Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 751 - Chapter 760

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 751 - Chapter 760

1219 Chapters

Kabanata 751

Sinenyasan ni Hannah si Ava na lumapit upang mag-usap. Noong umupo si Ava sa harap niya, hininaan niya ang kanyang boses. “Ava, syempre, hindi pwedeng mabuhay ang batang ‘to…”“Ano?” Nagulat si Ava. Mula nang mabuntis ang kanyang ina, pakiramdam niya ay kukunin ng sanggol na sa sinapupunan ng kanyang ina ang kakaunting pagmamahal na natitira para sa kanya, kaya masamang-masama ang loob niya.Ngayong narinig ang sinabi ni Hannah, nag-alinlangan siya. Kung sabagay, kapatid niya ito sa ina. Kung talagang lalaki ito, maaari niya siyang mapakinabangan sa hinaharap. “Bakit mom? Sinabi ba ng doktor na hindi ito mabubuhay?”“Kabisado ko ang katawan ko.” Tumingin sa kanya si Hannah. “Masyadong delikado para sa isang kasing edad ko ang manganak. Kahit na maipanganak ko ito, baka mahirapan akong alagaan ang bata… Tsaka, hindi siya anak ng tanga na ‘yun…”“Mom, hindi alam ng tanga na ‘yun ang tungkol dito! Tingnan mo kung gaano siya kasaya. Poprotektahan ka niya!”“Hindi!” Nagbago ang e
last updateLast Updated : 2024-01-25
Read more

Kabanata 752

”Ayos lang ‘yun,” ang mahinang sinabi ni Cordelia. “Umorder na ako ng inumin para sa'yo. Mahilig ka sa blueberry cheese milk tea, tama?”“Hah, Cordelia.” Tumanggi pa rin si Ava na hubarin ang kanyang sunglasses. “Gusto ko ‘to noong nakaraan, pero hindi na ngayon! Kailangan ko nang panatilihin ang hubog ng katawan ko. Lalo na, napakarami kong eksenang kailangang i-shoot… Tsaka, kapag may nakakita sa'kin na umiinom ng milk tea sa isang shop na gaya nito, maaapektuhan ang imahe ko!”“Oh…” Tumango si Cordelia at ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang hindi magpakita ng emosyon. “Ah, oo nga pala, Ava, pinapunta kita dito ngayon para pag-usapan ang tungkol sa pelikula.”“Maayos ang takbo ng lahat, huwag kang mag-alala!” Inangat ni Ava ang kanyang baba. “Sinabi ni Ms. Lulham isa akong talentadong aktres, at siguradong sisikat ako sa pelikulang ito!” “Talaga?” Natawa si Cordelia. “Mabuti naman pinuri ka niya, pero… Kinalulungkot ko na hindi na maaaring ituloy ang production.”In
last updateLast Updated : 2024-01-25
Read more

Kabanata 753

Ang sabi ni Zephyr ng may malalim na boses, “Walang problema.”Sinundan ng mga tauhang inutusan niya ang taxi ni Ava at pinadala nila sa kanya ang GPS location.Papunta ang taxi sa isang lugar sa labas ng siyudad at ito rin ang lugar kung saan nila nasundan si Hannah noong nakaraan.Totoong pupunta si Ava kay Chuck.Ngumisi si Zephyr. Ang dumaraming bilang ng mga ebidensya ay parang isang lobo na patuloy na lumalaki at naghihintay lang na pumutok balang araw.Masakit man ang katotohanan sa ngayon, pero habangbuhay nang magiging payapa si Noah.“Salamat, darling,” ang marahang sinabi ni Zephyr. “Magpahinga ka na. Ako na ang bahala.”Tumango si Cordelia at bumalik siya sa villa kasama ang mga bodyguard.Pagkaraan ng ilang araw, nakipagkita si Zephyr kay Neil sa opisina.Umupo ang award-winning actor sa sofa habang nakakrus ang kanyang mahahabang binti. Maging ang isang puting suit na mahirap suotin ay mukhang bagay na bagay sa kanya.Bihirang pumunta ang mga babaeng empleyado n
last updateLast Updated : 2024-01-25
Read more

Kabanata 754

Nasa may bakuran ang handaan. Tumutugtog ang mga string instrument, at kumalat sa hangin ang amoy ng wine. Namumukadkad din ang mga rosas sa hardin. Pakiramdam mo ay bumalik ka sa Eropah noong ika-16 na siglo. Kahit na malaki na ang kanyang tiyan, nakihalubilo si Cordelia sa mga bisita kasama si Zephyr. Naawa si Zephyr sa kanya dahil nahihirapan siyang maglakad at bubuhatin na sana niya siya noong hinawakan ni Cordelia ang braso ni Zephyr. “Ano?” Natawa ang lalaki. “Hindi ba sinabi mo na hindi mo na kailangan ang mga binti mo kapag kasama mo na ako?”“Kailangan ko po ang mga ‘to ngayon!” Bumulong si Cordelia, “Hindi magandang gawin ‘yun sa harap ng pamilya mo!”“Anong kinalaman sa kanila ng paglalambing ko sa asawa ko?”Natawa si Cordelia ngunit pinigilan pa rin niya siya. “Masyado lang talagang makatuwiran si Cordelia!” Ang sabi rin ni Janine ng may mahinang boses, “Ayos lang na buhatin ka niya. Mukhang namamaga ang mga paa mo… Masakit ba?”Marahang umiling si Cordelia. Na
last updateLast Updated : 2024-01-26
Read more

Kabanata 755

Agad na bumangon mula sa sahig si Hannah at tiningnan niya ng masama si Zephyr.“Z-Zephyr Hamerton! Paano mo nagawang magsalita ng ganito sa tita mo!?”“Paano mo nagawang kausap ng ganito ang anak ko!?” Natakot ang lahat sa seryosong boses ni Janine.Napaatras si Hannah at sinundot niya si Noah para gumawa nanaman siya ng isa pang gulo.Nagsisigaw si Noah, “Janine, sumosobra ka na! Ano… Ano bang ginawang mali ni Hannah? Bakit ka nagpadala ng mga tao para sundan siya!?“Dinadala niya ang anak ko! A-Ayaw mo ba talaga sa kanya? Ayaw mo din ba sa’kin!?”Napangiwi si Janine. Gusto sana niyang sumagot ng ilang beses ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili.Nang maisip niya kung paano siya iniligtas ng nakababata niyang kapatid ng hindi iniisip ang sarili niya kaligtasan noong mga bata pa sila, sumuko siya. Gaano kainit ang ulo niya, hindi niya ito mailabas dahil nilalamon siya ng kanyang konsensya.Lumapit si Zephyr upang tapikin ang kanyang mga balikat para umatras siya.Ilalabas
last updateLast Updated : 2024-01-26
Read more

Kabanata 756

Nasamid si Hannah, hindi siya makasagot.Ngumisi si Janine. “Kung ako ang tatanungin, tama si Cordelia! Kung hindi sila nagbantay ni Zephyr at hindi sila nagpadala ng tao para sundan si Ava, baka maloko talaga siya ng matandang lalaki na ‘yun!“At may baby ka na ngayon, Hannah, pero hindi mo pwedeng pabayaan ang anak mong babae, hindi ba?”“Tama na!” Sumigaw si Hannah at nakita niya si Ava, na nagtatago sa karamihan ng mga tao, sa isang tingin lang.Iniyuko ni Ava ang kanyang ulo at mukhang natataranta siya.Noong sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, naramdaman ni Ava ang pagnanais pumatay sa mga mata ng kanyang ina at nanginig siya.Dumating si Franklin.Narinig niya ang kaguluhang nangyayari dito, at mayroong nagsabi sa kanya ng lahat ng kaganapan.Sa edad niya, matagal nang sanay su Franklin na itago ang kanyang mga emosyon. Gayunpaman, mayroong bagyo sa kailaliman ng kanyang mga mata, at ang kanyang katahimikan ay simula pa lamang ng nagbabadyang bagyo. “Hannah Johns
last updateLast Updated : 2024-01-26
Read more

Kabanata 757

”Mom! Anong…” Nataranta si Ava. Hinawakan niya ang mahapdi niyang pisngi. Pagkataranta, sama ng loob, galit, pagsisisi, at samu't saring mga komplikadong emosyon ang nararamdaman niya. “Huwag mo akong tawaging mom!” Hiningal nang husto si Hannah. “Kinikilala mo pa rin ba ako bilang nanay mo? P… Paano ako nagkaroon ng walang hiyang anak na gaya mo!?”“Mom, huwag kang makinig sa mga sinasabi nila. Kami ni Tito Chuck ay—”“Hindi pa ba sapat ang mga nasa litrato!?” Galit na galit si Hannah. “Hinawakan ng lalaking ‘yun ang baywang mo! At h-hinayaan mo siya? Ginagalit mo ba ako!?”Nanigas si Ava, hindi siya makaimik. Yung totoo, matagal nang napansin ni Hannah ang eskandalo sa pagitan ng anak niya at ng kasintahan niya. Bihira niyang isama si Ava upang makipagkita kay Chuck, ngunit nananatiling nakapako ang manyakis na mga mata ni Chuck kay Ava sa tuwing magkikita sila. Nasaktan siya at nagalit, ngunit mas lamang ang inggit niya. Naiinggit siya sa sarili niyang anak, naiinggit s
last updateLast Updated : 2024-01-26
Read more

Kabanata 758

Dumating ang ilang mga bodyguard na may dalang mga flashlight.Ipinadala sila ni Zephyr dahil matagal na siyang pinaalalahanan ni Cordelia na bantayan sila Hannah at Ava.Hindi inaasahan na ganito kasama si Ava, at nagawa niyang itulak ang sarili niyang ina sa pool!“Dali, nandito siya. Halikayo dito!”Ang mga bodyguard ay malakas, maskulado, at marunong lumangoy, kaya mabilis nilang nailigtas si Hannah mula sa pool.Naalarma ang mga Baker nang malaman nila na nahulog sa pool si Hannah, at nagmadali silang dalhin siya sa ospital.Tinanggal ng doktor ang kanyang mask at bumuntong hininga sa may tapat ng pinto ng emergency ward. “Ayos na ang lagay ng baby niya ngayon.”Nagpasalamat si Noah at natuwa siya.Pagkatapos ay sinabi ng doktor, “Pero mas makakabuti kung sasailalim siya sa isang masusing pagsusuri para makasiguro tayo.”Tumango si Janine at sinenyasan niya ang butler na asikasuhin ang mga kailangang proseso, ngunit inilabas si Hannah mula sa emergency ward habang mukhang
last updateLast Updated : 2024-01-27
Read more

Kabanata 759

Ang sabi ng butler na katabi ni Noah sa kanya, “Sir, si Mr. Carter Irwin ang tagapagmana ng mga Irwin sa Southeast Aciatic. Kilala ang mga Irwin para sa mga nakamit nila sa larangan ng medisina at parmasya. Hindi lang sa Southeast Aciatic, ang kanilang pagiging propesyonal at pagkadalubhasa ay isa rin sa pinakamahusay sa mundo.”Natahimik sandali si Noah bago siya biglang may naalala. “Ah, alam ko na! Y-Yung medical kit sa bahay! May nakasulat na Irwin Pharmaceuticals sa ilang bote ng mga madalas gamitin na gamot doon!”“Iyon ‘yun!”Tuwang-tuwa si Noah nang maisip niya na nakahanap siya ng isang tagapagligtas at hinawakan niya ang kamay ni Cordelia. “Cordelia, t-talaga bang matutulungan ng kapatid mo si Hannah? Uh… Lagi kang inaaway ni Hannah dati. Hihingi ako ng tawad sa’yo para sa kanya, okay?”Tumayo ng tuwid si Noah at yumuko siya habang nagsasalita siya.Noong nahulog siya mula sa kabayo noon, hindi lamang ang ulo niya ang napinsala. Maging ang mga nerve niya ay napinsala din
last updateLast Updated : 2024-01-27
Read more

Kabanata 760

"Hindi mahalaga kung saan." Walang pakialam si Zephyr basta't hindi sila humihinto. Sa sandaling huminto ang sasakyan, tiyak na makakaapekto ito sa pagtulog ng kanyang mahal na asawa.Walang nagawa ang driver kundi magpatuloy sa pagmamaneho sa makinis na kalsada hanggang sa halos maubusan sila ng gasolina at pumunta sila sa isang malapit na gasolinahan.Nang huminto ang sasakyan, nagising si Cordelia gaya ng inaasahan. Nang makitang maliwanag na sa labas, ngunit hindi pa sila nakakarating sa bahay, hindi niya maiwasang magtanong, "Anong nangyayari?""Madam, nakatulog kayo. Hindi ako pinayagan ni Mr. Hamerton na huminto!" Ang nakangiting sagot ng driver.Natigilan si Cordelia. "Ilang oras na ba akong tulog?""Uh... kasing tagal ng kayang ibyahe ng isang tangke ng gasolina."Nagulat si Cordelia at nakita niya ang lalaking katabi niya na buong pagmamahal na nakatingin sa kanya nang tumingala siya."Darling, nakatulog ka ba ng maayos?""Mm!" Hinaplos ni Cordelia ang kanyang buhok.
last updateLast Updated : 2024-01-27
Read more
PREV
1
...
7475767778
...
122
DMCA.com Protection Status