Share

Kabanata 3

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2023-10-01 19:34:24

Hindi agad ako nakapagsasalita. I merely gazed at Myra before slowly resting my head.

Ni minsan, hindi pumasok sa utak ko na gumanti, against those who bullied and humiliated me. Mas magiging magulo lang ang buhay ko kapag ginawa ko 'yon.

"Don't you want our classmates to treat you differently, Erica?" seryosong tanong ni Myra. "Are you just going to let them bully you for as long as they want?"

Hindi pa rin ako sumagot, pero sandali naman akong sumulyap sa kanya.

"Kasama mo na ako, Erica. May kaibigan ka na tutulong sa'yo kapag may umapi sa'yo," pangungumbinsi pa rin niya.

"Alam mo, Myra, masaya ako dahil gusto mo na maging kaibigan ako sa kabila ng pagiging ako. Pero ni minsan, hindi ko naisip na gumanti. Kung gagawin ko kasi ‘yon, wala na rin akong pinagkaiba sa mga taong kinaiinisan ko."

"Okay, fine, I won't make you take revenge. Pero pwede ka naman sigurong lumaban? Ang ibig kong sabihin, if they throw a rock at you, batuhin mo rin sila ng mas malaking bato!" maangas nitong sabi.

Hindi na naman ako nakapagsalita. Gumanti o lumaban, sa tingin ko ay wala pa ring pinagkaiba. Gulo pa rin ang kahihinatnan. At iyon ang pinaka-ayaw ko.

"Ewan, sanay na ako na ganito, Myra. Kung lumaban ako, gulo pa rin ang kahihinatnan. Ayaw ko nga ng dagdag gulo sa buhay ko."

"Do you think your life isn't chaotic yet? Lagi ka nga nilang pinagtitripan at hinahayaan mo lang," sabi niya na umiling-iling pa.

"Kaya ko namang magtiis. Kaya kong tiisin lahat, hindi lang mas magiging magulo o komplikado ang buhay ko."

"Bahala ka nga. Ang tigas ng ulo mo, alam mo ba 'yon? Pero sige, kung 'yan ang gusto mo, then go. Hayaan mo lang sila na pagtawanan ka."

Nagtaas ng mga kamay si Myra, tanda na suko na siya, at hindi na ipipilit ang gusto niya na maghiganti.

"But I am telling you, Erica, do not expect me to keep quiet when they bully you."

"But Myra–"

"No buts, Erica. Para saan at naging kaibigan mo ako kung mananahimik lang din ako gaya mo? Besides, no friend can stand by and watch their friend be bullied by others. Kahit mga poging demonyo pa sila, hindi ko sila aatrasan."

Napapailing at bahagyang natawa na lamang ako. Hindi na rin ako kumontra sa sinabi niya. Kung mayro'n man kaming pagkakapareho nitong si Myra, 'yon ay parehong matigas ang mga ulo namin.

"Speaking of poging demonyo, paparating na ang isa."

Kaagad akong huminto sa paglalakad at lilihis sana ng daan, maiwasan lang ang demonyong si Justin. Pero huli na, wala na naman akong kawala.

"The Nerd, iiwas ka?" ayon na naman ang mapang-asar nitong boses na nakakarindi na pakinggan. "Akala mo, hahayaan kita na umuwi na hindi nagpapaalam sa akin?" Hinarang niya ang daanan namin. Kita ko kasi ang mga paa niya na ang sarap apakan. Ang sarap patayin ang mga kuko.

"What is it now, Justin? Hindi ka ba makatulog kapag wala kang ginawang kademonyohan sa kaibigan ko?" matapang na sagot ni Myra.

Mala-demonyong tawa naman ang lumabas mula sa bunganga ni Justin, kasabay ang malakas na pagtakip sa balikat ko. Sa lakas, yumanig ang buong katawan ko.

"Kaibigan mo? Ito, kaibigan mo? Kailan pa nagkaroon ng kaibigan ang isang ‘to?" Justin points his finger at me. Kita ko kasi ang daliri niya. 'Yong turo niya pa parang laruan ang tinuro at hindi tao. Ang sarap baliin ng daliri niya.

"Oo, kaibigan ko siya. Bakit may angal ka? Hindi ba kapani-paniwala, that the Nerd you bullied now has a friend who can defend her? At saka, pwede ba, stop pointing at her; bago ko baliin ang daliri mo."

Nakakalokong tumawa si Justin, pero hindi rin nagpatalo si Myra na tinampal pa ang daliri nito.

"Aww..." maarte nitong sabi, sabay pagpag sa daliri niya, pero hindi naman matigil ang tawa.

"Not bad for a friend. I’m so happy for you, The Nerd. Nakahanap ka rin ng kakampi.”

"Seriously? Masaya ka, Justin?” iritang tanong ni Myra.

Bahagya akong nag-angat ng tingin. Feel ko na kasi ang tension sa pagitan ng dalawa. Nakapamaywang na hinarap ni Myra si Justin. Akala mo, ang laki ng katawan at kayang pakipagbasagan ng mukha sa demonyong kaharap niya.

“Pakialam mo ba kung masaya ako? At hindi ko rin sinabi na may angal ako?”

“ ‘Yon naman pala, wala kang angal, so umalis ka na bago pa kita masampal!”

Pambihirang babae. Hindi man lang marunong magpreno. Walang katakot-takot sa boses nito sa tuwing sinasagot-sagot niya ang demonyong si Justin.

“Ako pa talaga ang tinakot mo? Hindi ka nakakatakot—” gigil na sabi ni Justin.

Si Myra ang kaaway niya pero ako ang nanginginig sa takot. Pero muli akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang pahapyaw na tawa ni Myra.

“Talaga Justin? Aren’t you afraid, na sa tuwing pagtripan niyo si Erica, may kakampi na siya at may lalaban na para sa kanya?"

Justin laughed devilishly once again. Heto ako, nakayuko lang, I didn't even move when Justin pulled my bag. Ako 'yong takot na takot dahil sa bangayan nilang dalawa.

"Ako matatakot sa’yo? Sino ka ba para katakutan ko? Babae ka lang. But wait, how did you know my name? Hindi kita kilala at ngayon lang kita nakita. Gano’n ba talaga ako kasikat, that a nobody like you, ay kilala kaagad ako? Bagong salta ka lang dito, you should know your place!"

Tumawa ng malakas si Myra, na nagpa-angat uli ng ulo ko. I saw Justin's brow furrowed and his jaw clenched.

Hindi na maipagkakaila ang galit niya. Hindi rin yata siya makapaniwala na may naglakas-loob na kalabanin siya. Babae pa pero walang takot na barahin siya.

"Babae lang ako? Oo nga naman, babae lang ako. Ikaw, anong tawag mo sa sarili mo? Lalaki din ba? A man without balls, na ang kaya lang ay mga babae na hindi kayang lumaban?"

Wala na akong narinig mula kay Justin. Sa unang pagkakataon ay nawalan siya ng sasabihin. Nakahanap din siya ng katapat, babae pa.

"Ngayon na tameme ka. Wala ka nang masabi? Nakakawalang lalaki ba ang mabara ng isang babae?" Mahinang tawa ang kasabay ng sinabi ni Myra. "Perhaps you already understand what I mean. I am not like my friend, who would remain silent and crouch down whenever she gets bullied. ‘Tsaka tama ka, hindi kita kilala, at hindi mo rin ako kilala kaya amanos lang tayo!"

Hinila na ako ni Myra, matapos makipagbangayan kay Justin. Pambihira, ngayon pa lang kami naging magkaibigan ganito na kagulo ang mga nangyayari. Paano na kaya sa mga susunod na araw?

"Justin, ang tapang ng bago nating kaklase, hindi ba?"

Sabay kaming napalingon ni Myra nang marinig ang boses na 'yon, pero kaagad din akong yumuko nang makita ang pagmumukha ni Reynald. Kailan ba ako patatahimikin ng magpinsang demonyo na ‘to? Bakit ba ako na lang ang lagi nilang nakikita?

"Ano ba 'yan, humabol pa ang isang demonyo," dismayang sabi ni Myra.

I don't want the situation to get worse; ang gusto ko ay kaagad makalayo sa mga demonyong kaklase.

"Myra, 'wag mo na lang pansinin, umalis na lang tayo. Dali na–" I pulled Myra's sleeve, para mas mapabilis pa ang paglalakad namin, but Reynald blocked our path.

"Erica, sandali lang naman," mahinahon nitong sabi. "Sanay na sanay ka talagang umiwas ‘no?"

I could not believe what I was hearing. Reynald has called my name for the first time. It seemed strange to me. Hindi ako masaya sa narinig.

"Myra, tara na," hinila ko ulit si Myra, at lilihis na naman sana kami ng daan, pero talagang papansin si Reynald. Hinarang na naman niya ang daanan namin.

"Erica, ‘wag ka naman munang umalis, please. I want to talk to you for a moment,” pakiusap nito, as he reached my hand, but Myra stepped in and pushed him away.

"Don't dare touch her!" Duro ni Myra si Reynald.

He tightened his fist before he grinned and lifted his hands.

"I'm sorry, hindi ko na hahawakan si Erica.” Nakataas pa rin ang mga kamay niya. “Pero talagang gusto ko lang makausap si Erica, hindi ako naparito to cause trouble," paliwanag nito.

"Hindi ka manggugulo? Sigurado ka? Bakit, may iba pa ba kayong alam gawin, aside sa panggugulo at pambu-bully?" iritang tanong ni Myra.

"Myra, tara na, 'wag mo na lang patulan. Ayoko ng gulo. Umuwi na lang tayo, pwede ba?" pabulong kong pakiusap at pilit na hinihila siya na wala na namang plano na magpatalo.

"Erica, naman, sandali lang. Hindi nga ako manggugulo. I've come to apologize to you and your friend," mahinahong sabi nito.

Myra laughed. Gulat naman akong napasulyap kay Reynald. Now I am certain, may binabalak nga ito. Reynald Punzalan will never apologize to a woman like me. Siya iyong tao na hindi marunong magparaya.

I tightened my grip on Myra's sleeve. I wanted to drag her, palayo sa mga lalaki na walang takot niyang kinakalaban. Pero nagmamatigas siya at hindi pa rin tumigil sa katatawa. Kailangan na naming umalis. Ayoko na lalong mainis ang dalawa at hindi na kami lubayan.

"Ano nga 'yon uli? Gusto mong mag-apologize? Seriously, Reynald?"

"I know it's hard to believe, but because of our earlier encounter, I realized na mali ako. Na hindi tama ang ginagawa ko kay Erica, at nagsisisi ako—"

"Reynald, just shut up. Do you know why? Tama ka, ang hirap paniwalaan, that a man like you would change in an instant."

Hindi na naman nakapagsalita si Reynald. Akala yata niya ay uto-uto itong si Myra. Ako nga na nerd, hindi nila mauto. Si Myra pa kaya na bully rin katulad nila.

"Hindi kami tanga, Reynald. Oo nga at tinatawag ninyong nerd si Erica, but she's not crazy enough to believe what you say."

Katulad ni Justin, tuluyan nang hindi nakapagsalita si Reynald. Gusto ko pa nga sanang makita ang mukha niya. Gusto kong makita ang hitsura ng lalaking demonyo na napapahiya dahil binara ng isang babae. Pero ayoko na magkaroon siya ng dahilan na magpatuloy sa trip niya.

"Tumabi ka nga!"

Binangga ni Myra ang balikat ni Reynald nang hindi ito gumalaw sa kinatatayuan niya. Saka ako naman ang hinila niya palayo sa mga lalaki na asal demonyo.

"It's okay, kung hindi kayo naniniwala na sincere ang paghingi ko ng sorry," pasigaw nitong sabi. "Pero hindi ako titigil, I will do anything to win your heart, Erica!”

Kaugnay na kabanata

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 4

    Napapailing ako. Ano ba ang pumasok sa isip ng Reynald na 'yon at biglang nag-iba ang timpla? In three years na naging magkaklase kami, wala namang ibang ginawa ang grupo nila sa akin, kung hindi puro pambubully at panlalait. "Anong pumasok sa utak ng isang 'yon?" hysterical na tanong ni Myra. Patalikod niya pa na itinuro si Reynald, pero nasa akin naman ang tingin. " 'Tsaka tama ba ang rinig ko? Gagawin niya ang lahat, to win your heart? Nabaliw na ba 'yon?" Umangat ang hulmang-hulma na mga kilay nito habang nagtatanong. "Grabe, nabara ko lang kanina, ngayon biglang type ka na?" Sekreto akong napangiti sa naging reaction niya. Gulat na gulat kasi. "Akala ko ba, bully ka? Sabi mo pa nga, alam mo ang likaw ng mga bituka ng mga bully na 'yon, pero hindi mo pala maintindihan ang bagong tactic niya." Nagkamot sa ulo si Myra, humaba pa ang nguso. Parang tanga nga, pero ang ganda pa rin—ang gandang tanga na dahilan kung bakit maraming napapalingon sa akin ngayon. Syempre, nagtataka si

    Huling Na-update : 2023-10-09
  • Her Nerdy Secret   Kabanata 5

    "W-wala… wala akong kasama," utal-utal kong sabi, sabay ang pag-lock ng pinto. "Tara na, hindi ba sabi mo. Sabay na tayo kumain." "Teka nga lang, may kasama ka, narinig ko—"“W-wala nga akong kasama. Mag-isa lang ako rito. Tingin mo, sinong may gusto na makasama ang gaya ko?” putol-puto kong sabi. “Hindi e… may narinig ako,” akmang ididiin niya pa ang tainga sa pinto pero hinila ko na siya. “Bakit ba ang kulit mo? Halika na nga.” “Hoy, Erica—” Panay lingon pa rin siya, kahit hila ko na siya palabas."Alam mo, Myra. Gutom ka lang, kaya kung ano-ano na lang ang naririnig mo. At saka, kanina pa nga rin ako gutom. Tiyan ko lang siguro 'yong narinig mo," palusot ko habang ni-lo-lock ang pinto."Ito naman, masyadong malihim. Talaga namang may narinig ako–" Kamot na naman niya ang ulo sabay haba ng nguso. “ 'Wag ka ngang praning. Sino naman kaya ang magkakagustong makasama ako—” halos pabulong kong sabi. Nasa labas na nga kasi kami. “O, bakit biglang tahimik ka na naman?” nagtatakang ta

    Huling Na-update : 2023-10-10
  • Her Nerdy Secret   Kabanata 6

    “Hoy, ano ba, Myra?” My hands were trembling, habang tinatapik-tapik ang likod ni Myra. Sobra akong nagulat nang bigla siyang sumalpak sa lupa at umatungal na parang bata. Wala na nga rin siyang pakialam sa lugar kung nasaan kami ngayon, hindi niya alam, kung gaano ka dumi ang inuupuan niya. Sapo niya ang mukha, umiiyak at parang hindi na ako naririnig.“Tumayo ka na, Myra.” Umupo ako sa harap niya at tapik na naman ang balikat niya. “Tahan na, hoy, bilib pa naman ako sa’yo kanina. Ang tapang-tapang mo. Nagkukunwari ka lang pala,” parang maiiyak na alo ko sa kanya.“Ang sakit-sakit… mahal ko ang gagong ‘yon. Ni minsan, hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ‘to. Akala ko, mahal niya rin ako, gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ako nagkulang, Erica,” halos hindi na maintindihan ang sinasabi niya. Puro ngawa niya ang naririnig ko.“Gano’n? Kahit maliit ang manhood niya, mahal na mahal mo pa rin siya?” sandali niya akong sinulyapan, saka humaba na naman ang nguso. Hindi ko kasi alam

    Huling Na-update : 2023-10-11
  • Her Nerdy Secret   Kabanata 7

    "Erica?” bulaslas ng lalaking nabangga ko. “Nasaktan ka ba?" tanong niya pa.“H-hindi—” sagot ko, pero nanlaki naman ang mga mata ko nang mamukhaan ang lalaking napatungan ko—si Reynald. Kapag minalas nga naman. Ang dami namang lalaki na pwede kong mabangga, ito pang ungas na demonyo na ‘to."S-sorry… hindi ko sinasadya," utal-utal kong sabi at yumuko.Ngumiti kasi ang demonyo ng kakaiba at ayoko ang klase ng ngiti niya—ngiting manyak. Sumabay pa ang paglapat ng palad niya sa balakang ko na lalong ikinaasiwa ko. Pero nag-init naman ang bunbunan ko at gusto ko na siyang sakalin. Hahawak-hawak pa talaga ang sira-ulo."Ayos lang, you don’t need to apologize. Sa lahat ba naman ng atraso ko sa’yo, kulang pa itong pagsalo ko sa’yo para mabawasan ‘yon. At saka, ang mahalaga, hindi ka nasaktan dahil pumatong ka—" He pursed his lips, alam niya kasi na hindi ako natutuwa sa sinabi niya, lalo na sa ayos namin ngayon. Ang sarap na ngang hambalusin ang pagmumukha niya. "Sana nga, nasaktan na lan

    Huling Na-update : 2023-10-12
  • Her Nerdy Secret   Kabanata 8

    "Honestly, Pinsan, I didn't expect her to smell so good. Her scent is so addictive; I feel like I am on cloud nine when she is on top of me," Reynald said as if he were dreaming. "The next time I bump into her, I'll make sure; ako naman ang la-landing sa ibabaw niya." Hindi ko napigil ang sarili, napalingon ako kay Reynald. Muntik na rin akong hindi makapagtimpi at gusto na sana siyang hambalusin. “Ang lakas ng tama mo, Reynald!” natatawang sabi ni Myra. “Hindi ko alam kung sinasabi mo lang ‘yan, for you to boast your kamanyakan o totoong tinamaan ka lang.” Mabuti na lang at resbak naman kaagad itong kaibigan ko. Kung nagkataon na hindi siya nagsalita, baka tinadyakan ko na ang pagkalalaki ni Reynald at nakita ng lahat ang pagsabog ng nerd. “Don’t tell me..." Nagpalipat-lipat ang tingin ni Justin sa pinsan niya at kay Myra. “Siya ang pumatong sa’yo?” Turo niya si Myra, pero na kay Reynald ang tingin. Pero imbes na sumagot si Reynald, tumawa na parang baliw. “Gago ka, sumagot ka,

    Huling Na-update : 2023-10-13
  • Her Nerdy Secret   Kabanata 9

    "What did you do, Justin?" Gulat na napalingon si Justin nang biglang sumulpot si Reynald. Ang tangkang pagtulong nito sa akin ay hindi na rin natuloy. Tumayo siya ng tuwid, humalukip, at sumandal uli sa locker. "Anong ginawa n’yo kay Erica?" Nilapitan ako ni Reynald at umupo sa harapan ko. Ang talim din ng tingin nito sa pinsan niya at kung makasinghal kuno ay parang totoong galit. Alam ko namang um-acting lang siya. "Erica, what did they do to you?" I was writhing in pain, at hindi ko kayang sagutin ang fake niyang concern. "Erica…" Hinawakan nito ang kamay ko na hinayaan ko lang. "Masakit ba?" hinihipan niya pa iyon na sandaling ikinalaki ng mga mata ko. Impaktang Shaira. Alam kong nagseselos siya dahil sa paglapit-lapit nitong si Reynald sa akin, kaya niya ginawa sa akin 'to. Ito nga rin kasi ang ginagawa nila sa mga babaeng umaaligid-aligid dito sa malanding lalaki na 'to. "Sumosobra na kayo. Hindi na tama itong ginagawa n'yo!" Na kay Justin na ang tingin niya. Matalim at ma

    Huling Na-update : 2023-10-15
  • Her Nerdy Secret   Kabanata 10

    “May masakit ba sa'yo, Erica? Nahihilo ka ba?" nag-aalalang tanong Reynald. Hindi ko napigil ang pagsalubong ng mga kilay ko. Rinig ko pa ang labas sa ilong na tawa ni Myra. " 'Wag mo nga akong hawakan," sita ko, sabay tampal sa kamay niya at tinulak pa siya. Ang lakas ng loob niya na haplusin ang pisngi ko. Pinakita ko sa kanya kung paano ko pinahid ng paulit-ulit ang pisngi ko na parang diring-diri sa ginawa niya."Erica, sorry, concern lang naman ako. Baka kasi may iba ka pang nararamdaman o baka may iba pang masakit sa’yo. Balik na lang kaya muna tayo sa clinic. Pahinga ka muna do'n—""Pwede ba, Reynald. Tigilan mo na itong fake mong pagbait-baitan," madiin kong sabi saka nilampasan siya."Reynald, isip ka ng ibang tactic. 'Di umobra ang pagbait-baitan mo," pang aasar pa ni Myra, bago sumabay sa paglalakad ko."Haba ng hair mo today! Um-effort si Papa Reynald, 'yon nga lang hindi umobra sa nerd,” ngisi na naman nitong sabi at panay din ang lingon niya. Hindi ko alam kung sumusun

    Huling Na-update : 2023-10-16
  • Her Nerdy Secret   Kabanata 11

    Paulit-paulit akong napapailing. "You like me huh?" naiirita kong tanong. Sarap supalpalin ng bibig niya. Sinadya niya pang lakasan ang boses, halatang kumukuha ng atensyon sa mga taong dumadaan. Gusto yata nito na dumugin ako ng lahat. Ngiti at paulit-ulit na nagpagtango ang sagot niya kasabay ang paglapit sa akin. "D'yan ka lang." Pandidilat ang kasabay ng sinabi ko. May kasama pang duro. Akmang hahawakan na naman niya kasi ako. Feeling talaga 'to. "Erica, hindi pa ba sapat ang ginawa ko kanina? Pinagtanggol na nga kita sa mga kaibigan ko. Ano pa ba ang dapat kong gawin, maniwala ka lang na gusto kita?" Nasapo ko ang noo ko. Gusto ko pa nga sanang tumawa ng tumawa, pero baka naman isipin niya na natutuwa ako dahil gusto nga raw niya ako. "Feeling dehado ka rin 'no? So, gusto mo magpasalamat ako dahil you chose me over your friends? Tingin mo, happy ako dahil gusto mo ako? Gusto ako ng isang Reynald Punzalan—ang pantasya ng mga kababaihan na saksakan ng yabang at kamanyakan." Hi

    Huling Na-update : 2023-10-19

Pinakabagong kabanata

  • Her Nerdy Secret   WAKAS

    This is it. Ang araw na pinakahihintay namin ni Justin. Our wedding. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aming mga labi habang hinihintay na sabihin ni father ang magic word. “You may now kiss the bride—” “Uhmm… mwah!” “Justin," mahina ko siyang hinampas. Pero nakangiti naman. Paano ba naman kasi, hindi pa nga tapos si father na sabihin ang magic word, nauna na akong sunggaban ng halik ni Justin na nagpatawa sa lahat na dumalo sa kasal namin. Maging si father ay natawa na lang at nailing. Masyadong atat itong mahal ko. “Humanda ka later," bulong pa nito sa akin. Malandi ko siyang nilingon. “Matagal na akong handa," bulong ko naman sa kanya na nagpakagat labi sa kanya. Kumislap pa ang mga mata. “ ‘Wag na kaya tayong pumunta sa reception, diretso honeymoon na tayo nang makarami," landing bulong na naman nito habang palabas na kami ng simbahan, at sinabuyan ng mga rose petal ng mga bisita. “Ikaw talaga—" Kurot sa tagiliran niya ang tumapos sa pagsasalita ko. Kaharap na kasi namin

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 76

    “My nerd," malambing na sabi ni Justin, sabay ang mahigpit na yakap mula sa likuran at may pahabol pa na halik sa leeg ko. “Ano ba ang ginagawa mo rito? Kanina ka pa namin hinihintay sa loob," dagdag sabi pa nito na sumabay sa pagsiklop ng mga kamay namin.Nilingon ko rin siya at nginitian ng matamis. “Nagpapahangin lang at saka may iniisip din," sagot ko. Sumulyap pa ulit ako sa kanya at sumandal sa dibdib niya. “Isip na naman? Kasama mo na nga ako kaya hindi mo na ako kailangan isipin. Ang kailangan mo na lang gawin ay…” Pinihit niya ako paharap sa kanya. Ngayon ay diin na diin na naman sa akin ang katawan niya. Pinulupot ko naman ang mga kamay ko sa batok niya na agad nagpangiti sa kanya ng sobrang tamis. At sa tuwing ganito siya ka lambing ang saya ko, parang laging hinahaplos sa puso ko. "Ang yakapin, halikan, lambingin, at landiin ako, ‘yon ang kailangan mong gawin at hindi ang mag-isip,” ngising sabi nito, at syempre may kasabay na naman ‘yong halik sa labi ko na nagpapapikit

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 75

    Mabagal na humakbang palapit sa amin si papa, at ang tingin nito ay nakatutok pa rin kay Justin. Si Justin naman panay kamot na lang sa ulo at ngayon ay yuyuko-yuko na. Mukhang magkakaproblema na naman yata kami nito. Justin naman kasi!“Move!” pasikmat na utos ni papa. Turo nito ang kabilang side ng couch. Agad namang sumunod si Justin. Ang bilis nga niya kumilos. Takot yata mahampas ng bote. Mabuti na lang at nilagay na ni papa ang bote ng alak sa lamesa, at saka umupo sa pagitan namin ni Justin.“Tinatanong kita, Justin? Saan kayo magpapakasal?” madiin na tanong ni papa. “S-sa simbahan po,” nauutal na sagot nito sabay naman ang pagyuko. Ang bait na nga niyang tingnan. Behave na behave; walang bakas ng pagiging abusado. Kakaibang ngisi naman ang sagot ni papa, at saka nilingon ako. Ako naman ang napakamot sa ulo. “Sigurado kayo?” Makahulugan pa rin ang tingin niya sa akin na parang binabasa ang ekspresyon ng mukha ko. Eh, ekspresyon nga niya ang nabasa ko. Ekspresyon na nagsasab

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 74

    “Erica, ingat ka palagi ha?" Ako naman ang hinarap ni Myra, matapos ilabas ang galit nito sa kuya ko na ngayon ay hindi na makapagsalita at humupa na rin ang galit. Wala na nga sa amin ni Justin ang tingin niya. Na kay Myra na. Napailing-iling na lang si papa habang nakatingin sa kanya. Strict nga rin si papa, pero hindi naman katulad ni kuya na talagang nambubugbog kapag ayaw niya sa tao o kung pakiramdam niya ay may masamang balak ito. “Maging masaya ka; kayo ni Justin. Don’t let anyone ruin the love you have for each other, kahit pa ang isang ‘yan," sabi pa ni Myra habang turo si Kuya.Masaya na dapat ako, pero dahil aalis si Myra, malungkot na naman ako. Paano naman kasi, sumobra na ‘to si kuya sa pagiging strict, kaya ang babae na makakasama sana niya habangbuhay, mawawala pa. Hindi nag-iisip! “Myra, mas magiging masaya ako kapag dito ka lang. ‘Wag ka nang lumayo, please," pakiusap ko sa kaibigan kong ngumiti lang ng mapait.“Kuya, ano ba?! Tatayo ka na lang ba? Wala kang gagaw

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 73

    “Justin,” hagulgol ko habang yakap-yakap na rin siya ng mahigpit. “Ang lamig-lamig sa labas, Justin. Ano ba ang pumasok sa utak mo, at sumugod ka rito?”“Shh… ‘wag ka nang umiyak,” nanginginig nitong bulong. “Paano akong hindi iiyak? Nabugbog ka na nga, nag-palamig ka pa. Paano kung magkasakit ka?" humihikbi kong sabi kasabay ang pagtaas at baba ng kamay ko sa likod niya. Alam ko kasi na giniginaw siya. Ang lamig ng pisngi at labi niya na ngayon ay dumidiin sa leeg ko. "Gusto nga kitang makita, my nerd. Gusto kitang makasama. Wala akong pakialam kung gaano man kalamig sa labas. Wala na rin akong pakialam, mahuli man ako ng mga magulang mo, at lalong wala akong pakialam, bugbugin man ulit ako ng kuya mo. Hindi na ako papayag na magkahiwalay pa tayo. Hindi ko na hahayaan na may humadlang pa sa ating dalawa, kahit buong angkan mo pa ang makakalaban ko.” Parang maiiyak nitong sabi.“Justin," bumitiw ako sa pagyakap sa kanya, at kinulong sa mga palad ko ang pisngi niya, at saka maingat ko

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 72

    Hindi matigil ang iyak ko habang sakay ng kotse ni Kuya Eman. Si Myra naman, panay haplos naman sa likod ko at paulit-ulit na nag-so-sorry. Hindi nga raw niya in-expect na sasaktan na naman nito si Justin. Akala niya ay kakausapin niya lang kami. Pero hindi iyon ang nangyari.“Tahan na Erica,” alo pa nito sa akin. Akala niya nagbago na si kuya at hindi na barumbado, pero mali siya. Ang bilis pa rin pala nitong magalit, at kapag nasimulan na ang galit o init ng ulo nito, ang hirap na pakalmahin. “Kaya pala gustong-gusto mong magtrabaho sa HI-Techno. Co. dahil ang abusadong si Justin pala ang CEO! Ginawa ka pang personal assistant? Para ano, ha? Para abusuhin ka? Para magagawa niya ang gusto niyang gawin na walang pipigil sa kanya? Sira-ulo!” singhal ni Kuya Eman. Paminsan-minsan pa nitong sinusuntok ang manibela. Hindi ako sumagot o kontrahin ang mga sinasabi niya. Kahit mali pa ang iniisip niya; kahit mali pa ang mga sinasabi niya, wala na akong pakialam. Si Justin ang inaalala ko.

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 71

    “Nagkita kayo? And you didn’t tell me?" malungkot na tanong ni Justin. Tuluyan na rin siyang bumitiw sa akin. “Justin, hindi—" akmang hahawakan ko siya, pero umatras siya. “Justin naman e. Mahigit isang taon na nga kasi ‘yon; hindi ko na nga sana naalala; nakalimutan ko na," parang maiiyak kong sabi. Nakakalungkot kasi; nakakasama ng loob ‘to si Justin. Nagagalit na lang siya basta, at parang ayaw na niyang makinig sa akin. Ayaw na niya sa akin. Gano’n-gano’n na lang. Porket may hindi lang ako nasasabi sa kanya, nagagalit agad. " ‘Yon na nga, mahigit isang taon pa lang, Erica. Kaya imposible na nakalimutan mo na agad ang pagkikita n’yong dalawa. Unless kung wala ka talagang balak sabihin sa akin.” Napayuko na lang ako, at pa simpleng pinahid ang mga luha ko na hindi ko na magawang pigilin. “Ikaw din naman, Justin, nilihim mo rin naman ang tungkol kay Reynald. Pero hindi naman ako na galit ng ganito,” tampo kong sabi. Sandali rin akong sumulyap kay Reynald na ngayon ay parang na-g

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 70

    “Hindi! Kung pwede nga, ayoko na makita ka pa ng pinsan kong ‘yon. Naalala ko lang ang nangyari noon!" pasikmat nitong sabi sabay hapit sa baywang ko at binuksan ang pinto. “Ayoko nga na lapitan ka pa ng ibang demonyo! So, I need to do this," bulong pa nito habang nasa harap na kami ng secretary niya. Kung ano ang gulat na nararamdaman ko sa ginawa nitong si Justin. Gano’n din ang nakikita ko sa mga mata ng secretary niya na talagang nanlaki at hindi na kumurap. Hindi na nga rin yata humihinga. Umawang na lang din ang labi. “Justin, ano ba ‘tong ginagawa mo?" pabulong kong tanong na may kasabay na ngiting aso. Itinaas ba naman ni Justin ang magkahawak na naming kamay at dinala iyon sa labi niya; paulit-ulit na hinalïkan, tapos ngumiti ng pagkatamis-tamis habang nakatingin sa akin.“Ms. Clark," tawag nito sa secretary niya na kumurap-kurap; parang napuwing. Lumunok din ng paulit-ulit na parang may bumara sa lalamunan niya na hindi matanggal-tanggal.“W-what is it, Sir Justin?" na-uuta

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 69

    Mas dumiin pa ang katawan ni Justin sa akin, sa puntong halos lumapat na ang likod ko sa lamesa. Napapaliyad na lang din kasi ako na para bang bumigat ang ulo ko, at ngayon nga ay naigala niya pa ng husto ang labi niya sa leeg ko. At kung kanina ay ang malakas na tïbok lang ng puso ko ang naririnig ko, ngayon ay pati na ang sa kanya ay naririnig ko na. Sumabay din ang malakas naming paghinga sa tunog ng halik niya. Nakalulunod ang nararamdaman kong init ng katawan. Dati ang eksena ‘to ay sinusulat ko lang. Nababasa ko lang pero ngayon ay naranasan ko na mismo, at dito pa sa loob ng office ng boss ko na bawal ang office romance. “Justin…” paungol kong tawag sa pangalan niya na imbes sagutin ako ay lalo pa akong idiniin sa lamesa at sinabayan pa ng paghagod. Totoo pala na kapag mahal mo ang isang tao, at nasa ganitong sitwasyon na kayo, kahit ayaw mo, kahit nasa matinong pag-iisip ka naman, at wala sa impluwensya ng alak ay bibigay ka na lang ng kusa na parang hindi na marunong mag-is

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status