Shanra"Congratulations, Shanra! Kahit kailan ay hindi mo ako binigo."Papasok pa lamang ako sa loob ng opisina ni Ninong Eddie ay agad na niya akong sinalubong ng malakas na pagbati. Hindi ako ngumiti o nagpakita ng pagkatuwa dahil wala namang dapat ikatuwa sa ginawa ko. Although all the people that I killed deserves to die I'm still a killer. Isang killer na pinaghahahanap ng mga alagad ng batas lalong-lalo na ni Craig De Silva."I just did my job, Ninong. Amd you know na may kapalit ang mga ginagawa ko," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya bago ako naupo sa upuan na laging kong inuupuan kapag pumapasok ako sa loob ng opisina niya."I never forget that, Shanra," sagot ng ninong ko na biglang naglaho ang magandang ngiti sa mga labi. Para bang hindi niya nagustuhan na madalas kong ipinaaalala sa kanya ang dahilan kung bakit ako pumapatay. Kung bakit ako naging isang assassin. "Anyway, here's your payment."Iniabot ko ang tseke na may nakasulat na malaking halaga without checking if
CraigMag-isa akong umiinom ng alak sa loob ng bar para kahit paano ay makalimutan ko si Shanra. I was hurt the she treated me. Parang hindi niya ako kilala. I'm sure naman na kilala niya ako dahil ilang beses din naman kaming nakapag-usap noon bago ito biglang naglaho pagkatapos ng trahedyang sinapit ng pamilya nito. Nalungkot ako noon nang hindi ko na siya makita at umasa na lamang ako na balang-araw ay magtatagpong muli ang mga landas namin. At ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi ko na siya hahayaang lumayo sa oras na magkita kaming muli. Na sasabihin ko na sa kanya ang damdamin ko na dapat ay noon ko pa sinabi sa kanya. May wish granted because I really met her again. Ngunit ibang-iba na siya. Pero kahit nag-iba na siya ng ugali my feelings for her didn't change. At natuklasan ko ngayon na sa halip na mawala ang nararamdaman ko sa kanya dahil ilang taon din kaming hindi nagkita ay mas lalo lamang lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. And I know that what I'm feelin
ShanraNapamura ako ng mahina nang magising ako na nasa loob ng ibang kuwarto at hindi na ako magtatanong kung kaninong kuwarto ang kinaroroonan ko dahil naroon si Craig masarap ang tulog habang katabi ako sa higaan. Maingat akong bumaba sa kama para hindi siya magising. Kapag magising siya ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis ako sa ibaba ng kama at hindi siya nagising. Agad kong kinuha ang aking shoulder bag na nakalapag sa maliit na mesa na nasa gilid ng kama pati na rin ang sapatos ko na nasa ibaba ng kama. Maingat ako akong lumabas sa kuwarto para hindi siya magising. Paglabas ko sa kuwarto niya ay saka ko natuklasan na nasa isang condo unit pala kami na malamang ay condo unit ni Craig. Agad kong isinuot ang aking sapatos at nagmamadaling bumaba sa condo. Sumakay na lamang ako ng taxi at nagpahatid sa bar na pinuntahan ko kagabi. Naroon kasi ang kotse ko dahil sa kotse ni Craig ako sumakay.Mabuti na lamang at may bantay sa p
ShanraI am bored inside my room so I decided to walk around inside a mall to erase my boredom. Ilang araw na akong nagkukulong sa kuwarto ko at walang ginawa kundi ang matulog. Wala pa akong bagong misyon kaya hindi pa ako nagpupunta sa headquarter ng BAS. Wala nang pasok ang school kung saan ako nagtuturo self-defense sa mga bata because they are having a field trip. Sa Friday pa ulit ang pasok ko. Isang simpleng white sleeveless dress na may mga silver beads na nakakalat sa may bandang dibdib ang aking suot. Umabot lamang sa aking mga tuhod ang suot kong dress kaya na-exposed ang mga binti kong mapuputi at maganda ang hugis pagkatapos ay sumakay na ako sa kotse ko para magpunta sa mall. I always wore long pants kaya mas madalas ay nakatago ang binti ko. Dahil sa klase ng trabaho ko ay mas maraming pa akong long pants kaysa sa mga formal dress. I think I should buy some dress para kapag kailangan kong magpanggap sa kahit anong role ay hindi na ako nagmamadali pang maghanap ng maisu
ShanraPagkatapos naming kumain sa restaurant ay agad na akong nagpaalam kay Craig at Gino. Pakiramdam ko ay hindi bumaba sa tiyan ko ang kinain ko. Konti nga lang ang nakain ko dahil hindi ko malunok ang kinain ko sa sobrang talas ng tingin sa akin ni Craig. Maingay ang mesa namin dahil sa malalakas na bagsak nito ng kutsara sa pinggan. Tila wala naman itong pakialam kung pagtinginan man ito ng ibang mga kumakain dahil sa ingay na nililikha nito. Kaya nang matapos na akong kumain ay agad akong nagpaalam sa kanilang dalawa. Hindi ako nagpaka-plastik kaya hindi na ako nagpaalam kay Veron na halatadong natuwa nang magpaalam ako.Hindi pa ako nakakalapit sa aking kotse ay pinindot ko na ang unlocked button ng remote nang kotse ko para mabuksan agad. Eksaktong kauupo ko pa lamang sa driver's seat nang bigla na lamang may bumukas sa pintuan ng kotse ko. Nabigla ako nang makita kong si Craig pala ang pumasok at agad na hinawakan ang magkabila kong mga kamay at itinaas sa aking ulo habang na
ShanraPabagsak na inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang puting folder ng aking next target matapos kong makita ang picture. Isang babaeng mabait ang hitsura ng mukha at nakangiti ng matamis habang nakahawak sa balikat ng dalawang anak na babae ang aking target, si Mrs. Malou Madrigal. Sa unang pagkakataon ay tinanggihan ko ang misyon. Alam ko na dapat hindi ako tumanggi dahil magiging dagdag siya sa bilang ng mga nna-assassinate ko ngunit hindi ko maatim na pumatay ng isang ina. Maaalala ko lamang ang aking ina kapag nakaharap ko na si Mrs. Madrigal at natitiyak ko na magdadalawang-isip ako na gawin ang aking misyon."Listen Shanra. Basahin mo muna ang report tungkol sa kanya at sa mga pinaggagagawa niya bago ka magdesisyon na tanggihan ang mission na ito. I'm sure kapag nabasa mo na ang files niya ay magbabago ang isip mo," pangungumbinsi sa akin ni Ninong Eddie. "Dalhin mo sa bahay mo ang folder na iyan at basahin mo ang nilalaman. I will give you twenty-four hours to think whether you
ShanraNapakuyom ko ang aking mga kamao matapos kong basahin ang report tungkol kay Mrs. Malou Madrigal. And I hate to admit it but my godfather was right whe he told me that I would change my mind after I read the woman's files. Karapat-dapat nga itong burahin sa mundo dahil wala itong kuwentang ina. Itinutulak nito ang dalawang anak na babae para makipagtalik sa iba't ibang lalaki kapalit ng malaking pera. Sabagay, hindi naman niya tunay na anak ang magkapatid na Mavi at Hana kaya wala siyang pakialam kung mapariwara man ang kanyang mga anak dahil hindi naman niya sila mga tunay na anak kundi ampon lamang. Dalawang batang lansangan na inampon ni Malou at pinalaki para maging source of in come niya paglaki ng dalawang babae.May isang prostite house din si Madrigal na libreng nakakapag-operate dahil may malaking tao na tumatanggap ng lagay mula rito kaya hindi ito hinuhuli ng mga pulis. Kaya kailangan ang isang katulad ko apra matigil na ang kasamaan ng babaeng ito.Kung kahapon ay b
ShanraEksaktong pagtapak ng alas onse ng gabi ay nasa labas na ako ng bahay ni Mrs. Madrigal. Just like yesterday, I parked my car few meters away from her house. Mukhang kinakasihan ako ng pagkakataon dahil napansin kong patay ang mga street light. Siguro ay pundi ang bombilya kaya hindi pinailaw. Pabor sa akin ito dahil walang makakakita sa akin maski sa aking anino. Lalo pa at suot kong muli ang isinuot ko kahapon.I quickly climbed up the mango tree after I made sure that no one saw.me. At mula sa sangang pumapasok sa loob ng bakuran ng bahay ni Mrs. Madrigal ay maingat akong tumulay at parang itim na pusang tumalon pababa. Walang ingay at magaan ang aking katawan kaya walang sino man ang makakapansin sa aking pagpasok sa bakuran. Sinuyod muna ng mga mata ang buong paligid. Tahimik at tila natutulog na ang lahat ng mga tao sa bahay na ito. Maliban sa bukas na ilaw sa garahe at gilid ng bahay ay wala na akong nakikita pang ibang ilaw. Nakikita ko ang mga CCTV na umiilaw ngunit wal
Shanra PovLabis-labis ang pag-aalalang nararamdamn ko para sa kaligtasan ng anak ko. Iniisip ko kung kumain na ba siya ngayon. Kung saan siya ngayon natutulog. Tiyak na takot na takot siya ngayon dahil hindi niya kilala ang mga kasama niya.Nang pagbalikan ako ng malay-tao ay agad kong inusisa ang aming driver at yaya ng anak namin kong paano nakidnap ng mga taong iyon ang anak namin. At ayon sa kuwento nila ay paliko na sa may kanto ang kotse nila nang biglang may tumawid na binatilyo. Akala ni Zaldy nasagasaan niya ang binatilyo kaya bumaba ito para sana dalhin sa ospital ang binatilyo. Ngunit pagbaba rw ni Zaldy ay nagulat na lamang ito nang my dalawang lalaking lumapit sa kanya at pinalo ito ng baril sa ulo ng dalawang beses kaya ito my sugat. Nang kukunin na raw ng mga lalaki ang anak ko y pilit daw nakipagbuno si Mia kaya pinalo rin ito ng baril sa ulo ng kidnaper. Pareho silang nawalan ng malay kaya nakuha sa kanila si Raiggen."Sa tingin mo ay may kinalaman sa trabaho mo kung
Shanra PovNakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Larawan ako ng isang babae na masayang-masaya at kontento na sa buhay.Kahit 5 years na ang nakalilipas magmula nang mag-wakas ng BAS at ikinasal kami ni Craig ay hanggang ngayon hindi pa rin ako halos na makapaniwala sa magandang nangyari sa buhay ko. Nagkaroon kami ni Craig ng isang napaka-bibong baby boy na pinangalanan kong Raiggen. At walang araw na hindi ipinadama sa akin ng aking asawa ang walang katapusan niyang pagmamahal.Ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko noon ay pinunan ng saya nina Craig at Raiggen. Kung hindi sila dumating sa buhay ko ay tiyak na nananatiling nasa madilim kung mundo pa rin ako hanggang ngayon."Huwag mo nang titigan ang sarili mo at baka ma-in love ka pa sa mukha mo."Mula sa aking likuran ay niyakap ako ni Craig. Tinaniman niya ng mumunting halik ang aking leeg. Bahagya akong napakislot nang makiliti ako sa kanyang balbas na ilang araw na sigurong hindi inaahit.Kauuwi pa la
Craig's POVMabigat ang aking pakiramdam na bumangon ako sa hospital bed na kinahihigaan ko. Natamaan kasi ako ng lumilipad na bahagi ng building kaya ako na-ospital at may nakapalibot na benda sa itaas ng aking ulo. Nasa labas na kasi kami ng building at ipinapasok sa loob ng police car ang mga sumukong tauhan ng foreign drug lord at ibang mga BAS assassin. Napatay ko ang foreign drug lord kaya sumuko ang mga tauhan nito at pati na rin ang mga natitirang buhay na mga BAS assassin. At pabalik na sana ako sa loob para hanapin si Shanra ngunit bigla namang sumabog ang building at tinamaan ako sa ulo ng lumilipad na bahagi ng building na nabaklas. Hinimatay ako at dito na sa loob ng ospital ako nagising. At si Shanra ang kaagad na unang pumasok sa aking isip nang pagbalikan ako ng aking malay. "Sir, bakit bumangon kayo? Baka bumuka ang sugat mo sa ulo," nag-aalalang wika ni Denver nang madatnan niya akong nakaupo na sa ibabae ng kama."Si Shanra? Nasaan siya?" agad kong tanong sa kanya
Shanra PovSa gitna ng palitan ng mga putok sa pagitan ng mga pulis at mga kasamahan kong BAS assassin at pati na rin ang mga tauhan ng foreign drug lord ay nakakita ng pagkakataong tumakas si Ninong dala ang isang attaché case na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Nang makita ko siyang tumalilis ay agad ko siyang sinundan. Siguro ay may secret door ang lugar na ito na puwede niyang daanan para makatakas. Ngunit hindi ko siya hahayaang makatakas. Dahil ito na ang oras ng pagtutuos namin."Ninong Eddie!" malakas kong sigaw sa pangalan niya. Bigla naman itong napahinto nang marinig ang aking boses. Huminto ako ilang metro ang layo mula sa kanya."Shanra. Hindi ko akalain na kaya mo akong pagtaksilan," galit na sigaw nito matapos akong lingunin."Ako rin, Ninong. Hindi ko rin akalain na ikaw pala ang mastermind sa ilang beses na pagtatangka sa buhay ko. At mas lalong hindi ko inakala na ikaw ang nag-utos para ipapatay ang aking buong pamilya!" ganting sigaw ko sa kanya. Sa wakas ay n
Shanra"Tandaan ninyong lahat. Mahalaga at malaki ang deal na magaganap na ito kaya hindi tayo dapat na pumalpak. At huwag kayong mag-alala dahil kapag naging successful ang deal na ito ay magkakaroon kayong lahat ng napakalaking bonus," kausap sa amin ni Ninong habang naghahanda kaming lahat para sa magaganap na drug deal ng BAS na pinamumunuan ni Ninong. Magmula nang ipinapatay ni Ninong ang ilang big boss ng BAS na kontra sa kagustuhan nito ay biglang nag-iba na ng tuluyan ang operasyon ng BAS. Lumabas na ang tunay na kulay at pagiging ganid niya. Hantaran na sa BAS ang pakikipag-deal nito sa mga malalaking foreign drug lord na pumapasok sa bansa. Ngayon nga ay makikipag-deal kami sa pinaka-notorious na drug lord na nanggaling pa sa Europe. At ang venue ay ang prostitute house dati ni Mrs. Madrigal na ngayon ay si Ninong na ang may hawak.Lahat ng BAS assassin ay hindi tutol sa ginawang pagbabago ni Ninong sa BAS maliban sa aming tatlo nina Tom at Denver. Ngunit katulad ko ay wal
ShanraPagkatapos ng ilang araw kong pag-iimbestiga ay nalaman ko rin kung bakit ipinapatay ni Ninong sa akin mga taong in-assassinate ko. Napag-alaman ko na siya na pala ang humahawak sa negosyo ng mga pinatay ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ngunit siya na ang bagong may-ari ng five star hotel na dati ay pag-aari ni James Mondragon, ang bahay-aliwan na dati ay pagmamay-ari ni Mrs. Madrigal, kung dati ang drug lord ay si Danding Acebedo ngayon naman ay si Ninong. At hindi na rin ako magtataka kung involved din siya sa illegal human organ trafficking. Sobrang laki ng pera na pumapasok sa kanya kaya naman pala kayang-kaya nitong magbayad sa akin ng ganoon kalaking halaga para sa isang ulo ng taong ipinapatay niya. At malamang ay siya rin ang lihim na nagbigay ng impormasyon kay Craig tungkol sa binabalak kong assassination kay Mrs. Madrigal noon. Kung hindi ko mapapatay si Madrigal ay mahuhuli naman ako ni Craig. Walang mawawala sa kanya kung nangyari iyon. Nahuhulaan ko rin na
ShanraPabiling-biling ako sa ibabaw ng kama habang nakahiga. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Gustong-gusto ko nang makabalik muli sa Maynila para maumpisahan ko na ang aking paghihiganti.Kaninang madaling-araw ay nakabalik ako rito mula sa Maynila. Bumalik ako para hindi maisip ni Ninong na ako ang pumasok sa loob ng bahay niya. Sigurado naman kasi na matutuklasan niyang pinasok ang library niya lalo pa at may mahalagang bagay itong nawala. Ang blue book na kinuha ko bago ako umalis sa bahay niya. Nakita ko ang blue book na nakahanay sa ibang mga aklat nito. Naiiba ito sa mga aklat na naroon dahil ito lamang ang manipis at nakaipit ng mabuti sa dalawang makakapal na aklat kaya nakaagaw ng aking atensiyon. At nang hinugot ko at binuklat ang laman ay nagulat ako na isa pala itong blue book. At mas nagulat ako nang makita kong nakasulat doon ang mga pangalan ng lahat nang matataas na pangalan na may posisyon sa lipunan na siya palang bumubuo sa BAS. Iyong makagkasunod na p
Pagkatapos ng nangyaring pagtangkang pagpatay sa akin sa loob ng rest house ay kinausap ko si Estong. Halatado sa kilos niya na kinakabahan siya kaya alam ko na may kinalaman siya sa pag-atake sa akin kaya naman pilit ko siyang pinaamin. Ngunit kahit anong pagpiga ang gawin ko sa kanya ay hindi niya sinabi sa akin kung sino ang may pakana ng lahat sa halip ay binigyan lamang niya ako ng clue. Mataas ang posisyon sa BAS ng taong may pakana ng lahat. Ito lang din daw kasi ang kanyang nalalaman.Nang malaman ko kay Estong ang tungkol sa bagay na ito ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Walang ibang nakakaalam kung nasaan ako kundi si Ninong maliban kung sinabihan niya si Mr. Jung kung nasaan ako at ang huli ang nag-utos para patayin ako. Ngunit impossible na si Mr. Jung ang nag-utos na ipapatay ako dahil alam niyang babalikan ko siya kapag malaman ko na siya ang may pakana ng lahat. At saka nagtatago siya sa akin ngayon dahil natatakot siyang bisitahin ko siya at tanungin tungkol sa n
ShanraGaya ng nakasanayan kong gawin ay maaga akong gumising para mag-jogging sa dalampasigan. Nagkaroon na yata ako ng tinatawag na body clock kaya kahit hindi ako mag-alarm sa cellphone ko ay maaga pa rin akong nagigising. Isinaksak ko ang electric thermos at naghilamos habang hinihintay na kumulo ang tubig. Isang puting jogging pants at puting sweatshirt ang aking isinuot bago ako lumabas at nagtimpla ng gatas sa kusina. Quarter to six ay lumabas na ako at nagsimulang tumakbo sa dalampasigan.Apat na araw na ako rito sa Amara Beach Resort at aaminin ko na nage-enjoy ako sa pananatili ko rito. Mamula-mula na ang balat ko dahil madalas akong nagbibilad sa araw katulad ng ginagawa ng mga turistang nakikita ko palagi. Payapa ang aking isip at hindi ko hinahayaang makapasok sa aking isip ang mundong saglit kong iniwan. Ini-off ko ang cellphone ko at itinago sa aking bag para hindi ako matuksong silipin ito at kahit ang aking deadly needles ay iniwan ko sa bahay ko. Talagang katahimika