Share

BEAUTIFUL ASSASSIN
BEAUTIFUL ASSASSIN
Author: Daylan

Chapter 1

Author: Daylan
last update Huling Na-update: 2023-08-01 15:58:15

Shanra Pov

Sa mataas na gate ng malaking bahay ng mga Acebedo ay para akong anino na nakasuot ng itim na overall na damit at natatakpan ng itim na bonnet ang buong mukha maliban sa aking mga mata. Mabilis akong sumampa sa tuktok ng gate nang walang kahirap-hirap. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid na para bang isang gumagalaw na CCTV camera. Nang masiguro ko na walang tao sa paligid na nakakakita sa akin ay parang pusang tumalon ako papasok sa loob ng bakuran. 

Napakatahimik ng gabi ngunit walang maririnig na ingay mula sa aking mga yapak. Ang gaan ng katawan ko at para bang hindi tumatapak sa sahig ang aking mga paa. Halatado sa kilos ko na sanay ako sa ganitonh klaseng trabaho.

Maingat akong naglakad palapit sa abot-kamay na mga CCTV camera at tinakpan ng masking tape ang mga

ito para wala nang ma-record pa kundi puro kadiliman na lamang. Abot-kamay ko lamang ang ibang cctv na madadaanan ko kaya madaling ko itong natakpan ng dala kong masking tape.

Pagkatapos ay naglakad ako palapit sa walang kamalay-malay na guwardiya. Palingon-lingon ako sa paligid habang dahan-dahang lumalapit sa nakaupong guwardiya na tila malalim ang tulog. Napailing ako habang nakatingin sa guwardiyang tumutulo pa ang laway sa pagtulog. Siguradong bukas ay matatanggal ito sa trabaho dahil hindi niya ginawa ang trabaho nitong magbantay sa paligid. 'Ayan tuloy, nakapasok ako sa loob ng bahay ng amo niya nang hindi niya namamalayan. At para masigurado ko na hindi agad magigising ang guwardiya ay pinisil ko ng mariin ang sleeping nerve ng bantay hanggang sa tuluyan itong lumungayngay sa kinauupuan. Maingat na inayos ko ang pagkakaupo ng walang malay na guwardiya. Isinandig ko siya sa dinding para kunwari'y tulog lamang. Pagkatapos ay maingat at walang pagmamadali na lumapit ako sa pintuan papasok sa kabahayan at walang kahirap-hirap na nabuksan ang naka-kandadong pintuan. Eksperto ako sa ganitong bagay. Part of my hard traing is to be an expert to unlocked even the hardest lock in the world.

"Sino ka? Bakit ka nakapasok dito?"

Ang balak na pagbubukas ko sa pintuan ay naudlot nang marinig ko ang boses na iyon ng isang lalaki sa likuran ko. Naisip ko na isa ito sa mga guwardiya na naka-duty sa gabing iyon.

Bago pa makapagtawag ng ibang kasamahan ay mabilis na akong nakalapit sa kanya at mahigpit na tinakpan ko ng aking palad ang bibig ng nabiglang guwardiya kasabay ng pagtusok ng karayom sa leeg nito. Walang malay na bumagsak ang guwardiya sa semento.

Hinila ko ang walang malay na katawan ng guwardiya at itinago sa likuran ng mga halaman. May kabigatan ang lalaki kaya naman nahirapan ako sa paghila sa katawan ng guwardiya para maitago ko sa likuran ng makapal na halamanan.

Lalabas na sana ako sa likuran ng mga halaman nang biglang may lumabas na isa pang guwardiya mula sa loob ng bahay. Nagpalinga-linga ito na tila may hinahanap.

"Sanchez? Bakit mo iniwang hindi naka-lock ang pintuan? Mayayari tayo nito kay Sir 'pag nagkataon," tawag nito sa kasamahan nito. Nang walang sumagot sa kanya ay nag-umpisa itong maglakad palapit sa guwardiyang walang malay na nakaupo at nakasandig. 

"Damn! Kapag nakalapit siya sa kasamahan niyang guwardiya ay matutuklasan niyang hindi ito natutulog kundi walang malay," mahinang anas ko. Kailangan kong patulugin din ang guwardiyang ito bago pa niya matuklasan ang nangyari sa kasamahan nito.

Maingat at walang kilatis na lumapit ako sa walang kamalay-malay na guwardiya na naglalakad pa rin palapit sa walang malay naman nitong kasamahan. Ngunit bago pa man ito tuluyang nakalapit sa kasamahan ay mabilis na akong nakalapit sa kanya at itulak ko siya pasandal sa sementadong poste kasabay ng pagtusok nang karayom ko sa kanyang leeg. Hindi nakapalag ang guwardiya dahil sa gulat at 'di inaasahang pag-atake aa kanya. Katulad ng dalawang mga kasamahan ay walang malay na bumagsak din ito sa malamig na semento. Napailing na lamang ako habang nakatingin sa guard. Kailangan pa nila ng training dahil silang patuligin ng kanilang kaaway.

Mabilis na hinila ko ang katawan ng lalaki at itinabi sa katawan ng kasamahan nitong itinago ko sa likuran ng mga halaman. Pagkatapos ay itinuloy ko na ang naudlot na pagpasok sa loob ng bahay nang negosyanteng si Danding Acebedo.

Malaki ang bahay at maraming mga magagarang gamit ang makikita sa loob ng bahay ni Danding kaya hindi ko napigilan ang mapa-ismid. Alam ko naman kasi na mula sa masamang paraan kinuha ni Mr. Acebedo ang perang pinangbili sa mga magagarang gamit na ito.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na akong umakyat sa itaas ng hagdan para hanapin ang kuwarto ng taong pakay ko. Maswerte na sa unang kuwarto na aking pinasok ay kuwarto agad ng mag-asawang Acebedo ang aking napasukan. Hindi naka-lock ang pintuan ng kuwarto ng mag-asawa kaya walang kahirap-hirap na nakapasok ako sa loob. Siguro tiwala ang mga ito na walang ibang tao na maglalakas-loob na pumasok sa loob ng bahay nila dahil may mga guwardiya namang nagbabantay sa paligid. Ngunit iyon ang malaki nilang pagkakamali. Dahil mas naging madali lamang tuloy para sa akin na lapitan ang taong pakay ko para gawin ang aking misyon.

Wala akong inaksayang panahon. Lumapit ako sa mag-asawang mahimbing na natutulog. Walang kamalay-malay ang mga ito sa nakaambang panganib sa kanilang paligid. Marahil ay naramdaman ng lalaki na may ibang tao sa loob ng kuwarto nila kaya bigla itong napadilat ng mga mata. Ngunit tanging iyon lamang ang nagawa nito. Ni hindi ito nakapagsalita kahit isang letra dahil mabilis ko nang naitusok sa dibdib ng lalaking nakahiga ang hawak kong karayom na nagtataglay ng nakamamatay na lason. Muling ipinikit ng lalalaki ang mga mata nito upang tuluyan nang matulog at hindi na gumising pa.

Pagkatapos kong masiguro na wala nang buhay ang aking pakay ay mabilis na akong lumabas ng kuwarto at walang kahirap-hirap na nakalabas sa malaking bahay. Muli akong umakyat sa mataas na gate para makalabas sa bakuran ng mga Acebedo. At nang tuluyan na akong nakalabas ng gate ay mabilis na akong tumakbo patungo sa madilim na bahagi ng kalsada hanggang sa tuluyan akong naglaho sa kadiliman ng gabi.

Kaugnay na kabanata

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 2

    Shanra Pov"Alam mo ba na may pinatay na naman kagabi si Silent Assassin?""Talaga? At sino na namang salot sa lipunan ang pinatahimik ng ating hero?"Mula sa binabasang diyaryo ay tahimik lamang akong nakikinig sa dalawang taong nag-uusap sa aking harapan. Pinag-uusapan ng dalawa ang pagkamatay ni Danding Acebedo. Hero pala ang tingin ng dalawa sa pumatay kay Acebedo. Sabagay, puwede na rin. Mga salot naman kasi sa lipunan ang pinapatay ni Silent Assassin at hindi rin ito nangda-damay ng mga inosenteng tao katulad ng ibang mga assassin. Kung sino lamang ang target ay siya lamang pinapatay nito."Sino pa kundi ang kilalang drug dealer na si Danding Acebedo. Heto ang diyaryo't basahin mo ang nilalaman ng balita," sagot ng babaeng nagtitinda ng diyaryo sa bangketa sabay iniabot ang isang diyaryo sa babaeng kausap na malamang ay kakilala nito."Sige nga, pabili ako at nang mabasa ko mamaya pagdating ko sa bahay," anang kausap ng tindera. Pagkatapos magbayad ay nagpaalam na itong aalis na

    Huling Na-update : 2023-08-01
  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 3

    Buong pag-iingat at dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Ang lahat ng aking mga pandama ay aktibo sa sandaling ito. Kung sakaling ang taong ito na pumasok sa aking bakuran ay magdadala sa akin ng panganib ay kailangan kong maging maingat at alerto. Kung sa labas ng pintuan ang scanner ay ang hininga ko na tumatama sa scanner ang kanang palad ko naman ang susi para makalabas. Nang itinapat ko ang palad ko sa scanner ay awtomatikong bumukas ang pintuan. Ngunit bago pa man ako makalabas ng pinto ay biglang sinugod ako ng isang lalaking may hawak na kutsilyo at nagtatago lang pala sa gilid ng pintuan ko. Pero alerto na ako kaya naiwasan ko ang kanyang pag-atake. Ngunit kung hindi ako nakaiwas ng mabilis ay nasaksak na sana niya ako ng kutsilyo sa dibdib. Kasabay ng matagumpay kong pag-iwas sa katawan ko sa pag-atake niya, mabilis kong hinawakan ang likod ng kamay niya at binaliti ng mahigpit ang braso niya para mabitawan niya ang kutsilyo. Iniuntog ko ng malakas ang ulo niya sa konkreto

    Huling Na-update : 2023-08-01
  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 4

    Shanra PovIpinarada ko ang kotse ko sa tapat ng building na may mahigit na tatlong palapag. Pagkatapos kong maiparada ng maayos ang kotse ay agad na akong naglakad papasok sa building. "Good morning, Ma'am," nakangiting bati sa akin ni Mae na member din ng Black Assassin's Squad. Ngunit hindi siya katulad ko o ni Henry na pumapatay ng tao. Naging member lamang siya ng BAS dahil siya ang lady guard na nagbabantay sa ibaba ng building. Ngunit kahit isa lamang siyang guard ay may kakayahan din siyang makipaglaban. Lahat kasi ng BAS members maski ang pinakamababang miyembro ay dumaan din sa matinding training."Good morning," hindi ngumingiting bati ko sa kanya. Sanay na siya sa pagiging seryoso ng aking mukha sa tuwing dadaan ako kaya hindi siya nangingilag na bumati sa akin sa tuwing papasok at lalabas ako ng building.Pagdating ko sa elevator ay agad kong pinindot ang third floor kung saan naroon ang sa pinakahuling floor ang headquarter ng BAS. Front lamang ang coffeeshop na nasa f

    Huling Na-update : 2023-08-01
  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 5

    ShanraIlang araw ko rin minatyagan at inalam ko ang routine ni James Mondragon. Sa ilang na pagbuntont ko sa kanya ng palihim ay natuklasan ko kung saan siya mas naglalagi. Sa Grand Hotel na siyang pinakamalaki sa tatlong fove star hotel na pag-aari niya siya madalas naglalagi. Doon din siya natutulog. Sa umaga ay nagjo-jogging siya kasama ang kanyang mga bodyguard. Tapos pupunta sa coffee shop na nasa ibaba ng hotel niya at doon siya nagkakape. Pagkatapos ay maglilibot na siya sa kanyang dalawang hotel. Ewan kung ano ang ginagawa niya dahil hindi ko na siya sinusundan pa sa loob ng hotel niya. Sa labas lamang ako matiyagang naghihintay sa paglabas niya. Pagkatapos niyang mapuntahan ang dalawa niyang hotel ay babalik na siya sa Grand Hotel at doon na mananatili. Napaka-simple ng routine niya. Siguro sa Grand Hotel din niya ginagawa ang panggagahasa niya sa kanyang mga nagiging biktima.Madali lamang akong nakapasok sa isa sa mga hotel na pag-ari niya gamit ang aking mga pekeng ID. Al

    Huling Na-update : 2023-08-01
  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 6

    ShanraCraigGalit na naibagsak ko ang dalawa kong kamao sa ibabaw ng aking mesa. Nasalubong ko na ang assassin ngunit pinakawalan ko pa. Nasa harap ko na siya ngunit wala akong kaalam-alam na siya na pala si Silent Assassin na matagal ko nang hinahanap. Siguro ay pinagtatawanan na niya ako ngayon dahil sa aking katangahan. At ang ideyang ito ang lalong nagpapagalit sa akin.Kanina ay pinuntahan ko ang pinsan kong babae na naka-check in sa Grand Hotel na pag-aari ni James Mondragon. May tsismis kasi na rapist ang may-ari ng hotel kaya nag-alala ang aking tito na baka kung ano ang mangyari sa aking pinsan kong si Tiffany kaya niya ako pinapunta sa Grand Hotel para kausapin at kumbinsihin ang pinsan ko na lumipat ng hotel. Malakas lamang ang kapit sa mga pulis kaya ito nakakalusot at nanatiling tsismis lamang ang kumakalat na balita tungkol kay James. At habang naglalakad ako kanina ay hindi sinasadyang bumangga sa akin ang isang lalaking naka-jacket at nakasuot ng sumbrero. Bahagya kas

    Huling Na-update : 2023-08-04
  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 7

    ShanraNapapikit ako at lihim na napamura nang marinig ko ang malakas na sinabi ng katabi kong lalaki. Holdaper pala ito. Hindi ko nahalata dahil nakatingin ako sa labas ng bintana nang may umupo sa tabi ko. Tapos hindi pa nga umiinit ang puwit niya sa upuan ay nagdeklara na agad ng holdap. Ang malas lamang niya dahil sa tabi ko pa pinili niyang maupo. Tinatamad akong magmaneho ng sasakyan kaya pinili kong mag-bus pauwi sa bahay ko. Kagagaling ko pa lamang sa BAS Headquarter dahil doon agad ako dumiretso pagkatapos kong matagumpay na na-accomplished ang aking misyon. Dumiretso agad ako sa headquarter ibalitang mission accomplish ang aking ginawa at para personal na tanggapin ang tseke na nagkakahalaga ng ilang milyones. At hawak ko pa ngayon ang tseke dahil tinatamad akong magpunta sa bangko na nasa ilalim din ng pamahahala ng BAS. Ang suwerte naman ng dalawang holdaper na ito sakaling makuha nila sa akin ito."Huwag ninyo kaming sasaktan. Ibibigay namin ang gusto ninyo," narinig ko

    Huling Na-update : 2023-08-04
  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 8

    Shanra"Good afternoon, Ma'am," bati sa akin ng guard pagpasok ko sa BAS buidling. Ninong Eddie called me again. I guess, he will give me another mission. Pabor iyan sa akin. This will be my fifth mission. And I only need five people to assassinates so I could finally speaks with the BAS leader. Gustong-gusto ko nang makausap ang pinaka-head ng BAS para makapaghiganti na ako sa mga taong pumatay sa pamilya ko. At kapag nabigyan ko na ng justice ang kanilang pagkamatay ay magre-resign na ako bilang assassin at maninirahan na lamang sa malayong probinsiya."Good afternoon," tugon ko sa kanya pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na akong umakyat sa office ng BAS. Pasalamat ako na hindi ko nakasalubong si Henry. May mission kasi ito kaya wala dito ngayon.Akmang kakatok na ako sa pintuan ng office ni Ninong Eddie nang biglang may nagsalita sa likuran ko na walang iba kundi si Ninong pala na mula sa labas ng opisina nito."Come in, Shanra," sabi niya sa akin. Pinauna ko muna siyang makapasok sa lo

    Huling Na-update : 2023-08-04
  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 9

    ShanraHindi ko mapigilang mapa-ismid habang pinapanuod si Alejandro Alegri na maganda ang pagkakangiti at tuwang-tuwa habang kalaro ang mga sa loob ng bahay ampunan. Masayang-masaya siya hindi dahil kalaro niya ang mga bata kundi dahil marami na naman siyang maki-kidnap na mga bata.Pangatlong araw ko sa pagsubaybay sa taong ito ngunit hindi ako makahanap ng chance para patayin siya. Lagi kasing mga bata ang kasama niya kaya kung lalapit ako para maturukan siya ng aking karayom na may lason ay mahahalata ng mga bodyguard niya ang kilos ko. Hindi pa man ako nakakalapit kay Alegri ay maaalerto ko na ang mga guard niya. Ngunit hindi ako naniniwala na sa araw-araw na pagsunod-sunod ko sa kanya ay hindi ako makakahanap ng chance to assassinate him. Pagkatapos makipaglaro ni Alegri sa mga bata ay lumapit siya sa isang babae na nakatingin sa kanila at sa tingin ko ay isa sa mga head ng orphanage ang babae. Inabutan ito ni Alegri ng isang sobre na sigurado akong pera ang laman. Nagbibigay k

    Huling Na-update : 2023-08-04

Pinakabagong kabanata

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 84

    Shanra PovLabis-labis ang pag-aalalang nararamdamn ko para sa kaligtasan ng anak ko. Iniisip ko kung kumain na ba siya ngayon. Kung saan siya ngayon natutulog. Tiyak na takot na takot siya ngayon dahil hindi niya kilala ang mga kasama niya.Nang pagbalikan ako ng malay-tao ay agad kong inusisa ang aming driver at yaya ng anak namin kong paano nakidnap ng mga taong iyon ang anak namin. At ayon sa kuwento nila ay paliko na sa may kanto ang kotse nila nang biglang may tumawid na binatilyo. Akala ni Zaldy nasagasaan niya ang binatilyo kaya bumaba ito para sana dalhin sa ospital ang binatilyo. Ngunit pagbaba rw ni Zaldy ay nagulat na lamang ito nang my dalawang lalaking lumapit sa kanya at pinalo ito ng baril sa ulo ng dalawang beses kaya ito my sugat. Nang kukunin na raw ng mga lalaki ang anak ko y pilit daw nakipagbuno si Mia kaya pinalo rin ito ng baril sa ulo ng kidnaper. Pareho silang nawalan ng malay kaya nakuha sa kanila si Raiggen."Sa tingin mo ay may kinalaman sa trabaho mo kung

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 83

    Shanra PovNakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Larawan ako ng isang babae na masayang-masaya at kontento na sa buhay.Kahit 5 years na ang nakalilipas magmula nang mag-wakas ng BAS at ikinasal kami ni Craig ay hanggang ngayon hindi pa rin ako halos na makapaniwala sa magandang nangyari sa buhay ko. Nagkaroon kami ni Craig ng isang napaka-bibong baby boy na pinangalanan kong Raiggen. At walang araw na hindi ipinadama sa akin ng aking asawa ang walang katapusan niyang pagmamahal.Ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko noon ay pinunan ng saya nina Craig at Raiggen. Kung hindi sila dumating sa buhay ko ay tiyak na nananatiling nasa madilim kung mundo pa rin ako hanggang ngayon."Huwag mo nang titigan ang sarili mo at baka ma-in love ka pa sa mukha mo."Mula sa aking likuran ay niyakap ako ni Craig. Tinaniman niya ng mumunting halik ang aking leeg. Bahagya akong napakislot nang makiliti ako sa kanyang balbas na ilang araw na sigurong hindi inaahit.Kauuwi pa la

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 82

    Craig's POVMabigat ang aking pakiramdam na bumangon ako sa hospital bed na kinahihigaan ko. Natamaan kasi ako ng lumilipad na bahagi ng building kaya ako na-ospital at may nakapalibot na benda sa itaas ng aking ulo. Nasa labas na kasi kami ng building at ipinapasok sa loob ng police car ang mga sumukong tauhan ng foreign drug lord at ibang mga BAS assassin. Napatay ko ang foreign drug lord kaya sumuko ang mga tauhan nito at pati na rin ang mga natitirang buhay na mga BAS assassin. At pabalik na sana ako sa loob para hanapin si Shanra ngunit bigla namang sumabog ang building at tinamaan ako sa ulo ng lumilipad na bahagi ng building na nabaklas. Hinimatay ako at dito na sa loob ng ospital ako nagising. At si Shanra ang kaagad na unang pumasok sa aking isip nang pagbalikan ako ng aking malay. "Sir, bakit bumangon kayo? Baka bumuka ang sugat mo sa ulo," nag-aalalang wika ni Denver nang madatnan niya akong nakaupo na sa ibabae ng kama."Si Shanra? Nasaan siya?" agad kong tanong sa kanya

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 81

    Shanra PovSa gitna ng palitan ng mga putok sa pagitan ng mga pulis at mga kasamahan kong BAS assassin at pati na rin ang mga tauhan ng foreign drug lord ay nakakita ng pagkakataong tumakas si Ninong dala ang isang attaché case na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Nang makita ko siyang tumalilis ay agad ko siyang sinundan. Siguro ay may secret door ang lugar na ito na puwede niyang daanan para makatakas. Ngunit hindi ko siya hahayaang makatakas. Dahil ito na ang oras ng pagtutuos namin."Ninong Eddie!" malakas kong sigaw sa pangalan niya. Bigla naman itong napahinto nang marinig ang aking boses. Huminto ako ilang metro ang layo mula sa kanya."Shanra. Hindi ko akalain na kaya mo akong pagtaksilan," galit na sigaw nito matapos akong lingunin."Ako rin, Ninong. Hindi ko rin akalain na ikaw pala ang mastermind sa ilang beses na pagtatangka sa buhay ko. At mas lalong hindi ko inakala na ikaw ang nag-utos para ipapatay ang aking buong pamilya!" ganting sigaw ko sa kanya. Sa wakas ay n

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 80

    Shanra"Tandaan ninyong lahat. Mahalaga at malaki ang deal na magaganap na ito kaya hindi tayo dapat na pumalpak. At huwag kayong mag-alala dahil kapag naging successful ang deal na ito ay magkakaroon kayong lahat ng napakalaking bonus," kausap sa amin ni Ninong habang naghahanda kaming lahat para sa magaganap na drug deal ng BAS na pinamumunuan ni Ninong. Magmula nang ipinapatay ni Ninong ang ilang big boss ng BAS na kontra sa kagustuhan nito ay biglang nag-iba na ng tuluyan ang operasyon ng BAS. Lumabas na ang tunay na kulay at pagiging ganid niya. Hantaran na sa BAS ang pakikipag-deal nito sa mga malalaking foreign drug lord na pumapasok sa bansa. Ngayon nga ay makikipag-deal kami sa pinaka-notorious na drug lord na nanggaling pa sa Europe. At ang venue ay ang prostitute house dati ni Mrs. Madrigal na ngayon ay si Ninong na ang may hawak.Lahat ng BAS assassin ay hindi tutol sa ginawang pagbabago ni Ninong sa BAS maliban sa aming tatlo nina Tom at Denver. Ngunit katulad ko ay wal

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 79

    ShanraPagkatapos ng ilang araw kong pag-iimbestiga ay nalaman ko rin kung bakit ipinapatay ni Ninong sa akin mga taong in-assassinate ko. Napag-alaman ko na siya na pala ang humahawak sa negosyo ng mga pinatay ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ngunit siya na ang bagong may-ari ng five star hotel na dati ay pag-aari ni James Mondragon, ang bahay-aliwan na dati ay pagmamay-ari ni Mrs. Madrigal, kung dati ang drug lord ay si Danding Acebedo ngayon naman ay si Ninong. At hindi na rin ako magtataka kung involved din siya sa illegal human organ trafficking. Sobrang laki ng pera na pumapasok sa kanya kaya naman pala kayang-kaya nitong magbayad sa akin ng ganoon kalaking halaga para sa isang ulo ng taong ipinapatay niya. At malamang ay siya rin ang lihim na nagbigay ng impormasyon kay Craig tungkol sa binabalak kong assassination kay Mrs. Madrigal noon. Kung hindi ko mapapatay si Madrigal ay mahuhuli naman ako ni Craig. Walang mawawala sa kanya kung nangyari iyon. Nahuhulaan ko rin na

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 78

    ShanraPabiling-biling ako sa ibabaw ng kama habang nakahiga. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Gustong-gusto ko nang makabalik muli sa Maynila para maumpisahan ko na ang aking paghihiganti.Kaninang madaling-araw ay nakabalik ako rito mula sa Maynila. Bumalik ako para hindi maisip ni Ninong na ako ang pumasok sa loob ng bahay niya. Sigurado naman kasi na matutuklasan niyang pinasok ang library niya lalo pa at may mahalagang bagay itong nawala. Ang blue book na kinuha ko bago ako umalis sa bahay niya. Nakita ko ang blue book na nakahanay sa ibang mga aklat nito. Naiiba ito sa mga aklat na naroon dahil ito lamang ang manipis at nakaipit ng mabuti sa dalawang makakapal na aklat kaya nakaagaw ng aking atensiyon. At nang hinugot ko at binuklat ang laman ay nagulat ako na isa pala itong blue book. At mas nagulat ako nang makita kong nakasulat doon ang mga pangalan ng lahat nang matataas na pangalan na may posisyon sa lipunan na siya palang bumubuo sa BAS. Iyong makagkasunod na p

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 77

    Pagkatapos ng nangyaring pagtangkang pagpatay sa akin sa loob ng rest house ay kinausap ko si Estong. Halatado sa kilos niya na kinakabahan siya kaya alam ko na may kinalaman siya sa pag-atake sa akin kaya naman pilit ko siyang pinaamin. Ngunit kahit anong pagpiga ang gawin ko sa kanya ay hindi niya sinabi sa akin kung sino ang may pakana ng lahat sa halip ay binigyan lamang niya ako ng clue. Mataas ang posisyon sa BAS ng taong may pakana ng lahat. Ito lang din daw kasi ang kanyang nalalaman.Nang malaman ko kay Estong ang tungkol sa bagay na ito ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Walang ibang nakakaalam kung nasaan ako kundi si Ninong maliban kung sinabihan niya si Mr. Jung kung nasaan ako at ang huli ang nag-utos para patayin ako. Ngunit impossible na si Mr. Jung ang nag-utos na ipapatay ako dahil alam niyang babalikan ko siya kapag malaman ko na siya ang may pakana ng lahat. At saka nagtatago siya sa akin ngayon dahil natatakot siyang bisitahin ko siya at tanungin tungkol sa n

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 76

    ShanraGaya ng nakasanayan kong gawin ay maaga akong gumising para mag-jogging sa dalampasigan. Nagkaroon na yata ako ng tinatawag na body clock kaya kahit hindi ako mag-alarm sa cellphone ko ay maaga pa rin akong nagigising. Isinaksak ko ang electric thermos at naghilamos habang hinihintay na kumulo ang tubig. Isang puting jogging pants at puting sweatshirt ang aking isinuot bago ako lumabas at nagtimpla ng gatas sa kusina. Quarter to six ay lumabas na ako at nagsimulang tumakbo sa dalampasigan.Apat na araw na ako rito sa Amara Beach Resort at aaminin ko na nage-enjoy ako sa pananatili ko rito. Mamula-mula na ang balat ko dahil madalas akong nagbibilad sa araw katulad ng ginagawa ng mga turistang nakikita ko palagi. Payapa ang aking isip at hindi ko hinahayaang makapasok sa aking isip ang mundong saglit kong iniwan. Ini-off ko ang cellphone ko at itinago sa aking bag para hindi ako matuksong silipin ito at kahit ang aking deadly needles ay iniwan ko sa bahay ko. Talagang katahimika

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status