ShanraNakaupo lamang ako sa gilid ng kama at nag-iisip kung paano ko mapapatay si Malou Madrigal. Kanina ay sinubukan ko siyang puntahan ngunit hindi pa man ako nakakalapit sa opisina niya ay biglang may tumunog na alarm. Naalerto ang lahat ng mga tao kaya nagsipaglabasan sila sa kani-kanilang mga kuwarto para makiusyuso. Kahit nakatapis ng tuwalya, nakasuot ng bra at may lalaki naman na lumabas na walang suot na kahit ano. Wala itong pakialam kung makita man ng lahat ang kahubaran. Galit pa nga ito dahil naudlot ang pakikipagtalik nito sa kasamang babae. Kaya pala tumunog ang alarm dahil nalaman na pala ng mga tauhan ni Madrigal ang pagkamatay ng dalawang lalaking customer. Parehong atake raw sa puso ang ikinamatay. Ngunit ang ipinagtataka ng mga tauhan ni Madrigal pati si Madrigal mismo kung bakit pareho ang dahilan ng pagkamatay ng dalawang customer at eksaktong customer pa ng magkapatid ang namatay. Ngunit wala silang nakuhang sagot mula kay Mavi at Hana dahil parehong wala nama
ShanraMaingat ngunit mabilis ang aking mga galaw na naglakad ako papunta sa opisina ni Malou Madrigal. Kailangang maunahan ko si Craig at ang mga kasama niya na puntahan ang aking target. Hindi ako puwedeng pumalpak sa misyon kong ito. Kapag hindi ko nagawa itong misyon ko ay mababawasan ang aking kredibilidad sa trabaho ko at tiyak na maaapektuhan ang aking trabaho. Baka madalang na lamang nila akong bigyan ng misyon na hindi dapat mangyari. I need to assassinates ten people. Kaya hindi ako papayag na hindi mapasama sa sampung tao na ito si Malou Madrigal after all the humillliation na naranasan ko makapasok lamang sa kanyang lungga.Nang makarating ako sa tapat ng opisina ni Madrigal ay pabiglang binuksan ko ang pintuan.Great! sambit ko sa aking isip nang makita kong nasa loob ng opisina ng babae sina Baldo at Lando. Tinutulungan ng dalawa ang boss nila na ipasok sa loob ng itim na bag ang limpak-limpak na salapi na kinita nito sa pagbebenta sa mga babaeng prostitute na hawak nito.
ShanraPagdating ko sa bahay ay agad akong pumasok sa loob ng aking banyo at naligo. Kinuskos kong mabuti ang aking balat lalo na ang part kung saan ako hinawakan ni Baldo habang nasa loob kami ng kotse at papunta pa lang sa building ni Madrigal. Kinuskos kong mabuti ang balat ko na para bang may germs na nakakapit sa aking balat.Pagkatapos kong maligo ng mahigit na isang oras ay agad kong isinuot ang aking bathrobe at humarap sa malaking salamin na nasa loob ng aking banyo. Napatitig ako sa mukha ko sa salamin at dumako ang mga mata ko sa aking mga labi. Naalala ko ang naganap sa amin ni Craig sa loob ng kuwarto sa building ni Madrigal. Iyon ang unang beses na ginantihan ko ang halik niya nang nalalaman niya. Ang naunang halik na namagitan sa amin ay hindi ko tinugon ang halik niya at lasing naman siya nang mangyari ang pangalawa at pangatlong halikan namin kaya hindi siya aware na tinugon ko ang halik niya. Napabuntong-hininga ako at ipinilig ang aking ulo. It's not right for me to
ShanraMaaga akong nagising para mag-jogging dahil ilang araw na rin akong hindi nakakapag-jogging. Hindi na rin ako nakakapag-practice sa mini gym sa BAS building dahil ayokong magtagpong muli ang mga landas namin ni Henry. Dapat pala magpagawa ako ng mini gym sa loob ng bahay ko para dito na lamang ako mag-practice.Pagkatapos kong magbihis ng fitted jogging pants at fitted na manipis na sweat shirt at rubber shoes ay lumabas na ako ng bahay ko para tumakbo. Dito lang naman ako tumatakbo sa loob ng aming subdivision. Maraming mga may edad na lalaki at babae ang nagjo-jogging tuwing umaga kaya naman hindi lamang ako mag-isa tumatakbo sa palibot ng aming subdivision. May nakapasak din na wireless bluetooth sa tainga ko para nagmu-music ako habang tumatakbo. In that way, hindi ako mabilis na mapagod.Ang mga nakakasalubong ko na nagjo-jogging din katulad ko ay tinatanguan ko lamang kapag binabati nila ako. Hindi ako sanay na nakikipag-socialize sa mga tao kaya tango at bahagyang ngiti
ShanraSa isang mamahalin at formal na restaurant ako dinala ni Craig. Hindi ako nailang kahit na masyadong formal ang mga suot ng pumapasok na mga customer sa restaurant na iyon kahit na ang suot ko ay isang simpleng puting t-shirt at pantalong maong. Ngunit kung marunong tumingin sila ay makikita nila na kahit ganito ang suot ko ay puro branded naman ang tatak. Ngunit hindi ko ito ipinagmamayabang dahil kaya lamang ako bumibili ng mga mamahaling damit at iba pang kagamitan dahil gusto ko lang gastahin ang perang ibinabayad sa akin bilang assassin. Kahit ibinibigay ko sa mga non-government charity ang kalahati ng bayad na nakukuha ko ay sobra-sobra pa rin ang natitira sa akin. Mag-isa lamang ako sa buhay at walang pinaglalaanan kaya mas mabuti na igasta ko ang ang mga ibinabayad sa akin."Kung naiilang ka rito ay maaari naman tayong lumipat ng ibang restaurant," bulong ni Craig sa aking tainga. Siguro ay iniisip niya na ang aking pananahimik ay dahil naiilang ako sa loob ng restauran
ShanraMaaga ulit akong gumising ngayon ngunit hindi para mag-jogging kundi para magpunta sa school na pinagtuturuan ko ng self-defense. Wala akong pasok ngayon ngunit tinawagan ako ng head nang school at pinapapunta nang maaga. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapapunta dahil ngayon lang naman nangyari na tinawagan ako ng school.Pagdating ko sa school ay agad akong dumiretso sa opisina ng head dahil iyon ang bilin niya sa akin. Kumatok muna ako ng tatlong beses at nang marinig ko ang boses ng head na pinapaasok ako ay saka ko pa lamang binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Hindi lamang ito ang tao sa loob ng opisina nito ngunit hindi ko pinansin o tinapunan man lang sila ng tingin. Deresto lamang akong naglakad palapit sa harapan ng head na si Mr. Ramon Choa. Naramdaman ko na may kakaiba sa paligid lalo pa at tila hindi mapakali ang head."Good morning, Sir. I'm already here. Ano po ang sadya ninyo at pinapunta ninyo ako ng maaga kahit na wala akong pasok?" walang paligoy-ligo
ShanraSix sharp ng gabi ay dumating si Craig na guwapong-guwapo ang hitsura. Fresh na fresh ang hitsura at mukhang bagong gupit pa. Hindi ko napigilan ang mapailing at lihim na mapangiti. Obvious naman na nagpa-guwapo siya dahil makikipagkita siya sa akin."Saan mo gustong kumain, My.lady?" biro niya sa akin habang nakasakay kami sa kanyang kotse."Hindi ba ako ang magde-decide kung saan tayo kakain?" paalala ko sa kanya at saglit ko siyang sinulyapan."Yeah, I know. Kaya nga tinatanong kita kung saan mo gustong kumain para maihatid kita sa lugar na kakainan natin," nakangiti niyang sagot sa akin. Napansin ko na mas magaan na kaming nag-uusap ngayon kaysa noong una at pangalawang beses kaming nagkita at nagkausap."Then, let me drive your car," sabi ko sa kanya. Walang tanong na inihimpil nito sa tabi ng daan ang kotse nito at bumaba pagkatapos ay umikot papunta sa kabilang pintuan sa aking side. Lumipat naman ako at naupo sa driver's seat. "Hold on," biro ko sa kanya matapos kong p
Shanra"Good morning, Teacher Shanra!" sabay-sabay na bati sa akin ng mga estudyanteng tinuturuan ko ng self-defense. Hindi natuloy ang pagsisante sa akin ni Mr. Choa dahil tinawagan niya ako. Akala ko ay uutang siya sa akin ng pera ngunit sa halip na umutang siya ay inalok niya ako na maging co-owner ng school. Pumayag ako sa gusto niya kaya binayaran ko ang pagkakautang niya sa bangko. Hindi natuloy na mailit ang school niya at naging dalawa kami na may-ari. Ngunit nakiusap ako sa kanya na ilihim na lamang sa lahat ng mga empleyado niya ang tungkol sa pagiging co-owner ko ng school at pumayag naman siya. Nagkasundo kami na unti-unti niyang babayaran ang kalahati ng ibinayad ko sa bangko. So, hindi na nga ako natanggal sa trabaho ay naging co-owner pa ako ng school."Good morning, Kids!" nakangiting bati ko sa kanila. Ibang Shanra ang nakikita ng mga bata kaysa sa Shanra na nakikita ng mga tao sa labas ng school. Dito ay nakakangiti ako bagama't hindi ito gaanong umaabot sa aking mga
Shanra PovLabis-labis ang pag-aalalang nararamdamn ko para sa kaligtasan ng anak ko. Iniisip ko kung kumain na ba siya ngayon. Kung saan siya ngayon natutulog. Tiyak na takot na takot siya ngayon dahil hindi niya kilala ang mga kasama niya.Nang pagbalikan ako ng malay-tao ay agad kong inusisa ang aming driver at yaya ng anak namin kong paano nakidnap ng mga taong iyon ang anak namin. At ayon sa kuwento nila ay paliko na sa may kanto ang kotse nila nang biglang may tumawid na binatilyo. Akala ni Zaldy nasagasaan niya ang binatilyo kaya bumaba ito para sana dalhin sa ospital ang binatilyo. Ngunit pagbaba rw ni Zaldy ay nagulat na lamang ito nang my dalawang lalaking lumapit sa kanya at pinalo ito ng baril sa ulo ng dalawang beses kaya ito my sugat. Nang kukunin na raw ng mga lalaki ang anak ko y pilit daw nakipagbuno si Mia kaya pinalo rin ito ng baril sa ulo ng kidnaper. Pareho silang nawalan ng malay kaya nakuha sa kanila si Raiggen."Sa tingin mo ay may kinalaman sa trabaho mo kung
Shanra PovNakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Larawan ako ng isang babae na masayang-masaya at kontento na sa buhay.Kahit 5 years na ang nakalilipas magmula nang mag-wakas ng BAS at ikinasal kami ni Craig ay hanggang ngayon hindi pa rin ako halos na makapaniwala sa magandang nangyari sa buhay ko. Nagkaroon kami ni Craig ng isang napaka-bibong baby boy na pinangalanan kong Raiggen. At walang araw na hindi ipinadama sa akin ng aking asawa ang walang katapusan niyang pagmamahal.Ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko noon ay pinunan ng saya nina Craig at Raiggen. Kung hindi sila dumating sa buhay ko ay tiyak na nananatiling nasa madilim kung mundo pa rin ako hanggang ngayon."Huwag mo nang titigan ang sarili mo at baka ma-in love ka pa sa mukha mo."Mula sa aking likuran ay niyakap ako ni Craig. Tinaniman niya ng mumunting halik ang aking leeg. Bahagya akong napakislot nang makiliti ako sa kanyang balbas na ilang araw na sigurong hindi inaahit.Kauuwi pa la
Craig's POVMabigat ang aking pakiramdam na bumangon ako sa hospital bed na kinahihigaan ko. Natamaan kasi ako ng lumilipad na bahagi ng building kaya ako na-ospital at may nakapalibot na benda sa itaas ng aking ulo. Nasa labas na kasi kami ng building at ipinapasok sa loob ng police car ang mga sumukong tauhan ng foreign drug lord at ibang mga BAS assassin. Napatay ko ang foreign drug lord kaya sumuko ang mga tauhan nito at pati na rin ang mga natitirang buhay na mga BAS assassin. At pabalik na sana ako sa loob para hanapin si Shanra ngunit bigla namang sumabog ang building at tinamaan ako sa ulo ng lumilipad na bahagi ng building na nabaklas. Hinimatay ako at dito na sa loob ng ospital ako nagising. At si Shanra ang kaagad na unang pumasok sa aking isip nang pagbalikan ako ng aking malay. "Sir, bakit bumangon kayo? Baka bumuka ang sugat mo sa ulo," nag-aalalang wika ni Denver nang madatnan niya akong nakaupo na sa ibabae ng kama."Si Shanra? Nasaan siya?" agad kong tanong sa kanya
Shanra PovSa gitna ng palitan ng mga putok sa pagitan ng mga pulis at mga kasamahan kong BAS assassin at pati na rin ang mga tauhan ng foreign drug lord ay nakakita ng pagkakataong tumakas si Ninong dala ang isang attaché case na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Nang makita ko siyang tumalilis ay agad ko siyang sinundan. Siguro ay may secret door ang lugar na ito na puwede niyang daanan para makatakas. Ngunit hindi ko siya hahayaang makatakas. Dahil ito na ang oras ng pagtutuos namin."Ninong Eddie!" malakas kong sigaw sa pangalan niya. Bigla naman itong napahinto nang marinig ang aking boses. Huminto ako ilang metro ang layo mula sa kanya."Shanra. Hindi ko akalain na kaya mo akong pagtaksilan," galit na sigaw nito matapos akong lingunin."Ako rin, Ninong. Hindi ko rin akalain na ikaw pala ang mastermind sa ilang beses na pagtatangka sa buhay ko. At mas lalong hindi ko inakala na ikaw ang nag-utos para ipapatay ang aking buong pamilya!" ganting sigaw ko sa kanya. Sa wakas ay n
Shanra"Tandaan ninyong lahat. Mahalaga at malaki ang deal na magaganap na ito kaya hindi tayo dapat na pumalpak. At huwag kayong mag-alala dahil kapag naging successful ang deal na ito ay magkakaroon kayong lahat ng napakalaking bonus," kausap sa amin ni Ninong habang naghahanda kaming lahat para sa magaganap na drug deal ng BAS na pinamumunuan ni Ninong. Magmula nang ipinapatay ni Ninong ang ilang big boss ng BAS na kontra sa kagustuhan nito ay biglang nag-iba na ng tuluyan ang operasyon ng BAS. Lumabas na ang tunay na kulay at pagiging ganid niya. Hantaran na sa BAS ang pakikipag-deal nito sa mga malalaking foreign drug lord na pumapasok sa bansa. Ngayon nga ay makikipag-deal kami sa pinaka-notorious na drug lord na nanggaling pa sa Europe. At ang venue ay ang prostitute house dati ni Mrs. Madrigal na ngayon ay si Ninong na ang may hawak.Lahat ng BAS assassin ay hindi tutol sa ginawang pagbabago ni Ninong sa BAS maliban sa aming tatlo nina Tom at Denver. Ngunit katulad ko ay wal
ShanraPagkatapos ng ilang araw kong pag-iimbestiga ay nalaman ko rin kung bakit ipinapatay ni Ninong sa akin mga taong in-assassinate ko. Napag-alaman ko na siya na pala ang humahawak sa negosyo ng mga pinatay ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ngunit siya na ang bagong may-ari ng five star hotel na dati ay pag-aari ni James Mondragon, ang bahay-aliwan na dati ay pagmamay-ari ni Mrs. Madrigal, kung dati ang drug lord ay si Danding Acebedo ngayon naman ay si Ninong. At hindi na rin ako magtataka kung involved din siya sa illegal human organ trafficking. Sobrang laki ng pera na pumapasok sa kanya kaya naman pala kayang-kaya nitong magbayad sa akin ng ganoon kalaking halaga para sa isang ulo ng taong ipinapatay niya. At malamang ay siya rin ang lihim na nagbigay ng impormasyon kay Craig tungkol sa binabalak kong assassination kay Mrs. Madrigal noon. Kung hindi ko mapapatay si Madrigal ay mahuhuli naman ako ni Craig. Walang mawawala sa kanya kung nangyari iyon. Nahuhulaan ko rin na
ShanraPabiling-biling ako sa ibabaw ng kama habang nakahiga. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Gustong-gusto ko nang makabalik muli sa Maynila para maumpisahan ko na ang aking paghihiganti.Kaninang madaling-araw ay nakabalik ako rito mula sa Maynila. Bumalik ako para hindi maisip ni Ninong na ako ang pumasok sa loob ng bahay niya. Sigurado naman kasi na matutuklasan niyang pinasok ang library niya lalo pa at may mahalagang bagay itong nawala. Ang blue book na kinuha ko bago ako umalis sa bahay niya. Nakita ko ang blue book na nakahanay sa ibang mga aklat nito. Naiiba ito sa mga aklat na naroon dahil ito lamang ang manipis at nakaipit ng mabuti sa dalawang makakapal na aklat kaya nakaagaw ng aking atensiyon. At nang hinugot ko at binuklat ang laman ay nagulat ako na isa pala itong blue book. At mas nagulat ako nang makita kong nakasulat doon ang mga pangalan ng lahat nang matataas na pangalan na may posisyon sa lipunan na siya palang bumubuo sa BAS. Iyong makagkasunod na p
Pagkatapos ng nangyaring pagtangkang pagpatay sa akin sa loob ng rest house ay kinausap ko si Estong. Halatado sa kilos niya na kinakabahan siya kaya alam ko na may kinalaman siya sa pag-atake sa akin kaya naman pilit ko siyang pinaamin. Ngunit kahit anong pagpiga ang gawin ko sa kanya ay hindi niya sinabi sa akin kung sino ang may pakana ng lahat sa halip ay binigyan lamang niya ako ng clue. Mataas ang posisyon sa BAS ng taong may pakana ng lahat. Ito lang din daw kasi ang kanyang nalalaman.Nang malaman ko kay Estong ang tungkol sa bagay na ito ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Walang ibang nakakaalam kung nasaan ako kundi si Ninong maliban kung sinabihan niya si Mr. Jung kung nasaan ako at ang huli ang nag-utos para patayin ako. Ngunit impossible na si Mr. Jung ang nag-utos na ipapatay ako dahil alam niyang babalikan ko siya kapag malaman ko na siya ang may pakana ng lahat. At saka nagtatago siya sa akin ngayon dahil natatakot siyang bisitahin ko siya at tanungin tungkol sa n
ShanraGaya ng nakasanayan kong gawin ay maaga akong gumising para mag-jogging sa dalampasigan. Nagkaroon na yata ako ng tinatawag na body clock kaya kahit hindi ako mag-alarm sa cellphone ko ay maaga pa rin akong nagigising. Isinaksak ko ang electric thermos at naghilamos habang hinihintay na kumulo ang tubig. Isang puting jogging pants at puting sweatshirt ang aking isinuot bago ako lumabas at nagtimpla ng gatas sa kusina. Quarter to six ay lumabas na ako at nagsimulang tumakbo sa dalampasigan.Apat na araw na ako rito sa Amara Beach Resort at aaminin ko na nage-enjoy ako sa pananatili ko rito. Mamula-mula na ang balat ko dahil madalas akong nagbibilad sa araw katulad ng ginagawa ng mga turistang nakikita ko palagi. Payapa ang aking isip at hindi ko hinahayaang makapasok sa aking isip ang mundong saglit kong iniwan. Ini-off ko ang cellphone ko at itinago sa aking bag para hindi ako matuksong silipin ito at kahit ang aking deadly needles ay iniwan ko sa bahay ko. Talagang katahimika