Sa loob ng madilim at abandonadong warehouse sa dulong bahagi ng Tagaytay, makikita ang dalawang batang nakapiring ang mga mata at nakatali ang mga kamay. Pumapalahaw ng iyak si Natasha. Simula nang magising ito sa madilim na lugar na ‘yon ay hindi na ito matigil sa kaiiyak, takot na takot at nanginginig ang katawan. Samantalang walang humpay naman na inaalu ni Nico ang kapatid. Bilang kuya, kahit na natatakot siya sa sitwasyon nila ay kailangan niyang maging matapang upang maprotektahan niya nang maayos ang kakambal niya. “Natasha, don’t cry…” bulong niya sa bunsong kapatid at hinahaplos ang kamay nitong nakatali. “Mommy and Daddy will save us. They are going to do something to stop those bad people from hurting us. Let’s just wait. Hush now, please…” Umiling si Natasha. Kahit na anong pag-alu sa kaniya ni Nico ay hindi siya makalma. She just wanted to go home and be with their Mommy. She just wanted to be alive and spend more years with their siblings. “Our parents will save us,
Magbasa pa