Napahawak si Yorrick sa kaniyang noo at ngumiti. “Magiging magaling siya balang-araw, kaya sa tingin ko ay hindi mali na maaga akong maghanda. Kung magkakaroon ako ng anak balang-araw, pwede niyang maging kapatid ang anak kong lalaki, at pwede niyang maging asawa ang anak kong babae. Sa tingin ko ay magandang plano yun.”Sumagot si Nolan nang hindi inaangat ang ulo. “Well, congratulations sa iyo in advance, kung ganoon.”Natigilan si Yorrick. Matapos ang ilang sandali, tumawa siya at sinabing, “Naalala kong kasing edad niya ang anak mong babae, tama? Ayaw mo ba munang siguraduhin ang spot para sa anak mo?”“Hindi ako interesado,” Sagot ni Nolan. “Kahit na ayaw man magpakasal ng anak kong babae balang-araw, kaya ko siya buhayin.”Tumawa si Yorrick. “Hindi natin masasabi ang mangyayari.”Hinain ng waiter ang pagkain nila at tumunog naman ang phone ni Yorrick. Tiningnan niya ang kaniyang phone at pinasa yun sa kaniyang bodyguard. “Naniniwala akong alam mo kung anong dapat mong gawin
Mahigpit na kumuyom ang kamao ni Jodie hanggang sa mamuti na ang kamao niya. Sa pananaw niya, pinapahiya at inaasar siya ni Ryleigh,Nang lagpasan siya ng mga ito, isang malamig na ngisi ang lumitaw sa gilid ng bibig niya. Hinubad niya ang bracelet niya at palihim itong nilagay sa hood ni Daisie nang malapit na ito sa kaniya.Saka siya sumigaw, “Ang bracelet ko! Nawawala ang bracelet ko!”Huminto si Ryleigh at lumingon nang marinig niya ang boses ni Jodie.Nakita niyang nagrereklamo si Jodie sa manager, sinasabi nitong nawawala ang bracelet niya. Tiningnan niya si Ryleigh at para bang mayroong ideyang sumagi sa isip niya, tinuro niya si Ryleigh at sinabing, “Sila yun! Nabangga ako ng batang yun kanina. Siya siguro ang kumuha ng bracelet ko!”Inutusan ng manager ang waiter na lapitan si Ryleigh.Lumapit sa kanila ang waiter at sinabing, “Pasensya na, ma’am. Sinasabi ng babaeng nandoon na nawala ang bracelet niya. Pwede niyo bang sabihin sa mga anak niyo na….”Naintindihan na rin
“Anong sinasabi mo!?” Nagbago ang mukha ni Jodie. Hindi niya akalain na mapapansin ni Colton ang peke niyang diamonds.Peke lang ang diamond bracelet niya. Kahit na hindi ito totoong diamond bracelet, isa itong grade-A counterfeit na nabili niya sa halagang $150.Hindi siya pinansin ni Ryleigh. Tumaas ang mga kilay niya at ngumiti. “Magaling, Colton.”Gulat na napatitig ang manager sa bata at nagtanong, “Paano ka nakakasigurado na hindi totoong diamonds yan?”Kahit siya ay hindi yun makikita.Suminghl si Colton at kampanteng sinabi, “Isang jewelry designer ang nanay ko. Marami siyang karanasan sa mga diamonds, at maraming beses ko nang narinig sa kaniya yun.”Pagkatapos, nagpatuloy siya. “Ang totoong diamond ang pinakamatigas na bato sa buong mundo. Kahit na ikiskis mo yun sa liha, hindi yun magagasgas. Pero, tingnan niyo ‘to.”Nilapit niya ang bracelet sa kanila at sinabing, “Mayroong gasgas ito pagkatapos kong apakan nang ilang beses, at isa lang ang ibig sabihin nito. Peke an
Namutla ang mukha ng manager nang makita niya si Nolan. Doon lang niya napagtanto na mga anak ni Nolan sina Colton at Daisie.Nagulat din si Jodie.Napakagawapo ng lalaking nakatayo sa harapan niya. Mukhang masungit ito, at saktong-sakto sa katawan nito ang suot na custom-made suit. Walang kahit isang gusot, at mukhang napakayaman nito.Lumapit si Ryleigh kay Nolan at sinabing, “Hindi ko alam na nandito ka, Mr. Goldmann. Saktong-sakto lang. Inaapi si Daisie.”Tinulak ng manager ang waiter at lumapit kay Nolan. Tinanguan niya ito at sinabing, “Mr. Goldmann, pasensya na at masama ang naging experience ng anak niyo dito.”‘Mr. Goldmann? Siya ang sikat na Mr. Goldmann mula sa mga Goldmann!?’Napaatras si Jodie, at naging kasing puti ng papel ang mukha niya.Malamig siyang tiningnan ni Nolan at tinanong, “Anong sinasabi mo kanina lang?”Natigilan si Jodie. Tahimik siyang tinititigan ni Nolan, kinilabutan siya. Nanginig ang mga balikat niya habang sinasabi, “W-wala akong sinasabi…”
”Dahil nakikita ko ang potensyal ng project na ‘to.”Pinagkrus ni Yorrick ang mga paa at naupo sa mas komportableng posisyon. “Malaking project ang Persian Gulf at mahaba ang construction period nito, pero kakain din ito ng maraming pondo. At saka, kailangan mong alisin ang panganib ng financial crisis. Hindi halos maalagaan ni Mr. Knowles ang sarili niya ngayon, pero sigurado akong ayaw niya ng anumang problema sa project na ito, tama?”“Nag-invest ka ng 1.1 billion dollars sa project na ito, at kung hindi ito makukumpleto sa tamang oras, malaking lugi yun. Imbes na hintayin na maging disyerto o makuha ng iba ang Persian Gulf, hayaan mo na lang akong sumali.”Nang makitang nag-aalinlangan si Anthony, kinuha ni Yorrick ang teacup niya at lumapit. “Mr. Topaz. Sinisigurado ko sa inyo na hindi ko hahayaan na mayroong mangyari sa Persian Gulf project.”Umangat ang ulo ni Anthony para tingnan si Yorrick. “At anong requirement niyo, Mr. Hathaway?”Uminom si Yorrick sa tsaa niya at hinap
Umangat ang ulo ni Colton. “Dad, hindi ka ba galit na nabigyan ka namin ng problema?”“Bakit ako magagalit?” Tumawa si Nolan at binaba ang tasa. “Mas mabuti kung malulutas niyo mismo ang problema. Pero kung hindi niyo kaya, mayroon pa rin kayong ako.”Tumakbo si Daisie at niyakap si Nolan at saka ngumisi. “Mabuti naman at hindi kayo galit sa amin. Tinulungan ako ni Colton ngayong araw. Plano pa akong pagbintangan ng masamang babaeng yun na ninakaw ko ang peke niyang diamond bracelet. Akala niya ay hindi pa ako nakakakita nang ganun dati.”Kumunot ang noo ni Nolan.‘Bakit pakiramdam ko ay inuulit lang ng batang ito ang sarili niya?’Pagkaayat ng dalawang bata, pumasok si Quincy at mabilis na lumapit sa harapan ni Nolan. “Mr. Goldmann. Katatawag lang ni Hans, sabi niya ay nagkasakit si Elder Master Goldmann.”Kumunot ang noo ni Nolan. “Alam ba ‘to ng tatay ko?”Tumango si Quincy. “Alam niya na. Nagpunta si Mr.Goldmann sa Stoslo kaninang umaga.”Tumayo si Nolan. “Bumili ka ng dala
“Alam ko, no?” Masaya din si Lucy. “Mataas ang standard ni Ms. Vanderbilt pagdating sa paghahanap ng design. Bukod sa refinement ng workpiece, naghahanap din siya ng creativity. Pinipilit niya din na lahat ng gawa ay kailangan may sariling kaluluwa.”“Kaluluwa?” Tinitigan siya ni Naomi.Nagpaliwanag si Lucy. “Kahit na hindi ko alam kung ano ang kaluluwa ng isang workpiece, ang motto ng Soul Jewelry ay magbigay ng kaluluwa sa lahat ng produkto nito. Ang sabi ni Ms. Vanderbilt, kahit na isang bagay lang ang isang alahas, kailangan bigyan ito ng kahulugan ng designer habang dinidisenyo niya ito.”Naintindihan naman yun bigla ni Naomi.Lumingon sa kaniya si Lucy. “Mataas ang inaasahan sa iyo ni Ms. Vanderbilt.”Natigilan si Naomi. “Ako?”“Oo.” Tumango si Lucy habang nakatitig sa mga alahas sa cabinet. “Ang sabi ni Ms. Vanderbilt ay magiging matagumpay ka rin na jewelry designer balang-araw.”Bumaba ang tingin ni Naomi dahil hindi niya alam kung ano ang iisipin.Gayunpaman, sa sanda
Nang makitang dumating sina Nolan at Maisie, bahagyang nagulat si Nicholas. “Bakit kayo nandito?”“Pumunta kami para makita si lolo.” Sumilip si Nolan sa ward. “Anong nangyari sa kaniya?”Suminghal si Nicholas. “Ano pa ba? Matigas pa rin ang ulo niya kahit ganiyan na ang edad niya. Ayaw niya pa rin pumunta sa ospital kahit matagal nang masama ang pakiramdam niya.”Pagkatapos magpaliwanag ni Nicholas kay Nolan, narinig naman ang naiinis na boses ni Titus mula sa loob ng ward. “Bastardo! Hindi ba’t hypertension lang naman ‘to? Malakas pa rin ang katawan ko.”Tiningnan ni Nicholas si Nolan. “Kita mo na?”Sinabi ng doktor na dumaranas ng hypertension si Titus. Dahil napakatanda na niya, hindi magandang balita ang hypertension para sa mga matatanda.Sumang-ayon si Nicholas sa doktor at sinabi kay Nolan pagkaalis ng doktor, “Pumasok ka at kumbinsihin mo ang lolo mo.”Inayos ni Nolan ang jacket ng suit niya at pumasok sa ward.Nakasandal si Titus sa kama para sa infusion. Dumilat siya