Share

Chapter 5

Author: Daylan
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Shanra

Ilang araw ko rin minatyagan at inalam ko ang routine ni James Mondragon. Sa ilang na pagbuntont ko sa kanya ng palihim ay natuklasan ko kung saan siya mas naglalagi. Sa Grand Hotel na siyang pinakamalaki sa tatlong fove star hotel na pag-aari niya siya madalas naglalagi. Doon din siya natutulog. Sa umaga ay nagjo-jogging siya kasama ang kanyang mga bodyguard. Tapos pupunta sa coffee shop na nasa ibaba ng hotel niya at doon siya nagkakape. Pagkatapos ay maglilibot na siya sa kanyang dalawang hotel. Ewan kung ano ang ginagawa niya dahil hindi ko na siya sinusundan pa sa loob ng hotel niya. Sa labas lamang ako matiyagang naghihintay sa paglabas niya. Pagkatapos niyang mapuntahan ang dalawa niyang hotel ay babalik na siya sa Grand Hotel at doon na mananatili. Napaka-simple ng routine niya. Siguro sa Grand Hotel din niya ginagawa ang panggagahasa niya sa kanyang mga nagiging biktima.

Madali lamang akong nakapasok sa isa sa mga hotel na pag-ari niya gamit ang aking mga pekeng ID. Alam kong maraming CCTV camera sa paligid kaya kinausap ko si Denver. Miyembro rin ng BAS at magaling mang-hack ng system. Hindi ko siya kaaway sa BAS ngunit hindi ko rin siya kakampi. Dahil katulad ko ay tila may sarili rin siyang mundo. At ewan kung isa ba siya sa mga naiinggit sa akin tuwing makakakuha ako ng mission. Hindi naman kasi siya nagpapasaring sa akin katulad ni Henry at ng iba pang miyembro ng BAS. Tanging tango lamang ang batian namin kapag magkakasalubong kami sa daan ngunit kapag kailangan ko siyang kausapin ay sumasagot naman siya. Magiling siyang mag-hack ng system kaya pinakiusapan ko siyang i-hack ang system ng Grand Hotel at huwag paganhin ang mga CCTV kung saan ako dadaan. Pumayag naman ito ng walang hinihiling na kapalit. 

"Clear," boses ni Denver mula sa kabilang linya.

Ang ibig niyang sabihin na "clear" ay na-hack na niya ang system ng Grand Hotel at hindi na gumagana ang mga CCTV na madadaanan ko.

"Thanks. I owe you this one," mahina kong kausap sa kanya. Nakakapag-usap kami through my earing. Ang aking kaliwang hikaw ay isang high-tech na microphone kaya hindi ko na kailangan pang humawak ng cellphone para makipag-usap sa kanya. This is a very safe way of contacting the other assassins especially when the mission is not a sole mission but a group.

"Don't mention it. Maybe someday I will also need your help," sagot nito bago bigla na lamang nawala sa linya. 

Alam kong wala na siya kaya hindi na ako nagsalita pa. Hindi naman ako na-offend na basta na lamang niyang ini-off ang microphone nang hindi nagpapaalam. Alam kong ganyan ang ugali niya. Same as me. Aloof and sometimes rude. But it's okay with me. As long as he did a great job in ruining the CCTV, it doesn't matter to me whether he is rude to me or not.

Sumabay ako sa grupo ng kababaihang sumakay sa elevator. Nakasuot ang mga ito ng puting damit na tila siyang uniform nila dahil pare-pareho naman sila ng suot.

"Excited akong mag-trabaho sa hotel na ito. Kahit mga cleaning ladies lang tayo ay okay lang. At least, nakapasoj at nakapagtrabaho tayo s aganitong klaseng hotel," narinig komento ng isang babaeng kasama sa grupo.

"Oo nga. At balita ko ay mataas magpasahod ang may-ari ng hotel na ito kaya galingan natin ang paglilinis para taasan agad tayo ng sahod," sabi naman ng isa.

Lihim akong napangiti nang biglang may ideya akong naisip kung paano ako makakapasok sa kuwarto ng target ko nang hindi agad nalalaman na balak ko siyang patayin. Mukhang tinutulungan ako ng tadhana na maalis ang isa sa mga salot ng lipunan.

"Pero totoo kayang rapist ang may-ari ng hotel na ito?" nag-aalalang tanong naman ng magandang cleaning lady. "Tingnan ninyo. Puro tayo mga magaganda at mga bata pa. Hindi kaya totoo ang balita tungkol sa kanya?" dugtong pa nito na hindi mawala-wala sa mukha ang pag-aalala.

Huwag kang mag-alala, Miss. Dahil kahit isa sa inyo ay hindi niya masisilayan ang mukha, sagot ko sa babaeng nagsalita ngunit sa isip ko lamang. Nakayuko lamang ako at kunwari ay hindi ko pansin at dinig ang kanilang mga pinag-uusapan.

"Ano ka ba, Jessa. Huwag kang ngang maniniwala sa mga tsismis na iyan. Mabait si Mr. James Mondragon kaya niya tayo personal na pinili para maging cleaning ladies ng hotel niya," kontra naman ng kasamahan nito.

Natigil ang mga babae sa pag-uusap nang bumukas ang elevator at lumabas silang lahat. Pa-simpleng lumabas din ako at nag-abang ng isang cleaning lady na unang lalabas sa kuwartong pinasukan nila na malamang siyang quarters nila. Mukhang galante ang rapist na ito. Dahilang tirahan ng mga cleaning ladies nito ay nasa loob mismo ng hotel at isa sa mga kuwarto. Siguro malaki ang loob ng kuwarto dahil maraming cleaning ladies ang nakatira sa loob. 

Nang makita ko ang cleaning lady na tinawag na Jessa ay agad ko siyang sinundan. At nang makakuha ako ng pagkakataon ay isinagawa ko ang aking balak.

"Miss, excuse me," tawag ko sa kanya. Pinalaki ko ang boses ko para hindi niya mahalata sa aking tinig na isa akong babae. Akmang lilingon na siya nang bigla kong itinurok sa batok niya ang aking karayom na may pampatulog. 

Bago bumagsak sa sahig ang babae ay sinalo ko na siya at pagkatapos ay hinila patungo sa loob ng kuwarto. Mabuti na lamang at walang umuukopa sa kuwarto na pinagdalhan ko sa kanya dahil kung nagkataong may tao ay madadagdagan ang aking papatulugin.

Itinago ko ang walang malay na katawan ng babae sa ilalim ng kama matapos kong hubarin ang suot niyang uniform ng mga cleaning ladies. Tiyak na masa-shock siya mamaya paggising niya na nasa ilalim siya ng kama at walang ibang suot kundi ang kanyang under wear lamang. Matagal pa siyang magigising at kapag magising man siya ay siguradong tapos na ako sa aking misyon.

Mabilis ang kilos na hinubad ko ang damit ko at ipinasok sa dala kong itim na bag pagkatapos ay isinuot ko ang unifor ni Jessa. Mas matangkad ako sa kanya kaya umabot lamang sa kalahati ng aking hita ang palda kaya mas na-exposed ang aking mapuputing hita. Pabor ito sa akin para mas lalong hindi mapansin ni James Mondragon ang aking binabalak sa kanya. 

Nang makuntento na ako sa aking ayos ay agad na akong lumabas sa silid na pinagtaguan ko sa katawan ng babae. Mabilis at sigurado ang kilos na sumakay ako sa elevator para tunguhin ang kuwarto ni ng aking target na nasa pinakaitaas ng hotel. Nang makarating na ako sa tapat ng kuwarto ni James ay huminga ako ng malalim at mas hinila ko pa paitaas ang aking palda para mas lalong ma-distract ito kapag nakita ang mahaba at mapuputi kong legs. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko narinig ang boses nito na nagsasabing pumasok na ako sa loob.

Pagpasok ko sa loob ng kuwarto niya ay nakita ko siyang nakahiga sa ibabaw ng kama at walang suot na pang-itaas na damit. Napaismid ako ng lihim nang makita ko ang bigla niyang pagbangon sa pagkakahiga sa kama nang makita niya ako at tila aso na biglang natakam nang makakita ng masarap na buto na puwedeng lapain.

"Sir, maglilinis lang po ako ng kuwarto mo," matamis ang pagkakangiting sabi ko sa kanya. Sinadya ko talagang tamisan ang aking ngiti na tila nang-aakit para mas lalo lamang siyang mahulog sa aking patibog.

"Sure, sure," mabilis nitong sagot. Hindi man lang itinago sa akin ang ginawa niyang pagtitig sa aking mga legs at ang maingay na paglunok niya ng kanyang laway.

Una, kong nilinisan ng kanyang malaking tv na nakaharap sa kama niya. Sinadya kong tumuwad ng bahagya para mas lalo lamang siyang takamin. At hindi ako nagkamali sa aking ginawa. Dahil mula sa sulok ng aking mga mata ay nakikita ko ang biglang pagbukol ng kanyang harapan na tila gusto nang sumugod sa laban. Sunod kong nilapitan ang lamp shade na nakapatong sa maliit na mesa at nasa tabi mismo ng kama niya. Kunwari ay hindi ko pansin ang ginagawa niyang pagtitig sa aking mga legs. At nang tila hindi na siya nakatiis ay bigla niya akong hinawakan ng mahigpit sa aking braso at hinila papunta sa ibabaw ng kama niya.

"Sir, ano ang ginagawa mo?" kunwari ay takot kong tanong sa kanya.

"Ang ganda mo, Miss. Ang suwerte ko naman at ikaw ang natokang maglinis sa aking kuwarto," nakangising sabi niya sa akin bago mabilis niya akong kinubawbawan at sinibasib ng halik ang aking leeg.

Nandidiri ako sa kanyang halik kaya gusto ko na siyang patayin agad ngunit hindi ako makagalaw dahil maliban sa mabigat ang katawan niyang nakapatong sa ibabaw ng aking katawan ay mahigpit pa niyang hawak ang dalawa kong mga kamay. Hindi ko siya magagawang tusukin ng aking karayom kung hawak niya ang aking dalawang kamay kaya nagkunwari akong gusto ko ang ginagawa niya.

"Sir, hindi ninyo naman ako kailangang pilitin dahil willing naman akong ibigay ang sarili ko sa'yo," sabi ko sa kanya na may halong pang-aakit ang aking tinig. Nang marinig nito ang aking sinabi ay agad itonv napahinto sa ginagawang paghalik sa aking leeg.

"Talaga? Wiling kang makipagtalik sa akin?" nasisiyahan ang hitsura na tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot sa halip ay tumango lamang ako sa kanya at kunwari ay isa-isa kong inalis ang ang butones ng suot kong pang-itaas na uniform. Mukhang nainip ito sa mabagak kong paghuhubad kaya bigla na lamang nitong winarak ang aking suot na uniform. Tumalsik sa ibabaw ng kama ang mga butones ng uniform kong suot. At ganoon nan

lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mahantad sa kanyang paningin ang maputing cleavage ng aking dibdib. Mabuti na lamang at hindi napasamang nawarak ang aking bra kay hindi niya nakita ang aking buong dibdib na wala pang ibang lalaking nakakita at nakahawak. Tila sabik na isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking dibdib at dinilaan ang aking cleavage. Ngunit iyon lamang ang nagawa niya dahil mabilis ko nang naiturok sa kanyang leeg ang aking karayom na nagtataglay ng lason. Ilang segundo lamang ay walang buhay na bumagsak siya sa ibabaw ng aking katawan.

Inis na itinulak ko siya paalis sa aking ibabaw. Tayong-tayo pa ang pagkalalaki nito kahit wala na itong buhay. At siguradong iisipin ng mga pulis na nakikipagtalik ito nang inatake sa puso. Mabilis kong hinubad ang suot kong damit at basta na lamang iniwan sa ibabaw ng kama pagkatapos ay muling isinuot ang aking damit kanina. Nagsuot ako ng maluwang na jacket na itim para hindi mahalatang pambabae ang aking katawan at pagkatapos ay isinuot ko ang sumbrero ni James na nakita ko sa gilid ng lamp shade. Ipinasok ko sa sumbrero ang aking buhok para mas lalong hindi mahalata na isa akong babae. Pagkatapos ay muli kong sinulyapan ang lalaking nakapikit at tila bitin ang hitsura. Halatadong nabitin sa nais gawin.

"Masuwerte ka dahil ako ang natokang maglinis sa kuwarto mo? Ang sabihin mo ay ang malas mo dahil ako ang natokang maglinis sa kuwarto mo. Patay ka tuloy ngayon," nakangising kausap ko sa patay na katawan ni James. Pagkatapos ay tila walang ano man na lumabas ako sa kanyang silid. 

Kahit naroon sa loob ng kuwarto nito ang damit ng cleaning lady ay tiyak na hindi ito pagbebentangang pumatay dahil malalaman ng mga pulis na si Silent Assassin ang pumatay sa kanya sa oras na ipa-autopsy nila ang bangkay. Dahil makikita ang lason na ginamit ko sa pagpapatay sa kanya. Kasalanan din niya kung bakit siya namatay. Sisihin niya ang pagiging mahilig niya sa babae at ang pagiging rapist niya. Ngayon ay wala na siyang mabibiktima pa. Sa impiyerno siya manggahasa ng mga katulad niyang demonyo.

Paglabas ko sa kuwarto ni James ay mabilis na akong sumakay ng elevator pababa. Mabuti na lamang at nasa ibaba lamang ang mga bodyguard nito kaya mas napadali ang pag-assassinate ko sa kanya. Nakayuko ang ulo na lumabas ako sa elevator. At dahil nakayuko ako ay hindi sinasadyang nabangga ko ang isang lalaking papasok naman sa elevator. Hindi sinasadyang nabitawan ko ang dala kong bag.

"I'm sorry," paumanhin ng lalaking nabangga ko kahit ako ang nakabangga sa kanya. Pinulot niya ang bag ko at pinagpagan.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita at makilala ko ang mukha ng lalaking nabangga ko. Siya ay walang iba kundi ang aking childhood crush na si Craig De Silva. Hindi ko na hinintay na iabot niya sa akin ang bag at basta ko na lamang hinablot sa kanya pagkatapos ay nagmamadaling tinalikuran ko siya at naglakad palabas ng hotel habang malakas ang kabog ng aking dibdib.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenny Naadat
naku pumapag ibig kana sha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 6

    ShanraCraigGalit na naibagsak ko ang dalawa kong kamao sa ibabaw ng aking mesa. Nasalubong ko na ang assassin ngunit pinakawalan ko pa. Nasa harap ko na siya ngunit wala akong kaalam-alam na siya na pala si Silent Assassin na matagal ko nang hinahanap. Siguro ay pinagtatawanan na niya ako ngayon dahil sa aking katangahan. At ang ideyang ito ang lalong nagpapagalit sa akin.Kanina ay pinuntahan ko ang pinsan kong babae na naka-check in sa Grand Hotel na pag-aari ni James Mondragon. May tsismis kasi na rapist ang may-ari ng hotel kaya nag-alala ang aking tito na baka kung ano ang mangyari sa aking pinsan kong si Tiffany kaya niya ako pinapunta sa Grand Hotel para kausapin at kumbinsihin ang pinsan ko na lumipat ng hotel. Malakas lamang ang kapit sa mga pulis kaya ito nakakalusot at nanatiling tsismis lamang ang kumakalat na balita tungkol kay James. At habang naglalakad ako kanina ay hindi sinasadyang bumangga sa akin ang isang lalaking naka-jacket at nakasuot ng sumbrero. Bahagya kas

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 7

    ShanraNapapikit ako at lihim na napamura nang marinig ko ang malakas na sinabi ng katabi kong lalaki. Holdaper pala ito. Hindi ko nahalata dahil nakatingin ako sa labas ng bintana nang may umupo sa tabi ko. Tapos hindi pa nga umiinit ang puwit niya sa upuan ay nagdeklara na agad ng holdap. Ang malas lamang niya dahil sa tabi ko pa pinili niyang maupo. Tinatamad akong magmaneho ng sasakyan kaya pinili kong mag-bus pauwi sa bahay ko. Kagagaling ko pa lamang sa BAS Headquarter dahil doon agad ako dumiretso pagkatapos kong matagumpay na na-accomplished ang aking misyon. Dumiretso agad ako sa headquarter ibalitang mission accomplish ang aking ginawa at para personal na tanggapin ang tseke na nagkakahalaga ng ilang milyones. At hawak ko pa ngayon ang tseke dahil tinatamad akong magpunta sa bangko na nasa ilalim din ng pamahahala ng BAS. Ang suwerte naman ng dalawang holdaper na ito sakaling makuha nila sa akin ito."Huwag ninyo kaming sasaktan. Ibibigay namin ang gusto ninyo," narinig ko

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 8

    Shanra"Good afternoon, Ma'am," bati sa akin ng guard pagpasok ko sa BAS buidling. Ninong Eddie called me again. I guess, he will give me another mission. Pabor iyan sa akin. This will be my fifth mission. And I only need five people to assassinates so I could finally speaks with the BAS leader. Gustong-gusto ko nang makausap ang pinaka-head ng BAS para makapaghiganti na ako sa mga taong pumatay sa pamilya ko. At kapag nabigyan ko na ng justice ang kanilang pagkamatay ay magre-resign na ako bilang assassin at maninirahan na lamang sa malayong probinsiya."Good afternoon," tugon ko sa kanya pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na akong umakyat sa office ng BAS. Pasalamat ako na hindi ko nakasalubong si Henry. May mission kasi ito kaya wala dito ngayon.Akmang kakatok na ako sa pintuan ng office ni Ninong Eddie nang biglang may nagsalita sa likuran ko na walang iba kundi si Ninong pala na mula sa labas ng opisina nito."Come in, Shanra," sabi niya sa akin. Pinauna ko muna siyang makapasok sa lo

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 9

    ShanraHindi ko mapigilang mapa-ismid habang pinapanuod si Alejandro Alegri na maganda ang pagkakangiti at tuwang-tuwa habang kalaro ang mga sa loob ng bahay ampunan. Masayang-masaya siya hindi dahil kalaro niya ang mga bata kundi dahil marami na naman siyang maki-kidnap na mga bata.Pangatlong araw ko sa pagsubaybay sa taong ito ngunit hindi ako makahanap ng chance para patayin siya. Lagi kasing mga bata ang kasama niya kaya kung lalapit ako para maturukan siya ng aking karayom na may lason ay mahahalata ng mga bodyguard niya ang kilos ko. Hindi pa man ako nakakalapit kay Alegri ay maaalerto ko na ang mga guard niya. Ngunit hindi ako naniniwala na sa araw-araw na pagsunod-sunod ko sa kanya ay hindi ako makakahanap ng chance to assassinate him. Pagkatapos makipaglaro ni Alegri sa mga bata ay lumapit siya sa isang babae na nakatingin sa kanila at sa tingin ko ay isa sa mga head ng orphanage ang babae. Inabutan ito ni Alegri ng isang sobre na sigurado akong pera ang laman. Nagbibigay k

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 10

    ShanraIbinaba ko ang hanggang sa tungki ng aking ilong ang suot kong salamin. Mula sa kinalalagyan ko ay tanaw na tanaw ko ang ginagawang pakikipaglaro ni Alejandro Alegri sa mga batang squatters na nakapalibot dito. Nakangiti ito at mukhang tuwang-tuwa sa mga bata ngunit alam ko na sa loob nito ay nandidiri ito sa mga kaharap na bata. Mukhang sa mga batang squatters nito binabalak na mangidnap ng bata.Umalis ako mula sa pagkakasandal sa aking hubby. Ang tinutukoy kong "hubby" ay ang aking motorsiklo na ipinarada ko lamang sa tapat ng park kung saan naroon si Alejandro Alegri at nagpapakain ng mga batang squatters. Maganda sana ang ginagawa nito kung wala lamang itong masamang agenda sa mga bata. Ang mga katulad nitong nagpapanggap na mabait na tao ngunit isa palang demonyo ay dapat lamang na mawala sa lipunan.Nang makita ko na nakikipagkamay sa mga nanay ng mga batang naroroon si Alegri ay mabilis akong tumawid sa kalsada at lumapit sa likuran ng isang nanay na nakangiti habang n

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 11

    Shanra"Congratulations, Shanra! Kahit kailan ay hindi mo ako binigo."Papasok pa lamang ako sa loob ng opisina ni Ninong Eddie ay agad na niya akong sinalubong ng malakas na pagbati. Hindi ako ngumiti o nagpakita ng pagkatuwa dahil wala namang dapat ikatuwa sa ginawa ko. Although all the people that I killed deserves to die I'm still a killer. Isang killer na pinaghahahanap ng mga alagad ng batas lalong-lalo na ni Craig De Silva."I just did my job, Ninong. Amd you know na may kapalit ang mga ginagawa ko," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya bago ako naupo sa upuan na laging kong inuupuan kapag pumapasok ako sa loob ng opisina niya."I never forget that, Shanra," sagot ng ninong ko na biglang naglaho ang magandang ngiti sa mga labi. Para bang hindi niya nagustuhan na madalas kong ipinaaalala sa kanya ang dahilan kung bakit ako pumapatay. Kung bakit ako naging isang assassin. "Anyway, here's your payment."Iniabot ko ang tseke na may nakasulat na malaking halaga without checking if

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 12

    CraigMag-isa akong umiinom ng alak sa loob ng bar para kahit paano ay makalimutan ko si Shanra. I was hurt the she treated me. Parang hindi niya ako kilala. I'm sure naman na kilala niya ako dahil ilang beses din naman kaming nakapag-usap noon bago ito biglang naglaho pagkatapos ng trahedyang sinapit ng pamilya nito. Nalungkot ako noon nang hindi ko na siya makita at umasa na lamang ako na balang-araw ay magtatagpong muli ang mga landas namin. At ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi ko na siya hahayaang lumayo sa oras na magkita kaming muli. Na sasabihin ko na sa kanya ang damdamin ko na dapat ay noon ko pa sinabi sa kanya. May wish granted because I really met her again. Ngunit ibang-iba na siya. Pero kahit nag-iba na siya ng ugali my feelings for her didn't change. At natuklasan ko ngayon na sa halip na mawala ang nararamdaman ko sa kanya dahil ilang taon din kaming hindi nagkita ay mas lalo lamang lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. And I know that what I'm feelin

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 13

    ShanraNapamura ako ng mahina nang magising ako na nasa loob ng ibang kuwarto at hindi na ako magtatanong kung kaninong kuwarto ang kinaroroonan ko dahil naroon si Craig masarap ang tulog habang katabi ako sa higaan. Maingat akong bumaba sa kama para hindi siya magising. Kapag magising siya ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis ako sa ibaba ng kama at hindi siya nagising. Agad kong kinuha ang aking shoulder bag na nakalapag sa maliit na mesa na nasa gilid ng kama pati na rin ang sapatos ko na nasa ibaba ng kama. Maingat ako akong lumabas sa kuwarto para hindi siya magising. Paglabas ko sa kuwarto niya ay saka ko natuklasan na nasa isang condo unit pala kami na malamang ay condo unit ni Craig. Agad kong isinuot ang aking sapatos at nagmamadaling bumaba sa condo. Sumakay na lamang ako ng taxi at nagpahatid sa bar na pinuntahan ko kagabi. Naroon kasi ang kotse ko dahil sa kotse ni Craig ako sumakay.Mabuti na lamang at may bantay sa p

Pinakabagong kabanata

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 84

    Shanra PovLabis-labis ang pag-aalalang nararamdamn ko para sa kaligtasan ng anak ko. Iniisip ko kung kumain na ba siya ngayon. Kung saan siya ngayon natutulog. Tiyak na takot na takot siya ngayon dahil hindi niya kilala ang mga kasama niya.Nang pagbalikan ako ng malay-tao ay agad kong inusisa ang aming driver at yaya ng anak namin kong paano nakidnap ng mga taong iyon ang anak namin. At ayon sa kuwento nila ay paliko na sa may kanto ang kotse nila nang biglang may tumawid na binatilyo. Akala ni Zaldy nasagasaan niya ang binatilyo kaya bumaba ito para sana dalhin sa ospital ang binatilyo. Ngunit pagbaba rw ni Zaldy ay nagulat na lamang ito nang my dalawang lalaking lumapit sa kanya at pinalo ito ng baril sa ulo ng dalawang beses kaya ito my sugat. Nang kukunin na raw ng mga lalaki ang anak ko y pilit daw nakipagbuno si Mia kaya pinalo rin ito ng baril sa ulo ng kidnaper. Pareho silang nawalan ng malay kaya nakuha sa kanila si Raiggen."Sa tingin mo ay may kinalaman sa trabaho mo kung

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 83

    Shanra PovNakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Larawan ako ng isang babae na masayang-masaya at kontento na sa buhay.Kahit 5 years na ang nakalilipas magmula nang mag-wakas ng BAS at ikinasal kami ni Craig ay hanggang ngayon hindi pa rin ako halos na makapaniwala sa magandang nangyari sa buhay ko. Nagkaroon kami ni Craig ng isang napaka-bibong baby boy na pinangalanan kong Raiggen. At walang araw na hindi ipinadama sa akin ng aking asawa ang walang katapusan niyang pagmamahal.Ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko noon ay pinunan ng saya nina Craig at Raiggen. Kung hindi sila dumating sa buhay ko ay tiyak na nananatiling nasa madilim kung mundo pa rin ako hanggang ngayon."Huwag mo nang titigan ang sarili mo at baka ma-in love ka pa sa mukha mo."Mula sa aking likuran ay niyakap ako ni Craig. Tinaniman niya ng mumunting halik ang aking leeg. Bahagya akong napakislot nang makiliti ako sa kanyang balbas na ilang araw na sigurong hindi inaahit.Kauuwi pa la

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 82

    Craig's POVMabigat ang aking pakiramdam na bumangon ako sa hospital bed na kinahihigaan ko. Natamaan kasi ako ng lumilipad na bahagi ng building kaya ako na-ospital at may nakapalibot na benda sa itaas ng aking ulo. Nasa labas na kasi kami ng building at ipinapasok sa loob ng police car ang mga sumukong tauhan ng foreign drug lord at ibang mga BAS assassin. Napatay ko ang foreign drug lord kaya sumuko ang mga tauhan nito at pati na rin ang mga natitirang buhay na mga BAS assassin. At pabalik na sana ako sa loob para hanapin si Shanra ngunit bigla namang sumabog ang building at tinamaan ako sa ulo ng lumilipad na bahagi ng building na nabaklas. Hinimatay ako at dito na sa loob ng ospital ako nagising. At si Shanra ang kaagad na unang pumasok sa aking isip nang pagbalikan ako ng aking malay. "Sir, bakit bumangon kayo? Baka bumuka ang sugat mo sa ulo," nag-aalalang wika ni Denver nang madatnan niya akong nakaupo na sa ibabae ng kama."Si Shanra? Nasaan siya?" agad kong tanong sa kanya

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 81

    Shanra PovSa gitna ng palitan ng mga putok sa pagitan ng mga pulis at mga kasamahan kong BAS assassin at pati na rin ang mga tauhan ng foreign drug lord ay nakakita ng pagkakataong tumakas si Ninong dala ang isang attaché case na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Nang makita ko siyang tumalilis ay agad ko siyang sinundan. Siguro ay may secret door ang lugar na ito na puwede niyang daanan para makatakas. Ngunit hindi ko siya hahayaang makatakas. Dahil ito na ang oras ng pagtutuos namin."Ninong Eddie!" malakas kong sigaw sa pangalan niya. Bigla naman itong napahinto nang marinig ang aking boses. Huminto ako ilang metro ang layo mula sa kanya."Shanra. Hindi ko akalain na kaya mo akong pagtaksilan," galit na sigaw nito matapos akong lingunin."Ako rin, Ninong. Hindi ko rin akalain na ikaw pala ang mastermind sa ilang beses na pagtatangka sa buhay ko. At mas lalong hindi ko inakala na ikaw ang nag-utos para ipapatay ang aking buong pamilya!" ganting sigaw ko sa kanya. Sa wakas ay n

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 80

    Shanra"Tandaan ninyong lahat. Mahalaga at malaki ang deal na magaganap na ito kaya hindi tayo dapat na pumalpak. At huwag kayong mag-alala dahil kapag naging successful ang deal na ito ay magkakaroon kayong lahat ng napakalaking bonus," kausap sa amin ni Ninong habang naghahanda kaming lahat para sa magaganap na drug deal ng BAS na pinamumunuan ni Ninong. Magmula nang ipinapatay ni Ninong ang ilang big boss ng BAS na kontra sa kagustuhan nito ay biglang nag-iba na ng tuluyan ang operasyon ng BAS. Lumabas na ang tunay na kulay at pagiging ganid niya. Hantaran na sa BAS ang pakikipag-deal nito sa mga malalaking foreign drug lord na pumapasok sa bansa. Ngayon nga ay makikipag-deal kami sa pinaka-notorious na drug lord na nanggaling pa sa Europe. At ang venue ay ang prostitute house dati ni Mrs. Madrigal na ngayon ay si Ninong na ang may hawak.Lahat ng BAS assassin ay hindi tutol sa ginawang pagbabago ni Ninong sa BAS maliban sa aming tatlo nina Tom at Denver. Ngunit katulad ko ay wal

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 79

    ShanraPagkatapos ng ilang araw kong pag-iimbestiga ay nalaman ko rin kung bakit ipinapatay ni Ninong sa akin mga taong in-assassinate ko. Napag-alaman ko na siya na pala ang humahawak sa negosyo ng mga pinatay ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ngunit siya na ang bagong may-ari ng five star hotel na dati ay pag-aari ni James Mondragon, ang bahay-aliwan na dati ay pagmamay-ari ni Mrs. Madrigal, kung dati ang drug lord ay si Danding Acebedo ngayon naman ay si Ninong. At hindi na rin ako magtataka kung involved din siya sa illegal human organ trafficking. Sobrang laki ng pera na pumapasok sa kanya kaya naman pala kayang-kaya nitong magbayad sa akin ng ganoon kalaking halaga para sa isang ulo ng taong ipinapatay niya. At malamang ay siya rin ang lihim na nagbigay ng impormasyon kay Craig tungkol sa binabalak kong assassination kay Mrs. Madrigal noon. Kung hindi ko mapapatay si Madrigal ay mahuhuli naman ako ni Craig. Walang mawawala sa kanya kung nangyari iyon. Nahuhulaan ko rin na

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 78

    ShanraPabiling-biling ako sa ibabaw ng kama habang nakahiga. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Gustong-gusto ko nang makabalik muli sa Maynila para maumpisahan ko na ang aking paghihiganti.Kaninang madaling-araw ay nakabalik ako rito mula sa Maynila. Bumalik ako para hindi maisip ni Ninong na ako ang pumasok sa loob ng bahay niya. Sigurado naman kasi na matutuklasan niyang pinasok ang library niya lalo pa at may mahalagang bagay itong nawala. Ang blue book na kinuha ko bago ako umalis sa bahay niya. Nakita ko ang blue book na nakahanay sa ibang mga aklat nito. Naiiba ito sa mga aklat na naroon dahil ito lamang ang manipis at nakaipit ng mabuti sa dalawang makakapal na aklat kaya nakaagaw ng aking atensiyon. At nang hinugot ko at binuklat ang laman ay nagulat ako na isa pala itong blue book. At mas nagulat ako nang makita kong nakasulat doon ang mga pangalan ng lahat nang matataas na pangalan na may posisyon sa lipunan na siya palang bumubuo sa BAS. Iyong makagkasunod na p

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 77

    Pagkatapos ng nangyaring pagtangkang pagpatay sa akin sa loob ng rest house ay kinausap ko si Estong. Halatado sa kilos niya na kinakabahan siya kaya alam ko na may kinalaman siya sa pag-atake sa akin kaya naman pilit ko siyang pinaamin. Ngunit kahit anong pagpiga ang gawin ko sa kanya ay hindi niya sinabi sa akin kung sino ang may pakana ng lahat sa halip ay binigyan lamang niya ako ng clue. Mataas ang posisyon sa BAS ng taong may pakana ng lahat. Ito lang din daw kasi ang kanyang nalalaman.Nang malaman ko kay Estong ang tungkol sa bagay na ito ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Walang ibang nakakaalam kung nasaan ako kundi si Ninong maliban kung sinabihan niya si Mr. Jung kung nasaan ako at ang huli ang nag-utos para patayin ako. Ngunit impossible na si Mr. Jung ang nag-utos na ipapatay ako dahil alam niyang babalikan ko siya kapag malaman ko na siya ang may pakana ng lahat. At saka nagtatago siya sa akin ngayon dahil natatakot siyang bisitahin ko siya at tanungin tungkol sa n

  • BEAUTIFUL ASSASSIN   Chapter 76

    ShanraGaya ng nakasanayan kong gawin ay maaga akong gumising para mag-jogging sa dalampasigan. Nagkaroon na yata ako ng tinatawag na body clock kaya kahit hindi ako mag-alarm sa cellphone ko ay maaga pa rin akong nagigising. Isinaksak ko ang electric thermos at naghilamos habang hinihintay na kumulo ang tubig. Isang puting jogging pants at puting sweatshirt ang aking isinuot bago ako lumabas at nagtimpla ng gatas sa kusina. Quarter to six ay lumabas na ako at nagsimulang tumakbo sa dalampasigan.Apat na araw na ako rito sa Amara Beach Resort at aaminin ko na nage-enjoy ako sa pananatili ko rito. Mamula-mula na ang balat ko dahil madalas akong nagbibilad sa araw katulad ng ginagawa ng mga turistang nakikita ko palagi. Payapa ang aking isip at hindi ko hinahayaang makapasok sa aking isip ang mundong saglit kong iniwan. Ini-off ko ang cellphone ko at itinago sa aking bag para hindi ako matuksong silipin ito at kahit ang aking deadly needles ay iniwan ko sa bahay ko. Talagang katahimika

DMCA.com Protection Status