Semua Bab The Three Little Guardian Angels: Bab 1051 - Bab 1060

2769 Bab

Kabanata 1052

Kalmadong sumagot si Nolan. “In-law ko.”Agad na nagtanong si Maisie, “Sigurado ba kayong may ninakaw si Hector? Inimbestigahan niyo ba?”Hindi alam ng officer ang gagawin. “Nahanap sa bag ni Mr. Vanderbilt ang mamahaling relo. Iniimbestigahan pa rin namin ang nangyari.”Mabilis na pumasok si Maisie sa interrogation room. Lumingon si Hector sa kaniya at napayuko. “Hindi ko ninakaw yung relo.”Tiningnan siya ni Maisie. “Naniniwala ako sa iyo, anong nangyari?”Humigpit ang kamao ni Hector. “Binigay yun sa akin ng assistant ng editor-in-chief.” Nag-igting ang panga niya. “Nahuli kong sa office na may karelasyon ang misis ng editor-in-chief, at sinubukan niya akong suhulan ng relo para hindi ako magsalita. Hindi ako pumayag at hindi ko rin tinanggap ang relo, pero bigla na lang napunta yun sa bag ko.”Huminga nang malalim si Maisie dahil malinaw na isa itong setup. Napahawak siya sa kaniyang noo. “Nalaman niyang nalaman mo?”Tumango si Hector.Tiningnan siya ni Maisie. “Paano mo n
Baca selengkapnya

Kabanata 1053

Nakakagulat na hindi siya pinaalis ng editor-in-chief. Mayroon ba siyang nalaman?Namutla si Mr. Lowe nang maisip niya yun.Nang gustong magpadala ng tao ng editor-in-chief para tingnan ang footage. Biglang nagsalita si Mr. Lowe, “Hindi lang yun pagkakaintindihan, hayaan na natin.”Nagtinginan ang mga staff sa tabi niya, napansin nilang mayroong hindi tama.Tiningnan siya ni Hector. “Bakit hindi natin i-check ang mga camera? Naaresto ako dahil sa iyo, at pinagbintangan ako. Kailangan natin ang surveillance video para malinis ang pangalan ko.”“Ikaw!” Nagliyab sa galit ang mga mata ni Mr. Lowe habang nag-igting naman ang panga niya. “Pasensya na kung sinisi kita.”Ngumiti si Hector. “Sige, hindi na kailangan tingnan ang footage kung sa tingin mo rin ay hindi lang ito pagkakaintindihan.”Pagkatapos ng meeting, hinabol ni Mr. Lowe si Hector at hinila niya ito papunta sa corridor.Pagalit niyang kinwelyuhan si Hector. “Sinabi mo ba sa editor-in-chief?”Kalmado ang mukha ni Hector.
Baca selengkapnya

Kabanata 1054

Ngumiti si Hector. “Binigyan kita ng pagkakataon para humingi ng tawad, pero hindi mo yun kinuha.”Tumawa nang malakas si Mr. Lowe. “Gusto mong humingi ako ng tawad sa isang batang katulad mo?” Pinabilog niya ang kaniyang kamao. “Nananaginip ka ba? Sino ka sa tingin mo?”Tinabig ni Hector ang kamay ni Mr. Lowe at tinulak niya ito. Inayos niya ang gusot sa kaniyang damit, at ikinagulat naman ni Mr. Lowe ang ginawa niya.Lumapit sa kaniya si Hector. Mas matangkad siya kay Mr. Lowe. “Hindi mo kailangan malaman kung sino ako.”Tinapik niya ang pisngi ni Mr. Lowe. “Dahil bigo kang pagbintangan ako, sumuko ka na. Alam ko ang ginawa mo, kaya dapat makipagtulungan ka sa akin, kung hindi, hindi ko masisigurado na hindi malalaman ng iba ang sikreto mo.”“P-pinagbabantaan mo ba ako?” Namutla ang mukha ni Mr. Lowe, pero hindi niya kasing tapang si Hector.Ngumiti si Hector. “Mr. Lowe, hindi lahat ng baguhan ay mapagbabantaan mo. Hindi ka nakakatakot para sa akin.”Hindi niya na pinansin si
Baca selengkapnya

Kabanata 1055

Nagpunta sina Maisie at Lucy sa design planning department at nakita ang head ng department na nililibot si Naomi. Kahit na importante siya sa Eastwood Enterprise, naging mapagkumbaba siya sa Soul, kaswal ang suot niya at walang suot na mamahaling brad o alahas.Hindi nawawala ang ngiti niya habang kinakausap ng head ng department.Pinapakita nun na maganda ang pagpapalaki kay Naomi at hindi katulad ng ibang mayayamang dalaga.Nakita ng head ng department si Maisie at nakangiting lumapit. “Ms. Vanderbilt.”Nang makita siya ni Naomi, nginitian siya nito at tinanguan.Ganoon din ang ginawa ni Maisie. “Kumusta ang unang araw mo?”Huminto muna si Naomi bago nakangiting sumagot. “Ayos lang, pero huwag kang mag-alala, mabilis akong matututo.”Ngumiti si Maisie. “Naniniwala ako sa iyo.”Nakita siya ni Naomi sa ospital, pero nang makita niya ulit si Maisie sa Soul, hindi na siya nagulat dahil nagbasa na siya tungkol sa kumpanya at kung paano ito nagsimula.Magalang siya at hindi nagpa
Baca selengkapnya

Kabanata 1056

Napahawak si Yorrick sa kaniyang noo at ngumiti. “Magiging magaling siya balang-araw, kaya sa tingin ko ay hindi mali na maaga akong maghanda. Kung magkakaroon ako ng anak balang-araw, pwede niyang maging kapatid ang anak kong lalaki, at pwede niyang maging asawa ang anak kong babae. Sa tingin ko ay magandang plano yun.”Sumagot si Nolan nang hindi inaangat ang ulo. “Well, congratulations sa iyo in advance, kung ganoon.”Natigilan si Yorrick. Matapos ang ilang sandali, tumawa siya at sinabing, “Naalala kong kasing edad niya ang anak mong babae, tama? Ayaw mo ba munang siguraduhin ang spot para sa anak mo?”“Hindi ako interesado,” Sagot ni Nolan. “Kahit na ayaw man magpakasal ng anak kong babae balang-araw, kaya ko siya buhayin.”Tumawa si Yorrick. “Hindi natin masasabi ang mangyayari.”Hinain ng waiter ang pagkain nila at tumunog naman ang phone ni Yorrick. Tiningnan niya ang kaniyang phone at pinasa yun sa kaniyang bodyguard. “Naniniwala akong alam mo kung anong dapat mong gawin
Baca selengkapnya

Kabanata 1057

Mahigpit na kumuyom ang kamao ni Jodie hanggang sa mamuti na ang kamao niya. Sa pananaw niya, pinapahiya at inaasar siya ni Ryleigh,Nang lagpasan siya ng mga ito, isang malamig na ngisi ang lumitaw sa gilid ng bibig niya. Hinubad niya ang bracelet niya at palihim itong nilagay sa hood ni Daisie nang malapit na ito sa kaniya.Saka siya sumigaw, “Ang bracelet ko! Nawawala ang bracelet ko!”Huminto si Ryleigh at lumingon nang marinig niya ang boses ni Jodie.Nakita niyang nagrereklamo si Jodie sa manager, sinasabi nitong nawawala ang bracelet niya. Tiningnan niya si Ryleigh at para bang mayroong ideyang sumagi sa isip niya, tinuro niya si Ryleigh at sinabing, “Sila yun! Nabangga ako ng batang yun kanina. Siya siguro ang kumuha ng bracelet ko!”Inutusan ng manager ang waiter na lapitan si Ryleigh.Lumapit sa kanila ang waiter at sinabing, “Pasensya na, ma’am. Sinasabi ng babaeng nandoon na nawala ang bracelet niya. Pwede niyo bang sabihin sa mga anak niyo na….”Naintindihan na rin
Baca selengkapnya

Kabanata 1058

“Anong sinasabi mo!?” Nagbago ang mukha ni Jodie. Hindi niya akalain na mapapansin ni Colton ang peke niyang diamonds.Peke lang ang diamond bracelet niya. Kahit na hindi ito totoong diamond bracelet, isa itong grade-A counterfeit na nabili niya sa halagang $150.Hindi siya pinansin ni Ryleigh. Tumaas ang mga kilay niya at ngumiti. “Magaling, Colton.”Gulat na napatitig ang manager sa bata at nagtanong, “Paano ka nakakasigurado na hindi totoong diamonds yan?”Kahit siya ay hindi yun makikita.Suminghl si Colton at kampanteng sinabi, “Isang jewelry designer ang nanay ko. Marami siyang karanasan sa mga diamonds, at maraming beses ko nang narinig sa kaniya yun.”Pagkatapos, nagpatuloy siya. “Ang totoong diamond ang pinakamatigas na bato sa buong mundo. Kahit na ikiskis mo yun sa liha, hindi yun magagasgas. Pero, tingnan niyo ‘to.”Nilapit niya ang bracelet sa kanila at sinabing, “Mayroong gasgas ito pagkatapos kong apakan nang ilang beses, at isa lang ang ibig sabihin nito. Peke an
Baca selengkapnya

Kabanata 1059

Namutla ang mukha ng manager nang makita niya si Nolan. Doon lang niya napagtanto na mga anak ni Nolan sina Colton at Daisie.Nagulat din si Jodie.Napakagawapo ng lalaking nakatayo sa harapan niya. Mukhang masungit ito, at saktong-sakto sa katawan nito ang suot na custom-made suit. Walang kahit isang gusot, at mukhang napakayaman nito.Lumapit si Ryleigh kay Nolan at sinabing, “Hindi ko alam na nandito ka, Mr. Goldmann. Saktong-sakto lang. Inaapi si Daisie.”Tinulak ng manager ang waiter at lumapit kay Nolan. Tinanguan niya ito at sinabing, “Mr. Goldmann, pasensya na at masama ang naging experience ng anak niyo dito.”‘Mr. Goldmann? Siya ang sikat na Mr. Goldmann mula sa mga Goldmann!?’Napaatras si Jodie, at naging kasing puti ng papel ang mukha niya.Malamig siyang tiningnan ni Nolan at tinanong, “Anong sinasabi mo kanina lang?”Natigilan si Jodie. Tahimik siyang tinititigan ni Nolan, kinilabutan siya. Nanginig ang mga balikat niya habang sinasabi, “W-wala akong sinasabi…”
Baca selengkapnya

Kabanata 1060

”Dahil nakikita ko ang potensyal ng project na ‘to.”Pinagkrus ni Yorrick ang mga paa at naupo sa mas komportableng posisyon. “Malaking project ang Persian Gulf at mahaba ang construction period nito, pero kakain din ito ng maraming pondo. At saka, kailangan mong alisin ang panganib ng financial crisis. Hindi halos maalagaan ni Mr. Knowles ang sarili niya ngayon, pero sigurado akong ayaw niya ng anumang problema sa project na ito, tama?”“Nag-invest ka ng 1.1 billion dollars sa project na ito, at kung hindi ito makukumpleto sa tamang oras, malaking lugi yun. Imbes na hintayin na maging disyerto o makuha ng iba ang Persian Gulf, hayaan mo na lang akong sumali.”Nang makitang nag-aalinlangan si Anthony, kinuha ni Yorrick ang teacup niya at lumapit. “Mr. Topaz. Sinisigurado ko sa inyo na hindi ko hahayaan na mayroong mangyari sa Persian Gulf project.”Umangat ang ulo ni Anthony para tingnan si Yorrick. “At anong requirement niyo, Mr. Hathaway?”Uminom si Yorrick sa tsaa niya at hinap
Baca selengkapnya

Kabanata 1061

Umangat ang ulo ni Colton. “Dad, hindi ka ba galit na nabigyan ka namin ng problema?”“Bakit ako magagalit?” Tumawa si Nolan at binaba ang tasa. “Mas mabuti kung malulutas niyo mismo ang problema. Pero kung hindi niyo kaya, mayroon pa rin kayong ako.”Tumakbo si Daisie at niyakap si Nolan at saka ngumisi. “Mabuti naman at hindi kayo galit sa amin. Tinulungan ako ni Colton ngayong araw. Plano pa akong pagbintangan ng masamang babaeng yun na ninakaw ko ang peke niyang diamond bracelet. Akala niya ay hindi pa ako nakakakita nang ganun dati.”Kumunot ang noo ni Nolan.‘Bakit pakiramdam ko ay inuulit lang ng batang ito ang sarili niya?’Pagkaayat ng dalawang bata, pumasok si Quincy at mabilis na lumapit sa harapan ni Nolan. “Mr. Goldmann. Katatawag lang ni Hans, sabi niya ay nagkasakit si Elder Master Goldmann.”Kumunot ang noo ni Nolan. “Alam ba ‘to ng tatay ko?”Tumango si Quincy. “Alam niya na. Nagpunta si Mr.Goldmann sa Stoslo kaninang umaga.”Tumayo si Nolan. “Bumili ka ng dala
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
104105106107108
...
277
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status