"Hindi mahalaga kung saan." Walang pakialam si Zephyr basta't hindi sila humihinto. Sa sandaling huminto ang sasakyan, tiyak na makakaapekto ito sa pagtulog ng kanyang mahal na asawa.Walang nagawa ang driver kundi magpatuloy sa pagmamaneho sa makinis na kalsada hanggang sa halos maubusan sila ng gasolina at pumunta sila sa isang malapit na gasolinahan.Nang huminto ang sasakyan, nagising si Cordelia gaya ng inaasahan. Nang makitang maliwanag na sa labas, ngunit hindi pa sila nakakarating sa bahay, hindi niya maiwasang magtanong, "Anong nangyayari?""Madam, nakatulog kayo. Hindi ako pinayagan ni Mr. Hamerton na huminto!" Ang nakangiting sagot ng driver.Natigilan si Cordelia. "Ilang oras na ba akong tulog?""Uh... kasing tagal ng kayang ibyahe ng isang tangke ng gasolina."Nagulat si Cordelia at nakita niya ang lalaking katabi niya na buong pagmamahal na nakatingin sa kanya nang tumingala siya."Darling, nakatulog ka ba ng maayos?""Mm!" Hinaplos ni Cordelia ang kanyang buhok.
Lumabas na ang resulta, at gaya ng inaasahan, hindi si Noah ang ama ng bata.Bahagyang nanginig ang kamay ni Zephyr habang hawak-hawak ang piraso ng papel. Bagama't nakahanda ang isip niya, hindi niya napigilan ang kanyang galit nang makita ng kanyang mga mata ang resulta.Bagama't mahal siya ni Liam noong siya ay bata pa, ang mga Hamerton ay nakikipag-away at nagpaplano ng masama laban sa isa't isa, kaya hindi siya gaanong nakatanggap ng pagmamahal mula sa kanila.Ang panig ng kanyang lolo sa ina ang nagbigay ng liwanag sa kanyang malamig na pagkabata. Lalo na't hindi nakakalimutan ni Zephyr ang pagmamahal sa kanya ng kanyang tiyuhin. Kinakarga niya siya sa kanyang mga balikat, pasasakayin niya siya sa kanyang likod, at naglalaban sila gamit ang mga espadang kahoy.Bata pa siya noon at hindi marunong magpigil, lagi niyang natatamaan at nasasaktan ang kanyang tiyuhin, ngunit hindi siya sinisi ng huli, nginitian lang siya ng kanyang tiyuhin.Sa tuwing babalik siya sa Centrolis mula
Pagkaalis ni Aurelia sa villa, gusto niyang uminom sa isang bar, ngunit ang mga bar ay nangangailangan ng ID at nakasaad sa batas na ang sinumang wala pang 21 taong gulang ay ipinagbabawal na uminom. Sinubukan niyang pumunta sa ilang mga bar ngunit wala siyang napala at umalis na lamang siya.Nagkataon namang nakasalubong niya ang dati niyang kapitbahay, ang tahimik na matandang lalaki, sa daan. Binati niya siya at nakipagkwentuhan si Aurelia sa lalaki, ngunit hindi magaling magsalita ang lalaki. Nakangiting ibinigay ng lalaki sa kanya ang mga lata ng alak na kabibili lang niya.Kailangan ni Aurelia ang alak at hindi niya ito tinanggihan.Pagkatapos niyang tanggapin ang regalo, umupo siya sa tabi ng kalsada at nagsimulang uminom ng tahimik.Hindi pa siya nakainom noon at muntik na niyang idura ang alak sa unang inom niya.Gayunpaman, mabisa ang alak para malasing at makalimot. Pagkatapos niyang ubusin ang dalawang lata, namula siya at halos hindi siya makalakad ng diretso. Napuno
"Tito..." Ang sabi ni Aurelia habang lasing siya, "M-may sasabihin ako sa’yo...""Bukas na tayo mag-usap." Hinawakan siya ni Neil sa balikat. "Marami kang nainom. Matulog ka muna.""Hindi! Huli na ang lahat bukas. Aalis ka na bukas!"Nagsimulang magsalita ng kung anu-ano si Aurelia.Totoong pinapalakas ng alak ang loob ng isang tao. Kadalasan, hindi kailanman mangangahas si Aurelia na manatiling malapit sa kanya.Ngayon, hindi lang siya naglakas-loob na kumapit sa kanya, kundi sinamantala rin niya ang kanyang pagkalasing at itinulak niya si Neil papasok sa kwarto, isinara niya ang pinto gamit ang isang kawit ng kanyang paa.Sa gulat niya, naitulak si Neil palayo at nawalan ng balanse.Nagkabuhol silang dalawa at bumagsak sila sa kama...Nagulat si Neil, lalo na sa posisyon nila kung saan nasa ibabaw ang babae...Mula sa anggulong ito, lalong naging kabigha-bighani ang magandang mukha ni Aurelia.Tumigil ang hangin, at tila huminto din ang oras. Naririnig lamang ni Neil ang ka
Kinabukasan, gumising si Aurelia na blanko ang isipan at sumasakit ang kanyang ulo.Nang matauhan siya, naalala niya ang mga nangyari kagabi. Malungkot siya pagkatapos niyang umalis sa lugar ni Cordelia at gusto niyang maglasing ngunit hindi niya ito magawa dahil sa wala siyang ID.Pagkatapos ay nakasalubong niya ang dati niyang kapitbahay. Binigyan siya ng mabait na nomad ng kanyang alak, at uminom siya, habang nakaupo sa tabi ng kalsada.Kung ganun... Kung ganun, paano siya nakabalik sa hotel?Sa pagkakatanda niya, tila iniscan niya ang kanyang keycard, ngunit...Biglang dumilat ang mga mata ni Aurelia.Iba ang disenyo ng kwarto kumpara sa kwarto niya! Ang mahinang amoy sa may unan ay ang amoy ng pabango ni Neil! At siya—nakahiga siya sa kama ni Neil!?"Ah!" Natatarantang sumigaw si Aurelia.Katapusan na niya, katapusan na niya! Natulog siya kasama si Neil sa kanyang panaginip kagabi at naisip niya na magagawa niya ang lahat ng gusto niya sa panaginip niya, maging ang mga mal
Ngayong wala na siyang matatakbuhan, hinila ni Chuck si Hannah bilang kanyang bihag.Tumingin sa kanya si Zephyr ng may blankong mukha."Sa tingin mo talaga kaya mo akong takutin gamit niya?""Hah, hindi ka niya kayang takutin, pero kaya niyang takutin tanga sa pamilya mo!"Kumunot ang noo ni Zephyr.Hindi alam ni Chuck na mayroon nang ebidensya si Zephyr sa kanyang mga krimen at iniabot na niya ito sa pulisya. Hindi mahalaga ang ebidensya na nasa sa mga kamay ni Hannah.Hinarap siya ng mga lalaki mula sa Southeast Aciatic gamit ang kanilang mga baril."Sabihin mo sa kanila na ibaba nila ang mga baril nila!" Natatarantang sumigaw si Chuck, "O... Babarilin ko ang pu*ang ‘to dito, ngayon mismo!""Zephyr! Zephyr!" Nagmula sa malayo ang mga sigaw.Natatarantang tumakbo palapit si Noah at pinigilan siya ni Zephyr.Nag-aalala siyang sumigaw, "Bakit nakatayo ka pa dito? Hilingin mo sa kanila na ibaba ang mga baril nila! Hawak pa rin ng lalaki ang Tita Hannah mo!"Malamig ang ekspre
Ito ang pinakamatinding atake ni Hannah kay Chuck!“Chuck Cole…” Nagngitngit ang ngipin nina Hannah. “Buti nga sa'yo! Pinaglaruan mo ang nararamdaman ko, dinaya mo ang pera ko, tapos kinuha mo ang anak ko! Hah, hindi ka palalampasin ng langit nang ganun kadali. Hindi ka magkakaroon ng tagapagmana!“Ikaw… sinipa mo ko ngayon lang. Hindi na mabubuhay ang bata! Pinatay mo ang sarili mong anak. Ikaw ang pumatay sa kanya!”Suminghal si Chuck at tinaas ang baril niya. Nang babaril na siya, tumunog ang sirena ng pulis mula sa malapit at tumagos ang isang bala sa pulso niya. Napasigaw siya sa sakit at bumagsak sa lapag habang tumalsik ang dugo niya. Nahirapang tumayo si Hannah at umatras nang ilang hakbang, pero nadulas siya at nalaglag sa rumaragasang ilog… Hindi nagtagal ang kaguluhan dahil dumating kaagad ang pulis para kontrolin ito. Umalis si Zephyr kasama ni Noah habang sinasamahan ng mga bodyguard. Blangko ang mukha ni Noah sa daan pauwi. Medyo nag-aalala si Zephyr at mah
aSa sobrang sabik ni Ava at nawalan siya ng boses at nanginig ang kamay niyang nakahawak sa phone. Naghanda siya ng gown matagal na panahon na. Mahal ito dahil isa itong limited edition na designer brand, kaya pinipigilan niya ang sarili niyang suotin ito. Sa wakas ay magagamit na niya ito ngayon!Isinagawa ang press conference para sa bagong pelikula kinabukasan. Bago lumabas si Ava, pakiramdam niya ay sobrang tahimik ng apartment kamakailan. Hindi siya pinuntahan ni Chuck at wala rin ang family servant at driver niya.Siya lang ang natira sa malawak na apartment. Pakiramdam niya ay para ba siyang inabandona sa isang islang walang katao-tao. Lumabas mula sa pinto si Ava at huminga nang malalim. Naglalakad pa rin ang mga tao sa daan at nagpatuloy ang lahat kagaya ng kadalasan. Hindi siya inabandona ng mundo. Siguro inabandona lang siya ni Chuck… Nagngitngit ang ngipin niya. Hindi talaga maaasahan ang mga kalalakihan!Pero ayos lang dahil na-invest na niya ang pera. Siya an