Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 761 - Chapter 770

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 761 - Chapter 770

1219 Chapters

Kabanata 761

Lumabas na ang resulta, at gaya ng inaasahan, hindi si Noah ang ama ng bata.Bahagyang nanginig ang kamay ni Zephyr habang hawak-hawak ang piraso ng papel. Bagama't nakahanda ang isip niya, hindi niya napigilan ang kanyang galit nang makita ng kanyang mga mata ang resulta.Bagama't mahal siya ni Liam noong siya ay bata pa, ang mga Hamerton ay nakikipag-away at nagpaplano ng masama laban sa isa't isa, kaya hindi siya gaanong nakatanggap ng pagmamahal mula sa kanila.Ang panig ng kanyang lolo sa ina ang nagbigay ng liwanag sa kanyang malamig na pagkabata. Lalo na't hindi nakakalimutan ni Zephyr ang pagmamahal sa kanya ng kanyang tiyuhin. Kinakarga niya siya sa kanyang mga balikat, pasasakayin niya siya sa kanyang likod, at naglalaban sila gamit ang mga espadang kahoy.Bata pa siya noon at hindi marunong magpigil, lagi niyang natatamaan at nasasaktan ang kanyang tiyuhin, ngunit hindi siya sinisi ng huli, nginitian lang siya ng kanyang tiyuhin.Sa tuwing babalik siya sa Centrolis mula
last updateLast Updated : 2024-01-27
Read more

Kabanata 762

Pagkaalis ni Aurelia sa villa, gusto niyang uminom sa isang bar, ngunit ang mga bar ay nangangailangan ng ID at nakasaad sa batas na ang sinumang wala pang 21 taong gulang ay ipinagbabawal na uminom. Sinubukan niyang pumunta sa ilang mga bar ngunit wala siyang napala at umalis na lamang siya.Nagkataon namang nakasalubong niya ang dati niyang kapitbahay, ang tahimik na matandang lalaki, sa daan. Binati niya siya at nakipagkwentuhan si Aurelia sa lalaki, ngunit hindi magaling magsalita ang lalaki. Nakangiting ibinigay ng lalaki sa kanya ang mga lata ng alak na kabibili lang niya.Kailangan ni Aurelia ang alak at hindi niya ito tinanggihan.Pagkatapos niyang tanggapin ang regalo, umupo siya sa tabi ng kalsada at nagsimulang uminom ng tahimik.Hindi pa siya nakainom noon at muntik na niyang idura ang alak sa unang inom niya.Gayunpaman, mabisa ang alak para malasing at makalimot. Pagkatapos niyang ubusin ang dalawang lata, namula siya at halos hindi siya makalakad ng diretso. Napuno
last updateLast Updated : 2024-01-28
Read more

Kabanata 763

"Tito..." Ang sabi ni Aurelia habang lasing siya, "M-may sasabihin ako sa’yo...""Bukas na tayo mag-usap." Hinawakan siya ni Neil sa balikat. "Marami kang nainom. Matulog ka muna.""Hindi! Huli na ang lahat bukas. Aalis ka na bukas!"Nagsimulang magsalita ng kung anu-ano si Aurelia.Totoong pinapalakas ng alak ang loob ng isang tao. Kadalasan, hindi kailanman mangangahas si Aurelia na manatiling malapit sa kanya.Ngayon, hindi lang siya naglakas-loob na kumapit sa kanya, kundi sinamantala rin niya ang kanyang pagkalasing at itinulak niya si Neil papasok sa kwarto, isinara niya ang pinto gamit ang isang kawit ng kanyang paa.Sa gulat niya, naitulak si Neil palayo at nawalan ng balanse.Nagkabuhol silang dalawa at bumagsak sila sa kama...Nagulat si Neil, lalo na sa posisyon nila kung saan nasa ibabaw ang babae...Mula sa anggulong ito, lalong naging kabigha-bighani ang magandang mukha ni Aurelia.Tumigil ang hangin, at tila huminto din ang oras. Naririnig lamang ni Neil ang ka
last updateLast Updated : 2024-01-28
Read more

Kabanata 764

Kinabukasan, gumising si Aurelia na blanko ang isipan at sumasakit ang kanyang ulo.Nang matauhan siya, naalala niya ang mga nangyari kagabi. Malungkot siya pagkatapos niyang umalis sa lugar ni Cordelia at gusto niyang maglasing ngunit hindi niya ito magawa dahil sa wala siyang ID.Pagkatapos ay nakasalubong niya ang dati niyang kapitbahay. Binigyan siya ng mabait na nomad ng kanyang alak, at uminom siya, habang nakaupo sa tabi ng kalsada.Kung ganun... Kung ganun, paano siya nakabalik sa hotel?Sa pagkakatanda niya, tila iniscan niya ang kanyang keycard, ngunit...Biglang dumilat ang mga mata ni Aurelia.Iba ang disenyo ng kwarto kumpara sa kwarto niya! Ang mahinang amoy sa may unan ay ang amoy ng pabango ni Neil! At siya—nakahiga siya sa kama ni Neil!?"Ah!" Natatarantang sumigaw si Aurelia.Katapusan na niya, katapusan na niya! Natulog siya kasama si Neil sa kanyang panaginip kagabi at naisip niya na magagawa niya ang lahat ng gusto niya sa panaginip niya, maging ang mga mal
last updateLast Updated : 2024-01-28
Read more

Kabanata 765

Ngayong wala na siyang matatakbuhan, hinila ni Chuck si Hannah bilang kanyang bihag.Tumingin sa kanya si Zephyr ng may blankong mukha."Sa tingin mo talaga kaya mo akong takutin gamit niya?""Hah, hindi ka niya kayang takutin, pero kaya niyang takutin tanga sa pamilya mo!"Kumunot ang noo ni Zephyr.Hindi alam ni Chuck na mayroon nang ebidensya si Zephyr sa kanyang mga krimen at iniabot na niya ito sa pulisya. Hindi mahalaga ang ebidensya na nasa sa mga kamay ni Hannah.Hinarap siya ng mga lalaki mula sa Southeast Aciatic gamit ang kanilang mga baril."Sabihin mo sa kanila na ibaba nila ang mga baril nila!" Natatarantang sumigaw si Chuck, "O... Babarilin ko ang pu*ang ‘to dito, ngayon mismo!""Zephyr! Zephyr!" Nagmula sa malayo ang mga sigaw.Natatarantang tumakbo palapit si Noah at pinigilan siya ni Zephyr.Nag-aalala siyang sumigaw, "Bakit nakatayo ka pa dito? Hilingin mo sa kanila na ibaba ang mga baril nila! Hawak pa rin ng lalaki ang Tita Hannah mo!"Malamig ang ekspre
last updateLast Updated : 2024-01-28
Read more

Kabanata 766

Ito ang pinakamatinding atake ni Hannah kay Chuck!“Chuck Cole…” Nagngitngit ang ngipin nina Hannah. “Buti nga sa'yo! Pinaglaruan mo ang nararamdaman ko, dinaya mo ang pera ko, tapos kinuha mo ang anak ko! Hah, hindi ka palalampasin ng langit nang ganun kadali. Hindi ka magkakaroon ng tagapagmana!“Ikaw… sinipa mo ko ngayon lang. Hindi na mabubuhay ang bata! Pinatay mo ang sarili mong anak. Ikaw ang pumatay sa kanya!”Suminghal si Chuck at tinaas ang baril niya. Nang babaril na siya, tumunog ang sirena ng pulis mula sa malapit at tumagos ang isang bala sa pulso niya. Napasigaw siya sa sakit at bumagsak sa lapag habang tumalsik ang dugo niya. Nahirapang tumayo si Hannah at umatras nang ilang hakbang, pero nadulas siya at nalaglag sa rumaragasang ilog… Hindi nagtagal ang kaguluhan dahil dumating kaagad ang pulis para kontrolin ito. Umalis si Zephyr kasama ni Noah habang sinasamahan ng mga bodyguard. Blangko ang mukha ni Noah sa daan pauwi. Medyo nag-aalala si Zephyr at mah
last updateLast Updated : 2024-01-29
Read more

Kabanata 767

aSa sobrang sabik ni Ava at nawalan siya ng boses at nanginig ang kamay niyang nakahawak sa phone. Naghanda siya ng gown matagal na panahon na. Mahal ito dahil isa itong limited edition na designer brand, kaya pinipigilan niya ang sarili niyang suotin ito. Sa wakas ay magagamit na niya ito ngayon!Isinagawa ang press conference para sa bagong pelikula kinabukasan. Bago lumabas si Ava, pakiramdam niya ay sobrang tahimik ng apartment kamakailan. Hindi siya pinuntahan ni Chuck at wala rin ang family servant at driver niya.Siya lang ang natira sa malawak na apartment. Pakiramdam niya ay para ba siyang inabandona sa isang islang walang katao-tao. Lumabas mula sa pinto si Ava at huminga nang malalim. Naglalakad pa rin ang mga tao sa daan at nagpatuloy ang lahat kagaya ng kadalasan. Hindi siya inabandona ng mundo. Siguro inabandona lang siya ni Chuck… Nagngitngit ang ngipin niya. Hindi talaga maaasahan ang mga kalalakihan!Pero ayos lang dahil na-invest na niya ang pera. Siya an
last updateLast Updated : 2024-01-29
Read more

Kabanata 768

Sumugod si Ava na para bang nasiraan siya ng bait bago nakatapos si Millie. Nakakibo kaagad si Millie at umatras siya nang dalawang hakbang, kung kaya't hindi siya natamaan ni Ava, sa halip ay bumagsak siya at nagwawalang sumigaw. Mabilis na nakuha ng mga reporter ang eksena at kaagad na kumislap ang mga flash ng camera. Nakita ni Trinity na ito na ang oras at tinignan niya ang assistant niya. Pinakita ng screen ang accounts ng Prestige Agency kung saan nagmula ang 15,000,000 Eropah dollars mula kay Chuck at ang balita ng pagkahuli kay Chuck. “May gusto rin akong ianunsyo.” Kalmado at malakas ang presensya ni Trinity. “May mga tsismis kamakailan na nagsasabing sasali si Ms. Baker sa production bilang babaeng bida gamit ng investment funds na ipapasok niya. Pwede ko ba itong liwanagan ngayon…“Sumali nga si Ms. Ava Baker gamit ng pondo, pero ang halagang 15,000,000 Eropah dollars ay para pala sa money laundering ng mga kriminal!“Ako, si Trinity Lulham, bilang isang filmmaker
last updateLast Updated : 2024-01-29
Read more

Kabanata 769

“Kung… Kung sakali lang!” Tumingin si Cordelia sa kanya. “Paano kung may nakilala kang ganun?”Tinikom ni Zephyr ang mga labi niya. Walang kayang makahawak sa mga “kung sakali”.Kapag abala na ang mga babae sa mga ganitong tanong, magsasagawa siya ng isang buong teleserye sa isipan niya. Kahit si Trinity ay hindi magtatangkang maging direktor para sa pelikula niya. Pero, kapag pumalpak ang lalaki na labanan ang “kung sakali”, magiging matindi ang kapalit nito. Tumawa si Zephyr. Baka mas marami pa siyang karapatan kaysa kay Nicholas pagdating sa mga patibong at may lamang mga tanong ngayon. Wala lang ito para sa kanya! Umubo siya at nagtanong, “Oh, kung may makilala ako? Sige, saan kami nagkita?”“Um…” kumurap ang mga bilugang mata ni Cordelia. “Sa kung saan lang.”“Paano mapupunta sa kung saan ang asawa mo?” “Kung ganun… nagkita kayo sa kalye!”“Nagmamaneho ang asawa ko kapag nasa labas siya. Hindi siya naglalakad sa kalye.”Ngumisi si Cordelia. “Kung ganun, naaksidente k
last updateLast Updated : 2024-01-29
Read more

Kabanata 770

Isa sa kanila ay naroon para samahan si Cordelia sa panganganak niya, habang ang isa ay narito para suriin ang kondisyon ni Noah. “Papa, kumusta?” Nag-aalalang nagtanong si Cordelia. Mahinang umiling si Rowan nang may seryosong ekspresyon. Nanlumo ang puso ni Zephyr. “Kaya kong gawin ang lahat para gamutin siya.” Tumingin si Rowan sa kanila. “Pero wag kayong masyadong umasa. Hindi ito isang bagay na nagagamot sa loob ng maikling panahon at hindi sapat ang gamot lang. Kailangan niya rin ng rehab training.”“Mm.” Tumango si Zephyr. “Salamat, papa.”Bumuntong-hininga si Xyla at nagsabing, “Ang totoo, lumapit sa'kin noon ang nanay mo noong nalaglag si Noah sa kabayo. Ang tatay ko ang gumamot sa kanya noon, at sumali ang lolo ko. Natiyak lang nila na hindi lalala ang kondisyon niya. Baka hindi madali para sa kanyang gumaling at maging normal. “Mabuti at hindi ito lumala.” Tinapik ni Rowan ang balikat niya. “Ang pinsala sa utak ay nananatili pa ring isang hamon sa larangan ng medis
last updateLast Updated : 2024-01-30
Read more
PREV
1
...
7576777879
...
122
DMCA.com Protection Status