Shanra Pov
Ipinarada ko ang kotse ko sa tapat ng building na may mahigit na tatlong palapag. Pagkatapos kong maiparada ng maayos ang kotse ay agad na akong naglakad papasok sa building.
"Good morning, Ma'am," nakangiting bati sa akin ni Mae na member din ng Black Assassin's Squad. Ngunit hindi siya katulad ko o ni Henry na pumapatay ng tao. Naging member lamang siya ng BAS dahil siya ang lady guard na nagbabantay sa ibaba ng building. Ngunit kahit isa lamang siyang guard ay may kakayahan din siyang makipaglaban. Lahat kasi ng BAS members maski ang pinakamababang miyembro ay dumaan din sa matinding training.
"Good morning," hindi ngumingiting bati ko sa kanya. Sanay na siya sa pagiging seryoso ng aking mukha sa tuwing dadaan ako kaya hindi siya nangingilag na bumati sa akin sa tuwing papasok at lalabas ako ng building.Pagdating ko sa elevator ay agad kong pinindot ang third floor kung saan naroon ang sa pinakahuling floor ang headquarter ng BAS. Front lamang ang coffeeshop na nasa first floor at pati na rin ang clinic nasa second floor. Ang totoo ay isang lab ang clinic. Doon ako kumukuha ng gamot na ibinabababad ko ng matagal sa aking mga karayom kapag wala na akong karayom na may gamot. Matagal kong ibinabababad ang aking mga karayom dahil mas matagal ang pagbabad ay mas mabilis umipekto ang gamot pagkat kumapit na masyado sa karayom.
"Hi, Sha. Ipinatawag ka rin pala ng right BAS?" tanong sa akin ni Tom nang makita niya akong lumabas sa elevator. Mukhang kagagaling lamang niya sa lab. Tom is a doctor. Ito ang front niyang propesyon habang ako naman ay ang pagiging self-defense instructor ng mga batang may edad na ten years old hanggang fifthten years old.
"Ipinatawag ka rin?" simpleng sagot ko sa kanya. Sa lahat ng members ng BAS ay siya lamang ang masasabi kong ka-close ko. Puwede ko na rin siyang matawag na kaibigan. Tanging siya lamang yata kasi ang hindi ko nakikitaan ng inggit sa akin sa tuwing may naa-accomplish akong mission."Yes. New mission, I think," kibit-balikat na sagot niya sa akin pagkatapos ay sabay na kaming naglakad papunta sa opisina ng Right BAS.Ang Right BAS and Left BAS ay ang dalawang tao na malapit sa pinakapinuno ng BAS maliban siyempre sa mga officers ng BAS. Ang Left BAS ang tumatanggap ng trabaho mula sa client habang ang Right BAS naman ang pumipili kung sinong assassin ang gagawa sa pinapatrabaho ng client.
Nang makarating kami sa tapat ng pintuan ng opisina ni Ninong Eddie na siyang Right BAS ay ay kumatok ako ng tatlong beses."Come in," tinig mula sa loob ng opisina.
Saka ko lamang binuksan ang pintuan nang marinig ko ang boses ni Ninong Eddie. Agad itong ngumiti nang makita kaming dalawa ni Tom na siyang pumasok sa loob ng opisina."My two best assassins. Sit down," nakangiting bati ni Ninong sa amin sabay turo sa dalawang upyan na nasa harapan ng mesa nito kung saan ito nakaupo.
"Another mission?" blangko ang expression ng aking mukha na tanong ko kay Ninong Eddie. "Puwedeng ngumiti ka naman kahit minsan lang, Shanra? Parang kang laging galit kaya hindi mo makasundo ang ibang mga katrabaho mo," puna sa akin ni Ninong habang napapailing. It's because he notices that he was smiling while my face is serious."There's no reason for me to smile, Ninong. And you know the reason why. I will not smile until I didn't kill the person behind my family's assassination," seryoso ang anyo na sagot ko sa kanya.
Biglang naglaho ang ngiti niya nang marinig ang sinabi ko. Napailing na lamang siya habang binubuklat ang isang folder."I just want you to get along with them because maybe someday, you will need their help or you will need to cooperate with them for a mission," sagot ni Ninong habang patuloy na binubuklat ang puting folder sa harapan.
"I don't need their help. I didn't joined the BAS just to be friends with those heartless assassin. If they doesn't want to help me, then don't. As if I care," matapang kong sagot sa kanya. Saglit niyang inihinto ang pagbuklat sa folder at matiim akong tinitigan. Hindi ako nagbaba ng tingin sa halip ay nakataas ang noo na sinalubong ko pa ang kanyang tingin hanggang sa siya na lamang ang sumuko.
"Alright, alright. I will not force you to get along with them instead I will warn you to be cautious with them, especially, Henry. Anyway, it's good that you still have Tom as your one and only friend here in Bas "
Wala sa loob na napatingin ako kay Tom na nakatingin din sa akin. Am I really considered him as my friend? I think yes.
"Anong mission ang ibibigay ninyo sa amin ni Shanra, Sir? Magkasama ba kami sa iisang mission?" tanong ni Tom nang ibinaling kay Ninong Eddie ang kanyang paningin pagkatapos akong bigyan ng isang sincere ngunit matipid na ngiti.
"Nope. Magkaiba kayo ng mission," mabilis na sagot ni Ninong Eddie. Kinuha nito ang isang folder at iniabot kay Tom samantalang ang folder na binubuklat nito kanina ay ibinigay naman sa akin. "Nasa loob ang details nila kaya sa bahay na ninyo tingnan. And same rules. Accomplish the mission to get the payment. At dapat ay hindi kayo sumabit.""Yes, Sir," sagot ni Tom samantalang tango lamang ang isinagot ko sa kanya. Pagkatapos ay sabay naa kaming naglakad ni Tom palabas ng opisina ni Ninong. Tamang-tama na nakalabas na kami nang dumaan si Henry na masama ang tingin sa amin. Or should I say, masa ang tingin sa akin.
"What a luck dog," pasaring niya sa akin bago kami tuluyang nilagpasan. Siguro ay sa mini gym na nasa third floor din ito pupunta para mag-ensayo.
"Mag-ingat ka sa daan pag-uwi mo, Henry. Baka kagatin ka ng asong malakas ang rabbies," pahabol ko sa kanya aa seryosong mukha. Tinignan lamang ako ni Henry ng masama ngunit hindi naman nagsalita. Pagkatapos ay binuksan na nito ang pintuan pagungo sa mini gym."Be careful of Henry, Shanra. Kilala natin siya. Masamang tao siya," babala sa akin ni Tom habang nakasakay na kami sa elevator."I'm not scared of him. Ang besides, sa ginagawa natin ba ay hindi pa ba tayo matatawag na masama?"Bahagyang natawa si Tom sa aking sinabi. "You're right. Sa ginagawa natin ay masamang tao na rin tayo. And I hope someday I will see you not like this. Gusto kong makita na nakangiti ka kasama ang pamilya mo. Not like this. You're colder than ice.""It won't happen because I don't have family anymore," mabilis kong sagot sa kanya bago ako lumabas sa bumukas na elevator at iniwan ko siya na napapabuntong-hininga na lamang. Totoo naman kasi ang sinabi ko sa kanya. Hindi mangyayari na makita niya akong nakangiti kasama ang aking pamilya dahil wala na akong pamilya at hindi ako magkakaroon ng pamilya hangga't hindi ako nakakapaghiganti. And besides, sino bang lalaki ang magmamahal sa akin para ako magawa ng bagong family. Walang lalaking magmamahal sa katulad kong assassin kundi katulad kong assassin lamang.MASUSI kong pinag-aralan ang aking bagong misyon. Tiningnan ko ang larawan na nakalagay sa folder. Ito si James Mondragon. Thirty years old, single, negosyante at may-ari ng sikat na tatlong five star hotel bansa. Hindi ito kaguwapuhan ngunit maganda ang ngiti na tila nakaka-engganyong makipagkaibigan dito. Kaya hindi pagkatiwalaan ito ng ibang mga kababaihan dahil mukhang mabait ang bukas ng mukha nito. Ngunit sa likod ng magandang ngiti at mabait na bukas ng mukha ay nagtatago ang isang demonyong rapist na sadista. Ilang beses na itong sinampahan ng kasong rape at illegal detention at physical injury ngunit agad na nadi-dismiss ang kaso. Umaatras kasi ang mga nagiging biktima dahil nababayaran ng malaking halaga o di kaya ay tinatakot ng panig nito. Ngunit malas ito dahil isang anak-mayaman din ang pang-huling naging biktima nito na guest ng hotel nito. Althoug hindi na natuloy ang demanda nang pamilya ng biktima dahil tinakot ay nagbayad naman malaking halaga sa BAS para iligpit ang rapist ang mga magulang ng biktima. Well, hula ko lang na mga magulang ng biktima ang nagbayad para ipaligpit ang rapist. Confidential kasi ang files ng mga nagbabayad at tanging ang Right and Left BAS lamang ang nakakaalam ng kanilang impormasyon. Ang ginagawa lang namin ay ang sundin ang iniuutos sa amin. Ngunit sino nga ba ang magbabayad para patayin ang rapist na ito kundi ang mga magulang ng biktima mismo?
"Ang mga ganitong klaseng tao na salot sa lipunan ang hindi nakapanghihinayang na patayin," galit na kausap ko sa aking sarili habang tinititigan ko ang litrato ni James. Pagkatapos ay ang mga litrato naman ng babaeng huling biktima ang kanyang tiningnan na kalakip din sa folder. Isang seventeen years old na si Ayumi Mizaki, half-Filipino-half-Japanese. Matangkad, maputi, makinis ang balat at mahaba ang itim na buhok. In other short, maganda. Kaya siguro napagtripan ito ng rapist na gahasain.
Sunod na tiningnan ko ang litrato ni Mizaki na iba't iba ang kuha. Maraming pasa ito sa katawan putok ang mga labi, malalaking pasa sa mukha at halos hindi na maimulat ang mga mata sa sobrang tinamo na pagto-tortured dito ng rapist. Damn you, James Mondragon! Mahinang napamura ako sa aking isip nang makita ko ang kalunus-lunos na sinapit ni Ayumi sa kamay ni James. Dapat na talagang mabura sa mundo ang ganitong klaseng tao.James Mondragon was my fourth mission since I started to be an official BAS member after my long hard training. I need to assassinates ten people to be able to speaks with the head of BAS. Kailangan kong pumatay ng tao para mabigyan ko naman ng katarungan ang pagkamatay ng aking pamilya. Mabuti na lamang at puro masasamang tao ang pinapatay ko kaya hindi ako nagi-guilty. Nararapat lang naman kasi sa kanila ang mawala sa mundo dahil sila ang mga latak ng lipunan na hindi kayang linisin ng batas. Kaya ang mga katulad ko na lamang ang maglilinis at mag-aalis sa mga latak na ito.ShanraIlang araw ko rin minatyagan at inalam ko ang routine ni James Mondragon. Sa ilang na pagbuntont ko sa kanya ng palihim ay natuklasan ko kung saan siya mas naglalagi. Sa Grand Hotel na siyang pinakamalaki sa tatlong fove star hotel na pag-aari niya siya madalas naglalagi. Doon din siya natutulog. Sa umaga ay nagjo-jogging siya kasama ang kanyang mga bodyguard. Tapos pupunta sa coffee shop na nasa ibaba ng hotel niya at doon siya nagkakape. Pagkatapos ay maglilibot na siya sa kanyang dalawang hotel. Ewan kung ano ang ginagawa niya dahil hindi ko na siya sinusundan pa sa loob ng hotel niya. Sa labas lamang ako matiyagang naghihintay sa paglabas niya. Pagkatapos niyang mapuntahan ang dalawa niyang hotel ay babalik na siya sa Grand Hotel at doon na mananatili. Napaka-simple ng routine niya. Siguro sa Grand Hotel din niya ginagawa ang panggagahasa niya sa kanyang mga nagiging biktima.Madali lamang akong nakapasok sa isa sa mga hotel na pag-ari niya gamit ang aking mga pekeng ID. Al
ShanraCraigGalit na naibagsak ko ang dalawa kong kamao sa ibabaw ng aking mesa. Nasalubong ko na ang assassin ngunit pinakawalan ko pa. Nasa harap ko na siya ngunit wala akong kaalam-alam na siya na pala si Silent Assassin na matagal ko nang hinahanap. Siguro ay pinagtatawanan na niya ako ngayon dahil sa aking katangahan. At ang ideyang ito ang lalong nagpapagalit sa akin.Kanina ay pinuntahan ko ang pinsan kong babae na naka-check in sa Grand Hotel na pag-aari ni James Mondragon. May tsismis kasi na rapist ang may-ari ng hotel kaya nag-alala ang aking tito na baka kung ano ang mangyari sa aking pinsan kong si Tiffany kaya niya ako pinapunta sa Grand Hotel para kausapin at kumbinsihin ang pinsan ko na lumipat ng hotel. Malakas lamang ang kapit sa mga pulis kaya ito nakakalusot at nanatiling tsismis lamang ang kumakalat na balita tungkol kay James. At habang naglalakad ako kanina ay hindi sinasadyang bumangga sa akin ang isang lalaking naka-jacket at nakasuot ng sumbrero. Bahagya kas
ShanraNapapikit ako at lihim na napamura nang marinig ko ang malakas na sinabi ng katabi kong lalaki. Holdaper pala ito. Hindi ko nahalata dahil nakatingin ako sa labas ng bintana nang may umupo sa tabi ko. Tapos hindi pa nga umiinit ang puwit niya sa upuan ay nagdeklara na agad ng holdap. Ang malas lamang niya dahil sa tabi ko pa pinili niyang maupo. Tinatamad akong magmaneho ng sasakyan kaya pinili kong mag-bus pauwi sa bahay ko. Kagagaling ko pa lamang sa BAS Headquarter dahil doon agad ako dumiretso pagkatapos kong matagumpay na na-accomplished ang aking misyon. Dumiretso agad ako sa headquarter ibalitang mission accomplish ang aking ginawa at para personal na tanggapin ang tseke na nagkakahalaga ng ilang milyones. At hawak ko pa ngayon ang tseke dahil tinatamad akong magpunta sa bangko na nasa ilalim din ng pamahahala ng BAS. Ang suwerte naman ng dalawang holdaper na ito sakaling makuha nila sa akin ito."Huwag ninyo kaming sasaktan. Ibibigay namin ang gusto ninyo," narinig ko
Shanra"Good afternoon, Ma'am," bati sa akin ng guard pagpasok ko sa BAS buidling. Ninong Eddie called me again. I guess, he will give me another mission. Pabor iyan sa akin. This will be my fifth mission. And I only need five people to assassinates so I could finally speaks with the BAS leader. Gustong-gusto ko nang makausap ang pinaka-head ng BAS para makapaghiganti na ako sa mga taong pumatay sa pamilya ko. At kapag nabigyan ko na ng justice ang kanilang pagkamatay ay magre-resign na ako bilang assassin at maninirahan na lamang sa malayong probinsiya."Good afternoon," tugon ko sa kanya pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na akong umakyat sa office ng BAS. Pasalamat ako na hindi ko nakasalubong si Henry. May mission kasi ito kaya wala dito ngayon.Akmang kakatok na ako sa pintuan ng office ni Ninong Eddie nang biglang may nagsalita sa likuran ko na walang iba kundi si Ninong pala na mula sa labas ng opisina nito."Come in, Shanra," sabi niya sa akin. Pinauna ko muna siyang makapasok sa lo
ShanraHindi ko mapigilang mapa-ismid habang pinapanuod si Alejandro Alegri na maganda ang pagkakangiti at tuwang-tuwa habang kalaro ang mga sa loob ng bahay ampunan. Masayang-masaya siya hindi dahil kalaro niya ang mga bata kundi dahil marami na naman siyang maki-kidnap na mga bata.Pangatlong araw ko sa pagsubaybay sa taong ito ngunit hindi ako makahanap ng chance para patayin siya. Lagi kasing mga bata ang kasama niya kaya kung lalapit ako para maturukan siya ng aking karayom na may lason ay mahahalata ng mga bodyguard niya ang kilos ko. Hindi pa man ako nakakalapit kay Alegri ay maaalerto ko na ang mga guard niya. Ngunit hindi ako naniniwala na sa araw-araw na pagsunod-sunod ko sa kanya ay hindi ako makakahanap ng chance to assassinate him. Pagkatapos makipaglaro ni Alegri sa mga bata ay lumapit siya sa isang babae na nakatingin sa kanila at sa tingin ko ay isa sa mga head ng orphanage ang babae. Inabutan ito ni Alegri ng isang sobre na sigurado akong pera ang laman. Nagbibigay k
ShanraIbinaba ko ang hanggang sa tungki ng aking ilong ang suot kong salamin. Mula sa kinalalagyan ko ay tanaw na tanaw ko ang ginagawang pakikipaglaro ni Alejandro Alegri sa mga batang squatters na nakapalibot dito. Nakangiti ito at mukhang tuwang-tuwa sa mga bata ngunit alam ko na sa loob nito ay nandidiri ito sa mga kaharap na bata. Mukhang sa mga batang squatters nito binabalak na mangidnap ng bata.Umalis ako mula sa pagkakasandal sa aking hubby. Ang tinutukoy kong "hubby" ay ang aking motorsiklo na ipinarada ko lamang sa tapat ng park kung saan naroon si Alejandro Alegri at nagpapakain ng mga batang squatters. Maganda sana ang ginagawa nito kung wala lamang itong masamang agenda sa mga bata. Ang mga katulad nitong nagpapanggap na mabait na tao ngunit isa palang demonyo ay dapat lamang na mawala sa lipunan.Nang makita ko na nakikipagkamay sa mga nanay ng mga batang naroroon si Alegri ay mabilis akong tumawid sa kalsada at lumapit sa likuran ng isang nanay na nakangiti habang n
Shanra"Congratulations, Shanra! Kahit kailan ay hindi mo ako binigo."Papasok pa lamang ako sa loob ng opisina ni Ninong Eddie ay agad na niya akong sinalubong ng malakas na pagbati. Hindi ako ngumiti o nagpakita ng pagkatuwa dahil wala namang dapat ikatuwa sa ginawa ko. Although all the people that I killed deserves to die I'm still a killer. Isang killer na pinaghahahanap ng mga alagad ng batas lalong-lalo na ni Craig De Silva."I just did my job, Ninong. Amd you know na may kapalit ang mga ginagawa ko," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya bago ako naupo sa upuan na laging kong inuupuan kapag pumapasok ako sa loob ng opisina niya."I never forget that, Shanra," sagot ng ninong ko na biglang naglaho ang magandang ngiti sa mga labi. Para bang hindi niya nagustuhan na madalas kong ipinaaalala sa kanya ang dahilan kung bakit ako pumapatay. Kung bakit ako naging isang assassin. "Anyway, here's your payment."Iniabot ko ang tseke na may nakasulat na malaking halaga without checking if
CraigMag-isa akong umiinom ng alak sa loob ng bar para kahit paano ay makalimutan ko si Shanra. I was hurt the she treated me. Parang hindi niya ako kilala. I'm sure naman na kilala niya ako dahil ilang beses din naman kaming nakapag-usap noon bago ito biglang naglaho pagkatapos ng trahedyang sinapit ng pamilya nito. Nalungkot ako noon nang hindi ko na siya makita at umasa na lamang ako na balang-araw ay magtatagpong muli ang mga landas namin. At ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi ko na siya hahayaang lumayo sa oras na magkita kaming muli. Na sasabihin ko na sa kanya ang damdamin ko na dapat ay noon ko pa sinabi sa kanya. May wish granted because I really met her again. Ngunit ibang-iba na siya. Pero kahit nag-iba na siya ng ugali my feelings for her didn't change. At natuklasan ko ngayon na sa halip na mawala ang nararamdaman ko sa kanya dahil ilang taon din kaming hindi nagkita ay mas lalo lamang lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. And I know that what I'm feelin
Shanra PovLabis-labis ang pag-aalalang nararamdamn ko para sa kaligtasan ng anak ko. Iniisip ko kung kumain na ba siya ngayon. Kung saan siya ngayon natutulog. Tiyak na takot na takot siya ngayon dahil hindi niya kilala ang mga kasama niya.Nang pagbalikan ako ng malay-tao ay agad kong inusisa ang aming driver at yaya ng anak namin kong paano nakidnap ng mga taong iyon ang anak namin. At ayon sa kuwento nila ay paliko na sa may kanto ang kotse nila nang biglang may tumawid na binatilyo. Akala ni Zaldy nasagasaan niya ang binatilyo kaya bumaba ito para sana dalhin sa ospital ang binatilyo. Ngunit pagbaba rw ni Zaldy ay nagulat na lamang ito nang my dalawang lalaking lumapit sa kanya at pinalo ito ng baril sa ulo ng dalawang beses kaya ito my sugat. Nang kukunin na raw ng mga lalaki ang anak ko y pilit daw nakipagbuno si Mia kaya pinalo rin ito ng baril sa ulo ng kidnaper. Pareho silang nawalan ng malay kaya nakuha sa kanila si Raiggen."Sa tingin mo ay may kinalaman sa trabaho mo kung
Shanra PovNakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Larawan ako ng isang babae na masayang-masaya at kontento na sa buhay.Kahit 5 years na ang nakalilipas magmula nang mag-wakas ng BAS at ikinasal kami ni Craig ay hanggang ngayon hindi pa rin ako halos na makapaniwala sa magandang nangyari sa buhay ko. Nagkaroon kami ni Craig ng isang napaka-bibong baby boy na pinangalanan kong Raiggen. At walang araw na hindi ipinadama sa akin ng aking asawa ang walang katapusan niyang pagmamahal.Ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko noon ay pinunan ng saya nina Craig at Raiggen. Kung hindi sila dumating sa buhay ko ay tiyak na nananatiling nasa madilim kung mundo pa rin ako hanggang ngayon."Huwag mo nang titigan ang sarili mo at baka ma-in love ka pa sa mukha mo."Mula sa aking likuran ay niyakap ako ni Craig. Tinaniman niya ng mumunting halik ang aking leeg. Bahagya akong napakislot nang makiliti ako sa kanyang balbas na ilang araw na sigurong hindi inaahit.Kauuwi pa la
Craig's POVMabigat ang aking pakiramdam na bumangon ako sa hospital bed na kinahihigaan ko. Natamaan kasi ako ng lumilipad na bahagi ng building kaya ako na-ospital at may nakapalibot na benda sa itaas ng aking ulo. Nasa labas na kasi kami ng building at ipinapasok sa loob ng police car ang mga sumukong tauhan ng foreign drug lord at ibang mga BAS assassin. Napatay ko ang foreign drug lord kaya sumuko ang mga tauhan nito at pati na rin ang mga natitirang buhay na mga BAS assassin. At pabalik na sana ako sa loob para hanapin si Shanra ngunit bigla namang sumabog ang building at tinamaan ako sa ulo ng lumilipad na bahagi ng building na nabaklas. Hinimatay ako at dito na sa loob ng ospital ako nagising. At si Shanra ang kaagad na unang pumasok sa aking isip nang pagbalikan ako ng aking malay. "Sir, bakit bumangon kayo? Baka bumuka ang sugat mo sa ulo," nag-aalalang wika ni Denver nang madatnan niya akong nakaupo na sa ibabae ng kama."Si Shanra? Nasaan siya?" agad kong tanong sa kanya
Shanra PovSa gitna ng palitan ng mga putok sa pagitan ng mga pulis at mga kasamahan kong BAS assassin at pati na rin ang mga tauhan ng foreign drug lord ay nakakita ng pagkakataong tumakas si Ninong dala ang isang attaché case na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Nang makita ko siyang tumalilis ay agad ko siyang sinundan. Siguro ay may secret door ang lugar na ito na puwede niyang daanan para makatakas. Ngunit hindi ko siya hahayaang makatakas. Dahil ito na ang oras ng pagtutuos namin."Ninong Eddie!" malakas kong sigaw sa pangalan niya. Bigla naman itong napahinto nang marinig ang aking boses. Huminto ako ilang metro ang layo mula sa kanya."Shanra. Hindi ko akalain na kaya mo akong pagtaksilan," galit na sigaw nito matapos akong lingunin."Ako rin, Ninong. Hindi ko rin akalain na ikaw pala ang mastermind sa ilang beses na pagtatangka sa buhay ko. At mas lalong hindi ko inakala na ikaw ang nag-utos para ipapatay ang aking buong pamilya!" ganting sigaw ko sa kanya. Sa wakas ay n
Shanra"Tandaan ninyong lahat. Mahalaga at malaki ang deal na magaganap na ito kaya hindi tayo dapat na pumalpak. At huwag kayong mag-alala dahil kapag naging successful ang deal na ito ay magkakaroon kayong lahat ng napakalaking bonus," kausap sa amin ni Ninong habang naghahanda kaming lahat para sa magaganap na drug deal ng BAS na pinamumunuan ni Ninong. Magmula nang ipinapatay ni Ninong ang ilang big boss ng BAS na kontra sa kagustuhan nito ay biglang nag-iba na ng tuluyan ang operasyon ng BAS. Lumabas na ang tunay na kulay at pagiging ganid niya. Hantaran na sa BAS ang pakikipag-deal nito sa mga malalaking foreign drug lord na pumapasok sa bansa. Ngayon nga ay makikipag-deal kami sa pinaka-notorious na drug lord na nanggaling pa sa Europe. At ang venue ay ang prostitute house dati ni Mrs. Madrigal na ngayon ay si Ninong na ang may hawak.Lahat ng BAS assassin ay hindi tutol sa ginawang pagbabago ni Ninong sa BAS maliban sa aming tatlo nina Tom at Denver. Ngunit katulad ko ay wal
ShanraPagkatapos ng ilang araw kong pag-iimbestiga ay nalaman ko rin kung bakit ipinapatay ni Ninong sa akin mga taong in-assassinate ko. Napag-alaman ko na siya na pala ang humahawak sa negosyo ng mga pinatay ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ngunit siya na ang bagong may-ari ng five star hotel na dati ay pag-aari ni James Mondragon, ang bahay-aliwan na dati ay pagmamay-ari ni Mrs. Madrigal, kung dati ang drug lord ay si Danding Acebedo ngayon naman ay si Ninong. At hindi na rin ako magtataka kung involved din siya sa illegal human organ trafficking. Sobrang laki ng pera na pumapasok sa kanya kaya naman pala kayang-kaya nitong magbayad sa akin ng ganoon kalaking halaga para sa isang ulo ng taong ipinapatay niya. At malamang ay siya rin ang lihim na nagbigay ng impormasyon kay Craig tungkol sa binabalak kong assassination kay Mrs. Madrigal noon. Kung hindi ko mapapatay si Madrigal ay mahuhuli naman ako ni Craig. Walang mawawala sa kanya kung nangyari iyon. Nahuhulaan ko rin na
ShanraPabiling-biling ako sa ibabaw ng kama habang nakahiga. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Gustong-gusto ko nang makabalik muli sa Maynila para maumpisahan ko na ang aking paghihiganti.Kaninang madaling-araw ay nakabalik ako rito mula sa Maynila. Bumalik ako para hindi maisip ni Ninong na ako ang pumasok sa loob ng bahay niya. Sigurado naman kasi na matutuklasan niyang pinasok ang library niya lalo pa at may mahalagang bagay itong nawala. Ang blue book na kinuha ko bago ako umalis sa bahay niya. Nakita ko ang blue book na nakahanay sa ibang mga aklat nito. Naiiba ito sa mga aklat na naroon dahil ito lamang ang manipis at nakaipit ng mabuti sa dalawang makakapal na aklat kaya nakaagaw ng aking atensiyon. At nang hinugot ko at binuklat ang laman ay nagulat ako na isa pala itong blue book. At mas nagulat ako nang makita kong nakasulat doon ang mga pangalan ng lahat nang matataas na pangalan na may posisyon sa lipunan na siya palang bumubuo sa BAS. Iyong makagkasunod na p
Pagkatapos ng nangyaring pagtangkang pagpatay sa akin sa loob ng rest house ay kinausap ko si Estong. Halatado sa kilos niya na kinakabahan siya kaya alam ko na may kinalaman siya sa pag-atake sa akin kaya naman pilit ko siyang pinaamin. Ngunit kahit anong pagpiga ang gawin ko sa kanya ay hindi niya sinabi sa akin kung sino ang may pakana ng lahat sa halip ay binigyan lamang niya ako ng clue. Mataas ang posisyon sa BAS ng taong may pakana ng lahat. Ito lang din daw kasi ang kanyang nalalaman.Nang malaman ko kay Estong ang tungkol sa bagay na ito ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Walang ibang nakakaalam kung nasaan ako kundi si Ninong maliban kung sinabihan niya si Mr. Jung kung nasaan ako at ang huli ang nag-utos para patayin ako. Ngunit impossible na si Mr. Jung ang nag-utos na ipapatay ako dahil alam niyang babalikan ko siya kapag malaman ko na siya ang may pakana ng lahat. At saka nagtatago siya sa akin ngayon dahil natatakot siyang bisitahin ko siya at tanungin tungkol sa n
ShanraGaya ng nakasanayan kong gawin ay maaga akong gumising para mag-jogging sa dalampasigan. Nagkaroon na yata ako ng tinatawag na body clock kaya kahit hindi ako mag-alarm sa cellphone ko ay maaga pa rin akong nagigising. Isinaksak ko ang electric thermos at naghilamos habang hinihintay na kumulo ang tubig. Isang puting jogging pants at puting sweatshirt ang aking isinuot bago ako lumabas at nagtimpla ng gatas sa kusina. Quarter to six ay lumabas na ako at nagsimulang tumakbo sa dalampasigan.Apat na araw na ako rito sa Amara Beach Resort at aaminin ko na nage-enjoy ako sa pananatili ko rito. Mamula-mula na ang balat ko dahil madalas akong nagbibilad sa araw katulad ng ginagawa ng mga turistang nakikita ko palagi. Payapa ang aking isip at hindi ko hinahayaang makapasok sa aking isip ang mundong saglit kong iniwan. Ini-off ko ang cellphone ko at itinago sa aking bag para hindi ako matuksong silipin ito at kahit ang aking deadly needles ay iniwan ko sa bahay ko. Talagang katahimika