“Ano na naman ang ginawa mo, Justin?” Narinig kong sigaw ni Reynald kasabay ang pagbagsak sa mga bigsig niya. “Wala akong ginawa, Reynald—” “Ano ba? Talagang magtatalo pa kayo? Kita n’yo na nga na kailangan ng tulong ang kaibigan ko!” sikmat na sabi naman ni Myra, bago tuluyang nagdilim ang paningin ko. “Erica?” Kapa ko ang ulo ko, at hindi pa kaagad maidilat ang mga mata. “Erica, pinag-aalala mo ako,” Nag-aalalang mukha ni Myra ang bumungad sa akin pagmulat ko. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito sabay hawak sa noo ko. “Ang init mo pa.” “Ayos na ako, at saka, hindi pa naman ako mamamatay,” sabi ko sabay naman ang paggala ng paningin ko sa kwartong kinalalagyan ko ngayon. “Hindi mamamatay! Bunganga mo din minsan walang preno. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo,” sita nito sa akin. “Ano ba kasi ang nangyari? Bakit ako nandito?” tanong ko habang ang tingin ay nasa dextrose bag na nakasabit sa stand. Napatingin din ako sa kamay kong balot na balot. “Ewan sa’yo, Erica! Tatano
Last Updated : 2023-10-21 Read more