nakikita ko iyon sa mukha niya, pero nang magmatigas ako at hindi siya tiningnan, wala itong nagawa kundi sundin ang gusto ko.Ipinagpatuloy ko ang pag-iimpake habang umiiyak. Hindi ko na maintindihan. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Napatingin ako kay Seven na naka-pout ang mga labi at kulang na lang ay umiyak.Wala akong ibang gusto kundi ang masiguro ang kaligtasan nito. And if I have to to leave Sixto behind, I will. Mas mahalaga sa akin ang
Rosi's POVWALANG tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang umiiyak din si Seven sa mga bisig ko. Buhat-buhat ko ito at naglalakad sa gilid ng daan. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa naipong mga luha sa aking mga mata."Papa! Gusto ko... papa!""Anak, tahan na. Please, tahan na.""Mama, si Papa!"Bawat segundong lumilipas ay lalong lumalakas ang iyak niya. Sa panahon na nagkasama sila ni Sixto, alam kong labis na napalapit dito si Seven. Natutunang ituring na ama ni Seven si Sixto at ngayon ay magkakalayo na naman sila.Natigilan ako nang may bumusinang sasakyan sa harap namin. Tumigil ito at huminto mismo sa aming tabi."Rosi? Oh my God! Thank goodness you're alright!"Umibis ng sasakyan si Tita Tiana, pero nang makita nito ang hitsura namin ni Seven at pati ang maletang hila-hila ko, agad itong natigilan."What is this? Anong nangyari sa inyo? Bakit may dala kayong maleta? Where's Sixto?"Sunod-sunod ang naging tanong ni Tita Tiana, pero ni isa ay wala akong nasagot. Hindi ko ala
Rosi's POV"Kung hindi ba ako isang hamak na mangingisda lamang, matatanggap kaya ako ng iyong ama?"Masama ang panahon at madilim ang kalangitan, taliwas sa nararamdaman ko ngayon habang kasama si Andres. Nasa tuktok kami ng burol kung saan madalas kaming magkita nang palihim. Ito ang tagpuan namin."Andres, hindi tumitingin si Papa sa estado ng isang tao. Mas mahalaga pa rin ang nilalaman ng puso nito.""Rosi, alam naman natin ang totoo, na hindi ako gusto ng papa mo. Hindi mo na kailangan itago sa akin."Banayad akong ngumiti matapos hawakan ang kamay niya at bahagyang pinisil. Mahigit isang taon na kaming magkasintahan, pero hanggang ngayon ay hindi pa namin naipapaalam kay papa ang tungkol sa amin."Sino ba naman ako? Tagapagmana ka. May-ari kayo ng maraming lupa dito sa isla, may-ari ng resort, at marami kayong negosyo.""Huwag kang magsalita nang ganyan. Matatanggap niya rin tayo, Andres.""Kung ipinanganak lang sana akong mayaman, siguro ay hindi ka mahihiyang sabihin sa mga t
Rosi's POV"Sixto Santiban? Papa, ni hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy n'yo!""Si Sixto ang anak ng kasosyo ko sa negosyo. He is a smart man, Ginger, and I'm sure you will like him."***Napakagat-labi ako nang maalala ang napag-usapan namin ni Papa noong huling linggo. Hindi ako makapaniwala na matapos lang ang one week, ikakasal na ako sa anak ng kasosyo ni Papa sa trabaho."Ang alaga ko, ikakasal na. Napakaganda mo, hija." Banayad ang ngiti ni Yaya Simang.Nag-angat ako ng mukha sa salamin at pinagmasdan ang sarili kong repleksyon. I am wearing a light makeup that compliments my features. Hindi kasi ako pala-makeup dahil pinagbabawalan ako ni Papa. Bata pa raw ako para sa mga ganoong bagay, pero ngayon.Ngayon ang araw ng kasal ko sa taong nagngangalang Sixto Santiban. Gusto kong maiyak dahil ikakasal ako sa lalaking hindi ko man lang kilala o nakita kahit isang beses sa tanang-buhay ko."Hija, bakit malungkot ka?" Lumapit si Yaya Simang at hinawakan ako sa magkabilang braso.
Rosi's POV"Andres!"Tatakbo sana ako papunta rito, pero mahigpit na hinawakan ni Sixto Santiban ang kamay ko at mabilis akong hinila pabalik sa tabi niya.Natigilan ako nang makita ang mukha nito sa unang pagkakataon. Dahil sa pangalan niya, inaasahan ko na pangit, may edad at panot na lalaki ang pakakasalan ko. Pero taliwas ang hitsura nito sa lahat ng iyon.Malungkot itong nakatingin sa akin bago bumaling sa mga bisita. Nang sundan ko ang tinitingnan nito, nakita ko si Papa na tumatango sa kaniya. At pagkatapos ay sinenyasan nito ang mga tauhan namin."No, Papa! Andres!"I started screaming when papa's men dragged Andres outside the church. Sumisigaw ito at tinatawag ang pangalan ko, pero hindi ko siya magawang sundan dahil sa kamay na mahigpit na nakahawak sa akin."Bitiwan mo ako!"Sinubukan kong bawiin ang kamay kong hawak ni Sixto, pero marahas niya akong hinila kaya sumubsob ako sa malapad niyang dibdib."Huwag mo akong ipahiya," malamig na saad niya.Gumapang ang takot sa buo
Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif
Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur
Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit
Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri
Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s
Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.
Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is
Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a
Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev