“Kumain ka na muna bago ka lumakad.” Nilingon ni Haze si Manong Jomar matapos isarado ang locker. Pasado ala una na ng hapon nang natapos sila sa trabaho. Mahaba ang hallway ng palapag na iyon. Kaya paniguradong aabutin siya ng alas dos kung hindi nagbuluntaryong tumulong ang matanda.“Oo nga. Sumabay ka na sa’min,” saad ni Aling Wena, ang ale kanina na kasama ni Manong Jomar. “Lagpas alas dose na, o. Hindi ka pa naman nakapagtanghalian,” dugtong nito habang sinusulyapan ang wall clock. “Baka bigla ka na lang himatayin d’yan sa kalsada. Ma-issue pang pinagkakaitan ng kumpanya ang mga empleyado ng pagkain.” Tinapunan niya ito ng tingin. “May kainan dito?” tanong niya. “May canteen sa likod nitong kumpanya,” si Manong Jomar ang sumagot. Napatango siya. “Kayo na lang ho. Hindi sapat itong dala kong pera, e.” Bente pesos lang naman ang dala niyang pera. Barya pa. Hindi ito kakasya kung sa canteen siya ng kumpanya kakain dahil siguradong mahal doon ang mga paninda. Uuwi na lang siguro
Read more