Shanra
Napapikit ako at lihim na napamura nang marinig ko ang malakas na sinabi ng katabi kong lalaki. Holdaper pala ito. Hindi ko nahalata dahil nakatingin ako sa labas ng bintana nang may umupo sa tabi ko. Tapos hindi pa nga umiinit ang puwit niya sa upuan ay nagdeklara na agad ng holdap. Ang malas lamang niya dahil sa tabi ko pa pinili niyang maupo.Tinatamad akong magmaneho ng sasakyan kaya pinili kong mag-bus pauwi sa bahay ko. Kagagaling ko pa lamang sa BAS Headquarter dahil doon agad ako dumiretso pagkatapos kong matagumpay na na-accomplished ang aking misyon. Dumiretso agad ako sa headquarter ibalitang mission accomplish ang aking ginawa at para personal na tanggapin ang tseke na nagkakahalaga ng ilang milyones. At hawak ko pa ngayon ang tseke dahil tinatamad akong magpunta sa bangko na nasa ilalim din ng pamahahala ng BAS. Ang suwerte naman ng dalawang holdaper na ito sakaling makuha nila sa akin ito."Huwag ninyo kaming sasaktan. Ibibigay namin ang gusto ninyo," narinig ko na pakiusap ng isang babaeng buntis na nasa unahan ng kinauupuan ko.Isa-isang inilabas ng mga pasahero ang kanilang mga cellphone, wallet at alahas samantalang ako ay nanatiling nakaupo lamang sa aking upuan habang nakapikit ang mga mata. Hihintayin ko na lamang ang holdaper na kunin niya ang cellphone ko at pagkatapos ay saka ko siya tutusukin ng aking karayom na may pampatulog."Ikaw? Bakit hindi ka pa kumikilos? Gusto mo bang barilin kita?" narinig kong kausap sa akin ng lalaking holdaper.Doon ko na iminulat ang aking mga mata. Kunwari ay dinudukot ko ang aking cellphone sa bag ko. Nakita kong tumingin ang holdaper sa unahan ng bus dahil biglang nagkaroon ng komosyon sa unahan. Mukhang may taong malakas ang loob maliban sa akin ang kayang lumaban sa dalawang holdaper na ito. Sinamantala ko ang saglit na pagkawala ng atensiyon niya sa akin. Hinawakan ko ang pulsuhan ng kamay niyang nakahawak ng baril at pagkatapos at binaliti ko ng malakas. Napasigaw sa sakit ang holdaper ngunit hindi ko na siya hinayaan pang makabawi. Humiga ako sa upuan at malakas ko siyang sinipa sa harapan ng kanyang pagkalalaki at sinundan ko pa ng isang malakas na sipa sa kanyang sikmura. Napatili ang ilang pasahero nang matumba sa kanila ang holdaper. Agad akong tumayo sa pagkakahiga sa upuan at dinampot sa lapag ang nabitiwan niyang baril pagkatapos ay malakas na pinukpok ko siya sa kanyang bato gamit ang puluhan ng baril. Walang malay na bumagsak ito sa kandungan ng babaeng pasahero na lalong napatili ng malakas pagkatapos ay inalis nito ang holdaper sa kandungan nito at itinulak sa masikip na daanan ng mga tao sa gitna ng bus."Maraming salamat sa tulong mo, Miss," kausap sa akin ng tinig nang isang lalaki. Malamang ay siya ang nagpatumba sa isang holdaper na unang nagdeklara ng holdap.Hindi ako sumagot sa kanya sa halip ay hinarap ko siya. Muntik na akong mapanganga nang makita ko kung sino ang lalaking kumausap sa akin. Mabuti na lamang at mabilis kong naitago ang pagkagulat na lumarawan sa mukha ko."Shanra? Is it really you?" gulat din na tanong sa akin ng lalaking kumausap sa akin na walang iba kundi si Craig De Silva. Tiningnan ko lamang siya at pagkatapos ay muli akong naupo sa aking puwesto. Nilagyan muna nito ng posas ang mga kamay ng dalawang holdaper na parehong tulog bago siya tumabi sa bakanteng upuan sa tabi ko. "How are you, Shanra? It's been a long time since the last time I saw you. I'm sorry about what happened to your family back then.""Okay lang ako. Matagal na 'yon kaya kinalimutan ko na," malamig ang boses na sagot ko sa kanya pagkatapos ay itinuon ko ang aking mga paningin sa labas."Sir, pulis po ba kayo? Maraming salamat sa ginawa ninyong pagtulong sa amin. Kung hindi dahil sa inyo ay baka na-holdap na kami ng mga holdaper na iyan," kausap ng isang ginang kay Craig kaya saglit na nawala ang atensiyon niya sa akin"Yes. I am a police. I'm Captain Craig De Silva. At tungkulin naming mga pulis na protektahan ang mga mamamayan na katulad ninyo sa mga taong katulad naman ng dalawang holdaper na iyan," sagot ni Craig sa ginang.So, isa na pala siyang pulis. Magkaaway pala kami kaya dapat ko siyang iwasan."Oo nga po, Sir. Ang galing ninyo pati na rin ang kasama mong babae. Pulis din ba siya?" tanong naman ng isang lalaki kay Craig pagkatapos ay tiningnan ako."No. I'm not. I'm just a self-defense instructor," mabilis kong sagot sa lalaking nagtanong."Shanra, can I get—""Excuse me, bababa na ako," putol ko sa sasabihin niya sa akin. Kahit hindi pa ito ang bababaan ko ay pinili ko na lamang bumaba para maiwasan ko ang mga tanong ni Craig. Nang huminto ang bus dahil hindi lamang ako ang bababa ay tumayo si Craig para padaanin ako. "I gotta go," sabi ko sa kanya. Mabilis ko na siyang tinalikuran at hindi ko na hinintay ang kanyang sagot.Pagkababa ko ng bus ay nakita ko si Craig na nakatingin sa akin habang papaalis ang bus. Alam ko na marami siyang nais na itanong sa akin kaya ako bumaba na agad. Hindi ko alam kung ano ang mga isasagot ko sa kanya sa oras na magtanong siya sa akin about my personal life. Alangan namang sabihin ko sa kanya na isa na akong assassin ngayon at ako si Silent Assassin na hinahanap ng mga pulis. Siguradong bibitbitin niya ako papungang kulungan kapag nalaman niya ang sekreto kung ito. At isa pa ay hindi na ako ang dating si Shanra na sa tuwing nakikita siya ay ngumingito agad sa kanya at nakikipagkamustahan kahit na halos araw-araw naman kaming nagkikita sa school. Iba na ako ngayon. Kaya mas mabuting iwasan ko na lamang siya para less complication.HINDI ko na napigilan ang pagsimangot habang nakatayong mag-isa sa tabi ng mesang kinalalagyan ng mga alak. Kumuha ako ng isang basong may laman na alak at sinimsim ng mabagal. Kanina pa ako bored sa party na pinuntahan namin ni Ninong Eddie. Isang fund-raising party. Ang malilikom na pera ay ido-donate sa Bahay-Kalinga. Isang non-government organization na kumakalinga sa mga matatanda na pinabayaan na ng kanilang mga anak. Isa si Ninong Eddie sa promoter ng nasabing event kaya ito naroon at isinama naman ako dahil wala raw itong puwedeng maisama sa party. Napilitan akong sumama sa kanya dahil hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ko siya pinagbibigyan sa kanyang kahilingan na samahan ko sa party. And finally, he won. That's why I'm here and bored to death. Pinagsisihan ko tuloy na napilit niya akong sumama sa kanya.Dahil kanina ko pa gustong umuwi ay nagpasya akong umalis na lamang. Magsi-send na lamang ako ng text kay Ninong Eddie na nauna na akong umuwi sa kanya. Hindi na siya makakatutol dahil wala na ako rito. Inilapag ko sa mesa ang hawak kong wine glass. Pagharap ko para umalis ay bigla na lamang may bumangga sa akin na isang babaeng maganda na kasing-tangkad ko lamang."Bakit hindi ka nag-iingat? Tanga ka ba? Hindi ka ba marunong tumingin sa nilalakaran mo?" galit na sita sa akin ng babae sabay pagpag sa damit nito na tila ba may dumi na kumapit sa damit nito nang mapadikit sa akin. Wala sana akong balak na patulan siya kung hindi lamang niya ako tinawag na "tanga"."Miss, sino ba sa atin ang naglalakad? Ikaw o ako? Kaya sinong tanga sa ating dalawa?" nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya. Huwag niya akong kakantiin at baka mapagtripan ko siya ganitong bored ako."How dare you talk back to me!" biglang nanlisik ang mga matang sighal niya sa akin. "Hindi mo ba ako kilala?"Nakataas pa rin ang kilay na sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay nang-iknis na umiling ako sa kanya. Ang totoo ay kilala ko siya. The woman in front of me is none other than the famous actress Veron D'Vila. Sikat ito hindi lamang dahil magaling itong umarte kundi dahil na rin sa balitang hindi maganda ang ugali nito kapag walang camerang nakatutok sa kanya. At ngayon ko napatunayan na totoo ang mga balitang iyon at hindi paninira lamang."Then who are you?" nang-iinis pa rin na tanong ko sa kanya. Kitang-kita ko ang pangdilim ng kanyang mukha at panlilisik lalo ng kanyang mga mata na tila nainsulto dahil hindi ko siya kilala. Napailing na lamang ako pagkatapos ay walang salitang tinalikuran ko siya para tuluyang umalis sa party. Ngunit nakakadalawang hakbang pa lamang ako nang maramdaman ko ang kamay niya na humila sa aking mahabang buhok."Where are you going, Bitch? Hindi pa tayo tapos mag-usap. Sa tingin mo ay hahayaan kitang umalis?" galit na sabi niya sa akin habang hinihila ang buhok ko.Naitikom ko ng mahigpit ang aking mga labi dahil sa naramdaman kong sakit sa aking anit. Nagbilang ako ng hanggang tatlo pagkatapos ay bigla kong hinawakan ang kamay niyang humihila sa buhok ko at pagkatapos ay binaliti ko ng malakas. Napatili siya ng malakas kasabay pagbitaw ng pagkakahawak niya sa buhok ko."Next time you pulled someone's hair make sure that person has no ability to fights with you," mariing sabi ko sa kanya pagkatapos ay pabigla ko siyang binitiwan. At kung hindi lamang maagap ang taong nakasalo sa kanya ay siguradong sa sahig siya pupulutin ng lalaking tumulong sa kanya na walang iba kundi si Craig."Craig, help me. She hurts me. Gusto ko lang naman siyang mag-sorry sa akin dahil nabangga niya ako," umiiyak na sumbong ni Veron kay Craig na nakatitig sa akin."Nice acting," komento ko nang makita ko ang ginawa niyang pag-arte sa harap ni Craig. "Here's your knight in shinning armour. So, bye for now."Akmang tatalikod na ako para iwanan sila ngunit hindi natuloy dahil bigla na lamang hinawakan ni Craig ang aking isang kamay at hinila niya ako palapit sa kanya. Hindi ako nakagalaw nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. It's been a long time since the last time someone hugs me with care. Hindi ko inaasahan ang kakaibang pakiramdam na naramdaman ko kaya hindi ako makakilos."Puwede bang huwag mo na ulit akong basta na lamang iwanan, Shanra? Gusto kong malaman ang mga nangyari sa'yo for these past few years. Gusto kong malaman ang address ng bahay mo, kung saan ka nagtatrabaho at kung single ka pa ba?" sabi ni Craig habang nakayakap siya sa akin ng mahigpit."Craig! What the heck are you doing? Why are you hugging that woman?" tili ni Veron nang makita na sa halip na kampihan siya ay niyakap lamang ako ni Craig ng mahigpit.Tila naman nagising ako sa saglit na pagkatulala nang marinig ko ang tili ni Veron. Agad akong kumawala sa pagkakayakap niya sa akin."Don't hug another woman in front of your girlfriend," inis kong sabi sa kanya. May girlfriend na nga siya pero may guts pa rin siyang mangyakap ng ibang babae."She's not my girlfriend," mabilis na sagot ni Craig. Nakikiusap ang mukha nito na sana ay kausapin ko siya ng matagal at huwag iwasan. Ngunit hindi puwede. Hindi puwedeng makipaglapit ako sa kanya."She's not your girlfriend?" tanong ko kay Craig pagkatapos ay tinapunan ko ng tingin si Veron na halos patayin na ako sa sobrang talim ng pagkakatingin niya sa akin. "But I bet that she wants to be your girlfriend. Sorry, but I have to go," dugtong ko nang ibalik ko sa kanya ang aking paningin. Hindi ko na hinintay na magsalita pa siyang muli at mabilis ko na siyang tinalikuran. For the second time, I walk out on him.Shanra"Good afternoon, Ma'am," bati sa akin ng guard pagpasok ko sa BAS buidling. Ninong Eddie called me again. I guess, he will give me another mission. Pabor iyan sa akin. This will be my fifth mission. And I only need five people to assassinates so I could finally speaks with the BAS leader. Gustong-gusto ko nang makausap ang pinaka-head ng BAS para makapaghiganti na ako sa mga taong pumatay sa pamilya ko. At kapag nabigyan ko na ng justice ang kanilang pagkamatay ay magre-resign na ako bilang assassin at maninirahan na lamang sa malayong probinsiya."Good afternoon," tugon ko sa kanya pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na akong umakyat sa office ng BAS. Pasalamat ako na hindi ko nakasalubong si Henry. May mission kasi ito kaya wala dito ngayon.Akmang kakatok na ako sa pintuan ng office ni Ninong Eddie nang biglang may nagsalita sa likuran ko na walang iba kundi si Ninong pala na mula sa labas ng opisina nito."Come in, Shanra," sabi niya sa akin. Pinauna ko muna siyang makapasok sa lo
ShanraHindi ko mapigilang mapa-ismid habang pinapanuod si Alejandro Alegri na maganda ang pagkakangiti at tuwang-tuwa habang kalaro ang mga sa loob ng bahay ampunan. Masayang-masaya siya hindi dahil kalaro niya ang mga bata kundi dahil marami na naman siyang maki-kidnap na mga bata.Pangatlong araw ko sa pagsubaybay sa taong ito ngunit hindi ako makahanap ng chance para patayin siya. Lagi kasing mga bata ang kasama niya kaya kung lalapit ako para maturukan siya ng aking karayom na may lason ay mahahalata ng mga bodyguard niya ang kilos ko. Hindi pa man ako nakakalapit kay Alegri ay maaalerto ko na ang mga guard niya. Ngunit hindi ako naniniwala na sa araw-araw na pagsunod-sunod ko sa kanya ay hindi ako makakahanap ng chance to assassinate him. Pagkatapos makipaglaro ni Alegri sa mga bata ay lumapit siya sa isang babae na nakatingin sa kanila at sa tingin ko ay isa sa mga head ng orphanage ang babae. Inabutan ito ni Alegri ng isang sobre na sigurado akong pera ang laman. Nagbibigay k
ShanraIbinaba ko ang hanggang sa tungki ng aking ilong ang suot kong salamin. Mula sa kinalalagyan ko ay tanaw na tanaw ko ang ginagawang pakikipaglaro ni Alejandro Alegri sa mga batang squatters na nakapalibot dito. Nakangiti ito at mukhang tuwang-tuwa sa mga bata ngunit alam ko na sa loob nito ay nandidiri ito sa mga kaharap na bata. Mukhang sa mga batang squatters nito binabalak na mangidnap ng bata.Umalis ako mula sa pagkakasandal sa aking hubby. Ang tinutukoy kong "hubby" ay ang aking motorsiklo na ipinarada ko lamang sa tapat ng park kung saan naroon si Alejandro Alegri at nagpapakain ng mga batang squatters. Maganda sana ang ginagawa nito kung wala lamang itong masamang agenda sa mga bata. Ang mga katulad nitong nagpapanggap na mabait na tao ngunit isa palang demonyo ay dapat lamang na mawala sa lipunan.Nang makita ko na nakikipagkamay sa mga nanay ng mga batang naroroon si Alegri ay mabilis akong tumawid sa kalsada at lumapit sa likuran ng isang nanay na nakangiti habang n
Shanra"Congratulations, Shanra! Kahit kailan ay hindi mo ako binigo."Papasok pa lamang ako sa loob ng opisina ni Ninong Eddie ay agad na niya akong sinalubong ng malakas na pagbati. Hindi ako ngumiti o nagpakita ng pagkatuwa dahil wala namang dapat ikatuwa sa ginawa ko. Although all the people that I killed deserves to die I'm still a killer. Isang killer na pinaghahahanap ng mga alagad ng batas lalong-lalo na ni Craig De Silva."I just did my job, Ninong. Amd you know na may kapalit ang mga ginagawa ko," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya bago ako naupo sa upuan na laging kong inuupuan kapag pumapasok ako sa loob ng opisina niya."I never forget that, Shanra," sagot ng ninong ko na biglang naglaho ang magandang ngiti sa mga labi. Para bang hindi niya nagustuhan na madalas kong ipinaaalala sa kanya ang dahilan kung bakit ako pumapatay. Kung bakit ako naging isang assassin. "Anyway, here's your payment."Iniabot ko ang tseke na may nakasulat na malaking halaga without checking if
CraigMag-isa akong umiinom ng alak sa loob ng bar para kahit paano ay makalimutan ko si Shanra. I was hurt the she treated me. Parang hindi niya ako kilala. I'm sure naman na kilala niya ako dahil ilang beses din naman kaming nakapag-usap noon bago ito biglang naglaho pagkatapos ng trahedyang sinapit ng pamilya nito. Nalungkot ako noon nang hindi ko na siya makita at umasa na lamang ako na balang-araw ay magtatagpong muli ang mga landas namin. At ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi ko na siya hahayaang lumayo sa oras na magkita kaming muli. Na sasabihin ko na sa kanya ang damdamin ko na dapat ay noon ko pa sinabi sa kanya. May wish granted because I really met her again. Ngunit ibang-iba na siya. Pero kahit nag-iba na siya ng ugali my feelings for her didn't change. At natuklasan ko ngayon na sa halip na mawala ang nararamdaman ko sa kanya dahil ilang taon din kaming hindi nagkita ay mas lalo lamang lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. And I know that what I'm feelin
ShanraNapamura ako ng mahina nang magising ako na nasa loob ng ibang kuwarto at hindi na ako magtatanong kung kaninong kuwarto ang kinaroroonan ko dahil naroon si Craig masarap ang tulog habang katabi ako sa higaan. Maingat akong bumaba sa kama para hindi siya magising. Kapag magising siya ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis ako sa ibaba ng kama at hindi siya nagising. Agad kong kinuha ang aking shoulder bag na nakalapag sa maliit na mesa na nasa gilid ng kama pati na rin ang sapatos ko na nasa ibaba ng kama. Maingat ako akong lumabas sa kuwarto para hindi siya magising. Paglabas ko sa kuwarto niya ay saka ko natuklasan na nasa isang condo unit pala kami na malamang ay condo unit ni Craig. Agad kong isinuot ang aking sapatos at nagmamadaling bumaba sa condo. Sumakay na lamang ako ng taxi at nagpahatid sa bar na pinuntahan ko kagabi. Naroon kasi ang kotse ko dahil sa kotse ni Craig ako sumakay.Mabuti na lamang at may bantay sa p
ShanraI am bored inside my room so I decided to walk around inside a mall to erase my boredom. Ilang araw na akong nagkukulong sa kuwarto ko at walang ginawa kundi ang matulog. Wala pa akong bagong misyon kaya hindi pa ako nagpupunta sa headquarter ng BAS. Wala nang pasok ang school kung saan ako nagtuturo self-defense sa mga bata because they are having a field trip. Sa Friday pa ulit ang pasok ko. Isang simpleng white sleeveless dress na may mga silver beads na nakakalat sa may bandang dibdib ang aking suot. Umabot lamang sa aking mga tuhod ang suot kong dress kaya na-exposed ang mga binti kong mapuputi at maganda ang hugis pagkatapos ay sumakay na ako sa kotse ko para magpunta sa mall. I always wore long pants kaya mas madalas ay nakatago ang binti ko. Dahil sa klase ng trabaho ko ay mas maraming pa akong long pants kaysa sa mga formal dress. I think I should buy some dress para kapag kailangan kong magpanggap sa kahit anong role ay hindi na ako nagmamadali pang maghanap ng maisu
ShanraPagkatapos naming kumain sa restaurant ay agad na akong nagpaalam kay Craig at Gino. Pakiramdam ko ay hindi bumaba sa tiyan ko ang kinain ko. Konti nga lang ang nakain ko dahil hindi ko malunok ang kinain ko sa sobrang talas ng tingin sa akin ni Craig. Maingay ang mesa namin dahil sa malalakas na bagsak nito ng kutsara sa pinggan. Tila wala naman itong pakialam kung pagtinginan man ito ng ibang mga kumakain dahil sa ingay na nililikha nito. Kaya nang matapos na akong kumain ay agad akong nagpaalam sa kanilang dalawa. Hindi ako nagpaka-plastik kaya hindi na ako nagpaalam kay Veron na halatadong natuwa nang magpaalam ako.Hindi pa ako nakakalapit sa aking kotse ay pinindot ko na ang unlocked button ng remote nang kotse ko para mabuksan agad. Eksaktong kauupo ko pa lamang sa driver's seat nang bigla na lamang may bumukas sa pintuan ng kotse ko. Nabigla ako nang makita kong si Craig pala ang pumasok at agad na hinawakan ang magkabila kong mga kamay at itinaas sa aking ulo habang na
Shanra PovLabis-labis ang pag-aalalang nararamdamn ko para sa kaligtasan ng anak ko. Iniisip ko kung kumain na ba siya ngayon. Kung saan siya ngayon natutulog. Tiyak na takot na takot siya ngayon dahil hindi niya kilala ang mga kasama niya.Nang pagbalikan ako ng malay-tao ay agad kong inusisa ang aming driver at yaya ng anak namin kong paano nakidnap ng mga taong iyon ang anak namin. At ayon sa kuwento nila ay paliko na sa may kanto ang kotse nila nang biglang may tumawid na binatilyo. Akala ni Zaldy nasagasaan niya ang binatilyo kaya bumaba ito para sana dalhin sa ospital ang binatilyo. Ngunit pagbaba rw ni Zaldy ay nagulat na lamang ito nang my dalawang lalaking lumapit sa kanya at pinalo ito ng baril sa ulo ng dalawang beses kaya ito my sugat. Nang kukunin na raw ng mga lalaki ang anak ko y pilit daw nakipagbuno si Mia kaya pinalo rin ito ng baril sa ulo ng kidnaper. Pareho silang nawalan ng malay kaya nakuha sa kanila si Raiggen."Sa tingin mo ay may kinalaman sa trabaho mo kung
Shanra PovNakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Larawan ako ng isang babae na masayang-masaya at kontento na sa buhay.Kahit 5 years na ang nakalilipas magmula nang mag-wakas ng BAS at ikinasal kami ni Craig ay hanggang ngayon hindi pa rin ako halos na makapaniwala sa magandang nangyari sa buhay ko. Nagkaroon kami ni Craig ng isang napaka-bibong baby boy na pinangalanan kong Raiggen. At walang araw na hindi ipinadama sa akin ng aking asawa ang walang katapusan niyang pagmamahal.Ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko noon ay pinunan ng saya nina Craig at Raiggen. Kung hindi sila dumating sa buhay ko ay tiyak na nananatiling nasa madilim kung mundo pa rin ako hanggang ngayon."Huwag mo nang titigan ang sarili mo at baka ma-in love ka pa sa mukha mo."Mula sa aking likuran ay niyakap ako ni Craig. Tinaniman niya ng mumunting halik ang aking leeg. Bahagya akong napakislot nang makiliti ako sa kanyang balbas na ilang araw na sigurong hindi inaahit.Kauuwi pa la
Craig's POVMabigat ang aking pakiramdam na bumangon ako sa hospital bed na kinahihigaan ko. Natamaan kasi ako ng lumilipad na bahagi ng building kaya ako na-ospital at may nakapalibot na benda sa itaas ng aking ulo. Nasa labas na kasi kami ng building at ipinapasok sa loob ng police car ang mga sumukong tauhan ng foreign drug lord at ibang mga BAS assassin. Napatay ko ang foreign drug lord kaya sumuko ang mga tauhan nito at pati na rin ang mga natitirang buhay na mga BAS assassin. At pabalik na sana ako sa loob para hanapin si Shanra ngunit bigla namang sumabog ang building at tinamaan ako sa ulo ng lumilipad na bahagi ng building na nabaklas. Hinimatay ako at dito na sa loob ng ospital ako nagising. At si Shanra ang kaagad na unang pumasok sa aking isip nang pagbalikan ako ng aking malay. "Sir, bakit bumangon kayo? Baka bumuka ang sugat mo sa ulo," nag-aalalang wika ni Denver nang madatnan niya akong nakaupo na sa ibabae ng kama."Si Shanra? Nasaan siya?" agad kong tanong sa kanya
Shanra PovSa gitna ng palitan ng mga putok sa pagitan ng mga pulis at mga kasamahan kong BAS assassin at pati na rin ang mga tauhan ng foreign drug lord ay nakakita ng pagkakataong tumakas si Ninong dala ang isang attaché case na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Nang makita ko siyang tumalilis ay agad ko siyang sinundan. Siguro ay may secret door ang lugar na ito na puwede niyang daanan para makatakas. Ngunit hindi ko siya hahayaang makatakas. Dahil ito na ang oras ng pagtutuos namin."Ninong Eddie!" malakas kong sigaw sa pangalan niya. Bigla naman itong napahinto nang marinig ang aking boses. Huminto ako ilang metro ang layo mula sa kanya."Shanra. Hindi ko akalain na kaya mo akong pagtaksilan," galit na sigaw nito matapos akong lingunin."Ako rin, Ninong. Hindi ko rin akalain na ikaw pala ang mastermind sa ilang beses na pagtatangka sa buhay ko. At mas lalong hindi ko inakala na ikaw ang nag-utos para ipapatay ang aking buong pamilya!" ganting sigaw ko sa kanya. Sa wakas ay n
Shanra"Tandaan ninyong lahat. Mahalaga at malaki ang deal na magaganap na ito kaya hindi tayo dapat na pumalpak. At huwag kayong mag-alala dahil kapag naging successful ang deal na ito ay magkakaroon kayong lahat ng napakalaking bonus," kausap sa amin ni Ninong habang naghahanda kaming lahat para sa magaganap na drug deal ng BAS na pinamumunuan ni Ninong. Magmula nang ipinapatay ni Ninong ang ilang big boss ng BAS na kontra sa kagustuhan nito ay biglang nag-iba na ng tuluyan ang operasyon ng BAS. Lumabas na ang tunay na kulay at pagiging ganid niya. Hantaran na sa BAS ang pakikipag-deal nito sa mga malalaking foreign drug lord na pumapasok sa bansa. Ngayon nga ay makikipag-deal kami sa pinaka-notorious na drug lord na nanggaling pa sa Europe. At ang venue ay ang prostitute house dati ni Mrs. Madrigal na ngayon ay si Ninong na ang may hawak.Lahat ng BAS assassin ay hindi tutol sa ginawang pagbabago ni Ninong sa BAS maliban sa aming tatlo nina Tom at Denver. Ngunit katulad ko ay wal
ShanraPagkatapos ng ilang araw kong pag-iimbestiga ay nalaman ko rin kung bakit ipinapatay ni Ninong sa akin mga taong in-assassinate ko. Napag-alaman ko na siya na pala ang humahawak sa negosyo ng mga pinatay ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ngunit siya na ang bagong may-ari ng five star hotel na dati ay pag-aari ni James Mondragon, ang bahay-aliwan na dati ay pagmamay-ari ni Mrs. Madrigal, kung dati ang drug lord ay si Danding Acebedo ngayon naman ay si Ninong. At hindi na rin ako magtataka kung involved din siya sa illegal human organ trafficking. Sobrang laki ng pera na pumapasok sa kanya kaya naman pala kayang-kaya nitong magbayad sa akin ng ganoon kalaking halaga para sa isang ulo ng taong ipinapatay niya. At malamang ay siya rin ang lihim na nagbigay ng impormasyon kay Craig tungkol sa binabalak kong assassination kay Mrs. Madrigal noon. Kung hindi ko mapapatay si Madrigal ay mahuhuli naman ako ni Craig. Walang mawawala sa kanya kung nangyari iyon. Nahuhulaan ko rin na
ShanraPabiling-biling ako sa ibabaw ng kama habang nakahiga. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Gustong-gusto ko nang makabalik muli sa Maynila para maumpisahan ko na ang aking paghihiganti.Kaninang madaling-araw ay nakabalik ako rito mula sa Maynila. Bumalik ako para hindi maisip ni Ninong na ako ang pumasok sa loob ng bahay niya. Sigurado naman kasi na matutuklasan niyang pinasok ang library niya lalo pa at may mahalagang bagay itong nawala. Ang blue book na kinuha ko bago ako umalis sa bahay niya. Nakita ko ang blue book na nakahanay sa ibang mga aklat nito. Naiiba ito sa mga aklat na naroon dahil ito lamang ang manipis at nakaipit ng mabuti sa dalawang makakapal na aklat kaya nakaagaw ng aking atensiyon. At nang hinugot ko at binuklat ang laman ay nagulat ako na isa pala itong blue book. At mas nagulat ako nang makita kong nakasulat doon ang mga pangalan ng lahat nang matataas na pangalan na may posisyon sa lipunan na siya palang bumubuo sa BAS. Iyong makagkasunod na p
Pagkatapos ng nangyaring pagtangkang pagpatay sa akin sa loob ng rest house ay kinausap ko si Estong. Halatado sa kilos niya na kinakabahan siya kaya alam ko na may kinalaman siya sa pag-atake sa akin kaya naman pilit ko siyang pinaamin. Ngunit kahit anong pagpiga ang gawin ko sa kanya ay hindi niya sinabi sa akin kung sino ang may pakana ng lahat sa halip ay binigyan lamang niya ako ng clue. Mataas ang posisyon sa BAS ng taong may pakana ng lahat. Ito lang din daw kasi ang kanyang nalalaman.Nang malaman ko kay Estong ang tungkol sa bagay na ito ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Walang ibang nakakaalam kung nasaan ako kundi si Ninong maliban kung sinabihan niya si Mr. Jung kung nasaan ako at ang huli ang nag-utos para patayin ako. Ngunit impossible na si Mr. Jung ang nag-utos na ipapatay ako dahil alam niyang babalikan ko siya kapag malaman ko na siya ang may pakana ng lahat. At saka nagtatago siya sa akin ngayon dahil natatakot siyang bisitahin ko siya at tanungin tungkol sa n
ShanraGaya ng nakasanayan kong gawin ay maaga akong gumising para mag-jogging sa dalampasigan. Nagkaroon na yata ako ng tinatawag na body clock kaya kahit hindi ako mag-alarm sa cellphone ko ay maaga pa rin akong nagigising. Isinaksak ko ang electric thermos at naghilamos habang hinihintay na kumulo ang tubig. Isang puting jogging pants at puting sweatshirt ang aking isinuot bago ako lumabas at nagtimpla ng gatas sa kusina. Quarter to six ay lumabas na ako at nagsimulang tumakbo sa dalampasigan.Apat na araw na ako rito sa Amara Beach Resort at aaminin ko na nage-enjoy ako sa pananatili ko rito. Mamula-mula na ang balat ko dahil madalas akong nagbibilad sa araw katulad ng ginagawa ng mga turistang nakikita ko palagi. Payapa ang aking isip at hindi ko hinahayaang makapasok sa aking isip ang mundong saglit kong iniwan. Ini-off ko ang cellphone ko at itinago sa aking bag para hindi ako matuksong silipin ito at kahit ang aking deadly needles ay iniwan ko sa bahay ko. Talagang katahimika