Home / Romance / BEAUTIFUL ASSASSIN / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng BEAUTIFUL ASSASSIN: Kabanata 1 - Kabanata 10

84 Kabanata

Chapter 1

Shanra PovSa mataas na gate ng malaking bahay ng mga Acebedo ay para akong anino na nakasuot ng itim na overall na damit at natatakpan ng itim na bonnet ang buong mukha maliban sa aking mga mata. Mabilis akong sumampa sa tuktok ng gate nang walang kahirap-hirap. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid na para bang isang gumagalaw na CCTV camera. Nang masiguro ko na walang tao sa paligid na nakakakita sa akin ay parang pusang tumalon ako papasok sa loob ng bakuran. Napakatahimik ng gabi ngunit walang maririnig na ingay mula sa aking mga yapak. Ang gaan ng katawan ko at para bang hindi tumatapak sa sahig ang aking mga paa. Halatado sa kilos ko na sanay ako sa ganitonh klaseng trabaho.Maingat akong naglakad palapit sa abot-kamay na mga CCTV camera at tinakpan ng masking tape ang mgaito para wala nang ma-record pa kundi puro kadiliman na lamang. Abot-kamay ko lamang ang ibang cctv na madadaanan ko kaya madaling ko itong natakpan ng dala kong masking tape.Pagkatapos ay naglakad ako pal
Magbasa pa

Chapter 2

Shanra Pov"Alam mo ba na may pinatay na naman kagabi si Silent Assassin?""Talaga? At sino na namang salot sa lipunan ang pinatahimik ng ating hero?"Mula sa binabasang diyaryo ay tahimik lamang akong nakikinig sa dalawang taong nag-uusap sa aking harapan. Pinag-uusapan ng dalawa ang pagkamatay ni Danding Acebedo. Hero pala ang tingin ng dalawa sa pumatay kay Acebedo. Sabagay, puwede na rin. Mga salot naman kasi sa lipunan ang pinapatay ni Silent Assassin at hindi rin ito nangda-damay ng mga inosenteng tao katulad ng ibang mga assassin. Kung sino lamang ang target ay siya lamang pinapatay nito."Sino pa kundi ang kilalang drug dealer na si Danding Acebedo. Heto ang diyaryo't basahin mo ang nilalaman ng balita," sagot ng babaeng nagtitinda ng diyaryo sa bangketa sabay iniabot ang isang diyaryo sa babaeng kausap na malamang ay kakilala nito."Sige nga, pabili ako at nang mabasa ko mamaya pagdating ko sa bahay," anang kausap ng tindera. Pagkatapos magbayad ay nagpaalam na itong aalis na
Magbasa pa

Chapter 3

Buong pag-iingat at dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Ang lahat ng aking mga pandama ay aktibo sa sandaling ito. Kung sakaling ang taong ito na pumasok sa aking bakuran ay magdadala sa akin ng panganib ay kailangan kong maging maingat at alerto. Kung sa labas ng pintuan ang scanner ay ang hininga ko na tumatama sa scanner ang kanang palad ko naman ang susi para makalabas. Nang itinapat ko ang palad ko sa scanner ay awtomatikong bumukas ang pintuan. Ngunit bago pa man ako makalabas ng pinto ay biglang sinugod ako ng isang lalaking may hawak na kutsilyo at nagtatago lang pala sa gilid ng pintuan ko. Pero alerto na ako kaya naiwasan ko ang kanyang pag-atake. Ngunit kung hindi ako nakaiwas ng mabilis ay nasaksak na sana niya ako ng kutsilyo sa dibdib. Kasabay ng matagumpay kong pag-iwas sa katawan ko sa pag-atake niya, mabilis kong hinawakan ang likod ng kamay niya at binaliti ng mahigpit ang braso niya para mabitawan niya ang kutsilyo. Iniuntog ko ng malakas ang ulo niya sa konkreto
Magbasa pa

Chapter 4

Shanra PovIpinarada ko ang kotse ko sa tapat ng building na may mahigit na tatlong palapag. Pagkatapos kong maiparada ng maayos ang kotse ay agad na akong naglakad papasok sa building. "Good morning, Ma'am," nakangiting bati sa akin ni Mae na member din ng Black Assassin's Squad. Ngunit hindi siya katulad ko o ni Henry na pumapatay ng tao. Naging member lamang siya ng BAS dahil siya ang lady guard na nagbabantay sa ibaba ng building. Ngunit kahit isa lamang siyang guard ay may kakayahan din siyang makipaglaban. Lahat kasi ng BAS members maski ang pinakamababang miyembro ay dumaan din sa matinding training."Good morning," hindi ngumingiting bati ko sa kanya. Sanay na siya sa pagiging seryoso ng aking mukha sa tuwing dadaan ako kaya hindi siya nangingilag na bumati sa akin sa tuwing papasok at lalabas ako ng building.Pagdating ko sa elevator ay agad kong pinindot ang third floor kung saan naroon ang sa pinakahuling floor ang headquarter ng BAS. Front lamang ang coffeeshop na nasa f
Magbasa pa

Chapter 5

ShanraIlang araw ko rin minatyagan at inalam ko ang routine ni James Mondragon. Sa ilang na pagbuntont ko sa kanya ng palihim ay natuklasan ko kung saan siya mas naglalagi. Sa Grand Hotel na siyang pinakamalaki sa tatlong fove star hotel na pag-aari niya siya madalas naglalagi. Doon din siya natutulog. Sa umaga ay nagjo-jogging siya kasama ang kanyang mga bodyguard. Tapos pupunta sa coffee shop na nasa ibaba ng hotel niya at doon siya nagkakape. Pagkatapos ay maglilibot na siya sa kanyang dalawang hotel. Ewan kung ano ang ginagawa niya dahil hindi ko na siya sinusundan pa sa loob ng hotel niya. Sa labas lamang ako matiyagang naghihintay sa paglabas niya. Pagkatapos niyang mapuntahan ang dalawa niyang hotel ay babalik na siya sa Grand Hotel at doon na mananatili. Napaka-simple ng routine niya. Siguro sa Grand Hotel din niya ginagawa ang panggagahasa niya sa kanyang mga nagiging biktima.Madali lamang akong nakapasok sa isa sa mga hotel na pag-ari niya gamit ang aking mga pekeng ID. Al
Magbasa pa

Chapter 6

ShanraCraigGalit na naibagsak ko ang dalawa kong kamao sa ibabaw ng aking mesa. Nasalubong ko na ang assassin ngunit pinakawalan ko pa. Nasa harap ko na siya ngunit wala akong kaalam-alam na siya na pala si Silent Assassin na matagal ko nang hinahanap. Siguro ay pinagtatawanan na niya ako ngayon dahil sa aking katangahan. At ang ideyang ito ang lalong nagpapagalit sa akin.Kanina ay pinuntahan ko ang pinsan kong babae na naka-check in sa Grand Hotel na pag-aari ni James Mondragon. May tsismis kasi na rapist ang may-ari ng hotel kaya nag-alala ang aking tito na baka kung ano ang mangyari sa aking pinsan kong si Tiffany kaya niya ako pinapunta sa Grand Hotel para kausapin at kumbinsihin ang pinsan ko na lumipat ng hotel. Malakas lamang ang kapit sa mga pulis kaya ito nakakalusot at nanatiling tsismis lamang ang kumakalat na balita tungkol kay James. At habang naglalakad ako kanina ay hindi sinasadyang bumangga sa akin ang isang lalaking naka-jacket at nakasuot ng sumbrero. Bahagya kas
Magbasa pa

Chapter 7

ShanraNapapikit ako at lihim na napamura nang marinig ko ang malakas na sinabi ng katabi kong lalaki. Holdaper pala ito. Hindi ko nahalata dahil nakatingin ako sa labas ng bintana nang may umupo sa tabi ko. Tapos hindi pa nga umiinit ang puwit niya sa upuan ay nagdeklara na agad ng holdap. Ang malas lamang niya dahil sa tabi ko pa pinili niyang maupo. Tinatamad akong magmaneho ng sasakyan kaya pinili kong mag-bus pauwi sa bahay ko. Kagagaling ko pa lamang sa BAS Headquarter dahil doon agad ako dumiretso pagkatapos kong matagumpay na na-accomplished ang aking misyon. Dumiretso agad ako sa headquarter ibalitang mission accomplish ang aking ginawa at para personal na tanggapin ang tseke na nagkakahalaga ng ilang milyones. At hawak ko pa ngayon ang tseke dahil tinatamad akong magpunta sa bangko na nasa ilalim din ng pamahahala ng BAS. Ang suwerte naman ng dalawang holdaper na ito sakaling makuha nila sa akin ito."Huwag ninyo kaming sasaktan. Ibibigay namin ang gusto ninyo," narinig ko
Magbasa pa

Chapter 8

Shanra"Good afternoon, Ma'am," bati sa akin ng guard pagpasok ko sa BAS buidling. Ninong Eddie called me again. I guess, he will give me another mission. Pabor iyan sa akin. This will be my fifth mission. And I only need five people to assassinates so I could finally speaks with the BAS leader. Gustong-gusto ko nang makausap ang pinaka-head ng BAS para makapaghiganti na ako sa mga taong pumatay sa pamilya ko. At kapag nabigyan ko na ng justice ang kanilang pagkamatay ay magre-resign na ako bilang assassin at maninirahan na lamang sa malayong probinsiya."Good afternoon," tugon ko sa kanya pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na akong umakyat sa office ng BAS. Pasalamat ako na hindi ko nakasalubong si Henry. May mission kasi ito kaya wala dito ngayon.Akmang kakatok na ako sa pintuan ng office ni Ninong Eddie nang biglang may nagsalita sa likuran ko na walang iba kundi si Ninong pala na mula sa labas ng opisina nito."Come in, Shanra," sabi niya sa akin. Pinauna ko muna siyang makapasok sa lo
Magbasa pa

Chapter 9

ShanraHindi ko mapigilang mapa-ismid habang pinapanuod si Alejandro Alegri na maganda ang pagkakangiti at tuwang-tuwa habang kalaro ang mga sa loob ng bahay ampunan. Masayang-masaya siya hindi dahil kalaro niya ang mga bata kundi dahil marami na naman siyang maki-kidnap na mga bata.Pangatlong araw ko sa pagsubaybay sa taong ito ngunit hindi ako makahanap ng chance para patayin siya. Lagi kasing mga bata ang kasama niya kaya kung lalapit ako para maturukan siya ng aking karayom na may lason ay mahahalata ng mga bodyguard niya ang kilos ko. Hindi pa man ako nakakalapit kay Alegri ay maaalerto ko na ang mga guard niya. Ngunit hindi ako naniniwala na sa araw-araw na pagsunod-sunod ko sa kanya ay hindi ako makakahanap ng chance to assassinate him. Pagkatapos makipaglaro ni Alegri sa mga bata ay lumapit siya sa isang babae na nakatingin sa kanila at sa tingin ko ay isa sa mga head ng orphanage ang babae. Inabutan ito ni Alegri ng isang sobre na sigurado akong pera ang laman. Nagbibigay k
Magbasa pa

Chapter 10

ShanraIbinaba ko ang hanggang sa tungki ng aking ilong ang suot kong salamin. Mula sa kinalalagyan ko ay tanaw na tanaw ko ang ginagawang pakikipaglaro ni Alejandro Alegri sa mga batang squatters na nakapalibot dito. Nakangiti ito at mukhang tuwang-tuwa sa mga bata ngunit alam ko na sa loob nito ay nandidiri ito sa mga kaharap na bata. Mukhang sa mga batang squatters nito binabalak na mangidnap ng bata.Umalis ako mula sa pagkakasandal sa aking hubby. Ang tinutukoy kong "hubby" ay ang aking motorsiklo na ipinarada ko lamang sa tapat ng park kung saan naroon si Alejandro Alegri at nagpapakain ng mga batang squatters. Maganda sana ang ginagawa nito kung wala lamang itong masamang agenda sa mga bata. Ang mga katulad nitong nagpapanggap na mabait na tao ngunit isa palang demonyo ay dapat lamang na mawala sa lipunan.Nang makita ko na nakikipagkamay sa mga nanay ng mga batang naroroon si Alegri ay mabilis akong tumawid sa kalsada at lumapit sa likuran ng isang nanay na nakangiti habang n
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status