Ang sabi ni Zephyr ng may malalim na boses, “Walang problema.”Sinundan ng mga tauhang inutusan niya ang taxi ni Ava at pinadala nila sa kanya ang GPS location.Papunta ang taxi sa isang lugar sa labas ng siyudad at ito rin ang lugar kung saan nila nasundan si Hannah noong nakaraan.Totoong pupunta si Ava kay Chuck.Ngumisi si Zephyr. Ang dumaraming bilang ng mga ebidensya ay parang isang lobo na patuloy na lumalaki at naghihintay lang na pumutok balang araw.Masakit man ang katotohanan sa ngayon, pero habangbuhay nang magiging payapa si Noah.“Salamat, darling,” ang marahang sinabi ni Zephyr. “Magpahinga ka na. Ako na ang bahala.”Tumango si Cordelia at bumalik siya sa villa kasama ang mga bodyguard.Pagkaraan ng ilang araw, nakipagkita si Zephyr kay Neil sa opisina.Umupo ang award-winning actor sa sofa habang nakakrus ang kanyang mahahabang binti. Maging ang isang puting suit na mahirap suotin ay mukhang bagay na bagay sa kanya.Bihirang pumunta ang mga babaeng empleyado n
Nasa may bakuran ang handaan. Tumutugtog ang mga string instrument, at kumalat sa hangin ang amoy ng wine. Namumukadkad din ang mga rosas sa hardin. Pakiramdam mo ay bumalik ka sa Eropah noong ika-16 na siglo. Kahit na malaki na ang kanyang tiyan, nakihalubilo si Cordelia sa mga bisita kasama si Zephyr. Naawa si Zephyr sa kanya dahil nahihirapan siyang maglakad at bubuhatin na sana niya siya noong hinawakan ni Cordelia ang braso ni Zephyr. “Ano?” Natawa ang lalaki. “Hindi ba sinabi mo na hindi mo na kailangan ang mga binti mo kapag kasama mo na ako?”“Kailangan ko po ang mga ‘to ngayon!” Bumulong si Cordelia, “Hindi magandang gawin ‘yun sa harap ng pamilya mo!”“Anong kinalaman sa kanila ng paglalambing ko sa asawa ko?”Natawa si Cordelia ngunit pinigilan pa rin niya siya. “Masyado lang talagang makatuwiran si Cordelia!” Ang sabi rin ni Janine ng may mahinang boses, “Ayos lang na buhatin ka niya. Mukhang namamaga ang mga paa mo… Masakit ba?”Marahang umiling si Cordelia. Na
Agad na bumangon mula sa sahig si Hannah at tiningnan niya ng masama si Zephyr.“Z-Zephyr Hamerton! Paano mo nagawang magsalita ng ganito sa tita mo!?”“Paano mo nagawang kausap ng ganito ang anak ko!?” Natakot ang lahat sa seryosong boses ni Janine.Napaatras si Hannah at sinundot niya si Noah para gumawa nanaman siya ng isa pang gulo.Nagsisigaw si Noah, “Janine, sumosobra ka na! Ano… Ano bang ginawang mali ni Hannah? Bakit ka nagpadala ng mga tao para sundan siya!?“Dinadala niya ang anak ko! A-Ayaw mo ba talaga sa kanya? Ayaw mo din ba sa’kin!?”Napangiwi si Janine. Gusto sana niyang sumagot ng ilang beses ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili.Nang maisip niya kung paano siya iniligtas ng nakababata niyang kapatid ng hindi iniisip ang sarili niya kaligtasan noong mga bata pa sila, sumuko siya. Gaano kainit ang ulo niya, hindi niya ito mailabas dahil nilalamon siya ng kanyang konsensya.Lumapit si Zephyr upang tapikin ang kanyang mga balikat para umatras siya.Ilalabas
Nasamid si Hannah, hindi siya makasagot.Ngumisi si Janine. “Kung ako ang tatanungin, tama si Cordelia! Kung hindi sila nagbantay ni Zephyr at hindi sila nagpadala ng tao para sundan si Ava, baka maloko talaga siya ng matandang lalaki na ‘yun!“At may baby ka na ngayon, Hannah, pero hindi mo pwedeng pabayaan ang anak mong babae, hindi ba?”“Tama na!” Sumigaw si Hannah at nakita niya si Ava, na nagtatago sa karamihan ng mga tao, sa isang tingin lang.Iniyuko ni Ava ang kanyang ulo at mukhang natataranta siya.Noong sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, naramdaman ni Ava ang pagnanais pumatay sa mga mata ng kanyang ina at nanginig siya.Dumating si Franklin.Narinig niya ang kaguluhang nangyayari dito, at mayroong nagsabi sa kanya ng lahat ng kaganapan.Sa edad niya, matagal nang sanay su Franklin na itago ang kanyang mga emosyon. Gayunpaman, mayroong bagyo sa kailaliman ng kanyang mga mata, at ang kanyang katahimikan ay simula pa lamang ng nagbabadyang bagyo. “Hannah Johns
”Mom! Anong…” Nataranta si Ava. Hinawakan niya ang mahapdi niyang pisngi. Pagkataranta, sama ng loob, galit, pagsisisi, at samu't saring mga komplikadong emosyon ang nararamdaman niya. “Huwag mo akong tawaging mom!” Hiningal nang husto si Hannah. “Kinikilala mo pa rin ba ako bilang nanay mo? P… Paano ako nagkaroon ng walang hiyang anak na gaya mo!?”“Mom, huwag kang makinig sa mga sinasabi nila. Kami ni Tito Chuck ay—”“Hindi pa ba sapat ang mga nasa litrato!?” Galit na galit si Hannah. “Hinawakan ng lalaking ‘yun ang baywang mo! At h-hinayaan mo siya? Ginagalit mo ba ako!?”Nanigas si Ava, hindi siya makaimik. Yung totoo, matagal nang napansin ni Hannah ang eskandalo sa pagitan ng anak niya at ng kasintahan niya. Bihira niyang isama si Ava upang makipagkita kay Chuck, ngunit nananatiling nakapako ang manyakis na mga mata ni Chuck kay Ava sa tuwing magkikita sila. Nasaktan siya at nagalit, ngunit mas lamang ang inggit niya. Naiinggit siya sa sarili niyang anak, naiinggit s
Dumating ang ilang mga bodyguard na may dalang mga flashlight.Ipinadala sila ni Zephyr dahil matagal na siyang pinaalalahanan ni Cordelia na bantayan sila Hannah at Ava.Hindi inaasahan na ganito kasama si Ava, at nagawa niyang itulak ang sarili niyang ina sa pool!“Dali, nandito siya. Halikayo dito!”Ang mga bodyguard ay malakas, maskulado, at marunong lumangoy, kaya mabilis nilang nailigtas si Hannah mula sa pool.Naalarma ang mga Baker nang malaman nila na nahulog sa pool si Hannah, at nagmadali silang dalhin siya sa ospital.Tinanggal ng doktor ang kanyang mask at bumuntong hininga sa may tapat ng pinto ng emergency ward. “Ayos na ang lagay ng baby niya ngayon.”Nagpasalamat si Noah at natuwa siya.Pagkatapos ay sinabi ng doktor, “Pero mas makakabuti kung sasailalim siya sa isang masusing pagsusuri para makasiguro tayo.”Tumango si Janine at sinenyasan niya ang butler na asikasuhin ang mga kailangang proseso, ngunit inilabas si Hannah mula sa emergency ward habang mukhang
Ang sabi ng butler na katabi ni Noah sa kanya, “Sir, si Mr. Carter Irwin ang tagapagmana ng mga Irwin sa Southeast Aciatic. Kilala ang mga Irwin para sa mga nakamit nila sa larangan ng medisina at parmasya. Hindi lang sa Southeast Aciatic, ang kanilang pagiging propesyonal at pagkadalubhasa ay isa rin sa pinakamahusay sa mundo.”Natahimik sandali si Noah bago siya biglang may naalala. “Ah, alam ko na! Y-Yung medical kit sa bahay! May nakasulat na Irwin Pharmaceuticals sa ilang bote ng mga madalas gamitin na gamot doon!”“Iyon ‘yun!”Tuwang-tuwa si Noah nang maisip niya na nakahanap siya ng isang tagapagligtas at hinawakan niya ang kamay ni Cordelia. “Cordelia, t-talaga bang matutulungan ng kapatid mo si Hannah? Uh… Lagi kang inaaway ni Hannah dati. Hihingi ako ng tawad sa’yo para sa kanya, okay?”Tumayo ng tuwid si Noah at yumuko siya habang nagsasalita siya.Noong nahulog siya mula sa kabayo noon, hindi lamang ang ulo niya ang napinsala. Maging ang mga nerve niya ay napinsala din
"Hindi mahalaga kung saan." Walang pakialam si Zephyr basta't hindi sila humihinto. Sa sandaling huminto ang sasakyan, tiyak na makakaapekto ito sa pagtulog ng kanyang mahal na asawa.Walang nagawa ang driver kundi magpatuloy sa pagmamaneho sa makinis na kalsada hanggang sa halos maubusan sila ng gasolina at pumunta sila sa isang malapit na gasolinahan.Nang huminto ang sasakyan, nagising si Cordelia gaya ng inaasahan. Nang makitang maliwanag na sa labas, ngunit hindi pa sila nakakarating sa bahay, hindi niya maiwasang magtanong, "Anong nangyayari?""Madam, nakatulog kayo. Hindi ako pinayagan ni Mr. Hamerton na huminto!" Ang nakangiting sagot ng driver.Natigilan si Cordelia. "Ilang oras na ba akong tulog?""Uh... kasing tagal ng kayang ibyahe ng isang tangke ng gasolina."Nagulat si Cordelia at nakita niya ang lalaking katabi niya na buong pagmamahal na nakatingin sa kanya nang tumingala siya."Darling, nakatulog ka ba ng maayos?""Mm!" Hinaplos ni Cordelia ang kanyang buhok.
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala