ShanraEksaktong pagtapak ng alas onse ng gabi ay nasa labas na ako ng bahay ni Mrs. Madrigal. Just like yesterday, I parked my car few meters away from her house. Mukhang kinakasihan ako ng pagkakataon dahil napansin kong patay ang mga street light. Siguro ay pundi ang bombilya kaya hindi pinailaw. Pabor sa akin ito dahil walang makakakita sa akin maski sa aking anino. Lalo pa at suot kong muli ang isinuot ko kahapon.I quickly climbed up the mango tree after I made sure that no one saw.me. At mula sa sangang pumapasok sa loob ng bakuran ng bahay ni Mrs. Madrigal ay maingat akong tumulay at parang itim na pusang tumalon pababa. Walang ingay at magaan ang aking katawan kaya walang sino man ang makakapansin sa aking pagpasok sa bakuran. Sinuyod muna ng mga mata ang buong paligid. Tahimik at tila natutulog na ang lahat ng mga tao sa bahay na ito. Maliban sa bukas na ilaw sa garahe at gilid ng bahay ay wala na akong nakikita pang ibang ilaw. Nakikita ko ang mga CCTV na umiilaw ngunit wal
ShanraSa halip na turukan ko ng aking karayom si Craig ay muli kong tinangka na tumakbo palabas ng kuwarto. But Craig won't let me escape easily. Bago pa ako makatakbo ay nabigyan na niya ako ng malakas na sipa sa likuran ng aking tuhod kaya bigla akong napaluhod. Ngunit mabilis akong tumayo kasabay ng pagtayo rin niya. Hinawakan niya ang aking isang kamay para malagyan niya ng posas ngunit mabilis ko namang nahawakan ang kamay niyang may hawak na posas and slightly twisted it. Damn! Lumalambot na yata ako ngayon dahil hindi ko siya tuluyang masaktan o baka sa kanya lamang ako ganito. Isang malakas na suntok ni Craig sa aking tagiliran ang nagpagising sa naguguluhan kong isipan. Maaaring mahuli niya ako kapag hindi ko seryosohin ang paglaban sa kanya. Nang makita kong humugot siya ng baril mula sa likuran ng kanyang baywang ay maliksi akong umikot at binigyan ko siya ng malakas na flying kick sa sikmura. Naglanding sa kama si Craig kaya muli kong sinamantala ang pagkakataon na tuma
ShanraHinayaan ko lamang si Craig na maglabas ng kanyang sama ng loob dahil sa pagkabigo niyang mahuli si Silent Assassin, which is me. Hinihintay ko na madulas siya sa pagsasalita at mabanggit niya sa akin kung kanino niya nalaman na target ko si Malou Madrigal."I felt useless. Dalawang beses na akong napahiya ng Silent Assassin na iyon. Pinagtatawanan na ako sa buong departamento because I always failed to catch that bastard!" nagtatagis ang mga ngipin na sabi pa ni Craig. Not knowing that the bastard he was looking for is right beside him."Ganoon ba talaga kahalaga sa'yo na mahuli si Silent Assassin? Paano kung may dahilan pala siya kung bakit niya ito ginagawa?""May dahilan man siya o wala I will still catch him. I will make him pay for the humiliation that he brought on me.""Paano mo nga pala nalaman na ang target ni Silent Assassin ay Malou Madrigal?" hindi na ako nakatiis kaya deretso ko na siyang tinanong. Bigla akong kinabahan nang tumitig siya sa akin habang nakakunot
Nasa biyahe na ako pauwi sa bahay ko nang maramdaman ko na tila magaan ang aking katawan. Parang may nawala sa akin ngunit hindi ko alam kung ano. Kinapa-kapa ko ang katawan ko para malaman ko kung ano ba ang kulang sa akin. Bigla akong nag-preno nang maisip ko na ang cellphone ko ang kulang sa akin. Napamura ako ng mahina sa pag-aalala. Baka makuha ng taxi driver ang cellphone ko or worst ay mapunta ito kay Craig. Malalaman ng lahat na ako at si Silent Assassin ay iisa. Masisira ang pinaghirapan ko para mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng aking pamilya.Agad akong nag-uturn at mabilis na pinatakbo ang kotse ko papunta sa deriksiyon kung saan nagtungo ang taxi. Mabuti na lamang at natandaan ko ang plate number ng taxi kaya bawat taxi na madaraanan at kasabay ko ay sinusuri kong mabuti ang plate number. Naabutan ko ang taxi sa mismong tapat ng bahay ni Craig. Eksaktong pababa ang driver nang umibis naman ako sa aking sasakyan."Sinundan mo kami, Ma'am. Nag-aalala po ba kayo na b
ShanraNasa bahay ko si Craig kaya maaga akong nagising dahil ayokong mauna siyang magising kaysa sa akin at baka kung saan-saan parye ng bahay ko pa siya magpunta. Mabuti na lamang at hindi ako mahilig mag-display ng mga gamit ko bilang assassin sa kahit saang sulok ng bahay ko kahit ako naman ang may-ari. Kahit ang aking mga karayom ay hindi ko rin basta inilalagay sa kung saan. Hindi ko naman kasi inihihiwalay sa katawan ko ang mga karayom ko at maging sa aking pagtulog ay nasa katawan ko pa rin. Mas mabuti na ang laging handa kaysa ang maunahan pa ako ng iba sa paggamit ng armas nila.Maaga na nga akong nagising ngunit mas maaga pa ring nagisng sa akin si Craig. Nang lumabas ako mula sa aking kuwarto ay naabutan ko na siyang nakaupo sa couch habang inililibot niya ang kanyang mga paningin sa kabuuan ng aking sala. Nasa mukha niya ang pagtataka. Siguro nagtataka siya kung saang bahay siya napadpad. Nang dumako sa akin ang kanyang paningin ay agad na kumunot ang kanyang noo at aga
ShanraPagkatapos ng ilang araw na pag-lie low ay muli akong nagplano kung paano ko mapapatay si Malou Madrigal. Dahil sa nalaman nito na ito ang target ni Silent Assassin kaya hindi na ito umuwi sa bahay nito. Lagi lamang itong nagkukulong sa loob ng prostitute house na pag-aari nito at ayaw lumabas. Ngayon ay kailangan ko pa tuloy pumasok sa loob ng kanyang prostitute house at magpanggap na isang prostitute. Pagkatapos ng ilang araw na pagmanman ko sa mga tauhan niya ay nalaman ko kung saan sila kumukuha ng mga babaeng bayaran. Sa isang madilim na kanto kung saan may mga babaeng ang babata pa pero naghahanap na ng malaking mapagkakakitaan ng malaki.Nang malaman ko na doon pala sila kumukuha ng mga babae ay agad akong nakaisip ng paraan kung paano ako makakapasok sa loob ng prostitute house ni Madrigal. Ang magpanggap na isang prostitute. Kaya naman heto ako ngayon at nagpapanggap bilang isang babaeng naghahanap ng customers na magbabayad ng malaking halaga kapalit ng ilang oras na
ShanraSa isang lumang building ako dinala nina Baldo. Hindi aakalain ninuman na ang lumang building na iyon pala ay pugad ng mga mga babaeng nagbebenta ng aliw. At dito rin naglalagi si Madrigal sa takot na baka muli ko siyang pasukin sa loob ng kanyang bahay. Ngunit wala siyang kaalam-alam na nandito na ako. Kailangan ko siyang mapatay agad dahil ayokong magtagal sa ganitong klaseng lugar. Sa totoo lang ay kinikilabutan ako habang naglalakad kami sa hallway at nadaraanan namin ang mga kuwartong dikit-dikit lamang. Hindi sound proof ang mga dingding kaya dinig na dinig sa hallway ang ungol ng mga babaeng nakikipagtalik sa kani-kanilang mga customers. Gustong-gusto ko nang takpan ang aking tainga ngunit pinigilan ko ang aking sarili na gawin iyon. Ang mga kasama kong lalaki ay nagtatawanan lamang kapag nakakarinig ng mga ungol ng lalaki at babae. Sanay na kasi sila s mga ganitong eksena."Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Baldo habang naglalakad kami sa hallway."Huwag kang excited
ShanraPaglabas ko sa banyo ay agad din akong lumabas sa kuwartong kinaroroonan ko. Hindi ako nag-aalala na baka makita ako sa CCTV dahil alam kong na-hack na ni Denver ang lahat ng mga CCTV dito. May tiwala ako sa kanya at alam ko na hindi niya ako ipapahamak.Naglakad ako pabalik sa opisina ni Madrigal dahil ngayon ko siya balak na patayin. Habang papunta ako sa opisina niya ay ilang kababaihan na may kasamang customers ang aking nakakasalubong. Nginingitian ko lamang sila ng matamis at pag nakalampas na sila sa akin ay saka maglalaho ang matamis na ngiti ko sa mga labi. Nakakainis dahil sa ganitong klaseng lugar at mga tao naipapakita ko ang aking matamis na ngiti na magmula nang mamatay ang pamilya ko ay hindi ko na nagawang gawin na tila ba nakalimutan ko na kung paano ngumiti. Ngayon ay hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong ngumiti sa mga taong hindi naman karapat-dapat na makatanggap ng aking ngiti.Nang nasa harapan na ako ng pintuan ni Madrigal ay narinig ko na may p
Shanra PovLabis-labis ang pag-aalalang nararamdamn ko para sa kaligtasan ng anak ko. Iniisip ko kung kumain na ba siya ngayon. Kung saan siya ngayon natutulog. Tiyak na takot na takot siya ngayon dahil hindi niya kilala ang mga kasama niya.Nang pagbalikan ako ng malay-tao ay agad kong inusisa ang aming driver at yaya ng anak namin kong paano nakidnap ng mga taong iyon ang anak namin. At ayon sa kuwento nila ay paliko na sa may kanto ang kotse nila nang biglang may tumawid na binatilyo. Akala ni Zaldy nasagasaan niya ang binatilyo kaya bumaba ito para sana dalhin sa ospital ang binatilyo. Ngunit pagbaba rw ni Zaldy ay nagulat na lamang ito nang my dalawang lalaking lumapit sa kanya at pinalo ito ng baril sa ulo ng dalawang beses kaya ito my sugat. Nang kukunin na raw ng mga lalaki ang anak ko y pilit daw nakipagbuno si Mia kaya pinalo rin ito ng baril sa ulo ng kidnaper. Pareho silang nawalan ng malay kaya nakuha sa kanila si Raiggen."Sa tingin mo ay may kinalaman sa trabaho mo kung
Shanra PovNakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Larawan ako ng isang babae na masayang-masaya at kontento na sa buhay.Kahit 5 years na ang nakalilipas magmula nang mag-wakas ng BAS at ikinasal kami ni Craig ay hanggang ngayon hindi pa rin ako halos na makapaniwala sa magandang nangyari sa buhay ko. Nagkaroon kami ni Craig ng isang napaka-bibong baby boy na pinangalanan kong Raiggen. At walang araw na hindi ipinadama sa akin ng aking asawa ang walang katapusan niyang pagmamahal.Ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko noon ay pinunan ng saya nina Craig at Raiggen. Kung hindi sila dumating sa buhay ko ay tiyak na nananatiling nasa madilim kung mundo pa rin ako hanggang ngayon."Huwag mo nang titigan ang sarili mo at baka ma-in love ka pa sa mukha mo."Mula sa aking likuran ay niyakap ako ni Craig. Tinaniman niya ng mumunting halik ang aking leeg. Bahagya akong napakislot nang makiliti ako sa kanyang balbas na ilang araw na sigurong hindi inaahit.Kauuwi pa la
Craig's POVMabigat ang aking pakiramdam na bumangon ako sa hospital bed na kinahihigaan ko. Natamaan kasi ako ng lumilipad na bahagi ng building kaya ako na-ospital at may nakapalibot na benda sa itaas ng aking ulo. Nasa labas na kasi kami ng building at ipinapasok sa loob ng police car ang mga sumukong tauhan ng foreign drug lord at ibang mga BAS assassin. Napatay ko ang foreign drug lord kaya sumuko ang mga tauhan nito at pati na rin ang mga natitirang buhay na mga BAS assassin. At pabalik na sana ako sa loob para hanapin si Shanra ngunit bigla namang sumabog ang building at tinamaan ako sa ulo ng lumilipad na bahagi ng building na nabaklas. Hinimatay ako at dito na sa loob ng ospital ako nagising. At si Shanra ang kaagad na unang pumasok sa aking isip nang pagbalikan ako ng aking malay. "Sir, bakit bumangon kayo? Baka bumuka ang sugat mo sa ulo," nag-aalalang wika ni Denver nang madatnan niya akong nakaupo na sa ibabae ng kama."Si Shanra? Nasaan siya?" agad kong tanong sa kanya
Shanra PovSa gitna ng palitan ng mga putok sa pagitan ng mga pulis at mga kasamahan kong BAS assassin at pati na rin ang mga tauhan ng foreign drug lord ay nakakita ng pagkakataong tumakas si Ninong dala ang isang attaché case na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Nang makita ko siyang tumalilis ay agad ko siyang sinundan. Siguro ay may secret door ang lugar na ito na puwede niyang daanan para makatakas. Ngunit hindi ko siya hahayaang makatakas. Dahil ito na ang oras ng pagtutuos namin."Ninong Eddie!" malakas kong sigaw sa pangalan niya. Bigla naman itong napahinto nang marinig ang aking boses. Huminto ako ilang metro ang layo mula sa kanya."Shanra. Hindi ko akalain na kaya mo akong pagtaksilan," galit na sigaw nito matapos akong lingunin."Ako rin, Ninong. Hindi ko rin akalain na ikaw pala ang mastermind sa ilang beses na pagtatangka sa buhay ko. At mas lalong hindi ko inakala na ikaw ang nag-utos para ipapatay ang aking buong pamilya!" ganting sigaw ko sa kanya. Sa wakas ay n
Shanra"Tandaan ninyong lahat. Mahalaga at malaki ang deal na magaganap na ito kaya hindi tayo dapat na pumalpak. At huwag kayong mag-alala dahil kapag naging successful ang deal na ito ay magkakaroon kayong lahat ng napakalaking bonus," kausap sa amin ni Ninong habang naghahanda kaming lahat para sa magaganap na drug deal ng BAS na pinamumunuan ni Ninong. Magmula nang ipinapatay ni Ninong ang ilang big boss ng BAS na kontra sa kagustuhan nito ay biglang nag-iba na ng tuluyan ang operasyon ng BAS. Lumabas na ang tunay na kulay at pagiging ganid niya. Hantaran na sa BAS ang pakikipag-deal nito sa mga malalaking foreign drug lord na pumapasok sa bansa. Ngayon nga ay makikipag-deal kami sa pinaka-notorious na drug lord na nanggaling pa sa Europe. At ang venue ay ang prostitute house dati ni Mrs. Madrigal na ngayon ay si Ninong na ang may hawak.Lahat ng BAS assassin ay hindi tutol sa ginawang pagbabago ni Ninong sa BAS maliban sa aming tatlo nina Tom at Denver. Ngunit katulad ko ay wal
ShanraPagkatapos ng ilang araw kong pag-iimbestiga ay nalaman ko rin kung bakit ipinapatay ni Ninong sa akin mga taong in-assassinate ko. Napag-alaman ko na siya na pala ang humahawak sa negosyo ng mga pinatay ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ngunit siya na ang bagong may-ari ng five star hotel na dati ay pag-aari ni James Mondragon, ang bahay-aliwan na dati ay pagmamay-ari ni Mrs. Madrigal, kung dati ang drug lord ay si Danding Acebedo ngayon naman ay si Ninong. At hindi na rin ako magtataka kung involved din siya sa illegal human organ trafficking. Sobrang laki ng pera na pumapasok sa kanya kaya naman pala kayang-kaya nitong magbayad sa akin ng ganoon kalaking halaga para sa isang ulo ng taong ipinapatay niya. At malamang ay siya rin ang lihim na nagbigay ng impormasyon kay Craig tungkol sa binabalak kong assassination kay Mrs. Madrigal noon. Kung hindi ko mapapatay si Madrigal ay mahuhuli naman ako ni Craig. Walang mawawala sa kanya kung nangyari iyon. Nahuhulaan ko rin na
ShanraPabiling-biling ako sa ibabaw ng kama habang nakahiga. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Gustong-gusto ko nang makabalik muli sa Maynila para maumpisahan ko na ang aking paghihiganti.Kaninang madaling-araw ay nakabalik ako rito mula sa Maynila. Bumalik ako para hindi maisip ni Ninong na ako ang pumasok sa loob ng bahay niya. Sigurado naman kasi na matutuklasan niyang pinasok ang library niya lalo pa at may mahalagang bagay itong nawala. Ang blue book na kinuha ko bago ako umalis sa bahay niya. Nakita ko ang blue book na nakahanay sa ibang mga aklat nito. Naiiba ito sa mga aklat na naroon dahil ito lamang ang manipis at nakaipit ng mabuti sa dalawang makakapal na aklat kaya nakaagaw ng aking atensiyon. At nang hinugot ko at binuklat ang laman ay nagulat ako na isa pala itong blue book. At mas nagulat ako nang makita kong nakasulat doon ang mga pangalan ng lahat nang matataas na pangalan na may posisyon sa lipunan na siya palang bumubuo sa BAS. Iyong makagkasunod na p
Pagkatapos ng nangyaring pagtangkang pagpatay sa akin sa loob ng rest house ay kinausap ko si Estong. Halatado sa kilos niya na kinakabahan siya kaya alam ko na may kinalaman siya sa pag-atake sa akin kaya naman pilit ko siyang pinaamin. Ngunit kahit anong pagpiga ang gawin ko sa kanya ay hindi niya sinabi sa akin kung sino ang may pakana ng lahat sa halip ay binigyan lamang niya ako ng clue. Mataas ang posisyon sa BAS ng taong may pakana ng lahat. Ito lang din daw kasi ang kanyang nalalaman.Nang malaman ko kay Estong ang tungkol sa bagay na ito ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Walang ibang nakakaalam kung nasaan ako kundi si Ninong maliban kung sinabihan niya si Mr. Jung kung nasaan ako at ang huli ang nag-utos para patayin ako. Ngunit impossible na si Mr. Jung ang nag-utos na ipapatay ako dahil alam niyang babalikan ko siya kapag malaman ko na siya ang may pakana ng lahat. At saka nagtatago siya sa akin ngayon dahil natatakot siyang bisitahin ko siya at tanungin tungkol sa n
ShanraGaya ng nakasanayan kong gawin ay maaga akong gumising para mag-jogging sa dalampasigan. Nagkaroon na yata ako ng tinatawag na body clock kaya kahit hindi ako mag-alarm sa cellphone ko ay maaga pa rin akong nagigising. Isinaksak ko ang electric thermos at naghilamos habang hinihintay na kumulo ang tubig. Isang puting jogging pants at puting sweatshirt ang aking isinuot bago ako lumabas at nagtimpla ng gatas sa kusina. Quarter to six ay lumabas na ako at nagsimulang tumakbo sa dalampasigan.Apat na araw na ako rito sa Amara Beach Resort at aaminin ko na nage-enjoy ako sa pananatili ko rito. Mamula-mula na ang balat ko dahil madalas akong nagbibilad sa araw katulad ng ginagawa ng mga turistang nakikita ko palagi. Payapa ang aking isip at hindi ko hinahayaang makapasok sa aking isip ang mundong saglit kong iniwan. Ini-off ko ang cellphone ko at itinago sa aking bag para hindi ako matuksong silipin ito at kahit ang aking deadly needles ay iniwan ko sa bahay ko. Talagang katahimika