Shanra Pov
"Alam mo ba na may pinatay na naman kagabi si Silent Assassin?"
"Talaga? At sino na namang salot sa lipunan ang pinatahimik ng ating hero?"Mula sa binabasang diyaryo ay tahimik lamang akong nakikinig sa dalawang taong nag-uusap sa aking harapan. Pinag-uusapan ng dalawa ang pagkamatay ni Danding Acebedo. Hero pala ang tingin ng dalawa sa pumatay kay Acebedo. Sabagay, puwede na rin. Mga salot naman kasi sa lipunan ang pinapatay ni Silent Assassin at hindi rin ito nangda-damay ng mga inosenteng tao katulad ng ibang mga assassin. Kung sino lamang ang target ay siya lamang pinapatay nito."Sino pa kundi ang kilalang drug dealer na si Danding Acebedo. Heto ang diyaryo't basahin mo ang nilalaman ng balita," sagot ng babaeng nagtitinda ng diyaryo sa bangketa sabay iniabot ang isang diyaryo sa babaeng kausap na malamang ay kakilala nito."Sige nga, pabili ako at nang mabasa ko mamaya pagdating ko sa bahay," anang kausap ng tindera. Pagkatapos magbayad ay nagpaalam na itong aalis na."Bibilhin ko ito," sabi ko sa tindera pagkaalis ng babaeng kausap nito."Alam mo ba na pinatay ni Silent Assassin ang drug dealer na si Danding Acebedo? Naku, bagay lang iyon sa kanya dahil marami na siyang buhay na sinira dahil sa ibinebenta niyang drugs," kausap ng tindera sa akin.
Obvious naman na narinig ko ang usapan nito at nang babaeng kaaalis lamang pero nagkuwento pa rin siya sa akin. Masyado lang siguro itong tsismosa kaya kahit sino ay kinukuwentuhan niya."I know," matipid kong sagot sa kanya. Because I'm the one who killed him, dugtong ko sa aking isip. Mabuti na lang at hindi na muling nagtanong sa akin ang tindera dahil wala ako sa mood na makipag-usap pa sa kanya ng matagal.
Pagkatapos makapagbayad ay mabilis na akong bumalik at sumakay sa nakaparada kong kotse na nasa gilid lamang ng kalsada. Huminto lamang ako saglit para bumili ng diyaryo sa bangketa. Alam ko kasi na siguradong magiging headlines sa mga pahina sa diyaryo ang pagkamatay ni Danding Acebedo dahil isa itong kilalang at malaking tao sa mundo ng mga negosyante.Pagkarating ko sa tapat ng gate nang bahay ko ay may pinindot akong button sa loob ng aking kotse. Kusa nang bumukas ang high-tech na gate ng bahay ko kaya hindi ko na kailangan pang bumaba para buksan ang gate. Pagkaparada ko sa kotse ko ay bumaba na ako at nag-scan ng mukha sa scanner na nakalagay sa pintuan. Kung titingnan ng mga taong makakakita sa akin ay iisipin ng mga ito na ang mukha ko ang susi para makapasok sa loob ng bahay ngunit hindi. Dahil ang totoong susi para mabuksan ang pintuan at makapasok sa loob ng bahay ay aking hininga na tumatama sa scanner. Ganyan ka-high-tech ang bahay ko.Maliban sa gate at scanner ng pintuan, ay high-tech din ang aking eighty inches na LED TV, ang mga ilaw, computer at ilang gamit ko bilang assassin. Sensored ang aking tv at ilaw. Isang palakpak lang bubukas na ang tv at isang pitik ng aking mga daliri ay kusang bumubukas naman ang mga ilaw. Samantalang ang aking computer ay parang tao na kumakausap naman sa akin at sumasagot sa lahat ng aking mga tanong na parang isang tunay na tao ang aking kausap.Hindi naman ganoon kalaki ang aking bahay ngunit ipinasadya ko talaga na maging high-tech iyon. Galing pa sa Russia ang Engineer na nagdesign ng bahay ko at siya ring gumawa sa lahat ng mga high-tech niyang kagamitan. Sa isang salita ay isang henyo ang gumawa sa bahay ko at sa aking mga kagamitan. Isang henyong assassin na ang front ay ang pagiging Engineer.Pagkapasok ko sa loob ng aking bahay ay agad akong dumiretso sa loob ng aking kuwarto at pabagsak na humilata sa ibabaw ng kama. Mayamaya ay bumangon ako at kinuha ang picture frame ng buo kong pamilya at malungkot na tinitigan iyon."Mom, Dad, Selina, Sarge. Kumusta na kayo? Alam n'yo ba na miss na miss ko na kayong lahat?" hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha sa pagkaalala sa aking mga magulang at mga kapatid.Bago ako huminto at bumili ng diyaryo kanina ay nanggaling pa lamang ako sa sementeryo dahil dinalaw ko ang puntod ng mga mahal ko sa buhay. Death anniversary ng pagkamatay nila kaya ganoon na lamang ang paghihinagpis na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Palagi akong ganito kapag sumasapit ang araw ng pagkamatay ng mga magulang at kapatid ko. Kasabay ng lungkot na aking nararamdaman ay ang matinding poot sa aking dibdib para sa mga taong walang awang pumatay sa pamilya ko. At hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang mga taong dahilan kung bakit ako nag-iisa na lamang ngayon sa buhay. Kung bakit para akong isang buhay na patay. Humihinga ngunit parang patay naman ang kalooban. Malamig at tila nababalot na ng makapal na yelo ang aking puso. Ito ang dahilan kung bakit pinili kong umanib sa Black Assassin's Squad. Isang non-government organization na pinamumunuan ng mga matataas na opisyal ng bansa. Ang organisasyon namin ay binabayaran ng mga mayayamang tao para alisin ang tinik sa lalamunan ng mga ito. At ang milyones na ibinayad sa akin para sa mga pinatay kong tao ang siyang ginamit ko sa pagpagawa ng bahay ko. Ang iba ay idi-nonate ko sa mga organisasyon na kumakalinga sa mga batang ulila nang lubos.Ayon sa aking Ninong Eddie ay ang pinuno ng BAS ang tanging nakakaalam kung sino-sinong mga miyembro nila ang nautusan para patayin ang aking buong pamilya at kung sino ang taong nag-utos para gawin iyon. Mga miyembro kasi ng BAS ang pumatay sa aking pamilya. At maaari ko lamang makausap ang aming pinaka-pinuno kapag nakaabot na ng sampu ang mga na-assasinate kong tao. Sa kasalukuyan ay apat pa lamang ang napapatay ko kaya hindi pa ako haharapin at kakausapin ng pinuno ng BAS. Kaya kahit ilan pa ang ipapatay nila sa akin ay walang pag-aatubiling susundin ko para lamang makausap ko ang pinaka-pinuno ng BAS nang sa gayon ay malaman ko mula rito kung sino-sinong mga tao ang dapat kong papanagutin at paghigantihan sa nangyari sa aking pamilya.Yakap ang picture frame ay muli akong nahiga at inalala ang huling sandali na nakapiling ko ng buhay ang aking buong pamilya..."Ilang months na lang ay college ka na. Saan mo gusto mag-aral, Shanra? Gusto mo bang sa ibang bansa ka mag-aral?" tanong ng mommy ko habag kumakain kami ng hapunan."No, Mom. Dito lang ako mag-aaral ng college. I don't want to be part with you all. Masyado akong maho-homesick kapag malayo ako sa inyo," nakailing na sagot ko sa aking ina. Kahit na kailan ay hindi ko gugustuhing malayo sa mga magulang at mga kapatid ko. Gusto kong makitang lumalaki ang dalawang nakababata kong kapatid.
"Talagang hindi gugustuhing mag-aral ni Ate Sha sa ibang bansa dahil malalayo siya sa crush niya sa school na si Kuya Craig," nakangising kantiyaw sa aki ng pangalawa kong kapatid na si Sarge Joaqin. Dalawang taon lamang ang tanda ko sa kanya kaya nagpang-abot kami sa high school."Ang tsismoso mo talaga, 'no?" nakairap kong sikmat sa kapatid ko na ngumisi lamang sa akin.
"Uuyy... may crush na si Ate Sha. Guwapo ba, Kuya Sarge?" tukso naman sa akin ng bunso naming kapatid na si Selina na nasa huling taon naman sa elementarya."Isa ka pa," pinandilatan ko ang aking bunsong kapatid para tumigil ngunit nginisihan lamang siya niya ako katulad ni Sarge."Ano, guwapo ba si Kuya Craig, Kuya Sarge?" pangungulit na tanong ni Selina.
"Guwapo pero mukhang hindi niya type si Ate. Deadma lang kasi si Kuya Craig sa beauty ni Ate," ani Sarge na napahagikhik sa sinabi. Maging si Selina ay hindi napigilang matawa sa sinabi ng kuya nito.
"Excuse me! Hindi siya deadma sa beauty ko, 'no? Ano ba ang alam mo? Hindi naman kayo laging nagkikita sa school," nakataas ang kilay na sagot ko sa kapatid ko. Kahit kailan napaka-atribida ng kapatid kong ito. Ang sarap kutusan. "Ikaw nga diyan ang hindi pinapansin ng crush mo, kasi panget ka," pang-aasar ko naman sa kanya. Pero siyempre inaasar lang din siya dahil ang totoo ay cute ang aking kapatid lalo na kapag ngumingiti at lumalabas ang malalim na biloy sa kaliwang pisngi.
"O siya tama na iyan at baka mauwi pa sa away ang kantiyawan ninyong iyan," mahinang saway sa amin ni daddy."Okay lang na magkaroon kayo ng mga crush-crush na 'yan basta 'wag pababayaan ang inyong pag-aaral, okay?" sabi naman ni Mommy."Yes, Mom," magkapanabay na sagot namin ni Sarge. Pagkatapos ay masaya na naming ipinagpatuloy ang aming pagkain. Ganito naman kaming magkapatid. Mag-aasaran kami pero ilang segundo lang ay bati na agad kami.Nasa kalagitnaan kami ng hapunan namin nang bigla na lamang may apat na kalalakihan ang puwersahang pumasok sa loob ng bahay namin. Natatakpan ng bonnet ang mga mukha ng mga ito at tanging mga mata lamang ang nakikita namin sa kanila. May dalang mga baril ang bawat isa na biglang itinutok sa amin."Sino kayo? Ano kailanga—"
Napatili kaming magkakapatid pati si mommy nang bigla na lamang pinukpok ng baril sa ulo si Daddy nang isa sa mga lalaking pumasok. Nalugmok sa sahig si Daddy habang umaagos ang dugo sa ulo.
"Sino ba kayo? Ano ba ang kailangan ninyo sa amin?" umiiyak na tanong ng ni Mommy. Dinaluhan nito si Daddy na nakahiga sa malamig na marmol na sahig.
Sa halip na sagutin ang tanong ni Mommy ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng isa sa mga kasamahan ng mga lalaking armado. Pagkatapos ay isinunod naman kaming magkakapatid na pinagbabaril din ng ibang pang mga kasamahan nito. Pagkatapos no'n ay wala na akong natandaan. Nagdilim na kasi ang mga paningin ko dahil sa tama ng baril sa aking katawan. Ngunit may isa na tumatak sa isip ko. Ang kanang kamay ng isang lalaking may baril na may tattoo na ng malaking dragon.Nasa ospital na ako at nakahiga sa hospital bed nang pagbalikan ako ng malay-tao. Masuwerte ako dahil hindi ako napuruhan kaya nakaligtas ako. O sadyang hindi ko pa oras kaya nakaligtas ako. Minalas naman na hindi na umabot sa ospital ang aking mga magulang at mga kapatid. Pakiramdam ko ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa masaklap na balitang natanggap ko. Mag-isa na lamang ako ngayon sa mundo. Ano pa ang silbi ng buhay ko? Bakit hindi na lang din ako tuluyang namatay para sama-sama kaming pamilya sa langit.Sa murang isip ko ay nagkaroon ako ng matinding galit para sa mga taong pumatay sa aking mga mahal sa buhay. At ipinangako ko sa aking sarili na tutugisihin ko ang mga taong may kasalanan sa nangyari. Hindi ako papayag na hindi magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng aking mga magulang at mga kapa— Biglang naputol ang alaala ko nang biglang umilaw ang sensor na alarm nasa loob ng aking kuwarto. Umiilaw iyon ng pula. Ibig sabihin ay may nakapasok na tao sa loob ng aking bakuran at may dalang baril o patalim. Nade-detect ng device na nakakabit sa itaas ng pintuan ko sa labas kung may tao sa loob ng bakuran ko at kung may dala ba itong delikadong bagay.Mabilis na bumangon ako sa kama at maingat na lumabas sa aking kuwarto. Kinapa ko ang aking mga karayom na nakadikit lamang sa isang lagayan at nakakabit lamang sa kahit saang parte ng katawan ko basta nakatago at hindi nakikita ng mga tao. Hindi kasi ako nagdadala ng baril, although I knows how to use it. Naaalala ko lamang kasi ang mga armadong lalaki na pumatay sa pamilya ko kapag humahawak ako ng baril. Kaya mas kumportable kasi ako sa aking mga karayom na nagtataglay ng tatlong klase ng gamot. Pampatulog, pam-paralisa at pangkitil ng buhay mismo. I uses my needles just like a dart. Doon ako eksperto. Tatlo klaseng tao lamang ang posibleng nakapasok sa loob ng aking bakuran. Una ay ang mga pulis. Baka nakahanap ang mga ito ng ebidensiya at natuklasan nila na ako at si Silent Assassin ay iisa lamang. Pangalawa ay mga tauhan o kapamilya ng mga taong pinatay ko at balak akong paghigantihan matapos matuklasan ang aking tunay na katauhan. Baka may nakakilala sa akin kahit na palagi naman akong nakasuot ng itim na bonnet sa aking ulo kapag may misyon ako para walang makakilala sa akin. At pangatlo ay ang mga kaanib ko sa organisasyon na may lihim na galit sa akin at gusto akong itumba. Hindi naman kasi lingid sa aking kaalaman na marami ang nagagalit sa akin dahil ang tingin ng mga ito sa akin ay mayabang. Hindi kasi ako nakikihalu-bilo sa mga kasamahan ko at malapit din ako sa kanang kamay ng aming pinuno. Kaya halos lahat ng misyon na may malaking bayad ay napupunta sa akin na dahilan para marami ang mainggit sa akin.Sa tatlong klase ng tao na aking naisip ay sino kaya sa kanila ang nakapasok sa loob ng aking bakuran? Ngunit kahit sino pa sa tatlo ay hindi ko sila uurungan.
Buong pag-iingat at dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Ang lahat ng aking mga pandama ay aktibo sa sandaling ito. Kung sakaling ang taong ito na pumasok sa aking bakuran ay magdadala sa akin ng panganib ay kailangan kong maging maingat at alerto. Kung sa labas ng pintuan ang scanner ay ang hininga ko na tumatama sa scanner ang kanang palad ko naman ang susi para makalabas. Nang itinapat ko ang palad ko sa scanner ay awtomatikong bumukas ang pintuan. Ngunit bago pa man ako makalabas ng pinto ay biglang sinugod ako ng isang lalaking may hawak na kutsilyo at nagtatago lang pala sa gilid ng pintuan ko. Pero alerto na ako kaya naiwasan ko ang kanyang pag-atake. Ngunit kung hindi ako nakaiwas ng mabilis ay nasaksak na sana niya ako ng kutsilyo sa dibdib. Kasabay ng matagumpay kong pag-iwas sa katawan ko sa pag-atake niya, mabilis kong hinawakan ang likod ng kamay niya at binaliti ng mahigpit ang braso niya para mabitawan niya ang kutsilyo. Iniuntog ko ng malakas ang ulo niya sa konkreto
Shanra PovIpinarada ko ang kotse ko sa tapat ng building na may mahigit na tatlong palapag. Pagkatapos kong maiparada ng maayos ang kotse ay agad na akong naglakad papasok sa building. "Good morning, Ma'am," nakangiting bati sa akin ni Mae na member din ng Black Assassin's Squad. Ngunit hindi siya katulad ko o ni Henry na pumapatay ng tao. Naging member lamang siya ng BAS dahil siya ang lady guard na nagbabantay sa ibaba ng building. Ngunit kahit isa lamang siyang guard ay may kakayahan din siyang makipaglaban. Lahat kasi ng BAS members maski ang pinakamababang miyembro ay dumaan din sa matinding training."Good morning," hindi ngumingiting bati ko sa kanya. Sanay na siya sa pagiging seryoso ng aking mukha sa tuwing dadaan ako kaya hindi siya nangingilag na bumati sa akin sa tuwing papasok at lalabas ako ng building.Pagdating ko sa elevator ay agad kong pinindot ang third floor kung saan naroon ang sa pinakahuling floor ang headquarter ng BAS. Front lamang ang coffeeshop na nasa f
ShanraIlang araw ko rin minatyagan at inalam ko ang routine ni James Mondragon. Sa ilang na pagbuntont ko sa kanya ng palihim ay natuklasan ko kung saan siya mas naglalagi. Sa Grand Hotel na siyang pinakamalaki sa tatlong fove star hotel na pag-aari niya siya madalas naglalagi. Doon din siya natutulog. Sa umaga ay nagjo-jogging siya kasama ang kanyang mga bodyguard. Tapos pupunta sa coffee shop na nasa ibaba ng hotel niya at doon siya nagkakape. Pagkatapos ay maglilibot na siya sa kanyang dalawang hotel. Ewan kung ano ang ginagawa niya dahil hindi ko na siya sinusundan pa sa loob ng hotel niya. Sa labas lamang ako matiyagang naghihintay sa paglabas niya. Pagkatapos niyang mapuntahan ang dalawa niyang hotel ay babalik na siya sa Grand Hotel at doon na mananatili. Napaka-simple ng routine niya. Siguro sa Grand Hotel din niya ginagawa ang panggagahasa niya sa kanyang mga nagiging biktima.Madali lamang akong nakapasok sa isa sa mga hotel na pag-ari niya gamit ang aking mga pekeng ID. Al
ShanraCraigGalit na naibagsak ko ang dalawa kong kamao sa ibabaw ng aking mesa. Nasalubong ko na ang assassin ngunit pinakawalan ko pa. Nasa harap ko na siya ngunit wala akong kaalam-alam na siya na pala si Silent Assassin na matagal ko nang hinahanap. Siguro ay pinagtatawanan na niya ako ngayon dahil sa aking katangahan. At ang ideyang ito ang lalong nagpapagalit sa akin.Kanina ay pinuntahan ko ang pinsan kong babae na naka-check in sa Grand Hotel na pag-aari ni James Mondragon. May tsismis kasi na rapist ang may-ari ng hotel kaya nag-alala ang aking tito na baka kung ano ang mangyari sa aking pinsan kong si Tiffany kaya niya ako pinapunta sa Grand Hotel para kausapin at kumbinsihin ang pinsan ko na lumipat ng hotel. Malakas lamang ang kapit sa mga pulis kaya ito nakakalusot at nanatiling tsismis lamang ang kumakalat na balita tungkol kay James. At habang naglalakad ako kanina ay hindi sinasadyang bumangga sa akin ang isang lalaking naka-jacket at nakasuot ng sumbrero. Bahagya kas
ShanraNapapikit ako at lihim na napamura nang marinig ko ang malakas na sinabi ng katabi kong lalaki. Holdaper pala ito. Hindi ko nahalata dahil nakatingin ako sa labas ng bintana nang may umupo sa tabi ko. Tapos hindi pa nga umiinit ang puwit niya sa upuan ay nagdeklara na agad ng holdap. Ang malas lamang niya dahil sa tabi ko pa pinili niyang maupo. Tinatamad akong magmaneho ng sasakyan kaya pinili kong mag-bus pauwi sa bahay ko. Kagagaling ko pa lamang sa BAS Headquarter dahil doon agad ako dumiretso pagkatapos kong matagumpay na na-accomplished ang aking misyon. Dumiretso agad ako sa headquarter ibalitang mission accomplish ang aking ginawa at para personal na tanggapin ang tseke na nagkakahalaga ng ilang milyones. At hawak ko pa ngayon ang tseke dahil tinatamad akong magpunta sa bangko na nasa ilalim din ng pamahahala ng BAS. Ang suwerte naman ng dalawang holdaper na ito sakaling makuha nila sa akin ito."Huwag ninyo kaming sasaktan. Ibibigay namin ang gusto ninyo," narinig ko
Shanra"Good afternoon, Ma'am," bati sa akin ng guard pagpasok ko sa BAS buidling. Ninong Eddie called me again. I guess, he will give me another mission. Pabor iyan sa akin. This will be my fifth mission. And I only need five people to assassinates so I could finally speaks with the BAS leader. Gustong-gusto ko nang makausap ang pinaka-head ng BAS para makapaghiganti na ako sa mga taong pumatay sa pamilya ko. At kapag nabigyan ko na ng justice ang kanilang pagkamatay ay magre-resign na ako bilang assassin at maninirahan na lamang sa malayong probinsiya."Good afternoon," tugon ko sa kanya pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na akong umakyat sa office ng BAS. Pasalamat ako na hindi ko nakasalubong si Henry. May mission kasi ito kaya wala dito ngayon.Akmang kakatok na ako sa pintuan ng office ni Ninong Eddie nang biglang may nagsalita sa likuran ko na walang iba kundi si Ninong pala na mula sa labas ng opisina nito."Come in, Shanra," sabi niya sa akin. Pinauna ko muna siyang makapasok sa lo
ShanraHindi ko mapigilang mapa-ismid habang pinapanuod si Alejandro Alegri na maganda ang pagkakangiti at tuwang-tuwa habang kalaro ang mga sa loob ng bahay ampunan. Masayang-masaya siya hindi dahil kalaro niya ang mga bata kundi dahil marami na naman siyang maki-kidnap na mga bata.Pangatlong araw ko sa pagsubaybay sa taong ito ngunit hindi ako makahanap ng chance para patayin siya. Lagi kasing mga bata ang kasama niya kaya kung lalapit ako para maturukan siya ng aking karayom na may lason ay mahahalata ng mga bodyguard niya ang kilos ko. Hindi pa man ako nakakalapit kay Alegri ay maaalerto ko na ang mga guard niya. Ngunit hindi ako naniniwala na sa araw-araw na pagsunod-sunod ko sa kanya ay hindi ako makakahanap ng chance to assassinate him. Pagkatapos makipaglaro ni Alegri sa mga bata ay lumapit siya sa isang babae na nakatingin sa kanila at sa tingin ko ay isa sa mga head ng orphanage ang babae. Inabutan ito ni Alegri ng isang sobre na sigurado akong pera ang laman. Nagbibigay k
ShanraIbinaba ko ang hanggang sa tungki ng aking ilong ang suot kong salamin. Mula sa kinalalagyan ko ay tanaw na tanaw ko ang ginagawang pakikipaglaro ni Alejandro Alegri sa mga batang squatters na nakapalibot dito. Nakangiti ito at mukhang tuwang-tuwa sa mga bata ngunit alam ko na sa loob nito ay nandidiri ito sa mga kaharap na bata. Mukhang sa mga batang squatters nito binabalak na mangidnap ng bata.Umalis ako mula sa pagkakasandal sa aking hubby. Ang tinutukoy kong "hubby" ay ang aking motorsiklo na ipinarada ko lamang sa tapat ng park kung saan naroon si Alejandro Alegri at nagpapakain ng mga batang squatters. Maganda sana ang ginagawa nito kung wala lamang itong masamang agenda sa mga bata. Ang mga katulad nitong nagpapanggap na mabait na tao ngunit isa palang demonyo ay dapat lamang na mawala sa lipunan.Nang makita ko na nakikipagkamay sa mga nanay ng mga batang naroroon si Alegri ay mabilis akong tumawid sa kalsada at lumapit sa likuran ng isang nanay na nakangiti habang n
Shanra PovLabis-labis ang pag-aalalang nararamdamn ko para sa kaligtasan ng anak ko. Iniisip ko kung kumain na ba siya ngayon. Kung saan siya ngayon natutulog. Tiyak na takot na takot siya ngayon dahil hindi niya kilala ang mga kasama niya.Nang pagbalikan ako ng malay-tao ay agad kong inusisa ang aming driver at yaya ng anak namin kong paano nakidnap ng mga taong iyon ang anak namin. At ayon sa kuwento nila ay paliko na sa may kanto ang kotse nila nang biglang may tumawid na binatilyo. Akala ni Zaldy nasagasaan niya ang binatilyo kaya bumaba ito para sana dalhin sa ospital ang binatilyo. Ngunit pagbaba rw ni Zaldy ay nagulat na lamang ito nang my dalawang lalaking lumapit sa kanya at pinalo ito ng baril sa ulo ng dalawang beses kaya ito my sugat. Nang kukunin na raw ng mga lalaki ang anak ko y pilit daw nakipagbuno si Mia kaya pinalo rin ito ng baril sa ulo ng kidnaper. Pareho silang nawalan ng malay kaya nakuha sa kanila si Raiggen."Sa tingin mo ay may kinalaman sa trabaho mo kung
Shanra PovNakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Larawan ako ng isang babae na masayang-masaya at kontento na sa buhay.Kahit 5 years na ang nakalilipas magmula nang mag-wakas ng BAS at ikinasal kami ni Craig ay hanggang ngayon hindi pa rin ako halos na makapaniwala sa magandang nangyari sa buhay ko. Nagkaroon kami ni Craig ng isang napaka-bibong baby boy na pinangalanan kong Raiggen. At walang araw na hindi ipinadama sa akin ng aking asawa ang walang katapusan niyang pagmamahal.Ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko noon ay pinunan ng saya nina Craig at Raiggen. Kung hindi sila dumating sa buhay ko ay tiyak na nananatiling nasa madilim kung mundo pa rin ako hanggang ngayon."Huwag mo nang titigan ang sarili mo at baka ma-in love ka pa sa mukha mo."Mula sa aking likuran ay niyakap ako ni Craig. Tinaniman niya ng mumunting halik ang aking leeg. Bahagya akong napakislot nang makiliti ako sa kanyang balbas na ilang araw na sigurong hindi inaahit.Kauuwi pa la
Craig's POVMabigat ang aking pakiramdam na bumangon ako sa hospital bed na kinahihigaan ko. Natamaan kasi ako ng lumilipad na bahagi ng building kaya ako na-ospital at may nakapalibot na benda sa itaas ng aking ulo. Nasa labas na kasi kami ng building at ipinapasok sa loob ng police car ang mga sumukong tauhan ng foreign drug lord at ibang mga BAS assassin. Napatay ko ang foreign drug lord kaya sumuko ang mga tauhan nito at pati na rin ang mga natitirang buhay na mga BAS assassin. At pabalik na sana ako sa loob para hanapin si Shanra ngunit bigla namang sumabog ang building at tinamaan ako sa ulo ng lumilipad na bahagi ng building na nabaklas. Hinimatay ako at dito na sa loob ng ospital ako nagising. At si Shanra ang kaagad na unang pumasok sa aking isip nang pagbalikan ako ng aking malay. "Sir, bakit bumangon kayo? Baka bumuka ang sugat mo sa ulo," nag-aalalang wika ni Denver nang madatnan niya akong nakaupo na sa ibabae ng kama."Si Shanra? Nasaan siya?" agad kong tanong sa kanya
Shanra PovSa gitna ng palitan ng mga putok sa pagitan ng mga pulis at mga kasamahan kong BAS assassin at pati na rin ang mga tauhan ng foreign drug lord ay nakakita ng pagkakataong tumakas si Ninong dala ang isang attaché case na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Nang makita ko siyang tumalilis ay agad ko siyang sinundan. Siguro ay may secret door ang lugar na ito na puwede niyang daanan para makatakas. Ngunit hindi ko siya hahayaang makatakas. Dahil ito na ang oras ng pagtutuos namin."Ninong Eddie!" malakas kong sigaw sa pangalan niya. Bigla naman itong napahinto nang marinig ang aking boses. Huminto ako ilang metro ang layo mula sa kanya."Shanra. Hindi ko akalain na kaya mo akong pagtaksilan," galit na sigaw nito matapos akong lingunin."Ako rin, Ninong. Hindi ko rin akalain na ikaw pala ang mastermind sa ilang beses na pagtatangka sa buhay ko. At mas lalong hindi ko inakala na ikaw ang nag-utos para ipapatay ang aking buong pamilya!" ganting sigaw ko sa kanya. Sa wakas ay n
Shanra"Tandaan ninyong lahat. Mahalaga at malaki ang deal na magaganap na ito kaya hindi tayo dapat na pumalpak. At huwag kayong mag-alala dahil kapag naging successful ang deal na ito ay magkakaroon kayong lahat ng napakalaking bonus," kausap sa amin ni Ninong habang naghahanda kaming lahat para sa magaganap na drug deal ng BAS na pinamumunuan ni Ninong. Magmula nang ipinapatay ni Ninong ang ilang big boss ng BAS na kontra sa kagustuhan nito ay biglang nag-iba na ng tuluyan ang operasyon ng BAS. Lumabas na ang tunay na kulay at pagiging ganid niya. Hantaran na sa BAS ang pakikipag-deal nito sa mga malalaking foreign drug lord na pumapasok sa bansa. Ngayon nga ay makikipag-deal kami sa pinaka-notorious na drug lord na nanggaling pa sa Europe. At ang venue ay ang prostitute house dati ni Mrs. Madrigal na ngayon ay si Ninong na ang may hawak.Lahat ng BAS assassin ay hindi tutol sa ginawang pagbabago ni Ninong sa BAS maliban sa aming tatlo nina Tom at Denver. Ngunit katulad ko ay wal
ShanraPagkatapos ng ilang araw kong pag-iimbestiga ay nalaman ko rin kung bakit ipinapatay ni Ninong sa akin mga taong in-assassinate ko. Napag-alaman ko na siya na pala ang humahawak sa negosyo ng mga pinatay ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ngunit siya na ang bagong may-ari ng five star hotel na dati ay pag-aari ni James Mondragon, ang bahay-aliwan na dati ay pagmamay-ari ni Mrs. Madrigal, kung dati ang drug lord ay si Danding Acebedo ngayon naman ay si Ninong. At hindi na rin ako magtataka kung involved din siya sa illegal human organ trafficking. Sobrang laki ng pera na pumapasok sa kanya kaya naman pala kayang-kaya nitong magbayad sa akin ng ganoon kalaking halaga para sa isang ulo ng taong ipinapatay niya. At malamang ay siya rin ang lihim na nagbigay ng impormasyon kay Craig tungkol sa binabalak kong assassination kay Mrs. Madrigal noon. Kung hindi ko mapapatay si Madrigal ay mahuhuli naman ako ni Craig. Walang mawawala sa kanya kung nangyari iyon. Nahuhulaan ko rin na
ShanraPabiling-biling ako sa ibabaw ng kama habang nakahiga. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Gustong-gusto ko nang makabalik muli sa Maynila para maumpisahan ko na ang aking paghihiganti.Kaninang madaling-araw ay nakabalik ako rito mula sa Maynila. Bumalik ako para hindi maisip ni Ninong na ako ang pumasok sa loob ng bahay niya. Sigurado naman kasi na matutuklasan niyang pinasok ang library niya lalo pa at may mahalagang bagay itong nawala. Ang blue book na kinuha ko bago ako umalis sa bahay niya. Nakita ko ang blue book na nakahanay sa ibang mga aklat nito. Naiiba ito sa mga aklat na naroon dahil ito lamang ang manipis at nakaipit ng mabuti sa dalawang makakapal na aklat kaya nakaagaw ng aking atensiyon. At nang hinugot ko at binuklat ang laman ay nagulat ako na isa pala itong blue book. At mas nagulat ako nang makita kong nakasulat doon ang mga pangalan ng lahat nang matataas na pangalan na may posisyon sa lipunan na siya palang bumubuo sa BAS. Iyong makagkasunod na p
Pagkatapos ng nangyaring pagtangkang pagpatay sa akin sa loob ng rest house ay kinausap ko si Estong. Halatado sa kilos niya na kinakabahan siya kaya alam ko na may kinalaman siya sa pag-atake sa akin kaya naman pilit ko siyang pinaamin. Ngunit kahit anong pagpiga ang gawin ko sa kanya ay hindi niya sinabi sa akin kung sino ang may pakana ng lahat sa halip ay binigyan lamang niya ako ng clue. Mataas ang posisyon sa BAS ng taong may pakana ng lahat. Ito lang din daw kasi ang kanyang nalalaman.Nang malaman ko kay Estong ang tungkol sa bagay na ito ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Walang ibang nakakaalam kung nasaan ako kundi si Ninong maliban kung sinabihan niya si Mr. Jung kung nasaan ako at ang huli ang nag-utos para patayin ako. Ngunit impossible na si Mr. Jung ang nag-utos na ipapatay ako dahil alam niyang babalikan ko siya kapag malaman ko na siya ang may pakana ng lahat. At saka nagtatago siya sa akin ngayon dahil natatakot siyang bisitahin ko siya at tanungin tungkol sa n
ShanraGaya ng nakasanayan kong gawin ay maaga akong gumising para mag-jogging sa dalampasigan. Nagkaroon na yata ako ng tinatawag na body clock kaya kahit hindi ako mag-alarm sa cellphone ko ay maaga pa rin akong nagigising. Isinaksak ko ang electric thermos at naghilamos habang hinihintay na kumulo ang tubig. Isang puting jogging pants at puting sweatshirt ang aking isinuot bago ako lumabas at nagtimpla ng gatas sa kusina. Quarter to six ay lumabas na ako at nagsimulang tumakbo sa dalampasigan.Apat na araw na ako rito sa Amara Beach Resort at aaminin ko na nage-enjoy ako sa pananatili ko rito. Mamula-mula na ang balat ko dahil madalas akong nagbibilad sa araw katulad ng ginagawa ng mga turistang nakikita ko palagi. Payapa ang aking isip at hindi ko hinahayaang makapasok sa aking isip ang mundong saglit kong iniwan. Ini-off ko ang cellphone ko at itinago sa aking bag para hindi ako matuksong silipin ito at kahit ang aking deadly needles ay iniwan ko sa bahay ko. Talagang katahimika