“Hoy, ano ba, Myra?” My hands were trembling, habang tinatapik-tapik ang likod ni Myra. Sobra akong nagulat nang bigla siyang sumalpak sa lupa at umatungal na parang bata. Wala na nga rin siyang pakialam sa lugar kung nasaan kami ngayon, hindi niya alam, kung gaano ka dumi ang inuupuan niya. Sapo niya ang mukha, umiiyak at parang hindi na ako naririnig.“Tumayo ka na, Myra.” Umupo ako sa harap niya at tapik na naman ang balikat niya. “Tahan na, hoy, bilib pa naman ako sa’yo kanina. Ang tapang-tapang mo. Nagkukunwari ka lang pala,” parang maiiyak na alo ko sa kanya.“Ang sakit-sakit… mahal ko ang gagong ‘yon. Ni minsan, hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ‘to. Akala ko, mahal niya rin ako, gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ako nagkulang, Erica,” halos hindi na maintindihan ang sinasabi niya. Puro ngawa niya ang naririnig ko.“Gano’n? Kahit maliit ang manhood niya, mahal na mahal mo pa rin siya?” sandali niya akong sinulyapan, saka humaba na naman ang nguso. Hindi ko kasi alam
Read more