Sikreto akong napangiti, hindi dahil sa ang gwapo ng demonyo na kaharap ko ngayon, kung hindi dahil ang ganda ng bati na narinig ko. The nerd–'yon ang tawag ng karamihan sa akin.
"I missed you so much, The Nerd," sabi niya pa sa pinalambing na boses. Kung ibang babae siguro ang nilambing niya ng gano'n, siguradong magtitili sa tuwa na parang mga kiti kiti. Yuko ang ulo ko habang naglalakad papunta sa former seat, ignoring Justin, the bully's leader—one of the demons continually causing havoc in my life. "Ayaw mo pa rin akong pansinin, The Nerd? Did you not miss me? Kasi ako, na miss kita, sobra-sobra," madiin nitong sabi na parang bata ang pinanggigilan. Kulang na lang, pisilin niya ang pisngi at kurutin ang singit ko. Pero dahil sanay na ako dito sa mga pinagsasabi niya na walang kwenta. Manigas siya! Pero sa totoo lang, napangiti naman ako, sa isip ko nga lang. Paanong hindi ako ngingiti sa isip ko, miss na nga raw niya ako. At alam kong totoo 'yon. Miss na niya akong bully-hin, gawing laruan, and gawing katawa-tawa sa harap ng mga kaklase namin. Hindi na nga matigil ang tawa ng mga kaklase namin dahil sa mga pinagsasabi nitong si Justin na sinabayan pa ng galaw ng demonyo ang pambubully niya sa akin. May kasama kasing hila at tulak ang lahat ng sinasabi niya na hinahayaan ko lang din naman. "Alam mo ba, The Nerd? I didn't get much sleep for a few days because I missed you. I missed your ugly and funny face!" Ayan na nga, nag-twist na ang lambing niya, ngayon ay naging pambu-bully na. Justin took the seat in front of me. He has no plans to stop mocking me until I look at him. Kapag kasi ganito ang ginagawa niya, nagpapanggap ako na walang naririnig at nakikita. "Come on, The Nerd. Isang smile naman d'yan. Show us your beautiful and perfect set of teeth," sabi niya, at pilit hinuhuli ang mga mata ko. Still pretending, not hearing anything. I took out the stress ball from my bag. Gusto ko nga sanang isiksik sa bunganga niya ang hawak ko na stress ball, para tumigil na siya, pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Kasi nga, duwag ako. Kaya nga puro yuko lang ang ginagawa ko sa tuwing binubully niya ako. Ni ang tingnan nga siya, hindi ko pa magawa. Gano'n ako ka duwag. "Akin na lang ‘to ha. Ayaw mo kasi akong pansinin, kaya dito ko na lang ibubuhos ang inis ko sa’yo. Kay sa ikaw naman ang matiris ko." Wala na naman akong nagawa nang bigla niyang agawin ang stress ball ko. Laging gano’n ang eksena sa tuwing binu-bully niya ako. Yuyuko lang ako at iniipon lang ang galit at sama ng loob ko. "Bakit ba ayaw mong magsalita, The Nerd? Gusto ko na tingnan mo ako, when I'm talking to you. 'Wag puro yuko ang gawin mo," gigil nitong sabi. Gan'yan siya, naiinis kapag hindi ko pinapansin. Pero kahit anong sikmat pa ang gawin niya, talagang hindi ko siya titingnan o kahit sumulyap man lang sa demonic face niya. "You have all of your senses; hindi ka pipi, bulag o bingi. Matuto kang sumagot kapag kinakausap ka. Kaya ako naiinis sa'yo, because you acted stupid!" sabi niya, as he snatched my glasses. Napilitan akong mag-angat ng tingin. For the first time, our gazes connected. We shared a piercing stare for a split second, but I was the first to give up. Hindi ko kayang makipagtitigan ng matagal sa demonyong tulad niya. Pero kita ko pa ang pagngisi niya. "That's it, The Nerd. Learn to look at me when I'm talking; baka sakaling makaramdam ako ng awa at tigilan kita." "Good morning, everyone!" I breathed a sigh of relief when our teacher arrived. "Justin, go back to your seat!" Walang reklamo na kaagad sumunod si Justin, sa utos ng guro namin na si Ms. Ruiz. Iniwan niya rin ang sunglasses ko sa table bago siya umalis. "Vacation is over, so I'm hoping, kasama niyo ang mga utak ninyo at hindi naiwan sa mga bahay n'yo. Alam n'yo na ayoko ng tatanga-tanga sa klase ko," istrektong sabi ni Ms. Ruiz habang binubuklat ang hawak nitong libro. Kung kanina ay ang ingay ng classroom, ngayon ay tahimik na. Ang strict nga kasi ni Ms. Ruiz. Kapag aanga anga ka sa klase, talagang mababato ka ng eraser. "Lady in Green, Erica? Remove your hood, please," mahinahong sabi nito. Nagsisimula na sana siya sa discussion, pero nakita niya pa ako na may suot na hood. "Sorry, Ms. Ruiz," paghingi ko ng sorry. But removing my hood elicited loud laughter. Kumawala kasi ang kulot, magulo, at mala-bolbol kong buhok na talaga namang masakit sa mata at nakakatawang tingnan. "Class, stop laughing! Take out your books and turn to page 5." Isang sikmat lang ni Ms. Ruiz, tahimik kaagad ang buong klase. "Read and understand the story. Ano ba ang gustong iparating sa atin ng author sa akda niya?" pagtutuloy ni Ms. Ruiz sa lesson niya. Pero parang nawala na naman ako sa focus at hindi na maintindihan ang sinasabi niya. Malakas na tawa, kantiyaw, at sigawan pa rin ang naririnig ko. "Erica?" Naririnig ko ang pabulong na pagtawag sa pangalan ko, pero hindi ko kayang lumingon. Nanatili pa rin akong nakayuko at nagpapanggap na nakikinig sa klase. "Hey!" Pero ayaw pa rin tumigil ng katabi ko na ngayon nga ay may kasama ng mahinang sundot ang pagtawag niya sa akin. "Take this," kaagad niyang sabi nang lumingon ako. "Here, take it and tie your hair." Nilagay niya sa palad ko ang pantali ng buhok na ikinagulat ko ng husto. "T-thank you," na-utal kong pasalamat. Paanong hindi ako mautal? First time nga kasi nangyari na may nag-offer sa akin ng ganito. Hindi ako sanay at hihiya ako, isama pa ang trust issue. "Write a 1000-word reaction to the story Sunflower Fields; I want it on my table tomorrow," sabi ni Ms. Ruiz at kaagad nang lumabas ng classroom. Puro reklamo naman ang maririnig mula sa bunganga ng mga kaklase ko habang palabas na rin ng classroom. Ako naman ay nanatili muna sa loob. Hinihintay ko pa kasi na makalabas ang lahat bago ako lumabas. Takot kasi ako na sumabay sa kanila dahil naiipit ako. Literal na iniipit ako sa pinto ng mga demonyo kong mga kaklase. "Opss, The Nerd!" Ayan na nga, kalalabas ko lang pero may demonyo na namang humawak sa bag ko. Sinubukan ko pa rin na lumayo, at hindi pinansin ang demonyo. Pero malademonyong tawa ang narinig ko. "Do you think you'll be able to leave our classroom, na hindi ako binabati?" Napapikit ako nang marinig ang boses na 'yon. Si Reynald. Pinsan ni Justin at isa ring bully. Kasama pa nito ang mga babaeng bully na tinatawag nilang angels, pero ang haba naman ng mga sungay. "Bitiwan mo nga siya. Ibang klase rin pala ang school na ito. Walang pinipiling lugar kung mambully ang mga papansin," maangas na sabi ng isang babae. Ramdam ko pa ang paghampas nito sa kamay ni Reynald na nakahawak pa rin sa bag ko. "Sino ka bang pakialamera ka? Pwede ba lumayo at umalis ka sa harap ko!" sikmat ni Reynald. "Kayo ang umalis, kasi kayo naman ang nanggugulo. At saka, hindi pa ba kayo tapos, with the bullying you did to her earlier? Hanggang dito ba naman sa labas hindi n'yo pa rin siya nilulubayan?" matapang nitong sabi kay Reynald. "Let go of her and leave her alone!" sikmat niya pa. "Ang tapang mo ah," galit na sabi ni Reynald, na nagpakabog ng dibdib ko. Paano kung masaktan siya dahil sa akin. Hindi ko kayang mapahamak ang kahit sino dahil sa akin. "Naman, talagang matapang ako, at gusto kong malaman n'yo na itong babae na binu-bully n'yo ay kaibigan ko. So back off!" Palakpakan at tawanan ng mga babae ang kasunod na narinig ko. Hindi ko kasi makita kung ano ang ginagawa ng mga bully sa babae na naglakas-loob na e-defend ako. Pagyuko lang ang kaya kong gawin. "What are you? Her guardian angel?" mapang-aasar na tanong ni Reynald, pero alam kong galit na siya. Alam ko, pakiramdam niya ay naapakan ang pagkalalaki niya. Sanay nga kasi sila na walang nangingi-alam sa tuwing pinagtitripan nila ako o kahit sino. "I'm no guardian angel, but I'm surely your nightmare!" Wala na akong narinig na sagot mula kay Reynald, matapos marinig ang sinabi ng babae, na talaga namang walang takot na barahin ang mga demonyong bully. "Did the cat cut your tongue? Nakaka-shock ba masyado na may bumara sa inyo, for the first time?" tanong ng babae sa tono na naghahamon at nang-aasar. Sa totoo lang gusto ko nang awatin ang babae, but I choose to remain still. Lagi naman talaga akong remain still lang. Laging hinahayaan lang sila na bully-hin ako. "Malakas lang naman ang loob n'yo kasi marami kayo. At ang kaya n'yo lang ay katulad na Erica na tatahimik lang kahit nasasaktan na." Sandali akong napapikit at sikretong napabuga ng hangin. Wala ba talagang balak ang babae na 'to na umatras sa laban? "Ang tapang mo, ah! Kung makapagsalita ka, akala mo kung sino ka. Bagong salta ka lang dito. You don't know us yet, hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo," gigil at may pagbabanta sa boses ni Reynald. "Hindi ko na kailangan makilala kung sino kayo. Kilalang-kilala ko na kayo. Mga hitsura n’yo palang nagsusumigaw na ang pagiging papansin at bully!" "Tara, Erica," sabi nito at hinila ako. Ang laki ng mga hakbang niya na pilit ko namang sinasabayan. "Bakit mo sila hinahayaan na bully-hin ka?" Tanong niya na ikinagulat ko. "Don't get used to being a coward. Learn to defend yourself. Kaya gano'n sila dahil hinahayaan mo." Napakurap ako nang paulit-ulit. Na-angat ko pa sandali ang ulo at napasulyap sa kaklase ko. First time nga kasi na may kumausap sa akin at ipagtanggol ako. Ngayon ay pagsasabihan pa ako. "Matuto kang lumaban. Show them that you are not afraid." Dagdag pa nito na hindi ko pa rin masagot. "Magsalita ka naman, Erica. I feel like a fool here, talking to myself." Imbes na sumagot ako, sandaling sulyap lang ang ginawa ko. Sanay nga ako na walang kausap, walang kaibigan, at sanay ma-bully. At itong ginagawa niya ngayon ay bago sa akin. Hindi ko alam kung paano mag-react o anong dapat kong maramdaman. "You know, dati rin akong bully. Kinatatakutan rin ako sa dati kong school. But when I saw what our classmates were doing to you—na hinayaan mo lang—I was disgusted. Nakakainis. I wanted to yell at you. Ipagtanggol mo lang ang sarili mo." Mapaklang tawa ang narinig ko mula sa bago kong kaklase na sinabayan ng pagtapik sa balikat ko. Hindi pa rin kasi ako nagsasalita. Pero nakikinig naman ako sa mga sinasabi niya. "Para akong nasampal, alam mo ba 'yon? Nakikita ko kasi ang sarili ko sa mga bully na 'yon. I feel bad since that's what I used to do. At the same time, nakakagalit lalo't hinahayaan mo lang—" "Sanay na akong ma-bully." Matapos ang mahabang pananahimik at pakikinig, nagawa ko rin na magsalita. "Hindi ko rin kailangan ang awa mo. Lalong, hindi ko kailangan ang tulong mo." Napahinto siya sa paghakbang at maya maya ay humarang sa daanan ko. Rinig ko pa ang mapakla nitong tawa. "Marunong ka rin naman palang sumagot. Nangangalmot din naman pala ang mga salita mo. Masakit. Nakakasakit." Ramdam ko ang pag-iba sa tono ng boses niya. Parang nasasaktan. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Hindi naman siya ang nang-aaway sa akin, pero siya ang sumalo ng galit ko. "I'm sorry, I didn't mean to hurt you. I'm simply stating the truth." "I know, ang ibig ko lang din naman sabihin, kaya mo naman pa lang sumagot ng pabalang. Kaya mong makipagbangayan. Why don't you fight them?" Bumuga ako ng hangin at sandali siyang nilingon. "It's pointless, no matter how brave I am. Marami sila. Kaya nila akong kuyugin hanggang sa bibigay na lang ako. Hanggang sa susuko ako. So it's better to pretend to hear and feel nothing than to fight those monsters." Napalakas ang tawa niya, sabay lingkis ng mga kamay nito sa braso ko na ikinagulat ko na naman. Feeling close kasi siya kaagad. Hindi pa nga kami friends at hindi ko pa alam ang name niya. "Alam mo, gusto na kita. Gusto pa kitang makilala. By the way, I'm Myra," pakilala nito na may kasamang matamis na ngiti. "Bakit mo ako gustong makilala? Ang dami namang iba d'yan na pwede mong maging kaibigan. Hindi gaya ko na pangit na nga, nerd pa." Along with my words, ay simula na rin ang mabagal naming paglalakad. "Gusto mo ba na pati ikaw bully-hin at layuan ng mga kaklase natin?" "The hell, I care! Buhay ko 'to. Ako ang masusunod kung sinong tao ang gusto kong kilalanin at maging kaibigan. At saka, ang gaan ng loob ko sa’yo. Feeling ko, nga ay kilala na kita, dati pa." Bahagya akong napangiti. "Ako, kilala mo? That's impossible; I never had a friend. Maliban na lang siguro no'ng bata ako." Hindi ko alam kung bakit, but I'm starting to feel comfortable with Myra. Nasasagot ko ang mga tanong niya na hindi nahihiya, hindi pabulong o pagalit. "Let's not dwell on things we can't recall. Mag-focus na lang tayo sa ngayon. I like you and I want to be your friend. Wala akong pakialam kahit tumutol pa ang mga bully o ang buong universe!" "Sinasabi mo lang ‘yan kasi, you've never been bullied na kasama ako." "Enough talking na dahil pumayag ka man o hindi. Friends na tayo, Erica." Sandali akong sumulyap sa kanya. Narinig ko na naman kasi ang mahina nitong tawa, at humigpit pa ang paghawak niya sa braso ko. "Aren't you afraid, na baka madamay ka sa pambu-bully na ginagawa sa akin ng mga kaklase natin?" "Certainly not! I'm not afraid of anything. Besides, didn't I tell you, na dati rin akong bully? Alam ko ang likaw ng bituka ng mga bully na 'yon, Erica. Matapang lang sila kapag marami sila." " 'Yon na nga. Nakakagulat na ang dating bully ay lumalapit ngayon sa babaeng binu-bully." "Ano ngayon kung lumapit ako sa'yo? Hindi naman siguro masama kung maging magkaibigan ang bully at binu-bully?" Na-angat ko naman ang ulo ko at napapatig sa kanya. Grabe, talagang determinado siya na maging kaibigan ako. "Erica, I'd like to help you. I want to help you take vengeance on those who bullied you!"Hindi agad ako nakapagsasalita. I merely gazed at Myra before slowly resting my head.Ni minsan, hindi pumasok sa utak ko na gumanti, against those who bullied and humiliated me. Mas magiging magulo lang ang buhay ko kapag ginawa ko 'yon."Don't you want our classmates to treat you differently, Erica?" seryosong tanong ni Myra. "Are you just going to let them bully you for as long as they want?" Hindi pa rin ako sumagot, pero sandali naman akong sumulyap sa kanya. "Kasama mo na ako, Erica. May kaibigan ka na tutulong sa'yo kapag may umapi sa'yo," pangungumbinsi pa rin niya. "Alam mo, Myra, masaya ako dahil gusto mo na maging kaibigan ako sa kabila ng pagiging ako. Pero ni minsan, hindi ko naisip na gumanti. Kung gagawin ko kasi ‘yon, wala na rin akong pinagkaiba sa mga taong kinaiinisan ko.""Okay, fine, I won't make you take revenge. Pero pwede ka naman sigurong lumaban? Ang ibig kong sabihin, if they throw a rock at you, batuhin mo rin sila ng mas malaking bato!" maangas nitong sa
Napapailing ako. Ano ba ang pumasok sa isip ng Reynald na 'yon at biglang nag-iba ang timpla? In three years na naging magkaklase kami, wala namang ibang ginawa ang grupo nila sa akin, kung hindi puro pambubully at panlalait. "Anong pumasok sa utak ng isang 'yon?" hysterical na tanong ni Myra. Patalikod niya pa na itinuro si Reynald, pero nasa akin naman ang tingin. " 'Tsaka tama ba ang rinig ko? Gagawin niya ang lahat, to win your heart? Nabaliw na ba 'yon?" Umangat ang hulmang-hulma na mga kilay nito habang nagtatanong. "Grabe, nabara ko lang kanina, ngayon biglang type ka na?" Sekreto akong napangiti sa naging reaction niya. Gulat na gulat kasi. "Akala ko ba, bully ka? Sabi mo pa nga, alam mo ang likaw ng mga bituka ng mga bully na 'yon, pero hindi mo pala maintindihan ang bagong tactic niya." Nagkamot sa ulo si Myra, humaba pa ang nguso. Parang tanga nga, pero ang ganda pa rin—ang gandang tanga na dahilan kung bakit maraming napapalingon sa akin ngayon. Syempre, nagtataka si
"W-wala… wala akong kasama," utal-utal kong sabi, sabay ang pag-lock ng pinto. "Tara na, hindi ba sabi mo. Sabay na tayo kumain." "Teka nga lang, may kasama ka, narinig ko—"“W-wala nga akong kasama. Mag-isa lang ako rito. Tingin mo, sinong may gusto na makasama ang gaya ko?” putol-puto kong sabi. “Hindi e… may narinig ako,” akmang ididiin niya pa ang tainga sa pinto pero hinila ko na siya. “Bakit ba ang kulit mo? Halika na nga.” “Hoy, Erica—” Panay lingon pa rin siya, kahit hila ko na siya palabas."Alam mo, Myra. Gutom ka lang, kaya kung ano-ano na lang ang naririnig mo. At saka, kanina pa nga rin ako gutom. Tiyan ko lang siguro 'yong narinig mo," palusot ko habang ni-lo-lock ang pinto."Ito naman, masyadong malihim. Talaga namang may narinig ako–" Kamot na naman niya ang ulo sabay haba ng nguso. “ 'Wag ka ngang praning. Sino naman kaya ang magkakagustong makasama ako—” halos pabulong kong sabi. Nasa labas na nga kasi kami. “O, bakit biglang tahimik ka na naman?” nagtatakang ta
“Hoy, ano ba, Myra?” My hands were trembling, habang tinatapik-tapik ang likod ni Myra. Sobra akong nagulat nang bigla siyang sumalpak sa lupa at umatungal na parang bata. Wala na nga rin siyang pakialam sa lugar kung nasaan kami ngayon, hindi niya alam, kung gaano ka dumi ang inuupuan niya. Sapo niya ang mukha, umiiyak at parang hindi na ako naririnig.“Tumayo ka na, Myra.” Umupo ako sa harap niya at tapik na naman ang balikat niya. “Tahan na, hoy, bilib pa naman ako sa’yo kanina. Ang tapang-tapang mo. Nagkukunwari ka lang pala,” parang maiiyak na alo ko sa kanya.“Ang sakit-sakit… mahal ko ang gagong ‘yon. Ni minsan, hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ‘to. Akala ko, mahal niya rin ako, gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ako nagkulang, Erica,” halos hindi na maintindihan ang sinasabi niya. Puro ngawa niya ang naririnig ko.“Gano’n? Kahit maliit ang manhood niya, mahal na mahal mo pa rin siya?” sandali niya akong sinulyapan, saka humaba na naman ang nguso. Hindi ko kasi alam
"Erica?” bulaslas ng lalaking nabangga ko. “Nasaktan ka ba?" tanong niya pa.“H-hindi—” sagot ko, pero nanlaki naman ang mga mata ko nang mamukhaan ang lalaking napatungan ko—si Reynald. Kapag minalas nga naman. Ang dami namang lalaki na pwede kong mabangga, ito pang ungas na demonyo na ‘to."S-sorry… hindi ko sinasadya," utal-utal kong sabi at yumuko.Ngumiti kasi ang demonyo ng kakaiba at ayoko ang klase ng ngiti niya—ngiting manyak. Sumabay pa ang paglapat ng palad niya sa balakang ko na lalong ikinaasiwa ko. Pero nag-init naman ang bunbunan ko at gusto ko na siyang sakalin. Hahawak-hawak pa talaga ang sira-ulo."Ayos lang, you don’t need to apologize. Sa lahat ba naman ng atraso ko sa’yo, kulang pa itong pagsalo ko sa’yo para mabawasan ‘yon. At saka, ang mahalaga, hindi ka nasaktan dahil pumatong ka—" He pursed his lips, alam niya kasi na hindi ako natutuwa sa sinabi niya, lalo na sa ayos namin ngayon. Ang sarap na ngang hambalusin ang pagmumukha niya. "Sana nga, nasaktan na lan
"Honestly, Pinsan, I didn't expect her to smell so good. Her scent is so addictive; I feel like I am on cloud nine when she is on top of me," Reynald said as if he were dreaming. "The next time I bump into her, I'll make sure; ako naman ang la-landing sa ibabaw niya." Hindi ko napigil ang sarili, napalingon ako kay Reynald. Muntik na rin akong hindi makapagtimpi at gusto na sana siyang hambalusin. “Ang lakas ng tama mo, Reynald!” natatawang sabi ni Myra. “Hindi ko alam kung sinasabi mo lang ‘yan, for you to boast your kamanyakan o totoong tinamaan ka lang.” Mabuti na lang at resbak naman kaagad itong kaibigan ko. Kung nagkataon na hindi siya nagsalita, baka tinadyakan ko na ang pagkalalaki ni Reynald at nakita ng lahat ang pagsabog ng nerd. “Don’t tell me..." Nagpalipat-lipat ang tingin ni Justin sa pinsan niya at kay Myra. “Siya ang pumatong sa’yo?” Turo niya si Myra, pero na kay Reynald ang tingin. Pero imbes na sumagot si Reynald, tumawa na parang baliw. “Gago ka, sumagot ka,
"What did you do, Justin?" Gulat na napalingon si Justin nang biglang sumulpot si Reynald. Ang tangkang pagtulong nito sa akin ay hindi na rin natuloy. Tumayo siya ng tuwid, humalukip, at sumandal uli sa locker. "Anong ginawa n’yo kay Erica?" Nilapitan ako ni Reynald at umupo sa harapan ko. Ang talim din ng tingin nito sa pinsan niya at kung makasinghal kuno ay parang totoong galit. Alam ko namang um-acting lang siya. "Erica, what did they do to you?" I was writhing in pain, at hindi ko kayang sagutin ang fake niyang concern. "Erica…" Hinawakan nito ang kamay ko na hinayaan ko lang. "Masakit ba?" hinihipan niya pa iyon na sandaling ikinalaki ng mga mata ko. Impaktang Shaira. Alam kong nagseselos siya dahil sa paglapit-lapit nitong si Reynald sa akin, kaya niya ginawa sa akin 'to. Ito nga rin kasi ang ginagawa nila sa mga babaeng umaaligid-aligid dito sa malanding lalaki na 'to. "Sumosobra na kayo. Hindi na tama itong ginagawa n'yo!" Na kay Justin na ang tingin niya. Matalim at ma
“May masakit ba sa'yo, Erica? Nahihilo ka ba?" nag-aalalang tanong Reynald. Hindi ko napigil ang pagsalubong ng mga kilay ko. Rinig ko pa ang labas sa ilong na tawa ni Myra. " 'Wag mo nga akong hawakan," sita ko, sabay tampal sa kamay niya at tinulak pa siya. Ang lakas ng loob niya na haplusin ang pisngi ko. Pinakita ko sa kanya kung paano ko pinahid ng paulit-ulit ang pisngi ko na parang diring-diri sa ginawa niya."Erica, sorry, concern lang naman ako. Baka kasi may iba ka pang nararamdaman o baka may iba pang masakit sa’yo. Balik na lang kaya muna tayo sa clinic. Pahinga ka muna do'n—""Pwede ba, Reynald. Tigilan mo na itong fake mong pagbait-baitan," madiin kong sabi saka nilampasan siya."Reynald, isip ka ng ibang tactic. 'Di umobra ang pagbait-baitan mo," pang aasar pa ni Myra, bago sumabay sa paglalakad ko."Haba ng hair mo today! Um-effort si Papa Reynald, 'yon nga lang hindi umobra sa nerd,” ngisi na naman nitong sabi at panay din ang lingon niya. Hindi ko alam kung sumusun
This is it. Ang araw na pinakahihintay namin ni Justin. Our wedding. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aming mga labi habang hinihintay na sabihin ni father ang magic word. “You may now kiss the bride—” “Uhmm… mwah!” “Justin," mahina ko siyang hinampas. Pero nakangiti naman. Paano ba naman kasi, hindi pa nga tapos si father na sabihin ang magic word, nauna na akong sunggaban ng halik ni Justin na nagpatawa sa lahat na dumalo sa kasal namin. Maging si father ay natawa na lang at nailing. Masyadong atat itong mahal ko. “Humanda ka later," bulong pa nito sa akin. Malandi ko siyang nilingon. “Matagal na akong handa," bulong ko naman sa kanya na nagpakagat labi sa kanya. Kumislap pa ang mga mata. “ ‘Wag na kaya tayong pumunta sa reception, diretso honeymoon na tayo nang makarami," landing bulong na naman nito habang palabas na kami ng simbahan, at sinabuyan ng mga rose petal ng mga bisita. “Ikaw talaga—" Kurot sa tagiliran niya ang tumapos sa pagsasalita ko. Kaharap na kasi namin
“My nerd," malambing na sabi ni Justin, sabay ang mahigpit na yakap mula sa likuran at may pahabol pa na halik sa leeg ko. “Ano ba ang ginagawa mo rito? Kanina ka pa namin hinihintay sa loob," dagdag sabi pa nito na sumabay sa pagsiklop ng mga kamay namin.Nilingon ko rin siya at nginitian ng matamis. “Nagpapahangin lang at saka may iniisip din," sagot ko. Sumulyap pa ulit ako sa kanya at sumandal sa dibdib niya. “Isip na naman? Kasama mo na nga ako kaya hindi mo na ako kailangan isipin. Ang kailangan mo na lang gawin ay…” Pinihit niya ako paharap sa kanya. Ngayon ay diin na diin na naman sa akin ang katawan niya. Pinulupot ko naman ang mga kamay ko sa batok niya na agad nagpangiti sa kanya ng sobrang tamis. At sa tuwing ganito siya ka lambing ang saya ko, parang laging hinahaplos sa puso ko. "Ang yakapin, halikan, lambingin, at landiin ako, ‘yon ang kailangan mong gawin at hindi ang mag-isip,” ngising sabi nito, at syempre may kasabay na naman ‘yong halik sa labi ko na nagpapapikit
Mabagal na humakbang palapit sa amin si papa, at ang tingin nito ay nakatutok pa rin kay Justin. Si Justin naman panay kamot na lang sa ulo at ngayon ay yuyuko-yuko na. Mukhang magkakaproblema na naman yata kami nito. Justin naman kasi!“Move!” pasikmat na utos ni papa. Turo nito ang kabilang side ng couch. Agad namang sumunod si Justin. Ang bilis nga niya kumilos. Takot yata mahampas ng bote. Mabuti na lang at nilagay na ni papa ang bote ng alak sa lamesa, at saka umupo sa pagitan namin ni Justin.“Tinatanong kita, Justin? Saan kayo magpapakasal?” madiin na tanong ni papa. “S-sa simbahan po,” nauutal na sagot nito sabay naman ang pagyuko. Ang bait na nga niyang tingnan. Behave na behave; walang bakas ng pagiging abusado. Kakaibang ngisi naman ang sagot ni papa, at saka nilingon ako. Ako naman ang napakamot sa ulo. “Sigurado kayo?” Makahulugan pa rin ang tingin niya sa akin na parang binabasa ang ekspresyon ng mukha ko. Eh, ekspresyon nga niya ang nabasa ko. Ekspresyon na nagsasab
“Erica, ingat ka palagi ha?" Ako naman ang hinarap ni Myra, matapos ilabas ang galit nito sa kuya ko na ngayon ay hindi na makapagsalita at humupa na rin ang galit. Wala na nga sa amin ni Justin ang tingin niya. Na kay Myra na. Napailing-iling na lang si papa habang nakatingin sa kanya. Strict nga rin si papa, pero hindi naman katulad ni kuya na talagang nambubugbog kapag ayaw niya sa tao o kung pakiramdam niya ay may masamang balak ito. “Maging masaya ka; kayo ni Justin. Don’t let anyone ruin the love you have for each other, kahit pa ang isang ‘yan," sabi pa ni Myra habang turo si Kuya.Masaya na dapat ako, pero dahil aalis si Myra, malungkot na naman ako. Paano naman kasi, sumobra na ‘to si kuya sa pagiging strict, kaya ang babae na makakasama sana niya habangbuhay, mawawala pa. Hindi nag-iisip! “Myra, mas magiging masaya ako kapag dito ka lang. ‘Wag ka nang lumayo, please," pakiusap ko sa kaibigan kong ngumiti lang ng mapait.“Kuya, ano ba?! Tatayo ka na lang ba? Wala kang gagaw
“Justin,” hagulgol ko habang yakap-yakap na rin siya ng mahigpit. “Ang lamig-lamig sa labas, Justin. Ano ba ang pumasok sa utak mo, at sumugod ka rito?”“Shh… ‘wag ka nang umiyak,” nanginginig nitong bulong. “Paano akong hindi iiyak? Nabugbog ka na nga, nag-palamig ka pa. Paano kung magkasakit ka?" humihikbi kong sabi kasabay ang pagtaas at baba ng kamay ko sa likod niya. Alam ko kasi na giniginaw siya. Ang lamig ng pisngi at labi niya na ngayon ay dumidiin sa leeg ko. "Gusto nga kitang makita, my nerd. Gusto kitang makasama. Wala akong pakialam kung gaano man kalamig sa labas. Wala na rin akong pakialam, mahuli man ako ng mga magulang mo, at lalong wala akong pakialam, bugbugin man ulit ako ng kuya mo. Hindi na ako papayag na magkahiwalay pa tayo. Hindi ko na hahayaan na may humadlang pa sa ating dalawa, kahit buong angkan mo pa ang makakalaban ko.” Parang maiiyak nitong sabi.“Justin," bumitiw ako sa pagyakap sa kanya, at kinulong sa mga palad ko ang pisngi niya, at saka maingat ko
Hindi matigil ang iyak ko habang sakay ng kotse ni Kuya Eman. Si Myra naman, panay haplos naman sa likod ko at paulit-ulit na nag-so-sorry. Hindi nga raw niya in-expect na sasaktan na naman nito si Justin. Akala niya ay kakausapin niya lang kami. Pero hindi iyon ang nangyari.“Tahan na Erica,” alo pa nito sa akin. Akala niya nagbago na si kuya at hindi na barumbado, pero mali siya. Ang bilis pa rin pala nitong magalit, at kapag nasimulan na ang galit o init ng ulo nito, ang hirap na pakalmahin. “Kaya pala gustong-gusto mong magtrabaho sa HI-Techno. Co. dahil ang abusadong si Justin pala ang CEO! Ginawa ka pang personal assistant? Para ano, ha? Para abusuhin ka? Para magagawa niya ang gusto niyang gawin na walang pipigil sa kanya? Sira-ulo!” singhal ni Kuya Eman. Paminsan-minsan pa nitong sinusuntok ang manibela. Hindi ako sumagot o kontrahin ang mga sinasabi niya. Kahit mali pa ang iniisip niya; kahit mali pa ang mga sinasabi niya, wala na akong pakialam. Si Justin ang inaalala ko.
“Nagkita kayo? And you didn’t tell me?" malungkot na tanong ni Justin. Tuluyan na rin siyang bumitiw sa akin. “Justin, hindi—" akmang hahawakan ko siya, pero umatras siya. “Justin naman e. Mahigit isang taon na nga kasi ‘yon; hindi ko na nga sana naalala; nakalimutan ko na," parang maiiyak kong sabi. Nakakalungkot kasi; nakakasama ng loob ‘to si Justin. Nagagalit na lang siya basta, at parang ayaw na niyang makinig sa akin. Ayaw na niya sa akin. Gano’n-gano’n na lang. Porket may hindi lang ako nasasabi sa kanya, nagagalit agad. " ‘Yon na nga, mahigit isang taon pa lang, Erica. Kaya imposible na nakalimutan mo na agad ang pagkikita n’yong dalawa. Unless kung wala ka talagang balak sabihin sa akin.” Napayuko na lang ako, at pa simpleng pinahid ang mga luha ko na hindi ko na magawang pigilin. “Ikaw din naman, Justin, nilihim mo rin naman ang tungkol kay Reynald. Pero hindi naman ako na galit ng ganito,” tampo kong sabi. Sandali rin akong sumulyap kay Reynald na ngayon ay parang na-g
“Hindi! Kung pwede nga, ayoko na makita ka pa ng pinsan kong ‘yon. Naalala ko lang ang nangyari noon!" pasikmat nitong sabi sabay hapit sa baywang ko at binuksan ang pinto. “Ayoko nga na lapitan ka pa ng ibang demonyo! So, I need to do this," bulong pa nito habang nasa harap na kami ng secretary niya. Kung ano ang gulat na nararamdaman ko sa ginawa nitong si Justin. Gano’n din ang nakikita ko sa mga mata ng secretary niya na talagang nanlaki at hindi na kumurap. Hindi na nga rin yata humihinga. Umawang na lang din ang labi. “Justin, ano ba ‘tong ginagawa mo?" pabulong kong tanong na may kasabay na ngiting aso. Itinaas ba naman ni Justin ang magkahawak na naming kamay at dinala iyon sa labi niya; paulit-ulit na hinalïkan, tapos ngumiti ng pagkatamis-tamis habang nakatingin sa akin.“Ms. Clark," tawag nito sa secretary niya na kumurap-kurap; parang napuwing. Lumunok din ng paulit-ulit na parang may bumara sa lalamunan niya na hindi matanggal-tanggal.“W-what is it, Sir Justin?" na-uuta
Mas dumiin pa ang katawan ni Justin sa akin, sa puntong halos lumapat na ang likod ko sa lamesa. Napapaliyad na lang din kasi ako na para bang bumigat ang ulo ko, at ngayon nga ay naigala niya pa ng husto ang labi niya sa leeg ko. At kung kanina ay ang malakas na tïbok lang ng puso ko ang naririnig ko, ngayon ay pati na ang sa kanya ay naririnig ko na. Sumabay din ang malakas naming paghinga sa tunog ng halik niya. Nakalulunod ang nararamdaman kong init ng katawan. Dati ang eksena ‘to ay sinusulat ko lang. Nababasa ko lang pero ngayon ay naranasan ko na mismo, at dito pa sa loob ng office ng boss ko na bawal ang office romance. “Justin…” paungol kong tawag sa pangalan niya na imbes sagutin ako ay lalo pa akong idiniin sa lamesa at sinabayan pa ng paghagod. Totoo pala na kapag mahal mo ang isang tao, at nasa ganitong sitwasyon na kayo, kahit ayaw mo, kahit nasa matinong pag-iisip ka naman, at wala sa impluwensya ng alak ay bibigay ka na lang ng kusa na parang hindi na marunong mag-is